Job
10 “Kinamumuhian ko ang buhay ko.+
Sasabihin ko ang mga hinaing ko.
Daraing ako dahil sa paghihirap ng kalooban ko!
2 Sasabihin ko sa Diyos: ‘Huwag mo akong hatulan.*
Sabihin mo kung bakit nakikipaglaban ka sa akin.
3 Nakikinabang ka ba sa pang-aapi mo,
Sa paghamak sa gawa ng iyong mga kamay,+
Habang pinapaboran mo ang payo ng masasama?
4 Mayroon ka bang mga mata ng tao,
O nakakakita ka bang gaya ng taong mortal?
5 Ang mga araw mo ba ay gaya ng sa mga mortal,
O ang mga taon mo ba ay gaya ng sa tao,+
6 Para alamin mo pa ang pagkakamali ko
At laging hanapin ang kasalanan ko?+
8 Sarili mong mga kamay ang humubog at gumawa sa akin,+
Pero ngayon ay dinudurog mo ako nang lubusan.
9 Alalahanin mo, pakisuyo, na ginawa mo ako mula sa putik,*+
Pero ngayon ay ibinabalik mo ako sa alabok.+
10 Hindi mo ba ako ibinuhos na gaya ng gatas
At pinatigas na gaya ng keso?
13 Pero palihim kang nagplano na gawin ang mga bagay na ito.*
Alam kong galing sa iyo ang mga ito.
15 Kung nagkasala ako, kaawa-awa ako!
16 Kung itaas ko ang ulo ko, magiging gaya ka ng leon na tutugis sa akin+
At muli mong maipapakita kung gaano ka kalakas.
17 Nagdadala ka ng bagong mga testigo laban sa akin,
At pinatitindi mo pa ang galit mo sa akin,
Habang sunod-sunod na problema ang nararanasan ko.
18 Kaya bakit mo pa ako inilabas sa sinapupunan?+
Namatay na sana ako bago pa ako nakita ng sinuman.
19 Sa gayon, parang hindi na ako umiral;
Dinala na sana ako sa libingan mula sa sinapupunan.’
20 Hindi ba kakaunti na lang ang mga araw ko?+ Tigilan na niya sana ako;
Alisin na sana niya ang tingin niya sa akin para maginhawahan* naman ako+
21 Bago ako umalis—at hindi na ako babalik+—
Patungo sa lupain ng matinding kadiliman,*+
22 Patungo sa lupain ng pusikit na kadiliman,
Sa lupain ng napakaitim na anino at kaguluhan,
Kung saan ang liwanag ay gaya ng dilim.”