Awit ni David.
15 O Jehova, sino ang puwedeng maging panauhin sa iyong tolda?
Sino ang puwedeng tumira sa iyong banal na bundok?+
2 Ang taong may malinis na pamumuhay,+
Gumagawa ng tama,+
At nagsasabi ng totoo sa puso niya.+
3 Hindi siya naninirang-puri,+
Hindi siya gumagawa ng masama sa kapuwa niya,+
At hindi niya sinisiraan ang mga kaibigan niya.+
4 Itinatakwil niya ang sinumang kasuklam-suklam,+
Pero pinararangalan niya ang mga natatakot kay Jehova.
Hindi siya sumisira sa pangako, kahit pa makasamâ ito sa kaniya.+
5 Hindi siya nagpapautang nang may patubo,+
At hindi siya tumatanggap ng suhol laban sa walang kasalanan.+
Ang gayong tao ay hindi matitinag.+