Isaias
63 Sino itong dumarating mula sa Edom,+
Mula sa Bozra+ na matingkad* ang damit,
Na napakaganda ng kasuotan
At paparating na may malakas na kapangyarihan?
“Ako iyon, ang nagsasalita ayon sa katuwiran,
Ang may malakas na kapangyarihan para magligtas.”
3 “Mag-isa kong tinapakan ang mga ubas.
Wala akong kasamang sinuman mula sa mga bayan.
Paulit-ulit ko silang tinapakan dahil sa galit ko,
At paulit-ulit ko silang niyurakan dahil sa poot ko.+
Natalsikan ng dugo nila ang suot ko,
At namantsahan ang buong damit ko.
5 Tumingin ako, pero walang naroon para tumulong;
Nagulat ako na walang nag-alok ng tulong.
6 Sa galit ko ay niyurakan ko ang mga bayan,
Nilasing ko sila ng poot ko+
At pinadanak ang dugo nila sa lupa.”
7 Sasabihin ko ang tungkol sa ipinakitang tapat na pag-ibig ni Jehova,
Ang kapuri-puring mga ginawa ni Jehova,
Dahil sa lahat ng ginawa ni Jehova para sa atin,+
Ang maraming mabubuting bagay na ginawa niya para sa sambahayan ng Israel,
Ayon sa kaniyang awa at dakila at tapat na pag-ibig.
8 Dahil sinabi niya: “Talagang sila ang bayan ko, mga anak na hindi magtataksil.”+
Kaya siya ang naging Tagapagligtas nila.+
9 Sa lahat ng paghihirap nila ay nahihirapan siya.+
At iniligtas sila ng sarili niyang mensahero.*+
Dahil sa pag-ibig at habag niya ay tinubos niya sila,+
At binuhat niya sila at dinala sa buong panahong lumipas.+
10 Pero nagrebelde sila+ at pinighati ang banal na espiritu niya.+
11 At naalaala nila ang mga araw noong unang panahon,
Noong panahon ng lingkod niyang si Moises:
“Nasaan ang nagpatawid sa kanila sa dagat+ kasama ng mga pastol ng kawan niya?+
Nasaan ang naglagay sa kaniya ng Kaniyang banal na espiritu,+
12 Ang may maluwalhating bisig na tumulong sa kanang kamay ni Moises,+
Ang humati sa tubig sa harap nila+
Para gumawa ng walang-hanggang pangalan para sa sarili niya,+
13 Ang nagpalakad sa kanila sa dumadaluyong* na tubig,
Kaya nakalakad sila nang hindi nabubuwal,
Gaya ng isang kabayo sa kapatagan?*
14 Gaya ng mga hayop kapag bumababa sila sa kapatagan,
Ang espiritu ni Jehova ang nagbibigay sa kanila ng kapahingahan.”+
15 Tumanaw ka mula sa langit at tumingin ka
Mula sa iyong mataas na tirahan ng kabanalan at kaluwalhatian.*
Ipinagkait sa akin ang mga ito.
Maaaring hindi kami kilala ni Abraham
At maaaring hindi kami makilala ni Israel,
Pero ikaw, O Jehova, ang Ama namin.
Aming Manunubos ang pangalan mo mula pa noong unang panahon.+
17 O Jehova, bakit mo kami hinayaang malihis* sa iyong mga daan?
Bakit mo hinayaang tumigas* ang puso namin at hindi kami matakot sa iyo?+
Bumalik ka, alang-alang sa mga lingkod mo,
Ang mga tribo ng iyong mana.+
18 Sandali lang itong naging pag-aari ng iyong banal na bayan.
Niyurakan ng mga kalaban namin ang santuwaryo mo.+
19 Sa loob ng mahabang panahon ay naging gaya kami ng mga hindi mo pinamahalaan,
Gaya ng mga hindi tinawag sa pangalan mo.