Zefanias
3 Kaawa-awa ang mapaghimagsik, ang marumi, ang mapang-aping lunsod!+
2 Hindi siya nakinig sa tinig;+ hindi siya tumanggap ng disiplina.+
Hindi siya nagtiwala kay Jehova;+ hindi siya lumapit sa kaniyang Diyos.+
3 Ang matataas na opisyal niya ay mga umuungal na leon.+
Ang mga hukom niya ay mga lobo* sa gabi;
Hindi sila nagtitira kahit ng butong mangangatngat sa umaga.
4 Ang mga propeta niya ay mayayabang, mga lalaking taksil.+
5 Si Jehova ay matuwid sa gitna ng lunsod;+ hindi siya gumagawa ng mali.
Uma-umaga ay ipinaaalam niya ang kaniyang mga hatol,+
Na hindi pumapalya gaya ng liwanag ng araw.
Pero ang di-matuwid ay walang kahihiyan.+
6 “Lumipol ako ng mga bansa; ang kanilang mga tore sa mga kanto ng pader ay naging tiwangwang.
Winasak ko ang mga kalye nila kaya wala nang dumadaan doon.
Gumuho na ang mga lunsod nila, walang tao, walang nakatira.+
7 Sinabi ko, ‘Tiyak na matatakot ka sa akin at tatanggapin mo ang disiplina,’*+
Pero lalo lang silang nanabik na gumawa ng masama.+
8 ‘Kaya patuloy kayong maghintay* sa akin,’+ ang sabi ni Jehova,
‘Hanggang sa araw na dumating ako para manamsam,*
Dahil ang hatol* ko ay ang tipunin ang mga bansa at mga kaharian,
Para ibuhos sa kanila ang galit ko, ang lahat ng lumalagablab kong galit;+
Dahil sa nag-aapoy kong galit, ang buong lupa ay matutupok.+
9 Dahil sa panahong iyon, papalitan ko ng dalisay na wika ang wika ng mga tao,
Para lahat sila ay makatawag sa pangalan ni Jehova
10 Mula sa rehiyon ng mga ilog ng Etiopia,
Ang mga nakikiusap sa akin, ang bayan kong nangalat, ay magdadala sa akin ng kaloob.+
11 Sa araw na iyon ay hindi ka mapapahiya
Dahil sa lahat ng pagrerebelde mo sa akin,+
Dahil sa panahong iyon ay aalisin ko ang mayayabang sa gitna mo;
At hindi ka na muling magyayabang sa aking banal na bundok.+
12 Hahayaan ko ang isang mapagpakumbaba at maamong bayan na manatili sa gitna mo,+
At manganganlong sila sa pangalan ni Jehova.
13 Ang mga natitira sa Israel+ ay hindi gagawa ng masama;+
Hindi sila magsisinungaling, at hindi nila gagamitin ang dila nila para mandaya;
Kakain* sila at hihiga, at walang sinumang tatakot sa kanila.”+
14 Sumigaw ka nang may kagalakan, O anak na babae ng Sion!
Sumigaw ka dahil sa tagumpay, O Israel!+
Magsaya ka at magalak nang buong puso, O anak na babae ng Jerusalem!+
15 Inalis ni Jehova ang mga kahatulan sa iyo.+
Itinaboy niya ang kaaway mo.+
Ang Hari ng Israel, si Jehova, ay nasa gitna mo.+
Wala ka nang katatakutang kapahamakan.+
16 Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem:
“Huwag kang matakot, O Sion.+
Huwag mong hayaang lumaylay ang mga kamay mo.
17 Si Jehova na iyong Diyos ay nasa gitna mo.+
Siya ay makapangyarihan at magliligtas siya.
Magbubunyi siya sa iyo nang may malaking kagalakan.+
Magiging tahimik* siya dahil sa pag-ibig niya sa iyo.
Magsasaya siya sa iyo nang may mga hiyaw ng kagalakan.
18 Titipunin ko ang mga namimighati dahil hindi sila makapunta sa mga kapistahan mo;+
Hindi sila makapunta dahil pinapasan nila ang panghahamak sa kaniya.+
19 Sa panahong iyon, haharapin ko ang lahat ng umaapi sa iyo;+
At ililigtas ko ang umiika-ika,+
At titipunin ko ang mga nangalat.+
Gagawin ko silang kapuri-puri at tanyag*
Sa lahat ng lupain kung saan sila hiniya.
20 Sa panahong iyon ay pababalikin ko kayo,
Sa panahon ng pagtitipon ko sa inyo.