Genesis
5 Ito ang aklat ng kasaysayan ni Adan. Nang araw na lalangin ng Diyos si Adan, ginawa Niya siya ayon sa wangis ng Diyos.+ 2 Nilalang niya sila na lalaki at babae.+ Nang araw na lalangin sila,+ pinagpala niya sila at tinawag na Tao.*
3 Si Adan ay 130 taóng gulang nang magkaroon siya ng isang anak na lalaki na kagayang-kagaya niya,* at pinangalanan niya itong Set.+ 4 Nang maisilang ang anak niyang si Set, nabuhay pa si Adan nang 800 taon. At nagkaroon siya ng iba pang anak na lalaki at babae. 5 Kaya nabuhay si Adan nang 930 taon, at siya ay namatay.+
6 Si Set ay 105 taóng gulang nang maging anak niya si Enos.+ 7 Nang maisilang ang anak niyang si Enos, nabuhay pa si Set nang 807 taon. At nagkaroon siya ng iba pang anak na lalaki at babae. 8 Kaya nabuhay si Set nang 912 taon, at siya ay namatay.
9 Si Enos ay 90 taóng gulang nang maging anak niya si Kenan. 10 Nang maisilang ang anak niyang si Kenan, nabuhay pa si Enos nang 815 taon. At nagkaroon siya ng iba pang anak na lalaki at babae. 11 Kaya nabuhay si Enos nang 905 taon, at siya ay namatay.
12 Si Kenan ay 70 taóng gulang nang maging anak niya si Mahalalel.+ 13 Nang maisilang ang anak niyang si Mahalalel, nabuhay pa si Kenan nang 840 taon. At nagkaroon siya ng iba pang anak na lalaki at babae. 14 Kaya nabuhay si Kenan nang 910 taon, at siya ay namatay.
15 Si Mahalalel ay 65 taóng gulang nang maging anak niya si Jared.+ 16 Nang maisilang ang anak niyang si Jared, nabuhay pa si Mahalalel nang 830 taon. At nagkaroon siya ng iba pang anak na lalaki at babae. 17 Kaya nabuhay si Mahalalel nang 895 taon, at siya ay namatay.
18 Si Jared ay 162 taóng gulang nang maging anak niya si Enoc.+ 19 Nang maisilang ang anak niyang si Enoc, nabuhay pa si Jared nang 800 taon. At nagkaroon siya ng iba pang anak na lalaki at babae. 20 Kaya nabuhay si Jared nang 962 taon, at siya ay namatay.
21 Si Enoc ay 65 taóng gulang nang maging anak niya si Matusalem.+ 22 Nang maisilang ang anak niyang si Matusalem, si Enoc ay patuloy na lumakad na kasama ng tunay na Diyos* sa loob ng 300 taon. At nagkaroon siya ng iba pang anak na lalaki at babae. 23 Kaya nabuhay si Enoc nang 365 taon. 24 Si Enoc ay patuloy na lumakad na kasama ng tunay na Diyos.+ Pagkatapos, wala nang nakakita sa kaniya, dahil kinuha siya ng Diyos.*+
25 Si Matusalem ay 187 taóng gulang nang maging anak niya si Lamec.+ 26 Nang maisilang ang anak niyang si Lamec, nabuhay pa si Matusalem nang 782 taon. At nagkaroon siya ng iba pang anak na lalaki at babae. 27 Kaya nabuhay si Matusalem nang 969 na taon, at siya ay namatay.
28 Si Lamec ay 182 taóng gulang nang magkaroon siya ng isang anak na lalaki. 29 Pinangalanan niya itong Noe*+ at sinabi: “Ang isang ito ay magbibigay sa atin ng kaginhawahan* mula sa ating mabigat na trabaho at pagod na mga kamay dahil sa lupang isinumpa ni Jehova.”+ 30 Nang maisilang ang anak niyang si Noe, nabuhay pa si Lamec nang 595 taon. At nagkaroon siya ng iba pang anak na lalaki at babae. 31 Kaya nabuhay si Lamec nang 777 taon, at siya ay namatay.
32 Nang si Noe ay 500 taóng gulang na, nagkaroon siya ng mga anak. Sila ay sina Sem,+ Ham,+ at Japet.+