Mga Kawikaan
18 Ang nagbubukod ng sarili ay nagtataguyod ng makasarili niyang mga hangarin;
3 Kapag dumating ang masamang tao, kasunod nito ang panghahamak,
At kapag kumilos nang kahiya-hiya ang isang tao, darating ang kadustaan.+
4 Ang mga salita ng isang tao ay gaya ng malalim na tubig.+
Ang karunungan mula sa kaniya ay aagos na gaya ng ilog.
6 Ang pananalita ng mangmang ay umaakay sa mga pagtatalo,+
At ang bibig niya ay nag-aanyaya ng pambubugbog.+
8 Ang pananalita ng maninirang-puri ay gaya ng masarap na pagkain;*+
Nilululon iyon agad at dumederetso sa tiyan.+
10 Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore.+
Doon tumatakbo ang matuwid at tumatanggap ng proteksiyon.*+
11 Ang kayamanan ng mayaman ang proteksiyon* niya;
Gaya iyon ng matibay na pader sa imahinasyon niya.+
13 Kapag sumasagot ang isang tao bago niya marinig ang mga detalye,
Kamangmangan iyon at kahiya-hiya.+
15 Ang puso ng may unawa ay kumukuha ng kaalaman,+
At ang tainga ng marurunong ay naghahanap ng kaalaman.
16 Ang regalo ng isang tao ay nagbubukas ng daan para sa kaniya;+
Nakalalapit siya sa importanteng mga tao.
17 Mukhang tama ang unang nagdulog ng kaso+
Hanggang sa dumating ang kabilang panig at pagtatanungin* siya.+
19 Mas mahirap payapain ang nasaktang kapatid kaysa pabagsakin ang isang napapaderang lunsod,+
At may mga pagtatalo na gaya ng mga halang sa tanggulan.+
20 Mabubusog ang isang tao dahil sa bunga ng pananalita* niya;+
Masisiyahan siya sa resulta ng mga sinasabi niya.
21 Ang kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila;+
Kung ang isa ay madalas magsalita, kakainin niya ang bunga nito.+
23 Ang mahirap ay nagmamakaawa,
Pero ang mayaman ay mabagsik sumagot.