Mga Kawikaan
31 Ang mga salita ni Haring Lemuel, ang mahalagang mensahe na itinuro ng kaniyang ina:+
2 Ano ang dapat kong sabihin sa iyo, O anak ko,
Ano, O anak ng aking sinapupunan,
At ano, O anak ng aking mga panata?+
3 Huwag mong ibigay ang lakas mo sa mga babae,+
At huwag kang lumakad sa landasin na nagpapabagsak sa mga hari.+
4 Hindi para sa mga hari, O Lemuel,
Hindi para sa mga hari na uminom ng alak
At hindi para sa mga tagapamahala na magsabi, “Nasaan ang inumin ko?”+
5 Para hindi sila uminom at makalimutan ang naisabatas na
At maipagkait sa mahihirap ang karapatan ng mga ito.
7 Hayaan ninyo silang uminom para malimutan ang kahirapan nila
At hindi na maalaala ang kanilang mga problema.
8 Magsalita ka para sa mga hindi makapagsalita;
Ipagtanggol mo ang karapatan ng lahat ng malapit nang mamatay.+
9 Magsalita ka at maging patas sa paghatol;
Ipagtanggol mo ang karapatan* ng mga nangangailangan at dukha.+
א [Alep]
10 Sino ang makakahanap ng mahusay na* asawang babae?+
Mas malaki ang halaga niya kaysa sa mga korales.*
ב [Bet]
11 Buong-buo ang tiwala ng asawa niya sa kaniya,
At hindi ito nagkukulang ng anuman.
ג [Gimel]
12 Sa buong buhay niya,
Ginagawan niya ito ng mabuti, at hindi ng masama.
ד [Dalet]
ה [He]
ו [Waw]
15 Madilim pa ay bumabangon na siya;
Naghahanda siya ng pagkain para sa sambahayan niya
At para sa mga lingkod niyang babae.+
ז [Zayin]
16 Sinusuri niyang mabuti ang isang bukid bago ito bilhin;
Nagtatanim siya ng mga ubas gamit ang kinita niya.*
ח [Het]
ט [Tet]
18 Tinitiyak niyang kumikita ang negosyo niya;
Ang lampara niya ay hindi namamatay sa gabi.
י [Yod]
כ [Kap]
20 Iniaabot niya ang kaniyang kamay sa nangangailangan
At binubuksan ang mga kamay niya sa mga dukha.+
ל [Lamed]
21 Hindi siya nag-aalala para sa sambahayan niya kapag umuulan ng niyebe,
Dahil may suot na pangginaw ang* buong sambahayan niya.
מ [Mem]
22 Siya ang gumagawa ng sarili niyang kubrekama.
Ang mga damit niya ay gawa sa lino at purpurang lana.
נ [Nun]
23 Ang asawa niya ay kilalang-kilala sa mga pintuang-daan ng lunsod,+
Kung saan ito umuupo kasama ng matatandang lalaki sa lupain.
ס [Samek]
ע [Ayin]
פ [Pe]
צ [Tsade]
27 Binabantayan niya ang gawain ng sambahayan niya,
At hindi niya kinakain ang tinapay ng katamaran.+
ק [Kop]
28 Ang mga anak niya ay tumatayo at ipinahahayag siyang maligaya;
Tumatayo ang asawa niya at pinupuri siya.
ר [Res]
ש [Shin]
30 Mapandaya ang halina, at pansamantala lang* ang kagandahan,+
Pero ang babaeng natatakot kay Jehova ay papupurihan.+
ת [Taw]