Mga Kawikaan
4 Makinig kayo, mga anak ko, sa disiplina ng isang ama;+
Magbigay-pansin kayo para magkaroon ng unawa,
2 Dahil bibigyan ko kayo ng mahuhusay na tagubilin;
4 Tinuruan niya* ako at sinabi: “Buong puso mo sanang sundin ang mga salita ko.+
Tuparin mo ang mga utos ko, at patuloy kang mabubuhay.+
5 Kumuha ka ng karunungan, kumuha ka ng unawa.+
Huwag mong kalimutan ang pananalita ko, at huwag kang lumihis mula rito.
6 Huwag mo itong itakwil, at ipagsasanggalang ka nito.
Ibigin mo ito, at iingatan ka nito.
7 Karunungan ang pinakamahalagang* bagay,+ kaya kumuha ka ng karunungan,
At sa lahat ng dapat mong kunin, tiyakin mong makuha ang unawa.+
8 Lubos mo itong pahalagahan, at itataas ka nito.+
Pararangalan ka nito dahil niyakap mo ito.+
9 Lalagyan ka nito ng magandang putong* sa ulo;
Ipapatong nito sa iyong ulo ang korona ng kagandahan.”
12 Kapag lumalakad ka, ang iyong hakbang ay hindi mapipigilan;
At kung tatakbo ka, hindi ka matitisod.
13 Manghawakan ka sa disiplina; huwag mo itong bitiwan.+
Ingatan mo ito, dahil nakadepende rito ang iyong buhay.+
16 Dahil hindi sila makatulog hangga’t hindi sila nakagagawa ng masama.
Hindi sila makatulog hangga’t wala silang naipapahamak.
17 Kinakain nila ang tinapay ng kasamaan
At iniinom ang alak ng karahasan.
18 Pero ang landas ng mga matuwid ay gaya ng maningning na liwanag sa umaga,
Na patuloy na lumiliwanag hanggang sa katanghaliang-tapat.+
19 Ang daan ng masasama ay gaya ng kadiliman;
Hindi nila alam kung ano ang nakatisod sa kanila.
21 Lagi mong isaisip iyon;
Isapuso mo iyon,+
22 Dahil iyon ay buhay para sa mga nakakahanap nito+
At kalusugan para sa buong katawan* nila.
23 Sa lahat ng dapat mong ingatan, ingatan mo ang iyong puso,+
Dahil dito nagmumula ang bukal ng buhay.
27 Huwag kang liliko sa kanan o kaliwa.+
Ilayo mo sa kasamaan ang iyong mga paa.