Mga Hukom
5 Nang araw na iyon, inawit ni Debora+ kasama si Barak+ na anak ni Abinoam ang awit na ito:+
2 “Dahil sa nakalugay na buhok* ng mga mandirigma sa Israel,
Dahil sa pagkukusa ng bayan,+
Purihin si Jehova!
3 Makinig kayo, mga hari! Makinig kayo, mga tagapamahala!
Aawit ako kay Jehova.
Aawit ako ng mga papuri kay* Jehova,+ ang Diyos ng Israel.+
4 Jehova, sa pag-alis mo sa Seir,+
Sa paglabas mo mula sa teritoryo ng Edom,
Ang lupa ay nayanig, ang langit ay nagbuhos ng ulan,
Ang mga ulap ay nagbuhos ng tubig.
6 Sa panahon ni Samgar+ na anak ni Anat,
Sa panahon ni Jael,+ walang dumadaan sa mga lansangan,
Ang mga manlalakbay ay dumadaan sa mga iskinita.
7 Nawala na ang mga nakatira sa mga nayon ng Israel;
Nawala sila hanggang sa ako, si Debora,+ ay dumating,
Hanggang sa ako ay dumating bilang isang ina sa Israel.+
Walang makikitang kalasag, o sibat,
Sa 40,000 lalaki sa Israel.
Purihin si Jehova!
10 Kayong mga nakasakay sa mga asnong mapusyaw ang kulay,
Kayong mga nakaupo sa mamahaling alpombra,*
At kayong mga naglalakad sa lansangan,
Pag-isipan ninyo!
11 Ang tinig ng mga tagapamahagi ng tubig ay narinig sa mga igiban;*
Inilalahad nila roon ang matuwid na mga gawa ni Jehova,
Ang matuwid na mga gawa ng mga nakatira sa mga nayon ng Israel.
At bumaba ang bayan ni Jehova sa mga pintuang-daan.
12 Gumising ka, gumising ka, O Debora!+
Gumising ka, gumising ka, umawit ka!+
Bumangon ka, Barak!+ Dalhin mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam!
13 At ang mga natira ay pumunta sa matataas na opisyal;
Ang bayan ni Jehova ay lumapit sa akin para makipaglaban sa mga makapangyarihan.
14 Mula sila sa Efraim, ang mga nasa lambak;*
Sinusundan ka nila, O Benjamin, kasama ng iyong mga bayan.
Mula sa Makir+ ay bumaba ang mga kumandante,
At mula sa Zebulon ay bumaba ang mga may hawak ng tungkod ng tagapangalap.*
Sa mga pangkat ni Ruben ay may puspusang pagsusuri ng puso.
16 Bakit ka umupo sa pagitan ng dalawang lalagyang nakakabit sa síya,*
At nakikinig sa mga tumutugtog ng plawta para sa mga kawan?+
Para sa mga pangkat ni Ruben ay may puspusang pagsusuri sa puso.
17 Ang Gilead ay nanatili sa kabilang ibayo ng Jordan;+
At ang Dan, bakit siya nanatili sa tabi ng mga barko?+
Ang Aser ay naupong walang ginagawa sa tabing-dagat,
At nanatili siya malapit sa kaniyang mga daungan.+
19 Dumating ang mga hari, nakipaglaban sila;
At nakipaglaban ang mga hari ng Canaan+
Sa Taanac, sa tabi ng ilog ng Megido.+
Wala silang dinalang samsam na pilak.+
20 Mula sa langit ay nakipaglaban ang mga bituin;
Mula sa mga landas nila ay nakipaglaban sila kay Sisera.
Tinapakan ko ang malalakas.
22 Ang lupa ay niyayanig ng mga yabag ng mga kabayo
Habang dumadaluhong ang kaniyang mga barakong kabayo.+
23 ‘Sumpain ang Meroz,’ ang sabi ng anghel ni Jehova,
‘Oo, sumpain ang mga nakatira dito,
Dahil hindi sila nagpunta para tumulong kay Jehova,
Para tumulong kay Jehova kasama ng malalakas.’
24 Ang pinagpala sa lahat ng babae ay si Jael,+
Ang asawa ni Heber+ na Kenita;
Siya ang pinagpala sa lahat ng babaeng nakatira sa mga tolda.
25 Tubig ang hiningi nito,* gatas ang ibinigay niya.
Sa maringal na mangkok na panghandaan ay nagbigay siya ng gatas.*+
26 Kinuha niya ang tulos na pantolda,
At ng kanang kamay niya ang maso ng isang manggagawa.
Pinukpok niya si Sisera; dinurog niya ang ulo nito;
Binasag niya at binutas ang mga sentido nito.+
27 Sa pagitan ng mga paa niya ay bumagsak ito; nabuwal ito at humandusay;
Sa pagitan ng mga paa niya ay bumagsak ito;
Kung saan ito nabuwal, doon ito bumagsak na talunan.
28 Tumingin mula sa bintana ang isang babae,
Ang ina ni Sisera ay sumilip mula sa bintanang sala-sala,
‘Bakit nagtatagal ang kaniyang karwaheng pandigma?
Bakit hindi ko pa naririnig ang yabag ng mga kabayo niya?’+
29 Ang pinakamatatalino sa mga kasama niyang babae ay sumagot;
Oo, paulit-ulit din niyang sinasabi sa sarili,
30 ‘Pinaghahati-hatian na siguro nila ang kanilang samsam,
Isang babae,* dalawang babae,* sa bawat mandirigma,
Tininang tela para kay Sisera, samsam na tininang tela,
Isang burdadong damit, tininang tela, dalawang burdadong damit
Para sa leeg ng mga lalaking nananamsam.’
31 Malipol nawa ang lahat ng iyong kaaway,+ O Jehova,
Pero ang mga umiibig sa iyo ay maging gaya nawa ng araw na sumisikat nang napakaliwanag.”
At ang lupain ay nagkaroon ng kapayapaan sa loob ng 40 taon.+