Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • bi12 Isaias 1:1-66:24
  • Isaias

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isaias
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Isaias

Isaias

1 Ang pangitain+ ni Isaias+ na anak ni Amoz na nakita niya may kinalaman sa Juda at sa Jerusalem nang mga araw nina Uzias,+ Jotam,+ Ahaz+ at Hezekias,+ na mga hari ng Juda:+

2 Dinggin mo,+ O langit, at pakinggan mo, O lupa, sapagkat si Jehova ay nagsalita: “Ako ay nagpalaki at nag-alaga ng mga anak,+ ngunit sila ay naghimagsik laban sa akin.+ 3 Lubos na kilala ng toro ang bumili sa kaniya, at ng asno ang sabsaban ng nagmamay-ari sa kaniya; ang Israel ay hindi nakakakilala,+ ang aking sariling bayan ay hindi gumagawi nang may unawa.”+

4 Sa aba ng makasalanang bansa,+ ang bayan na napabibigatan ng kamalian, isang binhi na gumagawa ng kasamaan,+ mapagpahamak na mga anak!+ Iniwan nila si Jehova,+ pinakitunguhan nila nang walang galang ang Banal ng Israel,+ sila ay tumalikod.+ 5 Saan pa kayo sasaktan,+ anupat magdaragdag kayo ng higit pang paghihimagsik?+ Ang buong ulo ay may sakit, at ang buong puso ay mahina.+ 6 Mula sa talampakan ng paa at maging hanggang sa ulo ay wala ritong bahaging malusog.+ Mga sugat at mga pasa at sariwa pang mga latay—hindi pa napipisil ang mga ito o natatalian, ni napalambot man ng langis.+ 7 Ang inyong lupain ay tiwangwang,+ ang inyong mga lunsod ay sunóg sa apoy;+ ang inyong lupa—mismong sa harap ninyo ay nilalamon ito ng mga taga-ibang bayan,+ at ang pagkatiwangwang ay gaya ng paggiba ng mga taga-ibang bayan.+ 8 At ang anak na babae ng Sion+ ay naiwang gaya ng isang kubol sa ubasan, gaya ng isang kubong bantayan sa bukid ng mga pipino, gaya ng isang lunsod na nakukubkob.+ 9 Malibang si Jehova ng mga hukbo mismo ang nag-iwan sa atin ng iilang nakaligtas,+ naging gaya na sana tayo ng Sodoma, nakahalintulad na sana tayo ng Gomorra.+

10 Dinggin ninyo ang salita ni Jehova,+ ninyong mga diktador+ ng Sodoma.+ Pakinggan ninyo ang kautusan ng ating Diyos, ninyong bayan ng Gomorra. 11 “Ano ang pakinabang ko sa karamihan ng inyong mga hain?” sabi ni Jehova. “Tama na sa akin ang mga buong handog na sinusunog+ na mga barakong tupa+ at ang taba ng mga patabaing hayop;+ at sa dugo+ ng mga guyang toro at mga lalaking kordero at mga kambing na lalaki+ ay hindi ako nalulugod.+ 12 Kapag palagi kayong pumaparito upang makita ang aking mukha,+ sino ang humihingi nito sa inyong kamay, upang yurakan ang aking mga looban?+ 13 Tigilan na ninyo ang pagdadala pa ng walang-kabuluhang mga handog na mga butil.+ Insenso—ito ay karima-rimarim sa akin.+ Bagong buwan+ at sabbath,+ ang pagtawag ng isang kombensiyon+—hindi ko matiis ang paggamit ng mahiwagang kapangyarihan+ kasabay ng kapita-pitagang kapulungan. 14 Ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga kapanahunan ng pista ay kinapopootan ng aking kaluluwa.+ Sa akin ay naging pasanin ang mga iyon;+ ako ay pagod na sa pagtitiis sa mga iyon.+ 15 At kapag iniuunat ninyo ang inyong mga palad,+ ikinukubli ko ang aking mga mata mula sa inyo.+ Kahit nananalangin kayo ng marami,+ hindi ako nakikinig;+ ang inyo mismong mga kamay ay napuno ng pagbububo ng dugo.+ 16 Maghugas kayo;+ magpakalinis kayo;+ alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawain mula sa harap ng aking mga mata;+ tigilan ninyo ang paggawa ng masama.+ 17 Matuto kayong gumawa ng mabuti;+ hanapin ninyo ang katarungan;+ ituwid ninyo ang maniniil;+ maggawad kayo ng kahatulan para sa batang lalaking walang ama;+ ipagtanggol ninyo ang usapin ng babaing balo.”+

18 “Halikayo ngayon at ituwid natin ang mga bagay-bagay sa pagitan natin,” ang sabi ni Jehova.+ “Bagaman ang mga kasalanan ninyo ay maging gaya ng iskarlata, ang mga ito ay mapapuputing gaya ng niyebe;+ bagaman ang mga ito ay maging pula na gaya ng telang krimson, ang mga ito ay magiging gaya pa man din ng lana. 19 Kung kayo ay magpapakita ng pagnanais at makikinig, ang buti ng lupain ay kakainin ninyo.+ 20 Ngunit kung kayo ay tatanggi+ at mapaghimagsik pa nga, sa pamamagitan ng tabak ay uubusin kayo; sapagkat ang mismong bibig ni Jehova ang nagsalita nito.”+

21 O ano’t ang tapat na bayan+ ay naging patutot!+ Siya ay dating puspos ng katarungan;+ ang katuwiran ay nanunuluyan noon sa kaniya,+ ngunit ngayon ay mga mamamaslang.+ 22 Ang iyong pilak ay naging maruming linab.+ Ang iyong serbesang trigo ay binantuan ng tubig.+ 23 Ang iyong mga prinsipe ay sutil at mga kasamahan ng mga magnanakaw.+ Ang bawat isa sa kanila ay maibigin sa suhol+ at humahabol sa mga kaloob.+ Para sa batang lalaking walang ama ay hindi sila naggagawad ng kahatulan; at maging ang usapin sa batas ng babaing balo ay hindi nila tinatanggap.+

24 Kaya ang sabi ng tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ang Makapangyarihan ng Israel,+ ay: “Aha! Pagiginhawahin ko ang aking sarili mula sa aking mga kalaban, at ipaghihiganti+ ko ang aking sarili sa aking mga kaaway.+ 25 At ibabalik ko sa iyo ang aking kamay, at tutunawin ko ang iyong maruming linab na waring ginamitan ng lihiya, at aalisin ko ang lahat ng iyong duming naipon.+ 26 At muli akong magbabalik ng mga hukom para sa iyo gaya noong una, at ng mga tagapayo para sa iyo gaya noong sa pasimula.+ Pagkatapos nito ay tatawagin kang Lunsod ng Katuwiran, Tapat na Bayan.+ 27 Sa pamamagitan ng katarungan ay tutubusin ang Sion,+ at yaong mga sa kaniya na bumabalik, sa pamamagitan ng katuwiran.+ 28 At ang pagbagsak ng mga naghihimagsik at niyaong sa mga makasalanan ay magiging magkasabay,+ at yaong mga umiiwan kay Jehova ay darating sa kanilang katapusan.+ 29 Sapagkat ikahihiya nila ang matitibay na punungkahoy na inyong ninasa,+ at malilito kayo dahil sa mga hardin na inyong pinili.+ 30 Sapagkat kayo ay magiging gaya ng malaking punungkahoy na ang mga dahon ay nalalanta,+ at gaya ng hardin na walang tubig. 31 At ang taong puspos ng sigla ay tiyak na magiging maiikling hibla,+ at ang bunga ng kaniyang gawa naman ay isang siklab; at kapuwa sila magliliyab nang magkasabay, na walang sinumang papatay sa apoy.”+

2 Ang bagay na nakita ni Isaias na anak ni Amoz sa pangitain may kinalaman sa Juda at Jerusalem:+ 2 At mangyayari sa huling bahagi ng mga araw+ na ang bundok ng bahay+ ni Jehova ay matibay na matatatag na mataas pa sa taluktok ng mga bundok,+ at iyon ay mátataás pa nga sa mga burol;+ at doon ay huhugos ang lahat ng mga bansa.+ 3 At maraming bayan ang yayaon nga at magsasabi: “Halikayo,+ at umahon tayo sa bundok ni Jehova, sa bahay ng Diyos ni Jacob; at tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan, at lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+ Sapagkat mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.+ 4 At siya ay maggagawad ng kahatulan sa gitna ng mga bansa+ at magtutuwid ng mga bagay-bagay+ may kinalaman sa maraming bayan.+ At pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos.+ Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.+

5 O mga tao ng sambahayan ni Jacob, pumarito kayo at lumakad tayo sa liwanag ni Jehova.+

6 Sapagkat pinabayaan mo ang iyong bayan, ang sambahayan ni Jacob.+ Sapagkat sila ay napuno ng bagay na mula sa Silangan,+ at sila ay mga mahikong+ gaya ng mga Filisteo, at marami silang mga anak ng mga banyaga.+ 7 At ang kanilang lupain ay punô ng pilak at ginto, at walang takda ang dami ng kanilang mga kayamanan.+ At ang kanilang lupain ay punô ng mga kabayo, at walang takda ang dami ng kanilang mga karo.+ 8 At ang kanilang lupain ay punô ng walang-silbing mga diyos.+ Ang gawa ng mga kamay ng isa ay niyuyukuran nila, yaong ginawa ng kaniyang mga daliri.+ 9 At ang makalupang tao ay yumuyukod, at ang tao ay nabababa, at talagang hindi mo sila mapagpapaumanhinan.+

10 Pumasok ka sa malaking bato at magtago ka sa alabok dahil sa panghihilakbot kay Jehova, at mula sa kaniyang marilag na kadakilaan.+ 11 Ang palalong mga mata ng makalupang tao ay mábababâ, at ang pagmamataas ng mga tao ay yuyukod;+ at si Jehova lamang ang matatanyag sa araw na iyon.+ 12 Sapagkat iyon ang araw na nauukol kay Jehova ng mga hukbo.+ Iyon ay nasa lahat ng palalo at matayog at nasa lahat ng nakataas o mababa;+ 13 at nasa lahat ng sedro ng Lebanon+ na matatayog at nakataas at nasa lahat ng dambuhalang punungkahoy ng Basan;+ 14 at nasa lahat ng matatayog na bundok at nasa lahat ng mga burol na nakataas;+ 15 at nasa bawat mataas na tore at nasa bawat nakukutaang pader;+ 16 at nasa lahat ng mga barko ng Tarsis+ at nasa lahat ng mga kanais-nais na bangka. 17 At ang kapalaluan ng makalupang tao ay yuyukod, at ang pagmamataas ng mga tao ay mábababâ;+ at si Jehova lamang ang matatanyag sa araw na iyon.+

18 At ang walang-silbing mga diyos ay lilipas nang lubusan.+ 19 At ang bayan ay papasok sa mga yungib ng malalaking bato at sa mga butas sa alabok dahil sa panghihilakbot kay Jehova at mula sa kaniyang marilag na kadakilaan,+ kapag tumindig siya upang ang lupa ay mayanig.+ 20 Sa araw na iyon ay itatapon ng makalupang tao ang kaniyang walang-kabuluhang mga diyos na pilak at ang kaniyang walang-silbing mga diyos na ginto, na ginawa nila upang yukuran niya, sa mga musaranya at sa mga paniki,+ 21 upang pumasok sa mga butas ng mga bato at sa mga awang ng malalaking bato, dahil sa panghihilakbot kay Jehova at mula sa kaniyang marilag na kadakilaan,+ kapag tumindig siya upang ang lupa ay mayanig. 22 Para sa inyong sariling kapakanan, layuan ninyo ang makalupang tao, na ang hininga ay nasa mga butas ng kaniyang ilong,+ sapagkat ano ang saligan upang siya ay pahalagahan?+

3 Sapagkat, narito! ang tunay na Panginoon,+ si Jehova ng mga hukbo, ay nag-aalis sa Jerusalem+ at sa Juda ng panustos at ng tukod, ng buong panustos na tinapay at ng buong panustos na tubig,+ 2 ng makapangyarihang lalaki at mandirigma, ng hukom at propeta,+ at ng manghuhula at matandang lalaki,+ 3 ng pinuno ng lima-limampu+ at taong lubhang iginagalang at tagapayo at dalubhasa sa mga sining ng mahika, at ng dalubhasang engkantador.+ 4 At mga batang lalaki nga ang gagawin kong kanilang mga prinsipe, at di-makatuwirang kapangyarihan ang mamamahala sa kanila.+ 5 At sisiilin nga ng mga tao ang isa’t isa, ng bawat isa ang kaniyang kapuwa.+ Sila ay sasalakay, ang batang lalaki laban sa matandang lalaki,+ at ang itinuturing na mababa laban sa isang dapat parangalan.+ 6 Sapagkat ang bawat isa ay hahawak sa kaniyang kapatid na lalaki sa bahay ng kaniyang ama, na sinasabi: “Mayroon kang balabal. Dapat kang maging diktador+ sa amin, at ang ibinagsak na karamihang ito ay dapat na mapasailalim ng iyong kamay.” 7 Ilalakas niya ang kaniyang tinig sa araw na iyon, na sinasabi: “Hindi ako magiging manggagamot ng sugat; at sa aking bahay ay walang tinapay ni balabal. Huwag ninyo akong gawing diktador ng bayan.”

8 Sapagkat ang Jerusalem ay nabuwal, at ang Juda ay bumagsak,+ sapagkat ang kanilang dila at ang kanilang mga pakikitungo ay laban kay Jehova,+ sa paggawi nang mapaghimagsik sa paningin ng kaniyang kaluwalhatian.+ 9 Ang mismong anyo ng kanilang mga mukha ay nagpapatotoo nga laban sa kanila,+ at ang kanilang kasalanang gaya ng sa Sodoma ay inihahayag ng mga iyon.+ Hindi nila iyon itinatago. Sa aba ng kanilang kaluluwa! Sapagkat nagdulot sila ng kapahamakan sa kanilang sarili.+

10 Sabihin ninyo na mapapabuti ang matuwid,+ sapagkat kakainin nila ang mismong bunga ng kanilang mga pakikitungo.+ 11 Sa aba ng balakyot!—Kapahamakan; sapagkat ang pakikitungo na ginawa ng kaniyang sariling mga kamay ay gagawin sa kaniya!+ 12 Kung tungkol sa aking bayan, ang mga tagapagbigay-atas nito ay nakikitungo nang may kabagsikan, at mga babae lamang ang namamahala rito.+ O bayan ko, inililigaw ka niyaong mga umaakay sa iyo,+ at ang daan ng iyong mga landas ay kanilang ginulo.+

13 Si Jehova ay tumatayo upang makipaglaban at nakatayo upang maglapat ng hatol sa mga bayan.+ 14 Si Jehova ay papasok upang hatulan ang matatanda sa kaniyang bayan at ang mga prinsipe nito.+

“At kayo ang sumunog sa ubasan. Ang ninakaw sa napipighati ay nasa inyong mga bahay.+ 15 Ano ang ibig ninyong sabihin anupat dinudurog ninyo ang aking bayan, at ginigiling ninyo ang mismong mga mukha ng mga napipighati?”+ ang sabi ng Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.

16 At sinasabi ni Jehova: “Sa dahilang ang mga anak na babae ng Sion ay nagpalalo at sila ay lumalakad na unat ang kanilang mga leeg at itinitingin nang mapang-akit ang kanilang mga mata, sila ay lumalakad nang patiyad, at sa pamamagitan ng kanilang mga paa ay nagpapakalansing sila,+ 17 paglalangibin nga ni Jehova ang tuktok ng ulo ng mga anak na babae ng Sion,+ at ihahantad ni Jehova ang kanila mismong noo.+ 18 Sa araw na iyon ay aalisin ni Jehova ang kagandahan ng mga pulseras sa paa at ng mga pamigkis sa ulo at ng mga palamuting hugis-buwan,+ 19 ang mga palawit sa tainga at ang mga pulseras at ang mga talukbong,+ 20 ang mga putong at ang mga kadenilya sa paa at ang mga pamigkis sa dibdib+ at ang ‘mga bahay ng kaluluwa’ at ang mga palamuting kabibi na humihiging,+ 21 ang mga singsing sa daliri at ang mga singsing sa ilong,+ 22 ang mariringal na kasuutan at ang mga pang-ibabaw na tunika at ang mga balabal at ang mga supot, 23 at ang mga salaming pangkamay+ at ang mga pang-ilalim na kasuutan at ang mga turbante+ at ang malalaking talukbong.+

24 “At mangyayari nga na sa halip na langis ng balsamo+ ay magkakaroon lamang ng amoy-amag; at sa halip na sinturon, lubid; at sa halip na maarteng ayos ng buhok, pagkakalbo;+ sa halip na isang marangyang kasuutan, pagbibigkis ng telang-sako;+ isang herong tanda+ sa halip na kariktan. 25 Sa pamamagitan ng tabak ay mabubuwal ang iyong mga lalaki, at ang iyong kalakasan naman sa pamamagitan ng digmaan.+ 26 At ang kaniyang mga pasukan ay magdadalamhati+ at mamimighati, at lubusan siyang aalisan ng laman. Uupo siya sa mismong lupa.”+

4 At pitong babae ang susunggab nga sa isang lalaki sa araw na iyon,+ na sinasabi: “Kami ay kakain ng aming sariling tinapay at magbibihis ng aming sariling mga balabal; tawagin lamang sana kami sa iyong pangalan upang maalis ang aming kadustaan.”+

2 Sa araw na iyon ang pasisibulin ni Jehova+ ay magiging kagayakan at kaluwalhatian,+ at ang bunga ng lupain ay magiging isang bagay na maipagmamalaki+ at isang bagay na maganda para roon sa mga nagmula sa Israel na nakatakas.+ 3 At mangyayari nga na yaong mga nalalabi sa Sion at yaong mga natitira sa Jerusalem ay sasabihing banal sa kaniya,+ ang lahat ng nakasulat ukol sa buhay sa Jerusalem.+

4 Kapag nahugasan na ni Jehova ang dumi ng mga anak na babae ng Sion+ at papalisin+ niya ang pagbububo ng dugo+ ng Jerusalem mula sa loob nito sa pamamagitan ng espiritu ng paghatol at sa pamamagitan ng espiritu ng pagsunog,+ 5 tiyak na lalalangin din ni Jehova sa ibabaw ng bawat tatag na dako ng Bundok Sion+ at sa ibabaw ng kaniyang dako ng pagtitipon ang isang ulap kapag araw at ang isang usok, at ang liwanag ng nagliliyab na apoy+ kapag gabi;+ sapagkat sa ibabaw ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang silungan.+ 6 At magkakaroon ng isang kubol na siyang lilim kapag araw laban sa tuyong init,+ at kanlungan at taguang dako sa bagyong maulan at sa pagpatak ng ulan.+

5 Pakisuyong paawitin ninyo ako sa aking minamahal ng isang awit tungkol sa iniibig ko may kinalaman sa kaniyang ubasan.+ Nagkaroon ng ubasan ang aking minamahal sa isang mabungang dalisdis ng burol. 2 At kaniyang binungkal iyon at inalisan ng mga bato at tinamnan ng isang piling punong ubas na pula, at nagtayo siya ng tore sa gitna niyaon.+ At isang pisaan ng ubas din ang hinukay niya roon.+ At patuloy siyang umaasa na magbubunga iyon ng mga ubas,+ ngunit nang maglaon ay nagbunga iyon ng mga ubas na ligáw.+

3 “At ngayon, O kayong mga tumatahan sa Jerusalem at kayong mga tao ng Juda, pakisuyong humatol kayo sa pagitan ko at ng aking ubasan.+ 4 Ano pa ba ang magagawa para sa aking ubasan na hindi ko pa nagawa roon?+ Bakit ako umasa na magbubunga iyon ng mga ubas, ngunit nang maglaon ay nagbunga iyon ng mga ubas na ligáw? 5 At ngayon, pakisuyo, maaari bang ipaalam ko sa inyo kung ano ang gagawin ko sa aking ubasan: Aalisin ang halamang-bakod nito,+ at itatalaga iyon sa pagsunog.+ Gigibain ang batong pader nito, at itatalaga iyon bilang dakong niyuyurakan.+ 6 At itatalaga ko iyon bilang isang bagay na sira.+ Hindi iyon pupungusan, ni aasarulin man.+ At tutubuan iyon ng tinikang-palumpong at mga panirang-damo;+ at ang mga ulap ay uutusan kong huwag magbuhos ng ulan doon.+ 7 Sapagkat ang ubasan+ ni Jehova ng mga hukbo ay ang sambahayan ng Israel, at ang mga tao ng Juda ay siyang taniman na kaniyang kinagiliwan.+ At patuloy niyang inaasahan ang kahatulan,+ ngunit, narito! ang paglabag sa kautusan; ang katuwiran, ngunit, narito! ang pagdaing.”+

8 Sa aba ng mga nagdurugtong ng bahay sa bahay,+ at ng mga nagsusudlong ng bukid sa bukid hanggang sa wala nang dako+ at kayo na lamang ang tumatahan sa gitna ng lupain! 9 Sa aking pandinig [ay sumumpa] si Jehova ng mga hukbo na maraming bahay, bagaman malalaki at magaganda, ang lubusang magiging bagay na panggigilalasan, na walang tumatahan.+ 10 Sapagkat kahit ang sampung akre+ ng ubasan ay magbibigay lamang ng isang takal na bat,+ at kahit ang isang takal na homer ng binhi ay magbibigay lamang ng isang takal na epa.+

11 Sa aba ng mga maagang bumabangon sa kinaumagahan upang makapaghanap lamang sila ng nakalalangong inumin,+ na nagtatagal hanggang sa kadiliman ng gabi anupat pinagniningas sila ng alak!+ 12 At dapat na may alpa at panugtog na de-kuwerdas, tamburin at plawta, at alak sa kanilang mga piging;+ ngunit ang gawain ni Jehova ay hindi nila tinitingnan, at ang gawa ng kaniyang mga kamay ay hindi nila nakikita.+

13 Kaya ang aking bayan ay yayaon sa pagkatapon dahil sa kakulangan ng kaalaman;+ at ang kanilang magiging kaluwalhatian ay mga taong gutom na gutom,+ at ang kanilang pulutong ay matitigang sa uhaw.+ 14 Kaya pinaluwang ng Sheol ang kaluluwa nito at ibinukang mabuti ang bibig nito nang walang hangganan;+ at yaong marilag na nasa kaniya, gayundin ang kaniyang pulutong at ang kaniyang kaguluhan at ang nagbubunyi, ay tiyak na lulusong doon.+ 15 At ang makalupang tao ay yuyukod, at ang tao ay mábababâ, at maging ang mga mata ng matataas ay mábababâ.+ 16 At si Jehova ng mga hukbo ay magiging mataas sa pamamagitan ng kahatulan,+ at tiyak na pababanalin ng tunay na Diyos, ng Isa na Banal,+ ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng katuwiran.+ 17 At ang mga lalaking kordero ay manginginain ngang gaya ng sa kanilang pastulan; at ang mga tiwangwang na dako ng mga patabaing hayop ay kakainin ng mga naninirahang dayuhan.+

18 Sa aba ng mga humihila ng kamalian sa pamamagitan ng mga lubid ng kabulaanan, at ng kasalanan sa pamamagitan ng mga panali ng karwahe;+ 19 silang nagsasabi: “Madaliin ang kaniyang gawain; dumating sana iyon nang mabilis, upang makita namin iyon; at ang pasiya nawa ng Banal ng Israel ay mapalapit at dumating, upang malaman namin iyon!”+

20 Sa aba ng mga nagsasabi na ang mabuti ay masama at ang masama ay mabuti,+ silang nagtuturing na ang kadiliman ay liwanag at ang liwanag ay kadiliman, silang nagtuturing na ang mapait ay matamis at ang matamis ay mapait!+

21 Sa aba ng marurunong sa kanilang sariling paningin at maiingat sa harap nga ng kanilang sariling mga mukha!+

22 Sa aba ng malalakas sa pag-inom ng alak, at ng mga lalaking may kalakasan sa pagtitimpla ng nakalalangong inumin,+ 23 ng mga nag-aaring matuwid sa balakyot dahil sa suhol,+ at nag-aalis pa nga ng katuwiran ng matuwid mula sa kaniya!+

24 Kaya kung paanong nilalamon ng dila ng apoy ang pinaggapasan+ at sa mga liyab ay natutupok ang tuyong damo, ang kanilang tuod mismo ay magiging gaya ng amoy-amag,+ at ang kanilang bulaklak mismo ay iilanlang na gaya ng alabok, sapagkat itinakwil nila ang kautusan ni Jehova ng mga hukbo,+ at ang pananalita ng Banal ng Israel ay winalang-galang nila.+ 25 Iyan ang dahilan kung bakit ang galit ni Jehova ay nag-init laban sa kaniyang bayan, at kaniyang iuunat ang kamay niya laban sa kanila at sasaktan sila.+ At ang mga bundok ay maliligalig,+ at ang kanilang mga bangkay ay magiging gaya ng yagit sa gitna ng mga lansangan.+

Sa lahat ng ito ay hindi pa napapawi ang kaniyang galit, kundi nakaunat pa ang kaniyang kamay. 26 At nagtaas siya ng hudyat sa isang dakilang bansa sa malayo,+ at sinipulan niya iyon sa dulo ng lupa;+ at, narito! dali-daling darating iyon nang matulin.+ 27 Walang sinumang pagod ni may sinuman sa kanila na natitisod. Walang sinumang nag-aantok at walang sinumang natutulog. At ang sinturon sa kanilang mga balakang ay tiyak na hindi bubuksan, ni ang mga sintas man ng kanilang mga sandalyas ay mapapatid; 28 sapagkat ang kanilang mga palaso ay pinatulis at ang lahat ng kanilang mga busog ay nakahutok.+ Ang mismong mga kuko ng kanilang mga kabayo ay ibibilang na batong pingkian,+ at ang kanilang mga gulong naman ay bagyong hangin.+ 29 Ang pag-ungal nila ay gaya ng sa leon, at umuungal silang gaya ng mga may-kilíng na batang leon.+ At uungol sila at susunggaban ang nasila at tatangayin iyon, at walang magiging tagapagligtas.+ 30 At uungulan nila iyon sa araw na iyon gaya ng pag-ungol ng dagat.+ At ang isa ay tititig nga sa lupain, at, narito! may nakapipighating kadiliman;+ at maging ang liwanag ay nagdilim dahil sa mga patak na bumabagsak doon.

6 Noong taóng mamatay si Haring Uzias+ ay nakita ko naman si Jehova,+ na nakaupo sa isang trono+ na matayog at nakataas, at pinupuno ng kaniyang laylayan ang templo.+ 2 May mga serapin na nakatayo sa itaas niya.+ Bawat isa ay may anim na pakpak. Ang dalawa ay itinatakip niya sa kaniyang mukha,+ at ang dalawa ay itinatakip niya sa kaniyang mga paa, at ang dalawa ay ginagamit niya sa paglipad. 3 At ang isang ito ay tumawag sa isang iyon at nagsabi: “Banal, banal, banal si Jehova ng mga hukbo.+ Ang kabuuan ng buong lupa ay kaniyang kaluwalhatian.” 4 At ang mga paikutan+ ng mga pintuan ay nagsimulang manginig dahil sa tinig niyaong tumatawag, at ang bahay ay unti-unting napuno ng usok.+

5 At sinabi ko: “Sa aba ko! Sapagkat para na rin akong pinatahimik, dahil ako ay lalaking may maruruming labi,+ at sa gitna ng isang bayan na may maruruming labi ay tumatahan ako;+ sapagkat nakita ng aking mga mata ang Hari mismo, si Jehova ng mga hukbo!”+

6 Sa gayon, ang isa sa mga serapin ay lumipad patungo sa akin, at sa kaniyang kamay ay may nagbabagang uling+ na kinuha niya sa altar+ sa pamamagitan ng mga sipit. 7 At sinaling niya ang aking bibig+ at sinabi: “Narito! Sinaling nito ang iyong mga labi, at ang iyong kamalian ay naalis at ang iyong kasalanan ay naipagbayad-sala.”+

8 At narinig ko ang tinig ni Jehova na nagsasabi: “Sino ang aking isusugo, at sino ang yayaon para sa amin?”+ At sinabi ko: “Narito ako! Isugo mo ako.”+ 9 At siya ay nagsabi: “Yumaon ka, at sabihin mo sa bayang ito, ‘Dinggin ninyo nang paulit-ulit, gayunma’y hindi ninyo mauunawaan; at tingnan ninyo nang paulit-ulit, gayunma’y hindi ninyo malalaman.’+ 10 Gawin mong manhid ang puso ng bayang ito,+ at gawin mong bingi ang kanila mismong mga tainga,+ at pagdikitin mo ang kanila mismong mga mata, upang hindi nila makita ng kanilang mga mata at sa pamamagitan ng kanilang mga tainga ay hindi nila marinig, at upang ang kanilang puso ay hindi makaunawa at upang hindi nga sila manumbalik at magtamo ng kagalingan para sa kanilang sarili.”+

11 Dahil dito ay sinabi ko: “Hanggang kailan, O Jehova?”+ At sinabi niya: “Hanggang sa ang mga lunsod ay gumuho, na walang isa mang tumatahan, at ang mga bahay ay mawalan ng makalupang tao, at ang lupa ay masira tungo sa pagkatiwangwang;+ 12 at lubusan ngang ilayo ni Jehova ang mga makalupang tao, at ang pagkatiwangwang ay maging napakalubha sa gitna ng lupain.+ 13 At mananatili pa roon ang isang ikasampu,+ at iyon ay muling magiging isang bagay na susunugin, tulad ng isang malaking punungkahoy at tulad ng isang dambuhalang punungkahoy na kapag pinutol ang mga iyon+ ay naroon ang isang tuod;+ isang binhing banal ang magiging tuod niyaon.”+

7 At nangyari nga nang mga araw ni Ahaz+ na anak ni Jotam na anak ni Uzias, na hari ng Juda, na si Rezin+ na hari ng Sirya at si Peka+ na anak ni Remalias, na hari ng Israel, ay umahon sa Jerusalem upang makipagdigma laban dito, at hindi niya nakayanang makipagdigma laban dito.+ 2 At may ulat na isinaysay sa sambahayan ni David, na nagsasabi: “Ang Sirya ay sumandig sa Efraim.”+

At ang kaniyang puso at ang puso ng kaniyang bayan ay nagsimulang manginig, gaya ng panginginig ng mga punungkahoy sa kagubatan dahil sa hangin.+

3 At sinabi ni Jehova kay Isaias: “Lumabas ka, pakisuyo, upang salubungin si Ahaz, ikaw at si Sear-jasub+ na iyong anak, sa dulo ng padaluyan+ ng mataas na tipunang-tubig sa tabi ng lansangang-bayan sa parang ng tagapaglaba.+ 4 At sabihin mo sa kaniya, ‘Mag-ingat ka at pumanatag ka.+ Huwag kang matakot, at huwag manlupaypay ang iyong puso+ dahil sa dalawang dulo ng mga umuusok na kahoy na ito, dahil sa mainit na galit ni Rezin at ng Sirya at ng anak ni Remalias,+ 5 sa dahilang ang Sirya kasama ang Efraim at ang anak ni Remalias ay naglayon ng masama laban sa iyo, na sinasabi: 6 “Umahon tayo laban sa Juda at wasakin natin iyon at sa pamamagitan ng mga paglusob ay kunin natin iyon para sa atin; at ibang hari ang paghariin natin sa loob niyaon, ang anak ni Tabeel.”+

7 “ ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Hindi iyon matatayo, ni mangyayari man.+ 8 Sapagkat ang ulo ng Sirya ay ang Damasco, at ang ulo ng Damasco ay si Rezin; at sa loob lamang ng animnapu’t limang taon ay pagdudurug-durugin ang Efraim upang hindi na maging isang bayan.+ 9 At ang ulo ng Efraim ay ang Samaria,+ at ang ulo ng Samaria ay ang anak ni Remalias.+ Malibang manampalataya kayo ay hindi nga kayo mamamalagi.” ’ ”+

10 At si Jehova ay nagsalita pa kay Ahaz, na sinasabi: 11 “Humingi ka sa ganang iyo ng isang tanda mula kay Jehova na iyong Diyos,+ na pinalalalim iyon na gaya ng Sheol o pinatataas iyon na gaya ng matataas na pook.” 12 Ngunit sinabi ni Ahaz: “Hindi ako hihingi, ni ilalagay ko man si Jehova sa pagsubok.”

13 At sinabi niya: “Makinig kayo, pakisuyo, O sambahayan ni David. Napakaliit na bagay ba para sa inyo na pagurin ang mga tao, anupat papagurin din ninyo ang aking Diyos?+ 14 Kaya bibigyan kayo ni Jehova ng isang tanda: Narito! Ang dalaga+ mismo ay magdadalang-tao nga,+ at magsisilang siya ng isang anak na lalaki,+ at tatawagin nga niyang Emmanuel ang pangalan nito. 15 Mantikilya at pulot-pukyutan ang kakainin niya kapag natutuhan na niyang itakwil ang masama at piliin ang mabuti.+ 16 Sapagkat bago matutuhan ng bata na itakwil ang masama at piliin ang mabuti,+ ang lupain ng dalawang hari na kinatatakutan mo nang may panlulumo ay lubusang pababayaan.+ 17 Si Jehova ay magpapasapit laban sa iyo+ at laban sa iyong bayan at laban sa sambahayan ng iyong ama ng mga araw na hindi pa nangyayari mula nang araw na humiwalay ang Efraim mula sa tabi ng Juda,+ samakatuwid nga, ang hari ng Asirya.+

18 “At mangyayari sa araw na iyon na sisipulan ni Jehova ang mga langaw na nasa dulo ng mga kanal ng Nilo ng Ehipto at ang mga bubuyog+ na nasa lupain ng Asirya,+ 19 at sila ay tiyak na darating at dadapo, silang lahat, sa matatarik na agusang libis at sa mga awang ng malalaking bato at sa lahat ng mga palumpungan ng mga tinik at sa lahat ng mga dakong tubigan.+

20 “Sa araw na iyon, sa pamamagitan ng isang upahang labaha sa pook ng Ilog,+ sa pamamagitan nga ng hari ng Asirya,+ ay aahitan ni Jehova ang ulo at ang balahibo ng mga paa, at aalisin nito maging ang balbas.+

21 “At mangyayari sa araw na iyon na iingatang buháy ng isang tao ang isang batang baka mula sa bakahan at dalawang tupa.+ 22 At mangyayari nga na dahil sa kasaganaan ng gatas na makukuha ay kakain siya ng mantikilya; sapagkat mantikilya at pulot-pukyutan+ ang kakainin ng lahat ng naiwan sa gitna ng lupain.

23 “At mangyayari sa araw na iyon na ang bawat dako na dating kinaroroonan ng isang libong punong ubas, na nagkakahalaga ng isang libong pirasong pilak,+ ay magiging—iyon ay magiging ukol sa mga tinikang-palumpong at ukol sa mga panirang-damo.+ 24 Paroroon siya na may mga palaso at busog,+ sapagkat ang buong lupain ay magiging mga tinikang-palumpong at mga panirang-damo lamang. 25 At ang lahat ng mga bundok na dating inaalisan ng mapaminsalang mga halaman sa pamamagitan ng asarol—hindi ka paroroon doon dahil sa takot sa mga tinikang-palumpong at mga panirang-damo; at iyon ay tiyak na magiging pagalaan ng mga toro at lugar na niyuyurakan ng mga tupa.”+

8 At sinabi ni Jehova sa akin: “Kumuha ka para sa iyo ng isang malaking tapyas+ at isulat mo roon sa pamamagitan ng panulat ng taong mortal, ‘Maher-salal-has-baz.’ 2 At bigyan mo ako ng katibayan+ para sa akin mula sa tapat na mga saksi,+ si Uria na saserdote+ at si Zacarias na anak ni Jeberekias.”

3 Sa gayon ay lumapit ako sa propetisa, at siya ay nagdalang-tao at sa kalaunan ay nagsilang ng isang anak na lalaki.+ At si Jehova ay nagsabi sa akin: “Tawagin mong Maher-salal-has-baz ang kaniyang pangalan, 4 sapagkat bago matuto ang batang lalaki na tumawag ng,+ ‘Ama ko!’ at ‘Ina ko!’ may isang magdadala ng yaman ng Damasco at ng samsam mula sa Samaria sa harap ng hari ng Asirya.”+

5 At si Jehova ay nagsalita pa sa akin, na sinasabi: 6 “Sa dahilang itinakwil+ ng bayang ito ang tubig ng Siloa+ na umaagos nang banayad, at ipinagbubunyi+ si Rezin at ang anak ni Remalias;+ 7 kaya naman, narito! isasampa ni Jehova laban sa kanila+ ang malakas at maraming tubig ng Ilog,+ ang hari ng Asirya+ at ang kaniyang buong kaluwalhatian.+ At siya ay tiyak na aahon sa lahat ng kaniyang mga batis at aapaw sa lahat ng kaniyang mga pampang 8 at magdaraan sa Juda. Siya ay babaha nga at daraan.+ Hanggang sa leeg ay aabot siya.+ At pupunuin ng pagkakaunat ng kaniyang mga pakpak+ ang lapad ng iyong lupain, O Emmanuel!”+

9 Maging mapaminsala kayo, O kayong mga bayan, at magkadurug-durog; at makinig kayo, lahat kayong nasa malalayong bahagi ng lupa!+ Magbigkis kayo ng inyong sarili,+ at magkadurug-durog!+ Magbigkis kayo ng inyong sarili, at magkadurug-durog! 10 Magplano kayo ng isang pakana, at iyon ay malalansag!+ Salitain ninyo ang anumang salita, at hindi iyon matatayo, sapagkat ang Diyos ay sumasaamin!+ 11 Sapagkat ito ang sinabi sa akin ni Jehova nang may kalakasan ng kamay, upang mailihis niya ako mula sa paglakad sa daan ng bayang ito, na sinasabi: 12 “Huwag ninyong sabihin, ‘Isang sabuwatan!’ may kinalaman sa lahat ng palaging sinasabi ng bayang ito, ‘Isang sabuwatan!’+ at ang kinatatakutan nila ay huwag ninyong katakutan, ni manginig man kayo dahil doon.+ 13 Si Jehova ng mga hukbo—siya ang Isa na dapat ninyong ituring na banal,+ at siya ang dapat ninyong katakutan,+ at siya ang Isa na dapat maging sanhi ng inyong panginginig.”+

14 At siya ay magiging gaya ng isang sagradong dako;+ ngunit gaya ng bato na kahahampasan at gaya ng malaking bato na katitisuran+ ng dalawang sambahayan ng Israel, gaya ng bitag at gaya ng silo sa mga tumatahan sa Jerusalem.+ 15 At marami sa kanila ang tiyak na matitisod at mabubuwal at mababalian, at masisilo at mahuhuli.+

16 Ilulon ninyo ang katibayan,+ lagyan ninyo ng tatak ang kautusan sa gitna ng aking mga alagad!+ 17 At patuloy akong maghihintay kay Jehova,+ na nagkukubli ng kaniyang mukha mula sa sambahayan ni Jacob,+ at ako ay aasa sa kaniya.+

18 Narito! Ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ni Jehova+ ay gaya ng mga tanda+ at gaya ng mga himala sa Israel mula kay Jehova ng mga hukbo, na tumatahan sa Bundok Sion.+

19 At kung sasabihin nila sa inyo: “Sumangguni kayo sa mga espiritista+ o sa mga may espiritu ng panghuhula na humuhuni+ at nagsasalita nang pabulong,” hindi ba sa Diyos nito dapat sumangguni ang alinmang bayan?+ [Dapat bang sumangguni] sa mga patay para sa mga buháy?+ 20 Sa kautusan at sa katibayan!+

Tiyak na lagi nilang sasalitain ang ayon sa kapahayagang+ ito na hindi magkakaroon ng liwanag ng bukang-liwayway.+ 21 At ang bawat isa ay tiyak na daraan sa lupain na nagigipit at gutóm;+ at mangyayari nga na sa dahilang siya ay gutóm at pinag-init niya sa galit ang kaniyang sarili, isusumpa nga niya ang kaniyang hari at ang kaniyang Diyos+ at titingala. 22 At sa lupa ay titingin siya, at, narito! kabagabagan at kadiliman,+ karimlan, panahon ng kahirapan at dilim na walang liwanag.+

9 Gayunman, ang karimlan ay hindi magiging gaya noong may kaigtingan sa lupa, gaya noong unang panahon nang ang lupain ng Zebulon at ang lupain ng Neptali+ ay hinahamak at nitong huling pagkakataon nang pangyarihin ng isa na iyon ay maparangalan+—ang daan sa tabi ng dagat, sa pook ng Jordan, Galilea ng mga bansa.+ 2 Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng isang malaking liwanag.+ Para roon sa mga tumatahan sa lupain ng matinding dilim,+ ang liwanag ay sumikat sa kanila.+ 3 Pinarami mo ang mga tao sa bansa;+ para roon ay pinalaki mo ang pagsasaya.+ Sila ay nagsaya sa harap mo gaya ng pagsasaya sa panahon ng pag-aani,+ gaya niyaong mga nagagalak kapag pinaghahati-hatian nila ang samsam.+

4 Sapagkat ang pamatok ng kanilang pasan+ at ang pingga sa kanilang mga balikat, ang baston niyaong sapilitang nagpapatrabaho sa kanila,+ ay pinagdurug-durog mo gaya noong araw ng Midian.+ 5 Sapagkat ang bawat bota niyaong yumayapak+ na may pagyanig at ang balabal na iginulong sa dugo ay naging ukol nga sa pagsunog bilang gatong sa apoy.+ 6 Sapagkat isang bata ang ipinanganak sa atin,+ isang anak na lalaki ang ibinigay sa atin;+ at ang pamamahala bilang prinsipe ay maaatang sa kaniyang balikat.+ At ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo,+ Makapangyarihang Diyos,+ Walang-hanggang Ama,+ Prinsipe ng Kapayapaan.+ 7 Ang kasaganaan ng pamamahala bilang prinsipe+ at ang kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas,+ sa trono ni David+ at sa kaniyang kaharian upang itatag ito nang matibay+ at upang alalayan ito sa pamamagitan ng katarungan+ at sa pamamagitan ng katuwiran,+ mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda. Ang mismong sigasig ni Jehova ng mga hukbo ang gagawa nito.+

8 May salitang ipinasabi si Jehova laban sa Jacob, at iyon ay napasa-Israel.+ 9 At tiyak na malalaman iyon ng bayan,+ nilang lahat nga, ng Efraim at ng tumatahan sa Samaria,+ dahil sa kanilang kapalaluan at dahil sa kawalang-pakundangan ng kanilang puso sa pagsasabi:+ 10 “Mga laryo ang bumagsak, ngunit tinabas na bato+ ang aming ipantatayo. Mga puno ng sikomoro+ ang pinutol, ngunit mga sedro ang aming ipampapalit.” 11 At itataas ni Jehova ang mga kalaban ni Rezin laban sa kaniya, at ang mga kaaway ng isang iyon ay kaniyang uudyukan,+ 12 ang Sirya mula sa silangan+ at ang mga Filisteo mula sa likuran,+ at ang Israel ay lalamunin nila na may nakabukang bibig.+ Sa lahat ng ito ay hindi pa napapawi ang kaniyang galit, kundi nakaunat pa ang kaniyang kamay.+

13 At ang bayan ay hindi nanumbalik sa Isa na nananakit sa kanila,+ at si Jehova ng mga hukbo ay hindi nila hinanap.+ 14 At puputulin ni Jehova mula sa Israel ang ulo+ at ang buntot,+ ang supang at ang halamang hungko, sa isang araw.+ 15 Ang matanda na at ang lubhang iginagalang ay siyang ulo,+ at ang propeta na nagbibigay ng bulaang tagubilin ay siyang buntot.+ 16 At silang umaakay sa bayang ito ang siyang nagliligaw sa kanila;+ at yaong mga inaakay ang siyang nililito.+ 17 Kaya naman si Jehova ay hindi magsasaya sa kanilang mga kabataang lalaki,+ at sa kanilang mga batang lalaking walang ama at sa kanilang mga babaing balo ay hindi siya maaawa; sapagkat silang lahat ay mga apostata+ at mga manggagawa ng kasamaan at bawat bibig ay nagsasalita ng kahangalan. Sa lahat ng ito ay hindi pa napapawi ang kaniyang galit, kundi nakaunat pa ang kaniyang kamay.+

18 Sapagkat ang kabalakyutan ay nagningas na gaya ng apoy;+ ang mga tinikang-palumpong at mga panirang-damo ay lalamunin nito.+ At ito ay magliliyab sa mga palumpungan sa kagubatan,+ at ang mga iyon ay paiitaas na gaya ng pag-ilanlang ng usok.+ 19 Sa poot ni Jehova ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain, at ang bayan ay magiging gaya ng gatong sa apoy.+ Walang sinumang mahahabag maging sa kaniyang kapatid.+ 20 At ang isa ay puputol sa kanan at tiyak na magugutom; at ang isa ay kakain sa kaliwa, at tiyak na hindi sila mabubusog.+ Kakainin ng bawat isa sa kanila ang laman ng sarili niyang bisig,+ 21 ng Manases ang Efraim, at ng Efraim ang Manases. Magkasama silang magiging laban sa Juda.+ Sa lahat ng ito ay hindi pa napapawi ang kaniyang galit, kundi nakaunat pa ang kaniyang kamay.+

10 Sa aba niyaong mga nagtatatag ng nakapipinsalang mga tuntunin+ at niyaong mga sa palagi nilang pagsulat ay sumusulat ng pawang kabagabagan, 2 upang itaboy ang mga maralita mula sa usapin sa batas at agawin ang katarungan mula sa mga napipighati sa aking bayan,+ upang ang mga babaing balo ay maging kanilang samsam, at upang mandambong sila ng mga batang lalaking walang ama!+ 3 At ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagtutuon ng pansin+ at sa pagkagiba, kapag dumating iyon mula sa malayo?+ Kanino kayo tatakas upang magpatulong,+ at saan ninyo iiwan ang inyong kaluwalhatian,+ 4 malibang mangyari na ang isa ay yumukod sa ilalim ng mga bilanggo at ang bayan ay patuloy na mabuwal sa ilalim ng mga napatay?+ Sa lahat ng ito ay hindi pa napapawi ang kaniyang galit, kundi nakaunat pa ang kaniyang kamay.+

5 “Aha, ang Asiryano,+ ang tungkod ng aking galit,+ at ang pamalo na nasa kanilang kamay para sa aking pagtuligsa! 6 Laban sa isang bansang apostata+ ay isusugo ko siya, at laban sa bayan ng aking poot ay uutusan ko siya,+ na kumuha ng maraming samsam at kumuha ng maraming madarambong at iyon ay gawing isang dakong niyuyurakan na parang luwad sa mga lansangan.+ 7 Bagaman maaaring hindi siya gayon ay nanaisin niya; bagaman maaaring hindi gayon ang kaniyang puso, siya ay magpapakana, sapagkat ang mangwasak ay nasa kaniyang puso,+ at ang manlipol ng hindi kakaunting mga bansa.+ 8 Sapagkat sasabihin niya, ‘Hindi ba ang aking mga prinsipe ay mga hari rin?+ 9 Hindi ba ang Calno+ ay gaya rin ng Carkemis?+ Hindi ba ang Hamat+ ay gaya rin ng Arpad?+ Hindi ba ang Samaria+ ay gaya rin ng Damasco?+ 10 Kailanma’t naabot ng aking kamay ang mga kaharian ng walang-silbing diyos na ang mga nililok na imahen nito ay mas marami kaysa roon sa nasa Jerusalem at nasa Samaria,+ 11 hindi ba mangyayari na kung ano ang gagawin ko sa Samaria at sa kaniyang walang-silbing mga diyos,+ gayon nga ang gagawin ko sa Jerusalem at sa kaniyang mga idolo?’+

12 “At mangyayari nga na kapag winakasan ni Jehova ang lahat ng kaniyang gawa sa Bundok Sion at sa Jerusalem, ako ay makikipagsulit dahil sa bunga ng kawalang-pakundangan ng puso ng hari ng Asirya at dahil sa kapalaluan ng pagmamataas ng kaniyang mga mata.+ 13 Sapagkat sinabi niya, ‘Sa kapangyarihan ng aking kamay ay tiyak na kikilos ako,+ at sa aking karunungan, sapagkat mayroon nga akong unawa; at aalisin ko ang mga hangganan ng mga bayan,+ at ang kanilang mga bagay na nakaimbak ay tiyak na sasamsamin ko,+ at ibababa ko ang mga tumatahan na gaya ng isang makapangyarihan.+ 14 At parang isang pugad, aabutin ng aking kamay+ ang yaman+ ng mga bayan; at gaya ng pagtitipon ng mga itlog na naiwan, titipunin ko nga ang buong lupa, at tiyak na walang sinumang magpapagaspas ng kaniyang mga pakpak o magbubuka ng kaniyang bibig o huhuni.’ ”

15 Magmamagaling ba ang palakol sa nagsisibak sa pamamagitan nito, o dadakilain ba ng lagari ang sarili nito sa nagpapagalaw niyaon nang paroo’t parito, na para bang ang baston ang siyang nagpapagalaw nang paroo’t parito sa mga nagtataas niyaon, na para bang ang tungkod ang siyang nagtataas sa isa na hindi kahoy?+ 16 Kaya ang tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ay patuloy na magpapasapit ng nakagugupong karamdaman sa kaniyang mga taong matataba,+ at sa ilalim ng kaniyang kaluwalhatian ay isang ningas ang patuloy na magniningas na gaya ng ningas ng apoy.+ 17 At ang Liwanag+ ng Israel ay magiging isang apoy,+ at ang kaniyang Banal na Isa ay magiging isang liyab;+ at ito ay lalagablab at lalamunin ang kaniyang mga panirang-damo at ang kaniyang mga tinikang-palumpong+ sa isang araw. 18 At ang kaluwalhatian ng kaniyang kagubatan at ng kaniyang taniman ay Kaniyang pasasapitin sa kawakasan,+ mula nga sa kaluluwa hanggang sa laman, at ito ay magiging gaya ng panlulupaypay ng isang may sakit.+ 19 At ang iba pang punungkahoy sa kaniyang kagubatan—ang kanilang bilang ay magiging gaya niyaong maisusulat ng isang bata lamang.+

20 At tiyak na mangyayari sa araw na iyon na yaong mga nalalabi ng Israel+ at yaong mga takas ng sambahayan ni Jacob ay hindi na muling sasandig sa isa na nananakit sa kanila,+ at tiyak na sasandig sila kay Jehova, ang Banal ng Israel,+ sa katapatan.+ 21 Isang nalabi lamang ang babalik, ang nalabi ng Jacob, sa Makapangyarihang Diyos.+ 22 Sapagkat bagaman ang iyong bayan, O Israel, ay maging gaya ng mga butil ng buhangin sa dagat,+ isang nalabi lamang mula sa kanila ang babalik.+ Isang paglipol+ na naipasiya ang daragsa ayon sa katuwiran,+ 23 sapagkat isang paglipol+ at isang mahigpit na pasiya ang ilalapat ng Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, sa gitna ng buong lupain.+

24 Kaya ito ang sinabi ng Soberanong+ Panginoon, si Jehova ng mga hukbo: “Huwag kang matakot, O bayan kong nananahanan sa Sion,+ dahil sa Asiryano, na nananakit sa iyo noon sa pamamagitan ng tungkod+ at nagtataas noon ng kaniyang baston laban sa iyo ayon sa paraang ginawa ng Ehipto.+ 25 Sapagkat kaunting-kaunting panahon pa—at ang pagtuligsa+ ay sasapit na sa kawakasan, at ang aking galit, sa kanilang paglalaho.+ 26 At si Jehova ng mga hukbo ay tiyak na magwawasiwas laban sa kaniya ng isang panghagupit+ gaya noong pagkatalo ng Midian sa tabi ng batong Oreb;+ at ang kaniyang baston ay malalagay sa dagat,+ at tiyak na itataas niya iyon ayon sa paraang ginawa niya sa Ehipto.+

27 “At mangyayari sa araw na iyon na ang kaniyang pasan ay mahihiwalay mula sa iyong balikat,+ at ang kaniyang pamatok mula sa iyong leeg,+ at ang pamatok ay tiyak na masisira+ dahil sa langis.”

28 Dumating siya sa Aiat;+ dumaan siya sa Migron; sa Micmash+ ay inilapag niya ang kaniyang mga kagamitan. 29 Dumaan sila sa tawiran, sa Geba+ ay nagpalipas sila ng gabi, ang Rama+ ay nanginig, ang Gibeah+ ni Saul ay tumakas. 30 Ihiyaw mo ang iyong tinig sa malalakas na sigaw, O anak na babae ng Galim.+ Magbigay-pansin ka, O Laisa. O ikaw na napipighati, Anatot!+ 31 Ang Madmena ay tumakbo. Ang mga tumatahan sa Gebim ay sumilong. 32 Araw pa sa Nob+ upang tumigil na. Ikinakaway niya ang kaniyang kamay nang may pagbabanta laban sa bundok ng anak na babae ng Sion, ang burol ng Jerusalem.+

33 Narito! Ang tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ay tumatagpas ng mga sanga nang may matinding pagbagsak;+ at yaong mga tumubo nang matayog ay pinuputol, at ang matataas ay nagiging mababa.+ 34 At pinutol niya ang mga palumpungan sa kagubatan sa pamamagitan ng isang kasangkapang bakal, at sa pamamagitan ng isang makapangyarihan ay babagsak ang Lebanon.+

11 At lalabas ang isang maliit na sanga+ mula sa tuod ni Jesse;+ at mula sa kaniyang mga ugat ay magiging mabunga+ ang isang sibol.+ 2 At sasakaniya ang espiritu ni Jehova,+ ang espiritu ng karunungan+ at ng pagkaunawa,+ ang espiritu ng payo at ng kalakasan,+ ang espiritu ng kaalaman+ at ng pagkatakot kay Jehova;+ 3 at magkakaroon siya ng kasiyahan sa pagkatakot kay Jehova.+

At hindi siya hahatol ayon lamang sa nakita ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ayon lamang sa narinig ng kaniyang mga tainga.+ 4 At sa katuwiran ay hahatulan niya ang mga maralita,+ at sa katapatan ay sasaway siya alang-alang sa maaamo sa lupa. At sasaktan niya ang lupa sa pamamagitan ng tungkod ng kaniyang bibig;+ at sa pamamagitan ng espiritu ng kaniyang mga labi ay papatayin niya ang balakyot.+ 5 At katuwiran ang magiging sinturon ng kaniyang baywang,+ at katapatan ang sinturon ng kaniyang mga balakang.+

6 At ang lobo ay tatahan ngang sandali kasama ng lalaking kordero,+ at ang leopardo ay hihigang kasama ng batang kambing, at ang guya at ang may-kilíng na batang leon+ at ang patabaing hayop ay magkakasamang lahat;+ at isang munting bata lamang ang mangunguna sa kanila. 7 At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay magkakasamang hihiga. At maging ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro.+ 8 At ang batang sumususo ay maglalaro sa lungga ng kobra;+ at sa siwang ng liwanag ng makamandag na ahas ay ilalagay nga ng batang inawat sa suso ang kaniyang kamay. 9 Hindi sila mananakit+ o maninira man sa aking buong banal na bundok;+ sapagkat ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.+

10 At mangyayari sa araw na iyon+ na magkakaroon ng ugat ni Jesse+ na tatayo bilang isang hudyat para sa mga bayan.+ Sa kaniya ay babaling ang mga bansa upang mag-usisa,+ at ang kaniyang pahingahang-dako ay magiging maluwalhati.+

11 At mangyayari sa araw na iyon na muling iaabot ni Jehova ang kaniyang kamay, sa ikalawang pagkakataon,+ upang kunin ang nalabi ng kaniyang bayan na malalabi mula sa Asirya+ at mula sa Ehipto+ at mula sa Patros+ at mula sa Cus+ at mula sa Elam+ at mula sa Sinar+ at mula sa Hamat at mula sa mga pulo sa dagat.+ 12 At siya ay tiyak na magtataas ng isang hudyat para sa mga bansa at titipunin niya ang mga nanabog mula sa Israel;+ at ang mga nangalat mula sa Juda ay pipisanin niya mula sa apat na dulo ng lupa.+

13 At ang paninibugho ng Efraim ay maaalis,+ at maging yaong mga napopoot sa Juda ay lilipulin. Ang Efraim ay hindi maninibugho sa Juda, ni ang Juda man ay mapopoot sa Efraim.+ 14 At sila ay lilipad sa balikat ng mga Filisteo sa dakong kanluran;+ magkasama silang mandarambong sa mga anak ng Silangan.+ Sa Edom at sa Moab ay iuunat nila ang kanilang kamay,+ at ang mga anak ni Ammon ay magiging mga sakop nila.+ 15 At tiyak na puputulin ni Jehova ang dila ng dagat ng Ehipto,+ at ikakaway niya ang kaniyang kamay sa may Ilog+ sa ningas ng kaniyang espiritu. At sasaktan niya ito sa pitong batis nito, at palalakarin nga niya ang mga tao na suot ang kanilang mga sandalyas.+ 16 At magkakaroon ng isang lansangang-bayan+ mula sa Asirya para sa nalabi+ ng kaniyang bayan na malalabi,+ kung paanong nagkaroon nga para sa Israel noong araw na umahon siya mula sa lupain ng Ehipto.

12 At sa araw na iyon+ ay tiyak na sasabihin mo: “Pasasalamatan kita, O Jehova, sapagkat bagaman nagalit ka sa akin, ang iyong galit ay napawi sa kalaunan,+ at inaliw mo ako.+ 2 Narito! Ang Diyos ay aking kaligtasan.+ Ako ay magtitiwala at hindi manghihilakbot;+ sapagkat si Jah Jehova ay aking lakas+ at aking kalakasan,+ at siya ay naging kaligtasan ko.”+

3 May-pagbubunying sasalok nga kayo ng tubig mula sa mga bukal ng kaligtasan.+ 4 At sa araw na iyon ay tiyak na sasabihin ninyo: “Magpasalamat kayo kay Jehova!+ Tumawag kayo sa kaniyang pangalan.+ Ihayag ninyo sa gitna ng mga bayan ang kaniyang mga ginagawa.+ Banggitin ninyo na ang kaniyang pangalan ay natanyag.+ 5 Umawit kayo kay Jehova,+ sapagkat siya ay gumawa ng mga dakilang bagay.+ Ito ay inihahayag sa buong lupa.

6 “Humiyaw ka nang malakas at sumigaw sa kagalakan, O ikaw na babaing tumatahan sa Sion, sapagkat sa iyong gitna ay dakila ang Banal ng Israel.”+

13 Ang kapahayagan laban sa Babilonya+ na nakita ni Isaias na anak ni Amoz+ sa pangitain: 2 “Sa ibabaw ng bundok ng mga hantad na bato ay magtaas kayo ng isang hudyat.+ Ilakas ninyo sa kanila ang tinig, ikaway ninyo ang kamay,+ upang pumasok sila sa mga pasukan ng mga taong mahal.+ 3 Ako ay nag-utos sa aking mga pinabanal.+ Tinawag ko rin ang aking mga makapangyarihan upang mailabas ang aking galit,+ ang aking mga lubhang nagbubunyi. 4 Makinig kayo! Isang pulutong na nasa mga bundok, tulad ng isang malaking bayan!+ Makinig kayo! Ang kaguluhan ng mga kaharian, ng mga bansang natitipon!+ Pinipisan ni Jehova ng mga hukbo ang hukbong pandigma.+ 5 Dumarating sila mula sa lupain sa malayo,+ mula sa dulo ng langit, si Jehova at ang mga sandata ng kaniyang pagtuligsa, upang gibain ang buong lupa.+

6 “Magpalahaw kayo,+ sapagkat ang araw ni Jehova ay malapit na!+ Darating iyon na gaya ng pananamsam mula sa Makapangyarihan-sa-lahat.+ 7 Iyan ang dahilan kung bakit ang lahat ng mga kamay ay lalaylay, at ang buong puso ng taong mortal ay matutunaw.+ 8 At naligalig ang bayan.+ Ang mga pangingisay at mga kirot ng panganganak ay nanaig; sila ay may mga kirot ng pagdaramdam na gaya ng babaing nanganganak.+ Nagtitinginan sila sa isa’t isa sa pagkamangha. Ang kanilang mga mukha ay nagniningas na mga mukha.+

9 “Narito! Ang araw ni Jehova ay dumarating, malupit kapuwa sa pagkapoot at sa pag-aapoy ng galit, upang ang lupain ay gawing isang bagay na panggigilalasan,+ at upang malipol nito mula roon ang mga makasalanan sa lupain.+ 10 Sapagkat ang mismong mga bituin sa langit at ang kanilang mga konstelasyon ng Kesil+ ay hindi magpapakislap ng kanilang liwanag; ang araw ay magdidilim nga sa pagsikat nito, at ang buwan ay hindi magpapasinag ng liwanag nito. 11 At tiyak na ibabalik ko sa mabungang lupain ang sariling kasamaan nito,+ at sa mga balakyot ang kanilang sariling kamalian. At paglalahuin ko nga ang pagmamapuri ng mga pangahas, at ang kapalaluan ng mga maniniil ay aking ibababa.+ 12 Ang taong mortal ay gagawin kong higit na bihirang masumpungan kaysa sa dalisay na ginto,+ at ang makalupang tao kaysa sa ginto ng Opir.+ 13 Iyan ang dahilan kung bakit ko liligaligin ang langit,+ at ang lupa ay mauuga mula sa kinaroroonan nito dahil sa poot ni Jehova ng mga hukbo+ at dahil sa araw ng kaniyang nag-aapoy na galit.+ 14 At mangyayari nga, tulad ng isang gasela na itinaboy at tulad ng kawan na hindi tinitipon ninuman,+ sila ay babaling, bawat isa sa kani-kaniyang bayan; at sila ay tatakas, bawat isa patungo sa kani-kaniyang lupain.+ 15 Ang lahat ng masusumpungan ay uulusin, at ang lahat ng mahuhuli ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak;+ 16 at ang kanila mismong mga anak ay pagluluray-lurayin sa kanilang paningin.+ Ang kanilang mga bahay ay sasamsaman, at ang kanilang mga asawa ay gagahasain.+

17 “Narito, pupukawin ko laban sa kanila ang mga Medo,+ na sa kanila ay walang kabuluhan ang pilak at ang ginto naman ay hindi nila kinalulugdan. 18 At pagluluray-lurayin ng kanilang mga busog maging ang mga kabataang lalaki.+ At ang bunga ng tiyan ay hindi nila kahahabagan;+ ang mga anak ay hindi kaaawaan ng kanilang mata. 19 At ang Babilonya, ang kagayakan ng mga kaharian,+ ang kagandahan ng pagmamapuri ng mga Caldeo,+ ay magiging gaya noong gibain ng Diyos ang Sodoma at Gomorra.+ 20 Hindi siya kailanman tatahanan,+ ni mananahanan man siya sa sali’t salinlahi.+ At doon ay hindi magtatayo ng kaniyang tolda ang Arabe, at hindi pahihigain doon ng mga pastol ang kanilang mga kawan. 21 At doon ay tiyak na hihiga ang mga namamalagi sa mga pook na walang tubig, at ang kanilang mga bahay ay mapupuno ng mga kuwagong agila.+ At doon tatahan ang mga avestruz, at ang hugis-kambing na mga demonyo ay magpapaluksu-lukso roon.+ 22 At ang mga chakal ay magpapalahaw sa kaniyang mga tirahang tore,+ at ang malaking ahas ay mapapasa mga palasyo ng masidhing kaluguran. At ang kapanahunan para sa kaniya ay malapit nang dumating, at ang kaniyang mga araw ay hindi magluluwat.”+

14 Sapagkat si Jehova ay magpapakita ng awa sa Jacob,+ at tiyak na pipiliin pa niya ang Israel;+ at bibigyan nga niya sila ng kapahingahan sa kanilang lupain,+ at ang naninirahang dayuhan ay makakasama nila, at ilalakip nila ang kanilang sarili sa sambahayan ni Jacob.+ 2 At kukunin nga sila ng mga bayan at dadalhin sila sa kanilang sariling dako, at kukunin sila ng sambahayan ng Israel bilang kanilang pag-aari sa lupain ni Jehova bilang mga alilang lalaki at bilang mga alilang babae;+ at sila ang magiging mga mambibihag+ niyaong mga humahawak sa kanila bilang bihag, at pamumunuan nila yaong mga sapilitang nagpapatrabaho sa kanila.+

3 At mangyayari nga sa araw ng pagbibigay sa iyo ni Jehova ng kapahingahan mula sa iyong kirot at mula sa iyong kaligaligan at mula sa mabigat na pagkaalipin na ipinang-alipin sa iyo,+ 4 na ibabangon mo ang kasabihang ito laban sa hari ng Babilonya at sasabihin mo:

“Ano’t siya na sapilitang nagpapatrabaho sa iba ay huminto, ang paniniil ay huminto!+ 5 Binali ni Jehova ang tungkod ng mga balakyot, ang baston ng mga namamahala,+ 6 siyang dahil sa poot ay walang-lubay na nananakit ng hampas sa mga bayan,+ siyang dahil sa matinding galit ay nanunupil ng mga bansa sa pag-uusig na walang pagpipigil.+ 7 Ang buong lupa ay sumapit sa kapahingahan,+ naging panatag. Ang mga tao ay nagsaya na may mga hiyaw ng kagalakan.+ 8 Maging ang mga puno ng enebro+ ay nagsaya rin dahil sa iyo, ang mga sedro ng Lebanon, na nagsasabi, ‘Magmula nang mabuwal ka, walang mamumutol ng kahoy+ ang sumasampa laban sa amin.’

9 “Maging ang Sheol+ sa ilalim ay naligalig dahil sa iyo upang salubungin ka sa pagpasok. Dahil sa iyo ay ginising nito yaong mga inutil sa kamatayan,+ ang lahat ng mga tulad-kambing na lider+ sa lupa. Pinatindig nito ang lahat ng hari ng mga bansa mula sa kanilang mga trono.+ 10 Silang lahat ay nagsasalita at nagsasabi sa iyo, ‘Pinanghina ka rin bang tulad namin?+ Ginawa ka bang katulad namin?+ 11 Sa Sheol ibinaba ang iyong pagmamapuri, ang ingay ng iyong mga panugtog na de-kuwerdas.+ Sa ilalim mo, ang mga uod ay nakalatag na gaya ng higaan; at mga uod ang iyong pantakip.’+

12 “O ano’t nahulog ka mula sa langit,+ ikaw na nagniningning, anak ng bukang-liwayway! Ano’t ibinuwal ka sa lupa,+ ikaw na nagpapahina sa mga bansa!+ 13 Kung tungkol sa iyo, sinabi mo sa iyong puso, ‘Sa langit ay sasampa ako.+ Sa itaas ng mga bituin+ ng Diyos ay itataas ko ang aking trono,+ at uupo ako sa ibabaw ng bundok ng kapisanan,+ sa pinakamalalayong bahagi sa hilaga.+ 14 Ako ay sasampa sa ibabaw ng matataas na dako ng mga ulap;+ gagawin kong kawangis ng Kataas-taasan ang aking sarili.’+

15 “Gayunman, sa Sheol ka ibababa,+ sa kadulu-duluhang mga bahagi ng hukay.+ 16 Yaong mga nakakakita sa iyo ay magmamasid sa iyo; maingat ka nilang susuriin, na sinasabi, ‘Ito ba ang lalaking lumiligalig sa lupa, na nagpapauga sa mga kaharian,+ 17 na nagpangyaring ang mabungang lupain ay maging gaya ng ilang at gumiba ng mismong mga lunsod nito,+ na hindi nagbukas ng daang pauwi para sa kaniyang mga bilanggo?’+ 18 Ang lahat ng iba pang hari ng mga bansa, oo, silang lahat, ay humiga na sa kaluwalhatian, bawat isa sa kani-kaniyang bahay.+ 19 Ngunit ikaw naman, itinapon ka na walang dakong libingan para sa iyo,+ gaya ng isang kinasusuklamang sibol, nadaramtan ng mga taong pinatay na sinaksak ng tabak na bumababang patungo sa mga bato ng isang hukay,+ gaya ng bangkay na niyurakan.+ 20 Hindi ka mapipisan sa kanila sa libingan, sapagkat sinira mo ang iyong sariling lupain, pinatay mo ang iyong sariling bayan. Hanggang sa panahong walang takda ay hindi panganganlan ang supling ng mga manggagawa ng kasamaan.+

21 “Maghanda kayo ng sangkalan sa pagpatay para sa kaniyang sariling mga anak dahil sa kamalian ng kanilang mga ninuno,+ upang hindi sila tumindig at ariin nga ang lupa at punuin ng mga lunsod ang ibabaw ng mabungang lupain.”+

22 “At titindig ako laban sa kanila,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

“At puputulin ko mula sa Babilonya ang pangalan+ at nalabi at supling at kaapu-apuhan,”+ ang sabi ni Jehova.

23 “At gagawin ko siyang pag-aari ng mga porcupino at mga matambong lawa ng tubig, at wawalisin ko siya ng walis ng pagkalipol,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

24 Si Jehova ng mga hukbo ay sumumpa,+ na nagsasabi: “Tiyak na kung ano ang aking inisip, gayon ang mangyayari; at kung ano ang aking ipinasiya, iyon ang magkakatotoo,+ 25 upang lansagin ang Asiryano sa aking lupain+ at upang mayurakan ko siya sa aking mga bundok;+ at upang ang kaniyang pamatok ay mahiwalay mula sa kanila at upang ang kaniya mismong pasan ay mahiwalay mula sa kanilang balikat.”+

26 Ito ang pasiya na ipinapasiya laban sa buong lupa, at ito ang kamay na nakaunat laban sa lahat ng mga bansa. 27 Sapagkat si Jehova ng mga hukbo ang nagpasiya,+ at sino ang makasisira nito?+ At ang kaniyang kamay ang nakaunat, at sino ang makapipigil nito?+

28 Noong taóng mamatay si Haring Ahaz+ ay dumating ang kapahayagang ito: 29 “Huwag kang magsaya,+ O Filistia,+ sinuman sa iyo, dahil lamang sa pagkabali ng baston ng nananakit sa iyo.+ Sapagkat mula sa ugat ng serpiyente+ ay may lalabas na makamandag na ahas,+ at ang magiging bunga nito ay isang malaapoy na ahas na lumilipad.+ 30 At ang mga panganay ng mga maralita ay tiyak na kakain, at tiwasay na hihiga ang mga dukha.+ At sa pamamagitan ng taggutom ay papatayin ko ang iyong ugat, at ang matitira sa iyo ay papatayin.+ 31 Magpalahaw ka, O pintuang-daan! Humiyaw ka, O lunsod! Kayong lahat ay masisiraan ng loob, O Filistia! Sapagkat mula sa hilaga ay may usok na dumarating, at walang sinumang nahihiwalay mula sa kaniyang mga hanay.”+

32 At ano ang sasabihin ninuman bilang sagot sa mga mensahero+ ng bansa? Na si Jehova mismo ang naglatag ng pundasyon ng Sion,+ at doon manganganlong ang mga napipighati sa kaniyang bayan.

15 Ang kapahayagan laban sa Moab:+ Sapagkat sa gabi ay sinamsaman ito, ang Ar+ ng Moab ay pinatahimik. Sapagkat sa gabi ay sinamsaman ito, ang Kir+ ng Moab ay pinatahimik. 2 Umahon siya sa Bahay at sa Dibon,+ sa matataas na dako, upang tumangis. Dahil sa Nebo+ at dahil sa Medeba+ ay nagpapalahaw ang Moab. Sa lahat ng mga ulo roon ay may pagkakalbo;+ bawat balbas ay ginupitan. 3 Sa mga lansangan nito ay nakabigkis sila ng telang-sako.+ Sa mga bubong+ doon at sa mga liwasan doon ay nagpapalahaw ang lahat ng naroon, na bumababa habang tumatangis.+ 4 At ang Hesbon at ang Eleale+ ay humihiyaw. Hanggang sa Jahaz+ ay naririnig ang kanilang tinig. Kaya naman ang mga nasasandatahang lalaki ng Moab ay patuloy na sumisigaw. Ang kaniya mismong kaluluwa ay nanginginig sa loob niya.

5 Ang aking puso ay dumaraing dahil sa Moab.+ Ang mga takas nito ay hanggang sa Zoar+ at Eglat-selisiya.+ Sapagkat sa sampahan ng Luhit+—may pagtangis na umaahon doon ang bawat isa; sapagkat habang patungo sa Horonaim+ ay pinalalakas nila ang pagdaing tungkol sa kasakunaan. 6 Sapagkat ang mismong tubig ng Nimrim+ ay naging lubusang tiwangwang. Sapagkat ang luntiang damo ay natuyo, ang damo ay naglaho; walang anumang naging luntian.+ 7 Kaya naman ang mga tira at ang kanilang mga nakaimbak na pag-aari na tinipon nila, patuloy nilang itinatawid ang mga iyon sa mismong agusang libis ng mga alamo. 8 Sapagkat ang pagdaing ay lumaganap sa teritoryo ng Moab.+ Ang pagpapalahaw roon ay hanggang sa Eglaim; ang pagpapalahaw roon ay hanggang sa Beer-elim, 9 dahil ang mismong tubig ng Dimon ay naging punô ng dugo. Sapagkat sa Dimon ay maglalagay ako ng karagdagang mga bagay, gaya ng isang leon para sa mga takas ng Moab na tumatakas at para sa mga nalalabi sa lupain.+

16 Magpadala kayo ng isang barakong tupa sa tagapamahala ng lupain,+ mula sa Sela na nasa gawing ilang, sa bundok ng anak na babae ng Sion.+

2 At mangyayari nga na gaya ng isang may-pakpak na nilalang na tumatakas, na binugaw mula sa pugad nito,+ ang mga anak na babae ng Moab ay magkakagayon sa mga tawiran ng Arnon.+

3 “Magharap kayo ng payo, isagawa ninyo ang pasiya.+

“Ang iyong lilim ay gawin mong tulad ng gabi sa katanghaliang tapat.+ Ikubli mo ang mga pinanabog;+ huwag mong ipagkanulo ang tumatakas.+ 4 Ang aking mga pinanabog ay manirahan nawa sa iyo bilang mga dayuhan, O Moab.+ Maging dakong kublihan ka sa kanila dahil sa mananamsam.+ Sapagkat ang maniniil ay sumapit na sa kaniyang kawakasan; ang pananamsam ay nagwakas na; yaong mga yumuyurak sa iba ay nalipol na mula sa lupa.+

5 “At sa maibiging-kabaitan ay tiyak na matibay na matatatag ang isang trono;+ at ang isa ay uupo roon sa katapatan sa tolda ni David,+ na humahatol at humahanap ng katarungan at maagap sa katuwiran.”+

6 Narinig namin ang tungkol sa pagmamapuri ng Moab, na siya ay lubhang mapagmapuri;+ ang kaniyang kapalaluan at ang kaniyang pagmamapuri at ang kaniyang poot+—ang kaniyang walang-katuturang usap ay hindi magkakagayon.+ 7 Kaya ang Moab ay magpapalahaw dahil sa Moab; ang lahat nga roon ay magpapalahaw.+ Dahil sa mga kakaning pasas ng Kir-hareset+ ay hahalinghing nga ang mga sinaktan, 8 sapagkat ang mga hagdan-hagdang lupain ng Hesbon+ ay nalanta. Ang punong ubas ng Sibma+—pinulak ng mga may-ari ng mga bansa ang matingkad-pulang mga sanga nito. Hanggang sa Jazer+ ay nakaabot sila; gumala-gala sila sa ilang. Ang mga supang nito ay naiwan upang yumabong sa ganang sarili; nakarating sila sa dagat.

9 Kaya naman tatangis ako ng pagtangis ng Jazer dahil sa punong ubas ng Sibma.+ Babasain kita ng aking mga luha, O Hesbon+ at Eleale,+ sapagkat ang hiyawan sa iyong tag-araw at sa iyong pag-aani ay bumagsak na.+ 10 At ang pagsasaya at pagkakagalak ay inalis mula sa taniman; at sa mga ubasan ay walang hiyaw ng kagalakan, walang sigaw ang ipinaririnig.+ Walang alak sa mga pisaan ang niyayapakan ng manyayapak.+ Ang hiyawan ay aking pinaglaho.+

11 Kaya naman ang aking mga panloob na bahagi ay nagkakaingay na gaya ng isang alpa dahil nga sa Moab,+ at ang aking pinakaloob dahil sa Kir-hareset.+

12 At nangyari nga na nakitang ang Moab ay nanghihimagod sa ibabaw ng mataas na dako;+ at pumaroon siya sa kaniyang santuwaryo upang manalangin,+ at wala siyang anumang nagagawa.+

13 Ito ang salita na sinalita ni Jehova may kinalaman sa Moab noong una. 14 At ngayon ay nagsalita si Jehova, na sinasabi: “Sa loob ng tatlong taon, ayon sa mga taon ng upahang trabahador,+ ang kaluwalhatian+ ng Moab ay madudusta rin na may bawat uri ng malaking kaguluhan, at ang mga malalabi ay kaunting-kaunti, hindi makapangyarihan.”+

17 Ang kapahayagan laban sa Damasco:+ “Narito! Ang Damasco na naalis sa pagiging lunsod, at siya ay naging isang bunton, isang wasak na kagibaan.+ 2 Ang mga lunsod ng Aroer+ na naiwan ay naging mga dako lamang para sa mga kawan, kung saan sila humihiga, na walang sinumang nagpapanginig sa kanila.+ 3 At ang nakukutaang lunsod ay pinaglaho mula sa Efraim,+ at ang kaharian naman mula sa Damasco;+ at silang mula sa Sirya na nalalabi ay magiging gaya ng kaluwalhatian ng mga anak ni Israel,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.+

4 “At mangyayari nga sa araw na iyon na ang kaluwalhatian ng Jacob ay magiging mababa,+ at maging ang katabaan ng kaniyang laman ay mangangayayat.+ 5 At mangyayari nga na kapag tinitipon ng mang-aani ang nakatayong halamang butil at inaani ng kaniyang bisig ang mga uhay ng butil,+ siya ay magiging gaya nga ng isang naghihimalay ng mga uhay ng butil sa mababang kapatagan ng Repaim.+ 6 At may himalay na maiiwan doon na gaya ng sa pagpaspas sa punong olibo: dalawa o tatlong hinog na olibo sa dulo ng sanga; apat o lima sa malalaking sanga nito na namumunga,” ang sabi ni Jehova na Diyos ng Israel.+

7 Sa araw na iyon ay titingin ang makalupang tao sa kaniyang Maylikha, at ang kaniyang mga mata ay tititig sa Banal ng Israel.+ 8 At hindi siya titingin sa mga altar,+ na gawa ng kaniyang mga kamay;+ at sa ginawa ng kaniyang mga daliri ay hindi siya tititig, sa mga sagradong poste man o sa mga patungan ng insenso.+ 9 Sa araw na iyon ang kaniyang mga tanggulang lunsod ay magiging gaya ng isang dakong lubusang pinabayaan sa kakahuyan, maging ang sanga na lubusan nilang pinabayaan dahil sa mga anak ni Israel; at iyon ay magiging tiwangwang na kaguhuan.+ 10 Sapagkat nilimot+ mo ang Diyos ng iyong kaligtasan;+ at ang Bato+ ng iyong tanggulan ay hindi mo inalaala. Iyan ang dahilan kung bakit ka nagtatanim ng kaiga-igayang mga taniman, at supang ng taga-ibang bayan ang ibinabaon mo roon. 11 Sa araw ay maingat mong mababakuran ang iyong taniman, at sa umaga ay mapasisibol mo ang iyong binhi, ngunit ang ani ay tiyak na mawawala sa araw ng sakit at di-malunasang kirot.+

12 Aha dahil sa kaguluhan ng maraming bayan, na dumadaluyong na gaya ng pagdaluyong ng mga dagat! At dahil sa ingay ng mga liping pambansa, na humuhugong na parang ingay ng malakas na tubig!+ 13 Ang mga liping pambansa+ ay huhugong na parang ingay ng maraming tubig. At Kaniya ngang sasawayin iyon,+ at iyon ay tatakas sa malayo at itataboy na gaya ng ipa sa mga bundok sa harap ng hangin at gaya ng gumugulong na dawag sa harap ng bagyong hangin.+ 14 Sa oras ng gabi, aba, narito! may biglaang kakilabutan. Bago mag-umaga—iyon ay wala na.+ Ito ang bahagi ng mga nananamsam sa atin, at ang kahinatnan na nauukol sa mga nandarambong sa atin.+

18 Aha dahil sa lupain ng mga humihiging na kulisap na may mga pakpak, na nasa pook ng mga ilog ng Etiopia!+ 2 Ito ang nagpapadala ng mga sugo+ na dumaraan sa dagat, at sa pamamagitan ng mga sasakyang papiro sa ibabaw ng tubig, na nagsasabi: “Pumaroon kayo, kayong mga mensaherong matutulin, sa isang bansa na banát at kinís, sa isang bayan na kakila-kilabot sa lahat ng dako, isang bansa na may matinding lakas at yumuyurak, na ang lupain ay inagnas ng mga ilog.”+

3 Lahat kayong nananahanan sa mabungang lupain+ at kayong tumatahan sa lupa, kayo ay may makikitang gaya ng sa pagtataas ng isang hudyat sa ibabaw ng mga bundok,+ at may maririnig kayong tunog na gaya ng paghihip sa tambuli.+ 4 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova sa akin: “Ako ay mananatiling panatag at titingin sa aking tatag na dako,+ tulad ng nakasisilaw na init na kasama ng liwanag,+ tulad ng ulap ng hamog sa init ng pag-aani.+ 5 Sapagkat bago ang pag-aani, kapag ang bulaklak ay sumapit sa kasukdulan at ang bulaklak ay naging ubas na nahihinog, puputulin din ng isa ang mumunting sanga sa pamamagitan ng mga karit na pampungos at aalisin ang mga pangkuyapit, tatagpasin ang mga iyon.+ 6 Ang mga iyon ay maiiwang magkakasama para sa ibong maninila sa mga bundok at para sa hayop sa lupa.+ At doon ay tiyak na magpapalipas ng tag-araw ang ibong maninila, at doon ay magpapalipas ng panahon ng pag-aani maging ang bawat hayop sa lupa.+

7 “Sa panahong iyon ay may kaloob na dadalhin kay Jehova ng mga hukbo,+ mula sa isang bayan na banát at kinís,+ mula nga sa isang bayan na kakila-kilabot sa lahat ng dako, isang bansa na may matinding lakas at yumuyurak, na ang lupain ay inagnas ng mga ilog, tungo sa dako ng pangalan ni Jehova ng mga hukbo, ang Bundok Sion.”+

19 Ang kapahayagan laban sa Ehipto:+ Narito! Si Jehova ay nakasakay sa isang ulap na matulin+ at paparating sa Ehipto. At ang walang-silbing mga diyos ng Ehipto ay tiyak na manginginig dahil sa kaniya,+ at ang mismong puso ng Ehipto ay matutunaw sa gitna nito.+

2 “At uudyukan ko ang mga Ehipsiyo laban sa mga Ehipsiyo, at tiyak na makikipagdigma sila bawat isa laban sa kaniyang kapatid, at bawat isa laban sa kaniyang kasama, lunsod laban sa lunsod, kaharian laban sa kaharian.+ 3 At ang espiritu ng Ehipto ay matitilihan sa gitna nito,+ at guguluhin ko ang sarili nitong panukala.+ At tiyak na babaling sila sa walang-silbing mga diyos+ at sa mga engkantador at sa mga espiritista at sa mga manghuhula ng mga pangyayari.+ 4 At ibibigay ko ang Ehipto sa kamay ng isang mahigpit na panginoon, at isang malakas na hari ang mamamahala sa kanila,”+ ang sabi ng tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.

5 At ang tubig ay tiyak na matutuyo mula sa dagat, at ang ilog ay matitigang at talagang matutuyo.+ 6 At ang mga ilog ay babaho; ang mga kanal ng Nilo ng Ehipto ay huhupa at matitigang.+ Maging ang tambo+ at ang hungko ay mabubulok. 7 Ang mga hantad na dako sa tabi ng Ilog Nilo, sa may bukana ng Ilog Nilo, at ang bawat lupaing pambutil ng Ilog Nilo ay matutuyo.+ Iyon ay tiyak na tatangayin, at iyon ay mawawala na. 8 At ang mga mangingisda ay magdadalamhati, at ang lahat ng naghahagis ng mga kawil sa Ilog Nilo ay mamimighati, at maging yaong mga naglaladlad ng mga pangisdang lambat sa ibabaw ng tubig ay maglalaho nga.+ 9 At ang mga manggagawa sa inikid na lino+ ay mapapahiya; gayundin ang mga manggagawa sa habihan ng mga puting kayo. 10 At ang kaniyang mga manghahabi+ ay masisiil, mamimighati ang kaluluwa ng lahat ng bayarang manggagawa.

11 Ang mga prinsipe ng Zoan+ ay talagang mangmang. Kung tungkol sa marurunong sa mga tagapayo ni Paraon, ang kanilang payo ay di-makatuwiran.+ Paano ninyo sasabihin kay Paraon: “Ako ay anak ng marurunong, anak ng mga hari noong sinaunang panahon”? 12 Nasaan nga sila—ang iyong mga taong marurunong+—upang sabihin nila ngayon sa iyo at upang malaman nila kung ano ang ipinasiya ni Jehova ng mga hukbo may kinalaman sa Ehipto?+ 13 Ang mga prinsipe ng Zoan ay kumilos nang may kamangmangan,+ ang mga prinsipe ng Nop+ ay nalinlang, ang Ehipto ay iniligaw ng mga pangunahing tao+ sa kaniyang mga tribo. 14 Inihalo ni Jehova sa gitna niya ang espiritu ng kalituhan;+ at iniligaw nila ang Ehipto sa lahat ng mga gawa nito, gaya ng isang lasing na pinasusuray-suray sa kaniyang suka.+ 15 At ang Ehipto ay hindi magkakaroon ng anumang gawain na magagawa ng ulo o ng buntot, ng supang o ng hungko.+

16 Sa araw na iyon ang Ehipto ay magiging gaya ng mga babae, at iyon ay tiyak na manginginig+ at manghihilakbot dahil sa pagkaway ng kamay ni Jehova ng mga hukbo na ikinakaway niya laban doon.+ 17 At ang lupain ng Juda ay magiging sanhi ng pagsuray-suray ng Ehipto.+ Ang lahat ng pinagsasabihan ng tungkol dito ay nanghihilakbot dahil sa pasiya ni Jehova ng mga hukbo na ipinapasiya niya laban sa kaniya.+

18 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng limang lunsod sa lupain ng Ehipto+ na nagsasalita ng wika ng Canaan+ at nanunumpa+ kay Jehova ng mga hukbo. Ang Lunsod ng Pagkagiba ang itatawag sa isang lunsod.

19 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng isang altar para kay Jehova sa gitna ng lupain ng Ehipto,+ at ng isang haligi para kay Jehova sa tabi ng hangganan nito. 20 At iyon ay magiging isang tanda at isang patotoo para kay Jehova ng mga hukbo sa lupain ng Ehipto;+ sapagkat daraing sila kay Jehova dahil sa mga maniniil,+ at magsusugo siya sa kanila ng tagapagligtas, isa ngang dakila, na siyang magliligtas sa kanila.+ 21 At si Jehova ay tiyak na makikilala ng mga Ehipsiyo;+ at makikilala nga ng mga Ehipsiyo si Jehova sa araw na iyon, at sila ay mag-uukol ng hain at kaloob+ at mananata kay Jehova at tutuparin nila iyon.+ 22 At sasaktan nga ni Jehova ang Ehipto.+ Magkakaroon ng pananakit at pagpapagaling;+ at manunumbalik sila kay Jehova,+ at hahayaan niyang siya ay mapamanhikan nila at pagagalingin niya sila.+

23 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng lansangang-bayan+ mula sa Ehipto hanggang sa Asirya, at ang Asirya ay papasok nga sa Ehipto, at ang Ehipto naman ay sa Asirya; at tiyak na maglilingkod sila, ang Ehipto kasama ng Asirya. 24 Sa araw na iyon ang Israel ay magiging ikatlo sa Ehipto at sa Asirya,+ samakatuwid nga, isang pagpapala sa gitna ng lupa,+ 25 sapagkat pagpapalain iyon ni Jehova ng mga hukbo,+ na sinasabi: “Pagpalain ang aking bayan, ang Ehipto, at ang gawa ng aking mga kamay, ang Asirya,+ at ang aking mana, ang Israel.”+

20 Nang taóng dumating si Tartan+ sa Asdod,+ nang isugo siya ni Sargon na hari ng Asirya,+ at siya ay nakipagdigma laban sa Asdod at binihag ito;+ 2 nang panahong iyon ay nagsalita si Jehova sa pamamagitan ng kamay ni Isaias na anak ni Amoz,+ na sinasabi: “Yumaon ka,+ at kalagin mo ang telang-sako mula sa iyong mga balakang;+ at ang iyong mga sandalyas ay alisin mo mula sa iyong mga paa.”+ At gayon ang ginawa niya, na lumalakad nang hubad at nakatapak.+

3 At si Jehova ay nagsabi: “Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumalakad nang hubad at nakatapak nang tatlong taon bilang isang tanda+ at isang palatandaan laban sa Ehipto+ at laban sa Etiopia,+ 4 gayon dadalhin ng hari ng Asirya ang kalipunan ng mga bihag ng Ehipto+ at ang mga tapon ng Etiopia, mga batang lalaki at matatandang lalaki, na hubad at nakatapak, at ang mga pigi ay hinubuan, ang kahubaran ng Ehipto.+ 5 At tiyak na masisindak sila at ikahihiya nila ang Etiopia na kanilang pinananaligang pag-asa+ at ang Ehipto na kanilang kagandahan.+ 6 At ang tumatahan sa baybaying lupaing ito ay tiyak na magsasabi sa araw na iyon, ‘Gayon ang kalagayan ng ating pinananaligang pag-asa, na patungo roon ay tumakas tayo upang magpatulong, upang maligtas dahil sa hari ng Asirya!+ At paano tayo makatatakas?’ ”

21 Ang kapahayagan laban sa ilang ng dagat:+ Tulad ng mga bagyong hangin+ sa timog sa paghayo nang pasulong, mula sa ilang ay dumarating ito, mula sa isang kakila-kilabot na lupain.+ 2 May isang malubhang pangitain+ na sinabi sa akin: Ang taksil makitungo ay nakikitungo nang may kataksilan, at ang mananamsam ay nananamsam.+ Umahon ka, O Elam! Mangubkob ka, O Media!+ Ang lahat ng pagbubuntunghininga dahil sa kaniya ay pinatigil ko.+ 3 Iyan ang dahilan kung bakit ang aking mga balakang ay napuspos ng matitinding kirot.+ Ang mga pangingisay ay nanaig sa akin, tulad ng mga pangingisay ng babaing nanganganak.+ Ako ay nagulumihanan anupat hindi ako nakaririnig; ako ay naligalig anupat hindi ako nakakakita. 4 Ang aking puso ay pagala-gala; isang pangangatog ang sumindak sa akin. Ang takipsilim na aking kinagigiliwan ay ginawang panginginig ko.+

5 Magkaroon ng pag-aayos ng mesa, ng pagsasaayos ng kinalalagyan ng mga upuan, ng kainan, ng inuman!+ Bumangon kayong mga prinsipe,+ pahiran ninyo ang kalasag.+ 6 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova sa akin:

“Yumaon ka, maglagay ka ng tanod upang masabi niya kung ano ang kaniyang nakikita.”+

7 At siya ay nakakita ng isang karong pandigma na may isang pareha ng mga kabayong pandigma, isang karong pandigma na may mga asno, isang karong pandigma na may mga kamelyo. At siya ay matamang nagbigay-pansin, na may buong pagbibigay-pansin. 8 At siya ay sumigaw na parang leon:+ “Sa ibabaw ng bantayan, O Jehova, ay palagi akong nakatayo kung araw, at sa aking pinagbabantayan ay nakatanod ako sa lahat ng gabi.+ 9 At narito ngayon, may dumarating na pandigmang karo ng mga lalaki, na may isang pareha ng mga kabayong pandigma!”+

At siya ay nagsimulang magsalita at magsabi: “Siya ay bumagsak na! Ang Babilonya ay bumagsak na,+ at ang lahat ng mga nililok na imahen ng kaniyang mga diyos ay binasag na niya sa lupa!”+

10 O aking mga giniik at ang anak ng aking giikan,+ ang narinig ko kay Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, ay iniulat ko sa inyo.

11 Ang kapahayagan laban sa Duma: Sa akin ay may tumatawag mula sa Seir:+ “Bantay, kumusta ang gabi? Bantay, kumusta ang gabi?”+ 12 Sinabi ng bantay: “Ang umaga ay darating, at gayundin ang gabi. Kung mag-uusisa kayo ay mag-usisa kayo. Pumarito kayong muli!”

13 Ang kapahayagan laban sa disyertong kapatagan: Sa kagubatan sa disyertong kapatagan ay magpapalipas kayo ng gabi, O mga pulutong ng mga tao ng Dedan.+ 14 Sa pagsalubong sa nauuhaw ay magdala kayo ng tubig. O kayong mga tumatahan sa lupain ng Tema,+ ang tumatakas ay salubungin ninyo na may tinapay para sa kaniya. 15 Sapagkat dahil sa mga tabak ay tumakas sila, dahil sa hugót na tabak, at dahil sa nakahutok na busog at dahil sa tindi ng digmaan.

16 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova sa akin: “Sa loob pa ng isang taon, ayon sa mga taon ng upahang trabahador,+ ang buong kaluwalhatian ng Kedar+ ay sasapit na nga sa kawakasan nito. 17 At ang mga nalalabi sa bilang ng mga mambubusog, ang makapangyarihang mga lalaki sa mga anak ni Kedar, ay mangangaunti,+ sapagkat si Jehova mismo, na Diyos ng Israel, ang nagsalita nito.”+

22 Ang kapahayagan tungkol sa libis ng pangitain:+ Ano nga ba ang nangyayari sa iyo anupat sumampa ka sa kabuuan sa mga bubong?+ 2 Puspos ka ng kabagabagan, isang maingay na lunsod, isang nagbubunying bayan.+ Ang mga napatay sa iyo ay hindi yaong mga napatay sa pamamagitan ng tabak, ni yaong mga namatay sa pakikipagbaka.+ 3 Ang lahat ng iyong mga diktador+ ay tumanan nang minsanan.+ Walang kinailangang busog nang sila ay kuning bilanggo. Lahat niyaong sa iyo na nasumpungan ay magkakasamang kinuhang bilanggo.+ Tumakas sila sa malayo.

4 Iyan ang dahilan kung bakit ko sinabi: “Huwag na ninyo akong titigan. Ako ay magpapakita ng kapaitan sa pagtangis.+ Huwag kayong magpumilit na aliwin ako dahil sa pananamsam sa anak na babae ng aking bayan.+ 5 Sapagkat iyon ay araw ng kalituhan+ at ng pagyurak+ at ng panlilito+ ng Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, sa libis ng pangitain. Naroon ang tagapagbuwag ng pader,+ at ang sigaw sa bundok.+ 6 At kinuha ng Elam+ ang talanga, sa pandigmang karo ng makalupang tao, na may mga kabayong pandigma; at inilantad ng Kir+ ang kalasag. 7 At mangyayari nga na ang pinakapili sa iyong mabababang kapatagan ay magiging punô ng mga karong pandigma, at ang mismong mga kabayong pandigma ay walang pagsalang lalagay sa may pintuang-daan, 8 at aalisin ng isa ang pantabing ng Juda. At sa araw na iyon ay titingin ka tungo sa taguan ng mga armas+ ng bahay ng kagubatan,+ 9 at tiyak na makikita ninyo ang mismong mga sira ng Lunsod ni David, sapagkat magiging marami nga.+ At titipunin ninyo ang tubig ng mababang tipunang-tubig.+ 10 At ang mga bahay sa Jerusalem ay bibilangin nga ninyo. Gigibain din ninyo ang mga bahay upang hindi maabot ang pader.+ 11 At magkakaroon ng sahuran na gagawin ninyo sa pagitan ng dalawang pader para sa tubig ng lumang tipunang-tubig.+ At hindi nga kayo titingin sa Dakilang Maylikha nito, at ang nag-anyo nito noong matagal nang panahon ay hindi nga ninyo makikita.

12 “At ang Soberanong+ Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ay tatawag sa araw na iyon ukol sa pagtangis+ at ukol sa pagdadalamhati at ukol sa pagkakalbo at ukol sa pagbibigkis ng telang-sako.+ 13 Ngunit, narito! pagbubunyi at pagsasaya, ang pagpatay ng mga baka at ang pagkatay ng mga tupa, ang pagkain ng karne at ang pag-inom ng alak,+ ‘Magkaroon ng kainan at inuman, sapagkat bukas ay mamamatay tayo.’ ”+

14 At sa aking pandinig ay inihayag ni Jehova ng mga hukbo ang kaniyang sarili:+ “ ‘Ang kamaliang ito ay hindi ipagbabayad-sala+ para sa inyo hanggang sa mamatay kayo,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.”

15 Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo: “Yumaon ka, pasukin mo ang katiwalang ito, si Sebna,+ na namamahala sa bahay,+ 16 ‘Ano ang karapatan mo rito, at kanino ka may karapatan dito, anupat umuka ka rito ng dakong libingan sa ganang iyo?’+ Sa mataas na dako ay umuuka siya ng kaniyang dakong libingan; sa isang malaking bato ay umuukit siya ng tahanan sa ganang kaniya. 17 ‘Narito! Ibabagsak ka ni Jehova na may marahas na pagbabagsak, O matipunong lalaki, at susunggaban ka nang buong lakas. 18 Walang pagsalang ibabalot ka niya nang mahigpit, na gaya ng bola para sa maluwang na lupain. Doon ka mamamatay, at doon magiging kasiraang-puri ng sambahayan ng iyong panginoon ang mga karo ng iyong kaluwalhatian. 19 At itataboy kita mula sa iyong kinalalagyan; at mula sa iyong opisyal na katayuan ay may magbabagsak sa iyo.+

20 “ ‘At mangyayari nga na sa araw na iyon ay tatawagin ko ang aking lingkod,+ na si Eliakim+ na anak ni Hilkias.+ 21 At daramtan ko siya ng iyong mahabang damit, at ang iyong paha ay ibibigkis ko nang mahigpit sa kaniya,+ at ang iyong pamunuan ay ibibigay ko sa kaniyang kamay; at siya ay magiging ama ng tumatahan sa Jerusalem at ng sambahayan ni Juda.+ 22 At iaatang ko ang susi+ ng sambahayan ni David sa kaniyang balikat, at siya ay magbubukas na hindi isasara ninuman, at siya ay magsasara na hindi bubuksan ninuman.+ 23 At ibabaon ko siyang gaya ng tulos+ sa isang dakong namamalagi, at siya ay magiging gaya ng trono ng kaluwalhatian sa sambahayan ng kaniyang ama.+ 24 At isasabit nila sa kaniya ang buong kaluwalhatian ng sambahayan ng kaniyang ama, ang mga inapo at ang mga supling, ang lahat ng maliliit na uri ng sisidlan, ang mga sisidlan na hugis-mangkok at gayundin ang lahat ng mga sisidlan na malalaking banga.

25 “ ‘Sa araw na iyon,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘ang tulos+ na nakabaon sa isang dakong namamalagi ay aalisin,+ at ito ay tutungkabin at malalaglag, at ang pasan na nakabitin dito ay mahihiwalay, sapagkat si Jehova mismo ang nagsalita nito.’ ”+

23 Ang kapahayagan tungkol sa Tiro:+ Magpalahaw kayo, kayong mga barko ng Tarsis!+ sapagkat ito ay sinamsaman upang hindi na maging daungan, upang hindi na maging dakong mapapasukan.+ Mula sa lupain ng Kitim+ ay isiniwalat iyon sa kanila. 2 Tumahimik kayo, kayong mga tumatahan sa baybaying lupain. Ang mga mangangalakal mula sa Sidon,+ yaong mga tumatawid sa dagat—pinasagana ka nila. 3 At sa maraming tubig ay naroon ang binhi ng Sihor,+ ang ani ng Nilo, ang kaniyang ganansiya; at iyon ay naging pakinabang ng mga bansa.+

4 Mahiya ka, O Sidon;+ sapagkat ang dagat, O ikaw na moog ng dagat, ay nagsabi: “Hindi pa ako nagkakaroon ng mga kirot sa panganganak, at hindi pa ako nagsisilang, ni ako man ay nagpalaki na ng mga binata, nag-alaga ng mga dalaga.”+ 5 Gaya ng nangyari dahil sa ulat may kinalaman sa Ehipto,+ ang mga tao rin ay daranas ng matitinding kirot dahil sa ulat tungkol sa Tiro.+ 6 Tumawid kayo patungong Tarsis; magpalahaw kayo, kayong mga tumatahan sa baybaying lupain. 7 Ito ba ang inyong lunsod na nagbubunyi mula noong mga araw ng sinaunang panahon, mula noong kaniyang unang mga panahon? Dinadala siya noon sa malayo ng kaniyang mga paa upang manirahan bilang dayuhan.

8 Sino ang nagbigay ng pasiyang+ ito laban sa Tiro, ang tagapagputong ng mga korona, na may mga mangangalakal na mga prinsipe, na may mga negosyante na siyang mararangal sa lupa?+

9 Si Jehova ng mga hukbo ang nagbigay ng pasiyang ito,+ na lapastanganin ang pagmamapuri ng lahat ng kagandahan,+ na hamakin ang lahat ng mararangal sa lupa.+

10 Tumawid ka sa iyong lupain na gaya ng Ilog Nilo, O anak na babae ng Tarsis.+ Wala nang pantalan.+ 11 Ang kaniyang kamay ay iniunat niya sa ibabaw ng dagat; niligalig niya ang mga kaharian.+ Si Jehova mismo ay nagbigay ng utos laban sa Fenicia, na gibain ang kaniyang mga moog.+ 12 At sinasabi niya: “Huwag ka nang magbunyi pang muli,+ O isa na sinisiil, ang anak na dalaga ng Sidon.+ Bumangon ka, tumawid ka patungong Kitim.+ Doon man ay hindi ka magkakaroon ng kapahingahan.”

13 Narito! Ang lupain ng mga Caldeo.+ Ito ang bayan—hindi ang Asirya+—itinatag nila siya para sa mga namamalagi sa disyerto.+ Itinayo nila ang kanilang mga toreng pangubkob;+ inihantad nila ang kaniyang mga tirahang tore;+ siya ay ginawang isang gumuguhong kagibaan.+

14 Magpalahaw kayo, kayong mga barko ng Tarsis, sapagkat ang inyong moog ay sinamsaman.+

15 At mangyayari sa araw na iyon na ang Tiro ay malilimutan nang pitumpung taon,+ gaya ng mga araw ng isang hari. Sa pagwawakas ng pitumpung taon ay mangyayari sa Tiro ang gaya ng nasa awit ng isang patutot: 16 “Kumuha ka ng alpa, lumibot ka sa lunsod, O patutot na nalimutan.+ Pagbutihin mo ang pagtugtog sa mga de-kuwerdas; paramihin mo ang iyong mga awit, upang ikaw ay maalaala.”

17 At mangyayari nga na sa pagwawakas ng pitumpung taon ay ibabaling ni Jehova sa Tiro ang kaniyang pansin, at ito ay magbabalik sa kaniyang upa+ at magpapatutot sa lahat ng mga kaharian sa lupa sa ibabaw ng lupain.+ 18 At ang kaniyang pakinabang at ang kaniyang upa+ ay magiging banal kay Jehova. Hindi iyon iimbakin, ni itatago man, sapagkat ang kaniyang upa ay magiging para roon sa mga nananahanan sa harap ni Jehova,+ upang makakain hanggang sa mabusog at bilang eleganteng pantakip.+

24 Narito! Inaalisan ni Jehova ng laman ang lupain at iginuguho ito,+ at kaniyang pinilipit ang ibabaw nito+ at pinangalat ang mga tumatahan doon.+ 2 At ang sa bayan ay magiging gaya ng sa saserdote; ang sa lingkod ay gaya ng sa kaniyang panginoon; ang sa alilang babae ay gaya ng sa kaniyang among babae; ang sa bumibili ay gaya ng sa nagtitinda; ang sa nagpapahiram ay gaya ng sa nanghihiram; ang sa nagpapatubo ay gaya ng sa nagbabayad ng patubo.+ 3 Walang pagsalang aalisan ng laman ang lupain, at walang pagsalang darambungin ito,+ sapagkat si Jehova mismo ang nagsalita ng salitang ito.+ 4 Ang lupain ay nagdadalamhati,+ naglalaho. Ang mabungang lupain ay nalalanta, naglalaho. Ang matataas na tao sa lupain ay nalalanta.+ 5 At ang mismong lupain ay narumhan sa ilalim ng mga tumatahan dito,+ sapagkat kinaligtaan nila ang mga kautusan,+ binago ang tuntunin,+ sinira ang tipang namamalagi nang walang takda.+ 6 Iyan ang dahilan kung bakit nilamon ng sumpa ang lupain,+ at ang mga tumatahan doon ay itinuturing na may-sala. Iyan ang dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng mga tumatahan sa lupain, at kaunting-kaunting taong mortal ang natira.+

7 Ang bagong alak ay nagdadalamhati, ang punong ubas ay nalalanta,+ ang lahat ng may masayang puso ay nagbubuntunghininga.+ 8 Ang pagbubunyi ng mga tamburin ay tumigil, ang ingay ng mga lubhang nagagalak ay huminto, ang pagbubunyi ng alpa ay tumigil.+ 9 Walang awit habang umiinom sila ng alak; ang nakalalangong inumin ay mapait sa mga umiinom nito. 10 Ang pinabayaang bayan ay nagiba;+ bawat bahay ay sinarhan upang walang makapasok. 11 May pagdaing sa mga lansangan dahil sa kakapusan sa alak. Ang lahat ng pagsasaya ay lumipas; ang pagbubunyi ng lupain ay naglaho.+ 12 Sa lunsod ay naiwan ang isang nakapanggigilalas na kalagayan; ang pintuang-daan ay nadurog at naging isa lamang bunton ng kaguhuan.+

13 Sapagkat gayon ang mangyayari sa gitna ng lupain, sa gitna ng mga bayan, gaya ng pagpaspas sa punong olibo,+ gaya ng paghihimalay kapag ang pamimitas ng ubas ay nagwakas na.+ 14 Sila ay maglalakas ng kanilang tinig, hihiyaw sila nang may kagalakan. Sa kadakilaan ni Jehova ay tiyak na hihiyaw sila nang malakas mula sa dagat.+ 15 Iyan ang dahilan kung bakit sa pook ng liwanag+ ay luluwalhatiin nila si Jehova,+ sa mga pulo sa dagat ay ang pangalan ni Jehova,+ na Diyos ng Israel. 16 Mula sa dulo ng lupain ay may mga awitin kaming narinig:+ “Kagayakan ukol sa Isa na Matuwid!”+

Ngunit ang sabi ko: “Sa ganang akin ay may pangangayayat,+ sa ganang akin ay may pangangayayat! Sa aba ko! Ang mga taksil makitungo ay nakikitungo nang may kataksilan.+ May kataksilan nga na ang mga taksil makitungo ay nakikitungo nang may kataksilan.”+

17 Ang panghihilakbot at ang hukay at ang bitag ay sumasaiyo, ikaw na tumatahan sa lupain.+ 18 At mangyayari nga na ang tumatakas mula sa ingay ng bagay na pinanghihilakbutan ay mahuhulog sa hukay, at ang umaahon mula sa loob ng hukay ay mahuhuli sa bitag.+ Sapagkat ang mismong mga pintuan ng tubig sa kaitaasan ay bubuksan nga,+ at ang mga pundasyon ng lupain ay uuga.+ 19 Ang lupain ay talagang sumambulat, ang lupain ay talagang nayanig, ang lupain ay talagang pinasuray-suray.+ 20 Ang lupain ay talagang sumusuray-suray na gaya ng taong lasing, at ito ay gumigiwang-giwang sa magkabi-kabila gaya ng kubong bantayan.+ At ang pagsalansang nito ay bumigat sa ibabaw nito,+ at ito ay babagsak, anupat hindi na muling babangon.+

21 At mangyayari nga na sa araw na iyon ay ibabaling ni Jehova ang kaniyang pansin sa hukbo ng kaitaasan na nasa kaitaasan, at sa mga hari sa lupa na nasa ibabaw ng lupa.+ 22 At sila ay tiyak na titipunin kung paanong tinitipon sa hukay ang mga bilanggo,+ at ikukulong sa bartolina;+ at pagkatapos ng maraming araw ay pagtutuunan sila ng pansin.+ 23 At ang buwan na nasa kabilugan ay nalito, at ang sumisinag na araw ay napahiya,+ sapagkat si Jehova ng mga hukbo ay naging hari+ sa Bundok Sion+ at sa Jerusalem at sa harap ng kaniyang matatandang lalaki taglay ang kaluwalhatian.+

25 O Jehova, ikaw ang aking Diyos.+ Dinadakila kita,+ pinupuri ko ang iyong pangalan,+ sapagkat gumawa ka ng mga kamangha-manghang bagay,+ mga pasiya+ mula noong unang mga panahon, sa katapatan,+ sa pagiging mapagkakatiwalaan.+ 2 Sapagkat ang lunsod ay ginawa mong bunton ng mga bato, ang nakukutaang bayan naman ay gumuguhong kagibaan, isang tirahang tore ng mga taga-ibang bayan na hindi na magiging lunsod, na hindi itatayong muli maging hanggang sa panahong walang takda.+ 3 Kaya nga luluwalhatiin ka niyaong isang malakas na bayan; ang bayan ng mapaniil na mga bansa, matatakot sila sa iyo.+ 4 Sapagkat ikaw ay naging moog sa maralita, moog sa dukha sa kaniyang kabagabagan,+ kanlungan sa bagyong maulan, lilim+ sa init, kapag ang bugso ng mga mapaniil ay parang bagyong maulan laban sa isang pader. 5 Gaya ng init sa lupaing walang tubig, ang ingay ng mga taga-ibang bayan ay sinusupil mo, ang init sa pamamagitan ng lilim ng ulap.+ Ang mismong awitin ng mga mapaniil ay natitigil.+

6 At si Jehova ng mga hukbo ay tiyak na gagawa para sa lahat ng mga bayan,+ sa bundok+ na ito, ng isang piging ng mga putaheng malangis,+ isang piging ng alak na pinanatili sa latak, ng mga putaheng malangis na punô ng utak sa buto,+ ng alak+ na pinanatili sa latak, sinala.+ 7 At sa bundok na ito ay tiyak na lalamunin niya ang mukha ng balot na bumabalot sa lahat ng mga bayan,+ at ang gawang hinabi na nakahabi sa lahat ng mga bansa. 8 Lalamunin niya ang kamatayan magpakailanman,+ at tiyak na papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang mga luha mula sa lahat ng mukha.+ At ang kadustaan ng kaniyang bayan ay aalisin niya mula sa buong lupa,+ sapagkat si Jehova mismo ang nagsalita nito.

9 At sa araw na iyon ay tiyak na may magsasabi: “Narito! Ito ang ating Diyos.+ Umaasa tayo sa kaniya,+ at ililigtas niya tayo.+ Ito si Jehova.+ Umaasa tayo sa kaniya. Tayo ay magalak at magsaya sa kaniyang pagliligtas.”+

10 Sapagkat ang kamay ni Jehova ay mananatili sa bundok na ito,+ at ang Moab ay yuyurakan+ sa kinaroroonan nito kung paanong ang bunton ng dayami ay niyuyurakan sa tapunan ng dumi.+ 11 At itatampal niya ang kaniyang mga kamay sa gitna nito gaya ng pagtampal ng manlalangoy upang makalangoy, at ibababa niya ang kapalaluan+ nito sa pamamagitan ng mapanlinlang na mga galaw ng kaniyang mga kamay. 12 At ang nakukutaang lunsod, kasama ng iyong matataas na tanggulang pader, ay ibubuwal niya; ibababa niya iyon, ilulugmok niya sa lupa, sa alabok.+

26 Sa araw na iyon+ ay aawitin ang awit+ na ito sa lupain ng Juda:+ “Mayroon kaming matibay na lunsod.+ Itinatalaga niya ang kaligtasan bilang mga pader at muralya.+ 2 Buksan ninyo ang mga pintuang-daan+ upang makapasok ang matuwid na bansa na nag-iingat ng tapat na paggawi.+ 3 Ang hilig na lubos na nasusuhayan ay iingatan mo sa namamalaging kapayapaan,+ sapagkat sa iyo nagtitiwala ang isang iyon.+ 4 Magtiwala kayo kay Jehova+ sa habang panahon, sapagkat nasa kay Jah Jehova ang Bato+ ng mga panahong walang takda.

5 “Sapagkat ibinuwal niya yaong mga tumatahan sa kaitaasan,+ ang mataas na bayan.+ Ibinababa niya iyon, ibinababa niya iyon sa lupa; idinidikit niya iyon sa alabok.+ 6 Yuyurakan iyon ng paa, ng mga paa niyaong napipighati, ng mga yapak ng mga maralita.”+

7 Ang landas ng matuwid ay katapatan.+ Yamang matapat ka, papatagin mo ang mismong landasin ng matuwid.+ 8 Oo, dahil sa landas ng iyong mga kahatulan, O Jehova, umaasa kami sa iyo.+ Ang iyong pangalan at ang iyong pinakaalaala+ ay siyang pagnanasa ng kaluluwa.+ 9 Ninasa kita ng aking kaluluwa sa gabi;+ oo, ang aking espiritu sa loob ko ay patuloy na humahanap sa iyo;+ sapagkat, kapag may mga kahatulan mula sa iyo para sa lupa,+ katuwiran+ ang siyang matututuhan ng mga tumatahan sa mabungang lupain.+ 10 Pagpakitaan man ng lingap ang balakyot, hindi rin siya matututo ng katuwiran.+ Sa lupain ng katapatan ay gagawi siya nang walang katarungan+ at hindi niya makikita ang karilagan ni Jehova.+

11 O Jehova, ang iyong kamay ay naging mataas,+ ngunit hindi nila iyon namamasdan.+ Kanilang mamamasdan at mapapahiya+ sila dahil sa sigasig sa iyong bayan. Oo, ang mismong apoy+ para sa iyong mga kalaban ang lalamon sa kanila. 12 O Jehova, maglalapat ka ng kapayapaan sa amin,+ sapagkat maging ang lahat ng aming mga gawa ay isinagawa mo para sa amin.+ 13 O Jehova na aming Diyos, ang ibang mga panginoon bukod sa iyo ay nagmay-ari sa amin.+ Sa pamamagitan mo lamang namin mababanggit ang iyong pangalan.+ 14 Sila ay patay; hindi sila mabubuhay.+ Palibhasa’y inutil sa kamatayan,+ hindi sila babangon.+ Kaya ibinaling mo ang iyong pansin upang malipol mo sila at mapawi ang lahat ng pagbanggit sa kanila.+

15 Dinagdagan mo ang bansa; O Jehova, dinagdagan mo ang bansa;+ niluwalhati mo ang iyong sarili.+ Pinalawak mo ang lahat ng mga hanggahan ng lupain.+ 16 O Jehova, sa panahon ng kabagabagan ay ibinaling nila sa iyo ang kanilang pansin;+ sila ay nagbuhos ng bulong na panalangin nang tumanggap sila ng iyong disiplina.+ 17 Gaya ng babaing nagdadalang-tao na malapit nang manganak, na may mga kirot ng pagdaramdam, na humihiyaw dahil sa mga hapdi ng kaniyang panganganak, nagkagayon nga kami dahil sa iyo, O Jehova.+ 18 Nagdalang-tao kami, nagkaroon kami ng mga kirot ng pagdaramdam;+ gayunman, nanganak kami ng hangin. Wala kaming naisasagawang tunay na pagliligtas kung tungkol sa lupain,+ at walang tumatahan sa mabungang lupain ang nahuhulog upang maipanganak.+

19 “Ang iyong mga patay ay mabubuhay.+ Ang isang bangkay ko—sila ay babangon.+ Gumising kayo at humiyaw nang may kagalakan, kayong mga tumatahan sa alabok!+ Sapagkat ang iyong hamog+ ay gaya ng hamog ng mga malva,+ at maging yaong mga inutil sa kamatayan ay palalaglagin ng lupa upang maipanganak.+

20 “Yumaon ka, bayan ko, pumasok ka sa iyong mga loobang silid, at isara mo ang iyong mga pinto sa likuran mo.+ Magtago ka nang sandali hanggang sa makaraan ang pagtuligsa.+ 21 Sapagkat, narito! si Jehova ay lumalabas mula sa kaniyang dako upang hingan ng sulit ang kamalian ng tumatahan sa lupain laban sa kaniya,+ at tiyak na ilalantad ng lupain ang kaniyang pagbububo ng dugo+ at hindi na tatakpan ang mga napatay sa kaniya.”+

27 Sa araw na iyon si Jehova,+ taglay ang kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak,+ ay magbabaling ng kaniyang pansin sa Leviatan,+ ang umuusad na serpiyente,+ sa Leviatan nga, ang likong serpiyente, at tiyak na papatayin niya ang dambuhalang hayop-dagat+ na nasa dagat.

2 Sa araw na iyon ay umawit kayo sa kaniya:+ “Isang ubasan+ ng alak na bumubula! 3 Akong si Jehova ang nag-iingat sa kaniya.+ Sa bawat sandali ay didiligin ko siya.+ Upang walang sinumang magbaling ng kaniyang pansin laban sa kaniya, iingatan ko siya maging sa gabi’t araw.+ 4 Walang pagngangalit ang sumasaakin.+ Sino ang magbibigay sa akin ng mga tinikang-palumpong+ at mga panirang-damo sa pagbabaka? Tatapakan ko ang mga iyon. Ang mga iyon ay magkasabay kong sisilaban.+ 5 Kung hindi ay tumangan siya sa aking moog, makipagpayapaan siya sa akin; ang pakikipagpayapaan sa akin ay gawin niya.”+

6 Sa mga araw na dumarating ay mag-uugat ang Jacob, ang Israel+ ay mamumulaklak at magsisibol nga; at talagang pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng mabungang lupain.+

7 Dapat ba siyang saktan ng sugat na gaya niyaong nagmula sa isang nananakit sa kaniya? O dapat ba siyang patayin na gaya ng pagpaslang sa mga napatay sa kaniya?+ 8 Kasabay ng panakot na sigaw ay makikipaglaban ka rito kapag ito ay payayaunin. Patatalsikin niya ito ng kaniyang bugso, yaon ngang matindi sa araw ng hanging silangan.+ 9 Kaya sa ganitong paraan ay ipagbabayad-sala ang kamalian ng Jacob,+ at ito ang buong bunga kapag inalis niya ang kaniyang kasalanan,+ kapag ang lahat ng mga bato ng altar ay ginawa niyang parang mga batong yeso na pinulbos, anupat ang mga sagradong poste+ at ang mga patungan ng insenso ay hindi na matatayo.+ 10 Sapagkat ang nakukutaang lunsod ay mag-iisa, ang pastulan ay iiwan at pababayaang gaya ng ilang.+ Doon manginginain ang guya, at doon iyon hihiga; at uubusin nga niya ang mga sanga nito.+ 11 Kapag natuyo na ang mumunting sanga nito, ang mga iyon ay babaliin ng mga babae na pumaparoon, at sisindihan ang mga iyon.+ Sapagkat hindi ito bayan na may matalas na unawa.+ Kaya naman hindi ito pagpapakitaan ng awa ng kaniyang Maylikha, at hindi ito pagpapakitaan ng lingap ng kaniyang Tagapag-anyo.+

12 At mangyayari nga na sa araw na iyon ay lalagasin ni Jehova ang bunga,+ mula sa umaagos na daloy ng Ilog+ hanggang sa agusang libis ng Ehipto,+ at gayon kayo kukuning isa-isa,+ O mga anak ni Israel. 13 At mangyayari nga na sa araw na iyon ay hihipan ang isang malaking tambuli,+ at yaong mga napapahamak sa lupain ng Asirya+ at yaong mga nakapanabog sa lupain ng Ehipto+ ay tiyak na darating at yuyukod+ kay Jehova sa banal na bundok sa Jerusalem.+

28 Sa aba ng marilag na korona ng mga lasenggo ng Efraim,+ at ng lumilipas na bulaklak ng kagayakan nito ng kagandahan na nasa ulunan ng matabang libis niyaong mga pinananaigan ng alak! 2 Narito! Si Jehova ay may isa na malakas at puspos ng sigla.+ Gaya ng makulog na bagyo ng graniso,+ isang mapamuksang bagyo, gaya ng makulog na bagyo ng malakas at humuhugos na tubig,+ siya ay tiyak na buong lakas na magbubulid sa lupa. 3 Yuyurakan+ ng mga paa ang maririlag na korona ng mga lasenggo ng Efraim. 4 At ang lumilipas na bulaklak+ ng kagayakan nito ng kagandahan na nasa ulunan ng matabang libis ay magiging gaya ng unang igos+ bago ang tag-araw, na, kapag nakita iyon ng tumitingin, habang nasa kaniyang palad pa ay nilululon na niya iyon.

5 Sa araw na iyon si Jehova ng mga hukbo ay magiging gaya ng korona ng kagayakan+ at gaya ng putong ng kagandahan+ sa mga nalalabi+ sa kaniyang bayan, 6 at espiritu ng katarungan sa isa na nakaupo sa paghatol,+ at kalakasan niyaong mga nagtataboy ng pagbabaka mula sa pintuang-daan.+

7 At ang mga ito rin—dahil sa alak ay naliligaw sila at dahil sa nakalalangong inumin ay pagala-gala sila. Saserdote at propeta+—naliligaw sila dahil sa nakalalangong inumin, nalilito sila dahilan sa alak, pagala-gala+ sila dahilan sa nakalalangong inumin; naliligaw sila sa kanilang pagtingin, nabubuwal sila kung tungkol sa pagpapasiya. 8 Sapagkat ang lahat ng mesa ay punô ng maruming suka+—walang dakong wala nito.

9 Kanino ituturo ng isa ang kaalaman,+ at kanino ipauunawa ng isa ang bagay na narinig?+ Doon sa mga inawat na sa gatas, doon sa mga inihiwalay na sa suso?+ 10 Sapagkat “utos at utos, utos at utos, pising panukat at pising panukat, pising panukat at pising panukat, kaunti rito, kaunti roon.”+ 11 Sapagkat sa pamamagitan niyaong mga nauutal ang mga labi+ at sa pamamagitan ng ibang wika+ ay magsasalita siya sa bayang ito,+ 12 yaong mga sinabihan niya: “Ito ang pahingahang-dako. Pagpahingahin ninyo ang nanghihimagod. At ito ang dako ng kaginhawahan,” ngunit ayaw nilang makinig.+ 13 At sa kanila ang salita ni Jehova ay tiyak na magiging “utos at utos, utos at utos, pising panukat at pising panukat, pising panukat at pising panukat,+ kaunti rito, kaunti roon,” upang sila ay makayaon at mabuwal nga nang patalikod at talagang mawasak at masilo at mahuli.+

14 Kaya dinggin ninyo ang salita ni Jehova, kayong mayayabang, kayong mga tagapamahala+ ng bayang ito na nasa Jerusalem: 15 Sapagkat sinabi ninyo: “Gumawa kami ng pakikipagtipan sa Kamatayan;+ at pinangyari naming kasama ng Sheol ang isang pangitain;+ ang umaapaw na dumaragsang baha, sakaling dumaan ito, ay hindi darating sa amin, sapagkat ang isang kasinungalingan ay ginawa naming aming kanlungan+ at sa kabulaanan ay nagkubli kami”;+ 16 kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Narito, inilalatag ko bilang pundasyon sa Sion+ ang isang bato,+ isang subok na bato,+ ang mahalagang panulukan+ ng isang matibay na pundasyon.+ Walang sinumang nananampalataya ang matatakot.+ 17 At katarungan ang gagawin kong pising panukat+ at katuwiran+ ang kasangkapang pangnibel; at papalisin ng graniso+ ang kanlungang kasinungalingan,+ at babahain ng tubig ang mismong dakong kublihan.+ 18 At ang inyong pakikipagtipan sa Kamatayan ay tiyak na matutunaw,+ at ang pangitain ninyong iyon ng Sheol ay hindi mananatili.+ Ang umaapaw na dumaragsang baha, kapag dumaan ito+—kayo rin ay magiging dakong yuyurakan nito.+ 19 Sa tuwing ito ay daraan, tatangayin kayo nito,+ sapagkat uma-umaga ay daraan ito, sa araw at sa gabi; at ito ay magiging walang iba kundi sanhi ng pangangatal+ upang ipaunawa sa iba ang bagay na narinig.”

20 Sapagkat ang higaan ay napakaikli upang mapag-unatan ng sarili, at ang hinabing kumot ay napakakitid kapag ibinabalot sa sarili. 21 Sapagkat si Jehova ay titindig na gaya noon sa Bundok Perazim,+ siya ay maliligalig na gaya noon sa mababang kapatagan malapit sa Gibeon,+ upang maisagawa niya ang kaniyang gawa—ang kaniyang gawa ay kakaiba—at upang magawa niya ang kaniyang gawain—ang kaniyang gawain ay pambihira.+ 22 At ngayon ay huwag kayong maging mga manunudyo,+ upang ang inyong mga panali ay hindi tumibay, sapagkat may paglipol, isa ngang bagay na naipasiya, na narinig ko mula sa Soberanong+ Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, para sa buong lupain.+

23 Makinig kayo at pakinggan ang aking tinig; magbigay-pansin kayo at pakinggan ang aking pananalita. 24 Buong araw+ bang nag-aararo ang tagapag-araro upang maghasik ng binhi, na kaniyang binubungkal at sinusuyod ang kaniyang lupa?+ 25 Hindi ba, kapag napatag na niya ang ibabaw nito, kaniya ngang ikakalat ang kominong itim at isasabog ang komino,+ at hindi ba siya maglalagay ng trigo, mijo,+ at sebada sa takdang dako,+ at ng espelta+ bilang kaniyang hangganan?+ 26 At may isang nagtutuwid+ sa kaniya ayon sa kung ano ang tama. Tinuturuan siya ng kaniyang Diyos.+ 27 Sapagkat hindi kasangkapang panggiik+ ang ipinanggigiik sa kominong itim; at sa komino ay hindi iginugulong ang gulong ng kariton. Sapagkat tungkod+ ang karaniwang ipinanghahampas sa kominong itim, at sa komino ay baston. 28 Ang pantinapay na binutil ba ay karaniwan nang dinudurog? Sapagkat hindi iyon ginigiik+ nang walang lubay.+ At patatakbuhin niya ang panggulong ng kaniyang kariton, at ang kaniyang mga kabayo, ngunit hindi niya iyon dudurugin.+ 29 Ito rin yaong nanggaling kay Jehova ng mga hukbo,+ na kamangha-mangha sa layunin, na gumagawa nang may kahusayan sa mabungang paggawa.+

29 “Sa aba ng Ariel,+ ng Ariel, ang bayan na pinagkampuhan ni David!+ Magdagdag kayo ng taon sa taon; ipagdiwang nang sunud-sunod ang mga kapistahan.+ 2 At gigipitin+ ko ang Ariel, at magkakaroon ng pagdadalamhati at pagtaghoy,+ at sa akin ay magiging gaya siya ng apuyan ng altar ng Diyos.+ 3 At ako ay magkakampo sa magkabi-kabila laban sa iyo, at kukubkubin kita ng bakod na mga tulos at magtatayo ako laban sa iyo ng mga kayariang pangubkob.+ 4 At ikaw ay mábababâ anupat magsasalita ka mula sa mismong lupa, at hihina ang iyong pananalita na waring mula sa alabok.+ At gaya ng espiritista ang iyong tinig ay manggagaling nga sa lupa, at mula sa alabok ay huhuni ang iyong pananalita.+ 5 At ang pulutong niyaong mga kakaiba sa iyo ay magiging gaya ng pinong alabok,+ at ang pulutong ng mga maniniil+ ay magiging gaya ng ipa na inililipad.+ At ito ay mangyayari sa isang iglap, biglaan.+ 6 Mula kay Jehova ng mga hukbo ay pag-uukulan ka ng pansin na may kulog at may pagyanig at may malakas na ugong, bagyong hangin at unos, at ang liyab ng apoy na lumalamon.”+

7 At ito ay mangyayari na parang sa panaginip, sa pangitain sa gabi, may kinalaman sa pulutong ng lahat ng mga bansa na nakikipagdigma laban sa Ariel,+ ang lahat nga ng nakikipagdigma laban sa kaniya, at ang mga toreng pangubkob laban sa kaniya at yaong mga gumigipit sa kaniya.+ 8 Oo, ito ay mangyayari gaya ng pananaginip ng isang gutóm at narito, kumakain siya, at siya ay nagising at ang kaniyang kaluluwa ay walang laman;+ at gaya ng pananaginip ng isang nauuhaw at narito, umiinom siya, at siya ay nagising at narito, siya ay pagod at ang kaniyang kaluluwa ay tuyot; gayon ang mangyayari sa pulutong ng lahat ng mga bansa na nakikipagdigma laban sa Bundok Sion.+

9 Tumigil kayo at mamangha;+ magpakabulag kayo, at mabulag nga.+ Sila ay nalango,+ ngunit hindi sa alak; sila ay sumuray-suray, ngunit hindi dahil sa nakalalangong inumin.+

10 Sapagkat sa inyo ay nagbuhos si Jehova ng espiritu ng mahimbing na tulog;+ at ipinipikit niya ang inyong mga mata, ang mga propeta,+ at tinakpan niya ang inyo ngang mga ulo,+ ang mga tagapangitain.+ 11 At para sa inyo ang pangitain ng lahat ng bagay ay naging gaya ng mga salita ng aklat na tinatakan,+ na ibinibigay nila sa isang nakakakilala ng sulat, na sinasabi: “Basahin mo ito nang malakas, pakisuyo,” at sasabihin niya: “Hindi ko magagawa, sapagkat ito ay natatakan”;+ 12 at ang aklat ay ibibigay sa isang hindi nakakakilala ng sulat, na may magsasabi: “Basahin mo ito nang malakas, pakisuyo,” at sasabihin niya: “Hindi nga ako nakakakilala ng sulat.”

13 At sasabihin ni Jehova: “Sa dahilang lumapit ang bayang ito sa pamamagitan ng kanilang bibig, at niluwalhati nila ako sa pamamagitan lamang ng kanilang mga labi,+ at lubusan nilang inilayo sa akin ang kanilang puso,+ at ang kanilang pagkatakot sa akin ay utos ng mga tao na itinuturo,+ 14 kaya narito ako, ang Isa na muling kikilos nang kamangha-mangha sa bayang ito,+ sa kamangha-manghang paraan at taglay ang isang bagay na kamangha-mangha; at ang karunungan ng kanilang mga taong marurunong ay maglalaho, at ang mismong pagkaunawa ng kanilang mga taong maiingat ay magkukubli.”+

15 Sa aba niyaong mga nagpapakatalamak sa pagkukubli ng panukala mula kay Jehova,+ at niyaong ang mga gawa ay naganap sa madilim na dako,+ habang sinasabi nila: “Sino ang nakakakita sa atin, at sino ang nakakakilala sa atin?”+ 16 Ang inyo ngang katiwalian! Ang magpapalayok ba ay ibibilang na tulad ng luwad?+ Sapagkat sasabihin ba ng bagay na ginawa tungkol sa maygawa nito: “Hindi niya ako ginawa”?+ At talaga bang sasabihin ng bagay na inanyuan tungkol sa tagapag-anyo nito: “Wala siyang ipinakitang unawa”?+

17 Hindi ba sandaling-sandaling panahon na lamang at ang Lebanon ay gagawing isang taniman+ at ang taniman ay ibibilang na gaya ng kagubatan?+ 18 At sa araw na iyon ay tiyak na maririnig ng mga bingi ang mga salita ng aklat,+ at mula sa karimlan at mula sa kadiliman ay makakakita maging ang mga mata ng mga bulag.+ 19 At patitindihin nga ng maaamo+ ang kanilang pagsasaya kay Jehova, at maging ang mga dukha ng sangkatauhan ay magagalak sa Banal ng Israel,+ 20 sapagkat ang maniniil ay sasapit sa kaniyang kawakasan,+ at ang mayabang ay darating sa kaniyang katapusan,+ at ang lahat ng mapagbantay sa paggawa ng pinsala+ ay lilipulin, 21 yaong mga humihila sa isang tao na magkasala dahil sa kaniyang salita,+ at yaong mga nag-uumang ng pain para sa isa na sumasaway sa pintuang-daan,+ at yaong mga nagsasaisantabi sa matuwid sa pamamagitan ng walang-katuturang mga argumento.+

22 Kaya ito ang sinabi ni Jehova sa sambahayan ni Jacob, siya na tumubos kay Abraham:+ “Si Jacob ay hindi na ngayon mapapahiya, ni mamumutla man ngayon ang kaniyang mukha;+ 23 sapagkat kapag nakita niya ang kaniyang mga anak, ang gawa ng aking mga kamay, sa gitna niya,+ pababanalin nila ang aking pangalan,+ at tiyak na pababanalin nila ang Banal ng Jacob,+ at ang Diyos ng Israel ay kanilang kasisindakan.+ 24 At yaong mga namamali sa kanilang espiritu ay makakakilala nga ng pagkaunawa, at maging yaong mga bumubulung-bulong ay matututo ng turo.”+

30 “Sa aba ng mga anak na sutil,”+ ang sabi ni Jehova, “yaong mga handang magsagawa ng panukala, ngunit hindi yaong mula sa akin;+ at magbuhos ng handog na inumin, ngunit hindi taglay ang aking espiritu, upang dagdagan ng kasalanan ang kasalanan;+ 2 yaong mga humahayo upang lumusong sa Ehipto+ at hindi nag-uusisa mula sa aking bibig,+ upang sumilong sa moog ni Paraon at upang manganlong sa lilim ng Ehipto!+ 3 At para sa inyo ang moog ni Paraon ay magiging dahilan upang mapahiya,+ at ang panganganlong sa lilim ng Ehipto ay magiging sanhi ng kahihiyan.+ 4 Sapagkat ang kaniyang mga prinsipe ay napasa-Zoan,+ at ang kaniyang mga sugo ay nakaaabot maging sa Hanes. 5 Tiyak na ikahihiya ng bawat isa ang bayan na hindi nagdudulot ng pakinabang sa isa, na hindi nakatutulong at hindi nagdudulot ng pakinabang, kundi isang dahilan upang mapahiya at sanhi rin ng kadustaan.”+

6 Ang kapahayagan laban sa mga hayop sa timog:+ Sa lupain ng kabagabagan+ at mahihirap na kalagayan, ng leon at leopardo na umuungol, ng ulupong at malaapoy na ahas na lumilipad,+ sa mga balikat ng mga hustong-gulang na asno ay dala nila ang kanilang yaman, at sa mga umbok ng mga kamelyo+ ang kanilang mga panustos. Para sa bayan ay hindi magiging kapaki-pakinabang ang mga iyon. 7 At ang mga Ehipsiyo ay walang kabuluhan, at tutulong sila nang wala namang saysay.+ Kaya tinawag ko ang isang ito: “Rahab+—sila ay para sa pag-upo nang tahimik.”

8 “Ngayon ay pumarito ka, isulat mo iyon sa isang tapyas na nasa kanila, at itala mo iyon sa isang aklat,+ upang iyon ay magsilbi para sa isang araw sa hinaharap, bilang patotoo hanggang sa panahong walang takda.+ 9 Sapagkat iyon ay mapaghimagsik na bayan,+ bulaang mga anak,+ mga anak na ayaw makarinig ng kautusan ni Jehova;+ 10 na nagsasabi sa mga nakakakita, ‘Huwag kayong makakita,’ at sa mga nagkakaroon ng pangitain, ‘Huwag kayong magpangitain para sa amin ng anumang bagay na matuwid.+ Magsalita kayo sa amin ng mga bagay na kaayaaya; magpangitain kayo ng mga bagay na mapanlinlang.+ 11 Lumihis kayo sa daan; humiwalay kayo sa landas.+ Paglahuin ninyo ang Banal ng Israel para lamang sa amin.’ ”+

12 Kaya ito ang sinabi ng Banal ng Israel: “Dahil sa pagtatakwil ninyo sa salitang ito,+ at yamang nagtitiwala kayo sa pandaraya at sa bagay na mapanlinlang at sumasandig kayo roon,+ 13 kaya para sa inyo ang kamaliang ito ay magiging gaya ng isang bahaging sira na pabagsak na, isang umbok sa isang napakataas na pader,+ na ang pagkagiba nito ay maaaring dumating nang bigla, sa isang iglap.+ 14 At tiyak na babasagin iyon ng isa gaya ng pagbasag sa isang malaking banga ng mga magpapalayok,+ na pinagdurug-durog na walang matitira, anupat sa mga durug-durog na piraso nito ay walang masusumpungang bibingang luwad na maipangkakalahig ng apoy mula sa apuyan o maipansasagap ng tubig mula sa matubig na dako.”+

15 Sapagkat ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ang Banal ng Israel:+ “Sa pagbabalik at pagpapahinga ay maliligtas kayo. Ang inyong kalakasan ay sa pananatiling panatag lamang at sa pagtitiwala.”+ Ngunit ayaw ninyo.+ 16 At sinabi ninyo: “Hindi, kundi tatakas kaming sakay ng mga kabayo!”+ Iyan ang dahilan kung bakit kayo tatakas. “At sa mga kabayong matutulin kami sasakay!”+ Iyan ang dahilan kung bakit yaong mga tumutugis sa inyo ay magiging matulin.+ 17 Ang isang libo ay manginginig dahil sa pagsaway ng isa;+ dahil sa pagsaway ng lima ay tatakas kayo hanggang sa maiwan kayong gaya ng isang palo na nasa taluktok ng bundok at gaya ng isang hudyat na nasa burol.+

18 At sa gayon ay patuloy na maghihintay si Jehova upang mapagpakitaan kayo ng lingap,+ at sa gayon ay titindig siya upang pagpakitaan kayo ng awa.+ Sapagkat si Jehova ay Diyos ng kahatulan.+ Maligaya+ ang lahat ng patuloy na naghihintay sa kaniya.+ 19 Kapag ang mismong bayan sa Sion+ ay nanahanan sa Jerusalem,+ hindi ka na tatangis pa.+ Walang pagsalang pagpapakitaan ka niya ng lingap sa tinig ng iyong pagdaing; kapag narinig niya iyon ay sasagutin ka nga niya.+ 20 At tiyak na bibigyan kayo ni Jehova ng tinapay sa anyo ng kabagabagan at ng tubig sa anyo ng paniniil;+ gayunma’y hindi na magtatago ang iyong Dakilang Tagapagturo, at ang iyong mga mata ay magiging mga matang nakakakita sa iyong Dakilang Tagapagturo.+ 21 At ang iyong mga tainga ay makaririnig ng salita sa likuran mo na nagsasabi: “Ito ang daan.+ Lakaran ninyo ito,” sakaling pumaroon kayo sa kanan o sakaling pumaroon kayo sa kaliwa.+

22 At durungisan ninyo ang kalupkop ng iyong mga nililok na imaheng pilak+ at ang hapít na saklob ng iyong binubong+ estatuwang ginto.+ Isasambulat mo ang mga iyon.+ Tulad ng babaing nireregla, sasabihan mo iyon: “Dumi lamang!”+ 23 At tiyak na ibibigay niya ang ulan para sa iyong binhi na inihahasik mo sa lupa,+ at bilang bunga ng lupa ay tinapay, na magiging mataba at malangis.+ Ang iyong mga alagang hayop ay manginginain sa araw na iyon sa isang malawak na pastulan.+ 24 At ang mga baka at ang mga hustong-gulang na asno na sumasaka ng lupa ay kakain ng kumpay na tinimplahan ng acedera, na tinahip sa pamamagitan ng pala+ at ng tinidor. 25 At sa ibabaw ng bawat mataas na bundok at sa ibabaw ng bawat mataas na burol ay magkakaroon ng mga bukal,+ mga estero ng tubig, sa araw ng malaking patayan kapag nabubuwal ang mga tore.+ 26 At ang liwanag ng buwan na nasa kabilugan ay magiging gaya ng liwanag ng sumisinag na araw; at ang mismong liwanag ng sumisinag na araw ay titindi nang makapitong ulit,+ tulad ng liwanag na pitong araw, sa araw na bibigkisan ni Jehova ang pagkasira+ ng kaniyang bayan at pagagalingin+ niya maging ang malubhang sugat na dulot ng kaniyang hampas.

27 Narito! Ang pangalan ni Jehova ay dumarating mula sa malayo, nagniningas sa kaniyang galit+ at may kasamang makakapal na ulap. Kung tungkol sa kaniyang mga labi, iyon ay punô ng pagtuligsa, at ang kaniyang dila ay gaya ng apoy na lumalamon.+ 28 At ang kaniyang espiritu ay gaya ng humuhugos na ilog na umaabot hanggang sa leeg,+ upang iugoy ang mga bansa nang paroo’t parito sa pamamagitan ng panala+ ng kawalang-kabuluhan; at isang renda+ na nagliligaw ang mapapasa mga panga ng mga bayan.+ 29 Magkakaroon kayo ng awit+ na waring sa gabi ng pagpapabanal ng isa ng kaniyang sarili para sa kapistahan,+ at ng pagsasaya ng puso na gaya niyaong sa isa na lumalakad na may plawta+ upang pumasok sa bundok ni Jehova,+ sa Bato ng Israel.+

30 At tiyak na iparirinig ni Jehova ang karingalan ng kaniyang tinig+ at ipakikita ang pagbaba ng kaniyang bisig,+ sa pagngangalit ng galit+ at sa liyab ng apoy na lumalamon+ at bugso ng ulan at bagyong maulan+ at mga batong graniso.+ 31 Sapagkat dahil sa tinig ni Jehova ay mangingilabot ang Asirya;+ sasaktan niya iyon sa pamamagitan nga ng isang baston.+ 32 At bawat hampas ng kaniyang tungkod ng kaparusahan na patatamain ni Jehova sa Asirya ay mangyayari nang may mga tamburin at may mga alpa;+ at sa mga pagbabaka na may pagwawasiwas ay makikipaglaban nga siya sa kanila.+ 33 Sapagkat ang kaniyang Topet+ ay nakaayos mula noong mga panahong kalilipas lamang; nakahanda rin iyon para sa hari mismo.+ Pinalalim niya ang bunton nito. Ang apoy at kahoy ay marami. Ang hininga ni Jehova, tulad ng malakas na agos ng asupre, ay nagniningas laban doon.+

31 Sa aba niyaong mga bumababa sa Ehipto upang magpatulong,+ yaong mga nananalig sa hamak na mga kabayo,+ at naglalagak ng kanilang tiwala sa mga karong pandigma,+ dahil marami ang mga iyon, at sa mga kabayong pandigma, dahil napakalakas ng mga iyon, ngunit hindi tumitingin sa Banal ng Israel at hindi humahanap kay Jehova.+ 2 At siya ay marunong+ din at magpapasapit niyaong kapaha-pahamak,+ at hindi niya binabawi ang kaniyang mga salita;+ at titindig nga siya laban sa bahay ng mga manggagawa ng kasamaan+ at laban sa tulong ng mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit.+

3 Ngunit ang mga Ehipsiyo ay mga makalupang tao,+ at hindi Diyos; at ang kanilang mga kabayo ay laman,+ at hindi espiritu. At si Jehova ay mag-uunat ng kaniyang kamay, at siya na nagbibigay ng tulong ay matitisod, at siya na tinutulungan ay mabubuwal,+ at silang lahat ay magkakasabay na sasapit sa kawakasan.

4 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova sa akin: “Kung paanong ang leon ay umuungol, ang may-kilíng na batang leon nga,+ dahil sa kaniyang nasila, kapag tinawag laban sa kaniya ang hustong bilang ng mga pastol, at sa kabila ng kanilang tinig ay hindi siya masisindak at sa kabila ng kanilang kaguluhan ay hindi siya yuyuko; sa gayunding paraan ay bababa si Jehova ng mga hukbo upang makipagdigma dahil sa Bundok Sion at dahil sa kaniyang burol.+ 5 Tulad ng mga ibong lumilipad, ipagtatanggol ni Jehova ng mga hukbo ang Jerusalem sa gayunding paraan.+ Sa pagtatanggol sa kaniya ay tiyak na ililigtas din niya siya.+ Sa pagliligtas sa kaniya ay patatakasin din niya siya.”

6 “Manumbalik+ kayo sa Isa na laban sa kaniya ay nagpakatalamak ang mga anak ni Israel sa kanilang paghihimagsik.+ 7 Sapagkat sa araw na iyon ay itatakwil ng bawat isa sa kanila ang kaniyang walang-kabuluhang mga diyos na pilak at ang kaniyang walang-silbing mga diyos na ginto,+ na ginawa ng inyong mga kamay sa ganang inyo bilang kasalanan.+ 8 At ang Asiryano ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak, na hindi sa tao; at isang tabak, na hindi sa makalupang tao, ang lalamon sa kaniya.+ At tatakas siya dahil sa tabak, at ang kaniyang mga kabataang lalaki ay mauukol sa puwersahang pagtatrabaho. 9 At ang kaniyang malaking bato ay maglalaho dahil sa matinding takot, at dahilan sa hudyat+ ay masisindak ang kaniyang mga prinsipe,” ang sabi ni Jehova, na ang kaniyang liwanag ay nasa Sion at ang kaniyang hurno+ ay nasa Jerusalem.

32 Narito! Isang hari+ ang maghahari ukol sa katuwiran;+ at tungkol sa mga prinsipe,+ mamamahala sila bilang mga prinsipe ukol sa katarungan. 2 At ang bawat isa ay magiging gaya ng taguang dako sa hangin at dakong kublihan sa bagyong maulan,+ gaya ng mga bukal ng tubig sa lupaing walang tubig,+ gaya ng lilim ng malaking bato sa lupaypay na lupain.+

3 At ang mga mata ng mga tumitingin ay hindi pagdidikitin, at ang mga tainga ng mga dumirinig ay magbibigay-pansin.+ 4 At ang puso ng mga lubhang padalus-dalos ay magbubulay-bulay ng kaalaman,+ at maging ang dila ng mga utal ay bibilis sa pagsasalita ng malilinaw na bagay.+ 5 Ang hangal ay hindi na tatawaging bukas-palad; at kung tungkol sa taong walang prinsipyo, hindi sasabihing marangal siya;+ 6 sapagkat ang hangal ay magsasalita lamang ng kahangalan,+ at ang kaniya mismong puso ay gagawa ng bagay na nakasasakit,+ upang magsagawa ng apostasya+ at upang magsalita ng bagay na liko laban kay Jehova, upang payauning walang laman ang kaluluwa ng gutóm,+ at maging ang nauuhaw ay pinayayaon niya nang walang nainom. 7 Kung tungkol sa taong walang prinsipyo, ang kaniyang mga kasangkapan ay masasama;+ siya mismo ay nagpapayo ng mahahalay na paggawi,+ upang ibuwal ang mga napipighati sa pamamagitan ng mga bulaang pananalita,+ ang dukha man ay nagsasalita ng bagay na tama.

8 Kung tungkol sa isa na bukas-palad, nagpapayo siya ukol sa mga bagay na bukas-palad; at para sa mga bagay na bukas-palad ay titindig siya.+

9 “Kayong mga babaing panatag, tumindig kayo, pakinggan ninyo ang aking tinig!+ Kayong mga anak na babae na di-nababahala, dinggin ninyo ang aking pananalita! 10 Sa loob ng isang taon at ilang araw ay liligaligin kayong mga di-nababahala,+ sapagkat ang pamimitas ng ubas ay magwawakas na ngunit walang darating na pagtitipon ng bunga.+ 11 Manginig kayo, kayong mga babaing panatag! Maligalig kayo, kayong mga di-nababahala! Mag-alis kayo ng damit at maging hubad, at magbigkis ng telang-sako sa mga balakang.+ 12 Dagukan ninyo ang inyong mga dibdib sa pananaghoy+ dahil sa mga kanais-nais na bukid,+ dahil sa punong ubas na namumunga. 13 Sa lupa ng aking bayan ay mga tinik lamang, matitinik na palumpong ang tumutubo,+ sapagkat ang mga ito ay nasa lahat ng mga bahay ng pagbubunyi, oo, ang bayan na lubhang nagagalak.+ 14 Sapagkat ang tirahang tore ay pinabayaan,+ ang pagkakaingay ng lunsod ay iniwan; ang Opel+ at ang bantayan ay naging mga hantad na parang, hanggang sa panahong walang takda ay siyang pagbubunyi ng mga sebra, ang pastulan ng mga kawan; 15 hanggang sa ibuhos sa atin ang espiritu mula sa kaitaasan,+ at ang ilang ay maging isang taniman, at ang taniman ay maibilang na tunay na kagubatan.+

16 “At sa ilang ay tatahan nga ang katarungan, at sa taniman ay mananahanan ang katuwiran.+ 17 At ang gawa ng tunay na katuwiran ay magiging kapayapaan;+ at ang paglilingkod ng tunay na katuwiran, katahimikan at katiwasayan hanggang sa panahong walang takda.+ 18 At ang aking bayan ay mananahanan sa mapayapang tinatahanang dako at sa mga tahanang may lubos na kapanatagan at sa tahimik na mga pahingahang-dako.+ 19 At uulan nga ng graniso kapag ang kagubatan ay nalugmok+ at ang lunsod ay nababa sa isang hamak na kalagayan.+

20 “Maligaya kayong mga naghahasik ng binhi sa tabi ng lahat ng tubig,+ na nagpapayaon sa mga paa ng toro at ng asno.”+

33 Sa aba mo na nananamsam, na hindi ka naman sinasamsaman, at sa iyo na nakikitungo nang may kataksilan, gayong hindi ka naman pinakikitunguhan nang may kataksilan!+ Kapag natapos ka na bilang mananamsam, ikaw ay sasamsaman.+ Kapag nagawa mo nang makitungo nang may kataksilan, makikitungo sila sa iyo nang may kataksilan.+

2 O Jehova, pagpakitaan mo kami ng lingap.+ Sa iyo kami umaasa.+ Maging bisig+ ka namin sa bawat umaga,+ oo, ang aming kaligtasan sa panahon ng kabagabagan.+ 3 Sa ingay ng kaguluhan ay tumakas ang mga bayan.+ Sa iyong pagbangon ay nangalat ang mga bansa.+ 4 At ang samsam+ ninyo ay titipunin ngang gaya ng mga ipis kapag nagtitipon, gaya ng pagdaluhong ng mga kulupon ng balang na dumadaluhong laban sa isa.+ 5 Si Jehova ay tiyak na matatanyag,+ sapagkat tumatahan siya sa kaitaasan.+ Pupunuin niya ang Sion ng katarungan at katuwiran.+ 6 At ang pagiging mapagkakatiwalaan ng iyong mga panahon ay magsisilbing saganang kaligtasan+—karunungan at kaalaman,+ ang pagkatakot kay Jehova,+ na siyang kayamanan niya.

7 Narito! Ang kanila mismong mga bayani ay sumisigaw sa lansangan; ang mismong mga mensahero ng kapayapaan+ ay tatangis nang may kapaitan. 8 Ang mga lansangang-bayan ay itiniwangwang;+ ang dumaraan sa landas ay naglaho.+ Sinira niya ang tipan;+ kinasuklaman niya ang mga lunsod;+ hindi niya pinahalagahan ang taong mortal.+ 9 Ang lupain ay nagdalamhati, natuyot.+ Ang Lebanon ay nalito;+ iyon ay nabulok. Ang Saron+ ay naging gaya ng disyertong kapatagan; at ang Basan at ang Carmel ay nagpapagpag ng kanilang mga dahon.+

10 “Ngayon ay titindig ako,”+ sabi ni Jehova, “ngayon ay dadakilain ko ang aking sarili;+ ngayon ay itataas ko ang aking sarili.+ 11 Naglilihi kayo ng tuyong damo;+ manganganak kayo ng pinaggapasan. Ang inyong espiritu, gaya ng apoy,+ ang lalamon sa inyo.+ 12 At ang mga bayan ay magiging gaya ng mga pinagsunugan ng apog. Gaya ng mga tinik na pinutol, sila ay palalagablabin sa apoy.+ 13 Dinggin ninyong mga nasa malayo kung ano ang gagawin ko!+ At kilalanin ninyong mga nasa malapit ang aking kalakasan.+ 14 Sa Sion ay nanghihilakbot ang mga makasalanan;+ pinanaigan ng pangangatog ang mga apostata:+ ‘Sino sa atin ang makatatahan nang kahit sandali kung may apoy na lumalamon?+ Sino sa atin ang makatatahan nang kahit sandali kung may namamalaging mga ningas?’+

15 “May isa na lumalakad sa namamalaging katuwiran+ at nagsasalita ng bagay na matuwid,+ na nagtatakwil ng di-tapat na pakinabang na galing sa mga pandaraya,+ na nagpapagpag ng kaniyang mga kamay sa pagkuha ng suhol,+ na nagtatakip ng kaniyang tainga sa pakikinig sa pagbububo ng dugo, at nagpipikit ng kaniyang mga mata upang hindi makakita ng kasamaan.+ 16 Siya ang tatahan sa mga kaitaasan;+ ang kaniyang magiging matibay na kaitaasan ay mga dakong mabato na mahirap puntahan.+ Ang kaniyang tinapay ay tiyak na mabibigay sa kaniya;+ ang kaniyang laang tubig ay di-kakapusin.”+

17 Isang hari sa kaniyang kakisigan ang siyang mamamasdan ng iyong mga mata;+ makikita nila ang isang lupain sa malayo.+ 18 Ang iyong puso ay pabulong+ na sasambit tungkol sa isang nakatatakot na bagay: “Nasaan ang kalihim? Nasaan ang tagapagbayad?+ Nasaan ang bumibilang ng mga tore?”+ 19 Wala kang makikitang bayan na di-nagpapakundangan, isang bayan na napakalalim ng wika upang pakinggan, na may dilang nauutal na hindi mo maunawaan.+ 20 Masdan mo ang Sion,+ ang bayan ng ating mga kapistahan!+ Makikita ng iyong sariling mga mata ang Jerusalem bilang isang tahimik na tinatahanang dako, isang tolda na hindi ililigpit ninuman.+ Hindi kailanman mabubunot ang mga pantoldang tulos nito, at walang isa man sa mga lubid nito ang mapapatid.+ 21 Kundi doon ang Isa na Maringal,+ si Jehova, ay magiging isang dako ng mga ilog para sa atin,+ ng mga kanal na maluluwang. Doon ay walang pangkat ng mga barko ang paroroon, at walang maringal na barko ang tatawid doon. 22 Sapagkat si Jehova ang ating Hukom,+ si Jehova ang ating Tagapagbigay-batas,+ si Jehova ang ating Hari;+ siya ang magliligtas sa atin.+

23 Ang iyong mga lubid ay makakalag; ang kanilang palo ay hindi nila maitatayong matatag; hindi sila naglaladlad ng layag.

Sa panahong iyon ay paghahati-hatian nga ang maraming samsam; ang mga pilay mismo ay kukuha ng maraming bagay na madarambong.+ 24 At walang sinumang tumatahan ang magsasabi: “Ako ay may sakit.”+ Ang bayan na mananahanan sa lupain ay yaong mga pinagpaumanhinan sa kanilang kamalian.+

34 Lumapit kayong mga bansa upang makinig;+ at kayong mga liping pambansa+ ay magbigay-pansin. Makinig ang lupa at ang lahat ng naririto,+ ang mabungang lupain+ at lahat ng bunga nito.+ 2 Sapagkat si Jehova ay may galit laban sa lahat ng mga bansa,+ at pagngangalit laban sa buong hukbo nila.+ Itatalaga niya sila sa pagkapuksa; ibibigay niya sila sa patayan.+ 3 At ang mga napatay sa kanila ay itatapon; at kung tungkol sa kanilang mga bangkay, ang kanilang baho ay paiilanlang;+ at ang mga bundok ay matutunaw dahil sa kanilang dugo.+ 4 At ang lahat ng nasa hukbo ng langit ay mabubulok.+ At ang langit ay ilululon,+ na parang balumbon ng aklat; at ang kanilang hukbo ay mangunguluntoy na lahat, kung paanong ang mga dahon ay nangunguluntoy at nalalagas sa punong ubas at gaya ng igos na nanguluntoy at nalagas sa puno ng igos.+

5 “Sapagkat sa langit ay tiyak na matitigmak ang aking tabak.+ Narito! Sa Edom iyon bababa,+ at sa bayan na itinalaga ko sa pagkapuksa+ ayon sa katarungan. 6 Si Jehova ay may tabak; mapupuno iyon ng dugo;+ iyon ay gagawing malangis sa taba, sa dugo ng mga batang barakong tupa at mga kambing na lalaki, sa taba+ ng mga bato ng mga barakong tupa. Sapagkat si Jehova ay may hain sa Bozra, at isang lansakang patayan sa lupain ng Edom.+ 7 At ang mga torong gubat+ ay bababang kasama nila, at ang mga guyang toro kasama ng mga makapangyarihan;+ at ang kanilang lupain ay matitigmak sa dugo, at ang kanila mismong alabok ay gagawing malangis sa taba.”+

8 Sapagkat si Jehova ay may araw ng paghihiganti,+ isang taon ng mga kagantihan para sa usapin sa batas tungkol sa Sion.+

9 At ang kaniyang mga ilog ay magiging alkitran, at ang kaniyang alabok ay magiging asupre; at ang kaniyang lupain ay magiging gaya ng nagniningas na alkitran.+ 10 Sa gabi o sa araw ay hindi ito mamamatay; hanggang sa panahong walang takda ay patuloy na paiilanlang ang usok nito.+ Sa sali’t salinlahi ay magiging tigang siya;+ walang sinumang daraan sa kaniya magpakailan-kailanman.+ 11 At aariin siya ng pelikano at ng porcupino, at mga kuwagong may mahahabang tainga at mga uwak ang tatahan sa kaniya;+ at iuunat niya sa kaniya ang pising panukat+ ng kawalang-laman at ang mga bato ng pagkatiwangwang. 12 Ang kaniyang mga taong mahal—walang sinuman doon ang tatawagin nila sa pagkahari, at ang kaniya mismong mga prinsipe ay magiging walang kabuluhang lahat.+ 13 Sa kaniyang mga tirahang tore ay tutubo ang mga tinik, mga kulitis at matitinik na panirang-damo sa kaniyang mga nakukutaang dako;+ at siya ay magiging dakong tinatahanan ng mga chakal,+ ang looban ng mga avestruz.+ 14 At ang mga namamalagi sa mga pook na walang tubig ay makakasalubong ng mga hayop na nagpapalahaw, at maging ang hugis-kambing na demonyo+ ay tatawag sa kasama nito. Oo, doon nga magpapahingalay ang kandarapa at makasusumpong ng kaniyang pahingahang-dako.+ 15 Ang ahas-palaso ay doon namumugad at nangingitlog, at pipisain niya ang mga iyon at pipisanin sa kaniyang lilim. Oo, doon magtitipon ang mga lawing mandaragit,+ bawat isa kasama ng kaniyang kapareha.

16 Saliksikin ninyo sa aklat+ ni Jehova at basahin nang malakas: walang isa man sa kanila ang nawawala;+ hindi nga nawawalan ang bawat isa sa kanila ng kaniyang kapareha, sapagkat ang bibig nga ni Jehova ang nagbigay ng utos,+ at ang kaniyang espiritu ang nagtipon sa kanila.+ 17 At Siya ang nagpalabunutan para sa kanila, at ang kaniyang sariling kamay ang naghati-hati sa kanila ng dakong iyon ayon sa pising panukat.+ Hanggang sa panahong walang takda ay aariin nila iyon; sa sali’t salinlahi ay tatahan sila roon.

35 Ang ilang at ang pook na walang tubig ay magbubunyi,+ at ang disyertong kapatagan ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng safron.+ 2 Iyon ay walang pagsalang mamumulaklak,+ at talagang magagalak iyon na may kagalakan at may hiyaw ng katuwaan.+ Ang kaluwalhatian ng Lebanon ay ibibigay roon,+ ang karilagan ng Carmel+ at ng Saron.+ May mga makakakita sa kaluwalhatian ni Jehova,+ sa karilagan ng ating Diyos.+

3 Palakasin ninyo ang mahihinang kamay, at patatagin ninyo ang mga tuhod na nangangatog.+ 4 Sabihin ninyo sa mga may pusong nababalisa:+ “Magpakalakas kayo.+ Huwag kayong matakot.+ Narito! Ang inyong Diyos ay darating na may paghihiganti,+ ang Diyos taglay ang kagantihan.+ Siya ay darating at magliligtas sa inyo.”+

5 Sa panahong iyon ay madidilat ang mga mata ng mga bulag,+ at ang mga tainga ng mga bingi ay mabubuksan.+ 6 Sa panahong iyon ay aakyat ang pilay na gaya ng lalaking usa,+ at ang dila ng pipi ay hihiyaw sa katuwaan.+ Sapagkat sa ilang ay bubukal ang tubig, at ang mga ilog sa disyertong kapatagan. 7 At ang lupang tigang sa init ay magiging gaya ng matambong lawa, at ang lupang uháw ay magiging gaya ng mga bukal ng tubig.+ Sa dakong tinatahanan ng mga chakal,+ na siyang kanilang pahingahang-dako, ay magkakaroon ng luntiang damo kasama ng mga tambo at mga halamang papiro.+

8 At magkakaroon nga roon ng isang lansangang-bayan,+ isa ngang daan; at iyon ay tatawaging Daan ng Kabanalan.+ Ang marumi ay hindi daraan doon.+ At iyon ay magiging para sa kaniya na lumalakad sa daan, at walang mangmang na maliligaw roon. 9 Hindi magkakaroon doon ng leon, at ang ganid na uri ng mababangis na hayop ay hindi sasampa roon.+ Walang masusumpungan doon;+ at ang mga tinubos ay doon lalakad.+ 10 At ang mismong mga tinubos ni Jehova ay babalik+ at paroroon nga sa Sion na may hiyaw ng kagalakan;+ at ang pagsasaya hanggang sa panahong walang takda ay mapapasakanilang ulo.+ Ang pagbubunyi at pagsasaya ay makakamtan nila, at ang pamimighati at pagbubuntunghininga ay mapaparam.+

36 Nangyari nga nang ikalabing-apat na taon ni Haring Hezekias, si Senakerib+ na hari ng Asirya+ ay sumampa laban sa lahat ng nakukutaang lunsod ng Juda at sinakop ang mga iyon.+ 2 At sa kalaunan ay isinugo ng hari ng Asirya si Rabsases+ mula sa Lakis+ sa Jerusalem,+ kay Haring Hezekias, kasama ang isang makapal na hukbong militar, at siya ay tumayo sa may padaluyan+ ng mataas na tipunang-tubig+ sa lansangang-bayan ng parang ng tagapaglaba.+ 3 Nang magkagayon ay nilabas siya ni Eliakim+ na anak ni Hilkias, na namamahala sa sambahayan, at ni Sebna+ na kalihim at ni Joa+ na anak ni Asap+ na tagapagtala.+

4 At sinabi ni Rabsases sa kanila: “Pakisuyo, sabihin ninyo kay Hezekias, ‘Ito ang sinabi ng dakilang hari,+ ang hari ng Asirya:+ “Ano ang pag-asang ito na pinagtitiwalaan mo?+ 5 Sinabi mo (ngunit iyon ay salita ng mga labi), ‘May panukala at kalakasan para sa digmaan.’+ Ngayon ay kanino ka naglagak ng tiwala, anupat naghihimagsik ka laban sa akin?+ 6 Narito! Nagtitiwala ka sa pagsuhay ng lamog na tambong ito,+ sa Ehipto,+ na kung sasandig doon ang isang tao ay tiyak na tutusok iyon sa kaniyang palad at uulusin ito. Ganiyan si Paraon+ na hari ng Ehipto sa lahat ng naglalagak sa kaniya ng kanilang tiwala.+ 7 At kung sasabihin mo sa akin, ‘Si Jehova na aming Diyos ang siya naming pinagtitiwalaan,’ hindi ba sa kaniya ang matataas na dako+ at ang mga altar na inalis ni Hezekias,+ samantalang sinasabi niya sa Juda at sa Jerusalem, ‘Sa harap ng altar na ito kayo dapat yumukod’?” ’+ 8 Ngayon nga ay makipagpustahan ka,+ pakisuyo, sa panginoon kong hari ng Asirya,+ at bibigyan kita ng dalawang libong kabayo upang tingnan kung ikaw, sa ganang iyo, ay makapaglalagay ng mga sasakay sa mga iyon.+ 9 Paano mo nga maitatalikod ang mukha ng isang gobernador ng pinakamaliliit na lingkod ng aking panginoon,+ gayong ikaw, sa ganang iyo, ay naglalagak ng iyong tiwala sa Ehipto para sa mga karo at para sa mga mangangabayo?+ 10 At ngayon ay wala bang kapahintulutan mula kay Jehova ang pagsampa ko laban sa lupaing ito upang ito ay wasakin? Si Jehova ang nagsabi sa akin,+ ‘Umahon ka laban sa lupaing ito, at wasakin mo ito.’ ”+

11 Dahil dito ay sinabi nina Eliakim+ at Sebna+ at Joa+ kay Rabsases:+ “Pakisuyo, magsalita ka sa iyong mga lingkod sa wikang Siryano,+ sapagkat nakikinig kami; at huwag kang magsalita sa amin sa wika ng mga Judio+ sa pandinig ng mga taong nasa pader.”+ 12 Ngunit sinabi ni Rabsases: “Sa iyong panginoon ba at sa iyo ako isinugo ng aking panginoon upang salitain ang mga salitang ito? Hindi ba sa mga lalaking nakaupo sa ibabaw ng pader, upang kainin nila ang kanilang sariling dumi at inumin ang kanilang sariling ihi kasama ninyo?”+

13 At si Rabsases ay nanatiling nakatayo+ at sumigaw sa malakas na tinig sa wika ng mga Judio,+ at siya ay nagsabi: “Dinggin ninyo ang mga salita ng dakilang hari, ang hari ng Asirya.+ 14 Ito ang sinabi ng hari, ‘Huwag kayong magpalinlang kay Hezekias,+ sapagkat hindi niya kayo kayang iligtas.+ 15 At huwag ninyong hayaang pagtiwalain kayo ni Hezekias kay Jehova,+ na sinasabi: “Tiyak na ililigtas tayo ni Jehova.+ Ang lunsod na ito ay hindi ibibigay sa kamay ng hari ng Asirya.”+ 16 Huwag kayong makinig kay Hezekias, sapagkat ito ang sinabi ng hari ng Asirya: “Makipagkasundo kayong sumuko sa akin+ at labasin ninyo ako at kumain ang bawat isa mula sa kaniyang sariling punong ubas at ang bawat isa mula sa kaniyang sariling puno ng igos+ at inumin ng bawat isa ang tubig ng kaniyang sariling imbakang-tubig,+ 17 hanggang sa dumating ako at dalhin nga kayo sa isang lupaing gaya ng inyong sariling lupain,+ isang lupain ng butil at bagong alak, isang lupain ng tinapay at mga ubasan; 18 upang hindi kayo mahikayat ni Hezekias,+ na sinasabi, ‘Si Jehova ang magliligtas sa atin.’ Nailigtas ba ng mga diyos ng mga bansa ang kani-kaniyang lupain mula sa kamay ng hari ng Asirya?+ 19 Nasaan ang mga diyos ng Hamat+ at ng Arpad?+ Nasaan ang mga diyos ng Separvaim?+ At nailigtas ba nila ang Samaria mula sa aking kamay?+ 20 Sino sa lahat ng mga diyos ng mga lupaing ito ang nakapagligtas ng kanilang lupain mula sa aking kamay+ anupat maililigtas ni Jehova ang Jerusalem mula sa aking kamay?” ’ ”+

21 At sila ay nanatiling tahimik at hindi sumagot sa kaniya ng isa mang salita,+ dahil sa utos ng hari, na nagsasabi: “Huwag ninyo siyang sagutin.”+ 22 Ngunit si Eliakim+ na anak ni Hilkias, na namamahala sa sambahayan,+ at si Sebna+ na kalihim at si Joa+ na anak ni Asap na tagapagtala ay pumaroon kay Hezekias na hapak ang kanilang mga kasuutan,+ at sinabi sa kaniya ang mga salita ni Rabsases.+

37 At nangyari nga, nang marinig iyon ni Haring Hezekias, kaagad niyang hinapak ang kaniyang mga kasuutan at nagdamit ng telang-sako+ at pumasok sa bahay ni Jehova.+ 2 Bukod diyan, si Eliakim,+ na namamahala sa sambahayan, at si Sebna na kalihim+ at ang matatandang lalaki sa mga saserdote+ ay kaniyang isinugo na nadaramtan ng telang-sako kay Isaias+ na anak ni Amoz na propeta.+ 3 At sinabi nila sa kaniya: “Ito ang sinabi ni Hezekias, ‘Ang araw na ito ay isang araw ng kabagabagan+ at ng pagsaway at ng walang-pakundangang panlilibak,+ sapagkat ang mga anak ay nakarating na hanggang sa bukana ng bahay-bata, at walang lakas na magsilang.+ 4 Marahil ay maririnig ni Jehova na iyong Diyos ang mga salita ni Rabsases,+ na isinugo ng hari ng Asirya na kaniyang panginoon upang tuyain+ ang Diyos na buháy, at kaniya ngang pagsusulitin siya dahil sa mga salita na narinig ni Jehova na iyong Diyos.+ At magpailanlang ka ng panalangin+ alang-alang sa mga nalabi na masusumpungan.’ ”+

5 Kaya ang mga lingkod ni Haring Hezekias ay pumaroon kay Isaias.+ 6 At sinabi ni Isaias sa kanila: “Ito ang dapat ninyong sabihin sa inyong panginoon, ‘Ito ang sinabi ni Jehova:+ “Huwag kang matakot+ dahil sa mga salita na narinig mong sinalita nang may pang-aabuso ng mga tagapaglingkod+ ng hari ng Asirya tungkol sa akin. 7 Narito, maglalagay ako sa kaniya ng isang espiritu,+ at siya ay makaririnig ng isang ulat+ at babalik sa kaniyang sariling lupain; at ipabubuwal ko nga siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain.” ’ ”+

8 Pagkatapos ay bumalik si Rabsases+ at nasumpungan ang hari ng Asirya na nakikipagbaka laban sa Libna,+ sapagkat narinig niya na nilisan na nito ang Lakis.+ 9 At narinig niyang sinabi may kinalaman kay Tirhaka+ na hari ng Etiopia: “Lumabas siya upang makipagbaka laban sa iyo.” Nang marinig niya, kaagad siyang nagsugo ng mga mensahero+ kay Hezekias, na nagsasabi: 10 “Ito ang dapat ninyong sabihin kay Hezekias na hari ng Juda, ‘Huwag kang magpalinlang sa iyong Diyos na pinagtitiwalaan mo,+ na nagsasabi: “Ang Jerusalem ay hindi ibibigay sa kamay ng hari ng Asirya.”+ 11 Narito! Narinig mo mismo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asirya sa lahat ng mga lupain nang italaga sila sa pagkapuksa,+ at ikaw ba ay maliligtas?+ 12 Nailigtas ba sila ng mga diyos+ ng mga bansa na winasak ng aking mga ninuno,+ maging ang Gozan+ at ang Haran+ at ang Rezep at ang mga anak ng Eden+ na nasa Tel-asar? 13 Nasaan ang hari ng Hamat+ at ang hari ng Arpad+ at ang hari ng lunsod ng Separvaim+—ng Hena at ng Iva?’ ”+

14 Sa gayon ay kinuha ni Hezekias ang mga liham mula sa kamay ng mga mensahero at binasa ang mga iyon,+ pagkatapos ay umahon si Hezekias sa bahay ni Jehova at inilatag iyon sa harap ni Jehova.+ 15 At si Hezekias ay nagsimulang manalangin kay Jehova,+ na sinasabi: 16 “O Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel,+ na nakaupo sa mga kerubin, ikaw lamang ang tunay na Diyos ng lahat ng kaharian sa lupa.+ Ikaw ang gumawa ng langit at ng lupa.+ 17 Ikiling mo ang iyong pandinig, O Jehova, at pakinggan mo.+ Idilat mo ang iyong mga mata,+ O Jehova, at tingnan mo, at pakinggan mo ang lahat ng mga salita ni Senakerib+ na ipinasabi niya upang tuyain ang Diyos na buháy.+ 18 Katotohanan nga, O Jehova, na winasak ng mga hari ng Asirya ang lahat ng mga lupain, at ang kanilang sariling lupain.+ 19 At ang kanilang mga diyos ay inihagis sa apoy,+ sapagkat ang mga iyon ay hindi mga diyos,+ kundi gawa ng mga kamay ng tao,+ kahoy at bato, anupat sinira nila ang mga iyon.+ 20 At ngayon, O Jehova na aming Diyos,+ iligtas mo kami mula sa kaniyang kamay,+ upang malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na ikaw, O Jehova, ang tangi[ng Diyos].”+

21 At si Isaias na anak ni Amoz ay nagsugo kay Hezekias, na sinasabi: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Sa dahilang nanalangin ka sa akin may kinalaman kay Senakerib na hari ng Asirya,+ 22 ito ang salita na sinalita ni Jehova laban sa kaniya:

“Hinamak ka ng anak na dalaga ng Sion, inalipusta ka niya.+

Sa likuran mo ay iniling ng anak na babae ng Jerusalem ang kaniyang ulo.+

23 Sino ang tinuya+ mo at pinagsalitaan nang may pang-aabuso?+

At laban kanino mo inilakas ang iyong tinig+

At itinitingin mo ang iyong mga mata sa kaitaasan?+

Laban nga sa Banal ng Israel!+

24 Sa pamamagitan ng iyong mga lingkod ay tinuya mo si Jehova at sinasabi mo,+

‘Taglay ang karamihan ng aking mga karong pandigma ako mismo+—

Ako nga ay aakyat sa kaitaasan ng mga bulubunduking pook,+

Sa pinakamalalayong bahagi ng Lebanon;+

At puputulin ko ang matatayog na sedro nito, ang mga piling puno ng enebro nito.+

At papasukin ko ang huling kaitaasan nito, ang kagubatan ng taniman nito.+

25 Ako nga ay huhukay at iinom ng tubig,

At tutuyuin ko ng mga talampakan ng aking mga paa ang lahat ng mga kanal ng Nilo+ sa Ehipto.’+

26 Hindi mo ba narinig?+ Mula noong malaon nang mga panahon ay iyon nga ang gagawin ko.+

Mula noong mga araw na nakalipas ay inanyuan ko na iyon.+ Ngayon ay pangyayarihin ko iyon.+

At ikaw ay magiging tagapagtiwangwang ng mga nakukutaang lunsod upang maging gaya ng mga bunton ng pagkaguho.+

27 At ang mga tumatahan sa kanila ay mawawalan ng lakas;+

Sila ay talagang masisindak at mapapahiya.+

Sila ay magiging gaya ng pananim sa parang at ng luntiang murang damo,+

Damo sa mga bubong+ at sa hagdan-hagdang lupain sa harap ng hanging silangan.+

28 At ang iyong pag-upong tahimik at ang iyong paglabas+ at ang iyong pagpasok ay nalalaman kong lubos,+

At ang iyong pagpapakabagabag laban sa akin,+

29 Sapagkat ang iyong pagpapakabagabag laban sa akin+ at ang iyong pag-ungal ay umabot sa aking pandinig.+

At ilalagay ko nga ang aking pangawit sa iyong ilong at ang aking renda sa pagitan ng iyong mga labi,+

At dadalhin nga kitang pabalik sa daan na iyong pinanggalingan.”+

30 “ ‘At ito ang magiging tanda para sa iyo: Kakainin sa taóng ito ang sumibol mula sa mga natapong butil,+ at sa ikalawang taon ay ang butil na tumutubo sa ganang sarili; ngunit sa ikatlong taon ay maghasik kayo ng binhi at gumapas, at magtanim kayo ng mga ubasan at kainin ninyo ang bunga ng mga iyon.+ 31 At yaong mga makatatakas na mula sa sambahayan ni Juda, yaong mga nalalabi,+ ay tiyak na mag-uugat nang pababa at magluluwal ng bunga nang paitaas.+ 32 Sapagkat mula sa Jerusalem ay may nalabing yayaon+ at yaong mga makatatakas mula sa Bundok Sion.+ Ang mismong sigasig ni Jehova ng mga hukbo ang gagawa nito.+

33 “ ‘Kaya ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa hari ng Asirya:+ “Hindi siya papasok sa lunsod na ito,+ ni magpapahilagpos man siya roon ng palaso, ni haharapin man iyon nang may kalasag, ni magtitindig man ng muralyang pangubkob laban doon.” ’+

34 “ ‘Sa daan na kaniyang pinanggalingan ay babalik siya, at sa lunsod na ito ay hindi siya papasok,’ ang sabi ni Jehova.+ 35 ‘At tiyak na ipagtatanggol+ ko ang lunsod na ito upang iligtas ito alang-alang sa akin+ at alang-alang kay David na aking lingkod.’ ”+

36 At ang anghel+ ni Jehova ay humayo at sinaktan ang isang daan at walumpu’t limang libo sa kampo ng mga Asiryano.+ Nang ang mga tao ay maagang bumangon sa kinaumagahan, aba, narito, ang lahat ng mga ito ay patay na mga bangkay.+ 37 Dahil dito si Senakerib+ na hari ng Asirya ay lumisan at yumaon at bumalik+ at nanahanan sa Nineve.+ 38 At nangyari nga na habang yumuyukod siya sa bahay ni Nisroc+ na kaniyang diyos,+ siya ay pinatay nina Adramelec at Sarezer, na kaniyang sariling mga anak, sa pamamagitan ng tabak,+ at sila ay tumakas patungo sa lupain ng Ararat.+ At si Esar-hadon+ na kaniyang anak ay nagsimulang maghari bilang kahalili niya.

38 Nang mga araw na iyon ay nagkasakit si Hezekias at nasa bingit na ng kamatayan.+ Kaya si Isaias+ na anak ni Amoz na propeta ay pumaroon sa kaniya at nagsabi sa kaniya: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Mag-utos ka sa iyong sambahayan,+ sapagkat ikaw ay talagang mamamatay at hindi mabubuhay.’ ”+ 2 Sa gayon ay iniharap ni Hezekias sa pader ang kaniyang mukha+ at nagsimulang manalangin kay Jehova+ 3 at nagsabi: “Nagsusumamo ako sa iyo, O Jehova, alalahanin mo,+ pakisuyo, kung paanong lumakad+ ako sa harap mo na may pagkamatapat+ at may pusong sakdal,+ at ang mabuti sa iyong paningin ay ginawa ko.” At si Hezekias ay nagsimulang tumangis nang labis-labis.+

4 At ang salita+ ni Jehova ay dumating ngayon kay Isaias, na nagsasabi: 5 “Yumaon ka, at sabihin mo kay Hezekias, ‘Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ni David na iyong ninuno:+ “Narinig ko ang iyong panalangin.+ Nakita ko ang iyong mga luha.+ Narito, daragdagan ko ang iyong mga araw ng labinlimang taon;+ 6 at mula sa palad ng hari ng Asirya ay ililigtas kita at ang lunsod na ito, at ipagtatanggol ko ang lunsod na ito.+ 7 At ito ang tanda para sa iyo mula kay Jehova na isasagawa ni Jehova ang salitang ito na sinalita niya:+ 8 Narito, pinaaatras ko nang sampung baytang+ ang anino sa mga baytang na nakababa na sa mga baytang ng hagdan ni Ahaz dahil sa araw.” ’ ”+ At ang araw ay unti-unting bumalik nang sampung baytang sa mga baytang ng hagdan na binabaan nito.+

9 Isang sulat ni Hezekias na hari ng Juda, nang siya ay magkasakit+ at gumaling sa kaniyang sakit.+

10 Ako ay nagsabi: “Sa kalagitnaan ng aking mga araw ay papasok ako sa mga pintuang-daan+ ng Sheol.

Ipagkakait sa akin ang nalalabi+ sa aking mga taon.”

11 Sinabi ko: “Hindi ko makikita si Jah, si Jah pa man din, sa lupain ng mga buháy.+

Hindi na ako titingin pa sa mga tao—kasama ng mga tumatahan sa lupain ng paglilikat.

12 Ang aking tirahan ay binunot+ at inalis sa akin na parang tolda ng mga pastol.

Inilulon ko ang aking buhay na gaya ng manggagawa sa habihan;

May isang pumuputol+ sa akin mula sa mismong mga hiblang paayon.

Mula sa araw hanggang gabi ay patuloy mo akong isinusuko.+

13 Pinaginhawa ko ang aking sarili hanggang sa kinaumagahan.+

Tulad ng isang leon, gayon niya patuloy na binabali ang lahat ng aking mga buto;+

Mula sa araw hanggang gabi ay patuloy mo akong isinusuko.+

14 Tulad ng ibong sibad, ng tarat, gayon ako laging humuhuni;+

Lagi akong kumukurukutok na parang kalapati.+

Ang aking mga mata ay tumingin sa kaitaasan nang may paglulunggati:+

‘O Jehova, ako ay nasa ilalim ng paniniil. Manindigan ka para sa akin.’+

15 Ano ang sasalitain ko, at ano nga ang sasabihin niya sa akin?+

Siya mismo ay kumilos din.+

Patuloy akong lumalakad nang may kapanglawan sa lahat ng aking mga taon sa kapaitan ng aking kaluluwa.+

16 ‘O Jehova, dahil diyan ay patuloy silang nabubuhay; at gaya ng nangyayari sa lahat, naroon ang buhay ng aking espiritu.+

At isasauli mo ang aking kalusugan at iingatan nga akong buháy.+

17 Narito! Sa ikapapayapa ay tinamo ko yaong mapait, oo, mapait;+

At ikaw ay nalakip sa aking kaluluwa at iningatan mo iyon mula sa hukay ng kabulukan.+

Sapagkat itinapon mo sa iyong likuran ang lahat ng aking mga kasalanan.+

18 Sapagkat hindi ang Sheol ang dadakila sa iyo;+ ang kamatayan ay hindi makapupuri sa iyo.+

Yaong mga bumababa sa hukay ay hindi makatitingin nang may pag-asam sa iyong katapatan.+

19 Ang buháy, ang buháy, siya ang maaaring dumakila sa iyo,+

Gaya ko nga sa araw na ito.+

Ang ama ay makapagbibigay ng kaalaman+ sa kaniyang sariling mga anak tungkol sa iyong katapatan.

20 O Jehova, iligtas mo ako,+ at tutugtugin namin ang aking mga piyesang para sa panugtog na de-kuwerdas+

Sa lahat ng mga araw ng aming buhay sa bahay ni Jehova.’ ”+

21 At sinabi ni Isaias: “Kumuha sila ng kakaning pinatuyong igos na pinipi at ipahid nila iyon sa bukol,+ upang gumaling siya.”+ 22 Samantala, sinabi ni Hezekias: “Ano ang tanda na ako ay aahon sa bahay ni Jehova?”+

39 Nang panahong iyon ay nagpadala si Merodac-baladan+ na anak ni Baladan na hari ng Babilonya+ ng mga liham at ng isang kaloob+ kay Hezekias, pagkarinig niya na ito ay nagkasakit ngunit lumakas nang muli.+ 2 Kaya si Hezekias ay nagsimulang magsaya dahil sa kanila+ at ipinakita sa kanila ang kaniyang imbakang-yaman,+ ang pilak at ang ginto at ang langis ng balsamo+ at ang mainam na langis at ang kaniyang buong taguan ng mga armas+ at ang lahat ng masusumpungan sa kaniyang kabang-yaman. Walang anumang bagay na hindi ipinakita sa kanila ni Hezekias sa kaniyang sariling bahay+ at sa kaniyang buong pamunuan.+

3 Pagkatapos nito ay pumaroon si Isaias na propeta kay Haring Hezekias at sinabi sa kaniya:+ “Ano ang sinabi ng mga lalaking ito, at saan sila nanggaling bago pumarito sa iyo?” Kaya sinabi ni Hezekias: “Pumarito sila sa akin mula sa isang malayong lupain, mula sa Babilonya.”+ 4 At sinabi pa niya: “Ano ang nakita nila sa iyong bahay?”+ Dito ay sinabi ni Hezekias: “Ang lahat ng nasa aking bahay ay nakita nila. Wala akong hindi ipinakita sa kanila sa aking kabang-yaman.” 5 At sinabi ni Isaias kay Hezekias:+ “Dinggin mo ang salita ni Jehova ng mga hukbo, 6 ‘Narito! Ang mga araw ay dumarating, at ang lahat ng nasa iyong sariling bahay at inimbak ng iyong mga ninuno hanggang sa araw na ito ay dadalhin nga sa Babilonya.’+ ‘Walang anumang maiiwan,’+ ang sabi ni Jehova. 7 ‘At ang ilan sa sarili mong mga anak na manggagaling sa iyo, na ipanganganak sa iyo, ay kukunin+ at magiging mga opisyal nga ng korte+ sa palasyo ng hari ng Babilonya.’ ”+

8 Sa gayon ay sinabi ni Hezekias kay Isaias: “Ang salita ni Jehova na sinalita mo ay mabuti.”+ At sinabi pa niya: “Sapagkat ang kapayapaan at katotohanan+ ay magpapatuloy sa aking sariling mga araw.”+

40 “Aliwin ninyo, aliwin ninyo ang aking bayan,” ang sabi ng inyong Diyos.+ 2 “Salitain ninyo sa puso ng Jerusalem+ at isigaw ninyo sa kaniya na ang kaniyang paglilingkod militar ay naganap na,+ na ang kaniyang kamalian ay nabayaran na.+ Sapagkat mula sa kamay ni Jehova ay tumanggap na siya ng kabuuang dami para sa lahat ng kaniyang mga kasalanan.”+

3 Makinig kayo! May humihiyaw sa ilang:+ “Hawanin ninyo ang daan ni Jehova!+ Tuwirin ninyo para sa ating Diyos ang lansangang-bayan sa disyertong kapatagan.+ 4 Bawat libis ay mátaas,+ at bawat bundok at burol ay mábabâ.+ At ang umbuk-umbok na dako ay magiging patag na lupain, at ang baku-bakong lupain ay magiging kapatagang libis.+ 5 At ang kaluwalhatian ni Jehova ay tiyak na masisiwalat,+ at magkakasamang makikita iyon ng lahat ng laman,+ sapagkat ang mismong bibig ni Jehova ang nagsalita nito.”+

6 Pakinggan mo! May nagsasabi: “Sumigaw ka!”+ At may isang nagsabi: “Ano ang isisigaw ko?”

“Ang lahat ng laman ay luntiang damo, at ang lahat ng kanilang maibiging-kabaitan ay gaya ng bulaklak sa parang.+ 7 Ang luntiang damo ay natuyo, ang bulaklak ay nalanta,+ sapagkat hinipan iyon ng mismong espiritu ni Jehova.+ Tunay na ang mga tao ay luntiang damo.+ 8 Ang luntiang damo ay natuyo, ang bulaklak ay nalanta;+ ngunit kung tungkol sa salita ng ating Diyos, iyon ay mananatili hanggang sa panahong walang takda.”+

9 Umahon ka maging sa mataas na bundok,+ ikaw na babaing nagdadala ng mabuting balita para sa Sion.+ Isigaw mo ang iyong tinig nang malakas, ikaw na babaing nagdadala ng mabuting balita para sa Jerusalem.+ Isigaw mo. Huwag kang matakot.+ Sabihin mo sa mga lunsod ng Juda: “Narito ang inyong Diyos.”+ 10 Narito! Ang Soberanong Panginoong Jehova ay darating na gaya nga ng isa na malakas, at ang kaniyang bisig ay mamamahala sa ganang kaniya.+ Narito! Ang kaniyang gantimpala ay nasa kaniya,+ at ang kabayaran na kaniyang ibinabayad ay nasa harap niya.+ 11 Papastulan niyang gaya ng pastol ang kaniyang sariling kawan.+ Sa pamamagitan ng kaniyang bisig ay titipunin niya ang mga kordero;+ at sa kaniyang dibdib ay bubuhatin niya sila.+ Yaong mga nagpapasuso ay maingat niyang papatnubayan.+

12 Sino ang tumakal ng tubig sa palad lamang ng kaniyang kamay,+ at sumukat sa langit sa pamamagitan lamang ng isang dangkal+ at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang pantakal,+ o nagtimbang ng mga bundok sa isang panukat, at ng mga burol sa timbangan? 13 Sino ang sumukat sa espiritu ni Jehova, at bilang kaniyang taong tagapayo ay sino ang makapagpapabatid sa kaniya ng anuman?+ 14 Kanino siya nakipagsanggunian upang may makapagpaunawa sa kaniya, o sino ang nagtuturo sa kaniya sa landas ng katarungan, o nagtuturo sa kaniya ng kaalaman,+ o nagpapabatid sa kaniya ng mismong daan ng tunay na unawa?+

15 Narito! Ang mga bansa ay gaya ng isang patak mula sa timba; at ibinibilang silang gaya ng manipis na alikabok sa timbangan.+ Narito! Itinataas niya ang mga pulo+ na gaya lamang ng pinong alabok. 16 Maging ang Lebanon ay hindi sapat upang mapanatiling nagniningas ang apoy, at ang maiilap na hayop+ nito ay hindi sapat bilang handog na sinusunog.+ 17 Ang lahat ng mga bansa ay gaya ng isang bagay na hindi umiiral sa harap niya;+ sa kaniya ay ibinilang silang walang kabuluhan at isang kabulaanan.+

18 At kanino ninyo maitutulad ang Diyos,+ at anong wangis ang maitatabi ninyo sa kaniya?+ 19 Ang bihasang manggagawa ay naghulma ng isang hamak na binubong imahen,+ at kinakalupkupan iyon ng ginto ng platero,+ at nagpapanday siya ng mga tanikalang pilak.+ 20 Isang punungkahoy na pinakaabuloy, isang punungkahoy na hindi bulok, ang pipiliin niya.+ Isang dalubhasang manggagawa ang hahanapin niya sa ganang kaniya, upang maghanda ng isang inukit na imahen+ na hindi makikilos.+

21 Hindi ba ninyo alam? Hindi ba ninyo naririnig? Hindi ba iyon sinabi sa inyo mula sa pasimula? Hindi ba kayo gumamit ng unawa mula sa mga pundasyon ng lupa?+ 22 May Isa na tumatahan sa ibabaw ng bilog ng lupa,+ na ang mga nananahanan doon ay gaya ng mga tipaklong, ang Isa na nag-uunat ng langit na gaya ng manipis na gasa, na naglaladlad nito na parang isang toldang matatahanan,+ 23 ang Isa na iniuuwi sa wala ang matataas na opisyal, na ginagawang gaya lamang ng kabulaanan ang mismong mga hukom sa lupa.+

24 Hindi pa sila naitatanim; hindi pa sila naihahasik; hindi pa nag-uugat sa lupa ang kanilang tuod.+ At hipan lamang sila at sila ay natutuyo;+ at tulad ng pinaggapasan ay tatangayin sila ng buhawi.+

25 “Ngunit kanino ninyo ako maitutulad upang ako ay makapantay niya?” ang sabi ng Banal.+ 26 “Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas at masdan. Sino ang lumalang ng mga bagay na ito?+ Iyon ang Isa na naglalabas sa hukbo nila ayon sa bilang, na lahat sila ay tinatawag niya ayon sa pangalan.+ Dahil sa kasaganaan ng dinamikong lakas,+ palibhasa’y malakas din ang kaniyang kapangyarihan, walang isa man sa kanila ang nawawala.

27 “Ano ang dahilan at sinasabi mo, O Jacob, at sinasalita mo, O Israel, ‘Ang aking daan ay nakubli mula kay Jehova,+ at ang katarungan para sa akin ay nakalalampas sa aking Diyos’?+ 28 Hindi mo ba nalaman o hindi mo ba narinig?+ Si Jehova, ang Maylalang ng mga dulo ng lupa, ay Diyos hanggang sa panahong walang takda.+ Hindi siya napapagod o nanlulupaypay.+ Hindi maaarok ang kaniyang unawa.+ 29 Siya ay nagbibigay ng lakas sa pagod;+ at ang isa na walang dinamikong lakas+ ay pinasasagana niya sa lubos na kalakasan. 30 Ang mga batang lalaki ay kapuwa mapapagod at manlulupaypay, at ang mga kabinataan ay walang pagsalang mabubuwal, 31 ngunit yaong mga umaasa+ kay Jehova ay magpapanibagong-lakas.+ Sila ay paiilanlang na may mga pakpak na gaya ng mga agila.+ Sila ay tatakbo at hindi manlulupaypay; sila ay lalakad at hindi mapapagod.”+

41 “Magbigay-pansin kayo sa akin nang tahimik, kayong mga pulo;+ at ang mga liping pambansa+ ay magpanibagong-lakas. Palapitin sila.+ Sa panahong iyon ay pagsalitain sila. Magpisan tayong sama-sama para sa paghatol.+

2 “Sino ang pumukaw sa isa mula sa sikatan ng araw?+ Sino ang ayon sa katuwiran ay tumawag sa kaniya sa Kaniyang paanan, upang ibigay sa harap niya ang mga bansa, at upang ipasupil sa kaniya ang mga hari?+ Sino ang nagbibigay sa kanila sa kaniyang tabak na parang alabok, anupat itinataboy silang gaya lamang ng pinaggapasan sa pamamagitan ng kaniyang busog?+ 3 Sino ang tumutugis sa kanila, na mapayapang idinaraan ang kaniyang mga paa sa landas na hindi niya pinanggalingan? 4 Sino ang kumilos+ at gumawa nito, na tumatawag sa mga salinlahi mula sa pasimula?+

“Ako, si Jehova, ang Una;+ at sa mga huli ay gayon pa rin ako.”+

5 Nakita ng mga pulo+ at nagsimulang matakot. Ang mismong mga dulo ng lupa ay nagsimulang manginig.+ Sila ay lumapit at patuloy na dumarating. 6 Tinulungan nila ang kani-kaniyang kasama, at ang isa ay nagsasabi sa kaniyang kapatid: “Magpakalakas ka.”+ 7 Kaya pinalakas ng bihasang manggagawa ang platero;+ yaon namang nagpapakinis sa pamamagitan ng martilyong pampanday ay sa kaniya na pukpok nang pukpok sa palihan, na sinasabi tungkol sa pagkakahinang: “Ito ay mabuti.” Sa dakong huli ay may isang nagkakabit nito sa pamamagitan ng mga pako upang hindi ito makilos.+

8 “Ngunit ikaw, O Israel, ay aking lingkod,+ ikaw, O Jacob, na aking pinili,+ ang binhi ni Abraham+ na aking kaibigan;+ 9 ikaw, na tinanganan ko mula sa mga dulo ng lupa,+ at ikaw, na tinawag ko mula pa sa malalayong bahagi nito.+ Kaya naman sinabi ko sa iyo, ‘Ikaw ay aking lingkod;+ pinili kita,+ at hindi kita itinakwil.+ 10 Huwag kang matakot, sapagkat ako ay sumasaiyo.+ Huwag kang luminga-linga, sapagkat ako ang iyong Diyos.+ Patitibayin kita.+ Talagang tutulungan kita.+ Talagang aalalayan kitang mabuti sa pamamagitan ng aking kanang kamay+ ng katuwiran.’+

11 “Narito! Lahat niyaong nag-iinit laban sa iyo ay mapapahiya at maaaba.+ Ang mga taong nakikipag-away sa iyo ay mauuwi sa wala at malilipol.+ 12 Hahanapin mo sila, ngunit hindi mo sila masusumpungan, ang mga taong nakikipagtunggali sa iyo.+ Sila ay magiging waring bagay na di-umiiral at walang kabuluhan,+ ang mga taong nakikipagdigma sa iyo. 13 Sapagkat ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa iyong kanang kamay,+ ang Isa na nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot.+ Ako ang tutulong sa iyo.’+

14 “Huwag kang matakot, ikaw na uod+ na si Jacob, kayong mga tao ng Israel.+ Ako ang tutulong sa iyo,” ang sabi ni Jehova, na iyo ngang Manunubos,+ ang Banal ng Israel. 15 “Narito! Ginawa kitang isang panggiik na kareta,+ isang bagong kasangkapang panggiik na may mga ngiping doble ang talim. Yuyurakan mo ang mga bundok at dudurugin ang mga iyon; at ang mga burol ay gagawin mong gaya lamang ng ipa.+ 16 Tatahipin+ mo sila, at isang hangin ang tatangay sa kanila,+ at isang buhawi ang magtataboy sa kanila sa iba’t ibang dako.+ At ikaw ay magagalak kay Jehova.+ Dahil sa Banal ng Israel ay ipaghahambog mo ang iyong sarili.”+

17 “Ang mga napipighati at ang mga dukha ay naghahanap ng tubig,+ ngunit wala nga. Dahil sa uhaw+ ay natuyo ang kanila mismong dila.+ Ako mismo, si Jehova, ang sasagot sa kanila.+ Ako, ang Diyos ng Israel, ay hindi magpapabaya sa kanila.+ 18 Sa mga hantad na burol ay magbubukas ako ng mga ilog, at sa gitna ng mga kapatagang libis, mga bukal.+ Ang ilang ay gagawin kong matambong lawa ng tubig, at ang lupaing walang tubig ay mga dakong binubukalan ng tubig.+ 19 Sa ilang ay ilalagay ko ang punong sedro, ang akasya at ang mirto at ang puno ng langis.+ Sa disyertong kapatagan ay ilalagay ko ang puno ng enebro, ang fresno at ang sipres nang magkakasabay;+ 20 upang ang mga tao ay makakita at makaalam at magbigay ng pansin at magkaroon ng kaunawaan nang magkakasabay, na ang mismong kamay ni Jehova ang gumawa nito, at ang Banal ng Israel ang siyang lumalang nito.”+

21 “Iharap ninyo ang inyong usaping ipinakikipagtalo,”+ ang sabi ni Jehova. “Ilabas ninyo ang inyong mga argumento,”+ ang sabi ng Hari ng Jacob.+ 22 “Ilabas ninyo at sabihin sa amin ang mga bagay na mangyayari. Ang mga unang bagay—kung ano ang mga iyon—sabihin ninyo, upang maituon namin ang aming puso at malaman ang kinabukasan ng mga iyon. O iparinig ninyo sa amin ang mga bagay na darating.+ 23 Sabihin ninyo ang mga bagay na darating pagkatapos, upang malaman namin na kayo ay mga diyos.+ Oo, dapat kayong gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, upang aming mapagmasdan at makita rin iyon.+ 24 Narito! Kayo ay bagay na di-umiiral, at ang inyong nagawa ay walang anuman.+ Karima-rimarim ang sinumang pumipili sa inyo.+

25 “Ako ay may isang pinukaw mula sa hilaga, at siya ay darating.+ Mula sa sikatan ng araw+ ay tatawag siya sa aking pangalan. At darating siya sa mga kinatawang tagapamahala na waring sila ay luwad+ at gaya ng magpapalayok na yumuyurak sa putik.

26 “Sino ang nakapagsabi ng anumang bagay mula sa pasimula, upang malaman namin, o mula noong mga panahong nakalipas, upang masabi namin, ‘Tama siya’?+ Talagang walang sinumang nagsasabi. Talagang walang sinumang nagpaparinig. Talagang walang sinumang nakaririnig sa anumang pananalita ninyo.”+

27 May isang nauna, na nagsasabi sa Sion: “Narito! Narito sila!”+ at sa Jerusalem ay magbibigay ako ng isang tagapagdala ng mabuting balita.+

28 At patuloy akong tumingin, at wala ni isa mang tao; at sa mga ito ay wala ring sinumang nagbibigay ng payo.+ At patuloy ko silang tinatanong, upang sila ay makasagot. 29 Narito! Silang lahat ay bagay na di-umiiral. Ang kanilang mga gawa ay walang anuman. Ang kanilang mga binubong imahen ay hangin at kabulaanan.+

42 Narito! Ang aking lingkod,+ na inaalalayan kong mabuti!+ Ang aking pinili,+ na sinang-ayunan ng aking kaluluwa!+ Inilagay ko sa kaniya ang aking espiritu.+ Katarungan sa mga bansa ang itatanghal niya.+ 2 Hindi siya sisigaw o maglalakas ng kaniyang tinig, at sa lansangan ay hindi niya iparirinig ang kaniyang tinig.+ 3 Ang lamog na tambo ay hindi niya babaliin;+ at kung tungkol sa malamlam na linong mitsa, hindi niya iyon papatayin. Sa katapatan ay itatanghal niya ang katarungan.+ 4 Hindi siya manlalamlam ni masisiil man hanggang sa maitatag niya sa lupa ang katarungan;+ at ang kaniyang kautusan ay patuloy na hihintayin ng mga pulo.+

5 Ito ang sinabi ng tunay na Diyos, si Jehova, ang Maylalang ng langit+ at ang Dakila na nag-uunat niyaon;+ ang Isa na naglalatag ng lupa+ at ng bunga nito,+ ang Isa na nagbibigay ng hininga+ sa mga taong naroroon,+ at ng espiritu sa mga lumalakad doon:+ 6 “Ako mismo, si Jehova, ang tumawag sa iyo sa katuwiran,+ at tinanganan ko ang iyong kamay.+ At iingatan kita at ibibigay kita bilang isang tipan ng bayan,+ bilang liwanag ng mga bansa,+ 7 upang iyong idilat ang mga matang bulag,+ ilabas mula sa bartolina ang bilanggo,+ mula sa bahay-kulungan yaong mga nakaupo sa kadiliman.+

8 “Ako ay si Jehova. Iyan ang pangalan ko;+ at sa kaninuman ay hindi ko ibibigay ang aking kaluwalhatian,+ ni ang aking kapurihan+ man sa mga nililok na imahen.+

9 “Ang mga unang bagay—narito na ang mga iyon,+ ngunit ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko. Bago magsimulang lumitaw ang mga iyon ay ipinaririnig ko na sa inyo.”+

10 Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit,+ ng kaniyang kapurihan mula sa dulo ng lupa,+ kayong mga bumababa sa dagat+ at sa lahat ng naroroon, kayong mga pulo at kayong mga tumatahan sa mga iyon.+ 11 Ilakas ng ilang+ at ng mga lunsod nito ang kanilang tinig, ng mga pamayanan na tinatahanan ng Kedar.+ Humiyaw sa kagalakan ang mga tumatahan sa malaking bato.+ Mula sa taluktok ng mga bundok ay sumigaw nang malakas ang mga tao. 12 Mag-ukol sila ng kaluwalhatian kay Jehova,+ at sa mga pulo ay ihayag nila ang kaniyang kapurihan.+

13 Si Jehova ay lalabas na gaya ng isang makapangyarihang lalaki.+ Pupukaw siya ng sigasig na gaya ng isang mandirigma.+ Sisigaw siya, oo, isisigaw niya ang isang hiyaw ng digmaan;+ ipakikita niyang mas malakas siya kaysa sa kaniyang mga kaaway.+

14 “Nanahimik ako nang mahabang panahon.+ Nanatili akong walang imik.+ Patuloy akong nagpigil ng aking sarili.+ Tulad ng babaing nanganganak, ako ay daraing, hihingal, at sisinghap nang magkakasabay.+ 15 Ako ay magwawasak+ ng mga bundok at mga burol, at ang lahat ng kanilang pananim ay tutuyuin ko. At ang mga ilog ay gagawin kong mga pulo, at ang mga matambong lawa ay tutuyuin ko.+ 16 At ang mga bulag ay palalakarin ko sa daan na hindi pa nila alam;+ sa landas na hindi pa nila alam ay pararaanin ko sila.+ Gagawin kong liwanag ang madilim na dako sa harap nila,+ at patag na lupain ang baku-bakong kalupaan.+ Ito ang mga bagay na gagawin ko para sa kanila, at hindi ko sila iiwan.”+

17 Pababalikin sila, lubha silang mapapahiya, yaong mga naglalagak ng tiwala sa inukit na imahen,+ yaong mga nagsasabi sa binubong imahen: “Kayo ang aming mga diyos.”+

18 Makinig kayong mga bingi; at tumingin kayong mga bulag upang makakita.+ 19 Sino ang bulag, kung hindi ang aking lingkod, at sino ang bingi na gaya ng aking mensahero na isinusugo ko? Sino ang bulag na gaya niyaong ginantihan, o bulag na gaya ng lingkod ni Jehova?+ 20 May kinalaman iyon sa pagkakita ng maraming bagay, ngunit hindi ka patuloy na nagmasid.+ May kinalaman iyon sa pagbubukas ng pandinig, ngunit hindi ka patuloy na nakinig.+ 21 Si Jehova ay nalugod dahil sa kaniyang katuwiran+ anupat dadakilain niya ang kautusan+ at iyon ay gagawin niyang maringal. 22 Ngunit iyon ay isang bayan na dinambong at sinamsaman,+ anupat silang lahat ay nakulong sa mga butas, at sa mga bahay-kulungan ay itinago sila.+ Sila ay naukol sa pandarambong na walang tagapagligtas,+ sa pananamsam na walang sinumang magsasabi: “Ibalik mo!”

23 Sino sa inyo ang makikinig dito? Sino ang magbibigay-pansin at dirinig para sa mga panahong darating?+ 24 Sino ang nagbigay sa Jacob bilang samsam, at sa Israel ukol sa mga mandarambong? Hindi ba si Jehova, ang Isa na pinagkasalahan natin, at ang kaniyang mga daan ay hindi nila ninais na lakaran at ang kaniyang kautusan ay hindi nila pinakinggan?+ 25 Kaya Siya ay patuloy na nagbuhos sa kaniya ng pagngangalit, ng kaniyang galit, at ng lakas ng digmaan.+ At patuloy siyang nilamon nito sa buong palibot,+ ngunit hindi siya nagbigay-pansin;+ at patuloy itong lumagablab laban sa kaniya, ngunit wala siyang isinasapusong anuman.+

43 At ngayon ay ito ang sinabi ni Jehova, na iyong Maylalang,+ O Jacob, at iyong Tagapag-anyo,+ O Israel: “Huwag kang matakot, sapagkat tinubos kita.+ Aking tinawag ka sa iyong pangalan.+ Ikaw ay akin.+ 2 Sakaling dumaan ka sa tubig,+ ako ay sasaiyo;+ at sa mga ilog, hindi ka aapawan ng mga iyon.+ Sakaling lumakad ka sa apoy, hindi ka mapapaso, ni bahagya ka mang susunugin ng liyab.+ 3 Sapagkat ako ay si Jehova na iyong Diyos, ang Banal ng Israel na iyong Tagapagligtas.+ Ibinigay ko ang Ehipto bilang pantubos para sa iyo,+ ang Etiopia+ at ang Seba bilang kapalit mo. 4 Sa dahilang naging mahalaga ka sa aking paningin,+ itinuring kang marangal, at aking inibig ka.+ At magbibigay ako ng mga tao bilang kapalit mo, at ng mga liping pambansa bilang kapalit ng iyong kaluluwa.+

5 “Huwag kang matakot, sapagkat ako ay sumasaiyo.+ Mula sa sikatan ng araw ay dadalhin ko ang iyong binhi, at mula sa lubugan ng araw ay pipisanin kita.+ 6 Sasabihin ko sa hilaga,+ ‘Bayaan mo!’ at sa timog, ‘Huwag mong pigilan. Dalhin mo ang aking mga anak na lalaki mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae mula sa dulo ng lupa,+ 7 bawat isa na tinatawag sa aking pangalan+ at nilalang ko para sa aking kaluwalhatian,+ na inanyuan ko, oo, na ginawa ko.’+

8 “Ilabas mo ang isang bayan na bulag bagaman may mga mata, at ang mga bingi bagaman mayroon silang mga tainga.+ 9 Mapisan sa isang dako ang lahat ng mga bansa, at matipon ang mga liping pambansa.+ Sino sa kanila ang makapagsasabi nito?+ O maiparirinig ba nila sa atin maging ang mga unang bagay?+ Iharap nila ang kanilang mga saksi,+ upang sila ay maipahayag na matuwid, o dinggin nila at sabihin, ‘Iyon ang katotohanan!’ ”+

10 “Kayo ang aking mga saksi,”+ ang sabi ni Jehova, “ang akin ngang lingkod na aking pinili,+ upang malaman ninyo+ at manampalataya kayo sa akin,+ at upang maunawaan ninyo na ako pa rin ang Isang iyon.+ Walang Diyos na inanyuang una sa akin,+ at pagkatapos ko ay wala pa ring sinuman.+ 11 Ako—ako ay si Jehova,+ at bukod pa sa akin ay walang tagapagligtas.”+

12 “Ako ay nagpahayag at nagligtas at nagparinig niyaon,+ noong sa gitna ninyo ay walang kakaibang diyos.+ Kaya kayo ang aking mga saksi,”+ ang sabi ni Jehova, “at ako ang Diyos.+ 13 Gayundin, sa lahat ng panahon ay ako pa rin ang Isang iyon;+ at walang sinumang nakapagliligtas mula sa aking kamay.+ Ako ay kikilos,+ at sino ang makapipigil nito?”+

14 Ito ang sinabi ni Jehova, na inyong Manunubos,+ ang Banal ng Israel:+ “Alang-alang sa inyo ay magsusugo ako sa Babilonya at pababagsakin ko ang mga halang ng mga bilangguan,+ at ang mga Caldeo sa mga barko na humihiyaw nang may paghihinagpis.+ 15 Ako ay si Jehova na inyong Banal na Isa,+ ang Maylalang ng Israel,+ ang inyong Hari.”+

16 Ito ang sinabi ni Jehova, ang Isa na gumagawa ng daan sa mismong dagat at ng lansangan maging sa malalakas na tubig,+ 17 ang Isa na naglalabas ng karong pandigma at ng kabayo, ng hukbong militar at niyaong malalakas nang magkakasabay:+ “Sila ay hihiga.+ Hindi sila babangon.+ Sila ay tiyak na papatayin.+ Sasawatain silang gaya ng linong mitsa.”+

18 “Huwag ninyong alalahanin ang mga unang bagay, at ang mga dating bagay ay huwag ninyong pag-isipan. 19 Narito! Gumagawa ako ng isang bagong bagay.+ Ngayon ay lilitaw iyon. Malalaman ninyo iyon, hindi ba?+ Tunay nga, sa ilang ay maglalagay ako ng isang daan,+ sa disyerto naman ay mga ilog.+ 20 Luluwalhatiin ako ng mailap na hayop sa parang,+ ng mga chakal at mga avestruz;+ sapagkat magbibigay ako ng tubig maging sa ilang, ng mga ilog sa disyerto,+ upang painumin ang aking bayan, ang aking pinili,+ 21 ang bayan na inanyuan ko para sa aking sarili, upang isalaysay nila ang aking kapurihan.+

22 “Ngunit hindi ka tumawag sa akin, O Jacob,+ sapagkat nanghimagod ka sa akin, O Israel.+ 23 Hindi mo dinala sa akin ang mga tupa ng iyong mga buong handog na sinusunog, at sa pamamagitan ng iyong mga hain ay hindi mo ako niluwalhati.+ Hindi kita pinilit na maglingkod sa akin na may dalang kaloob, ni pinanghimagod man kita dahil sa olibano.+ 24 Ako ay hindi mo ibinili ng matamis na kania+ sa anumang halaga ng salapi; at sa taba ng iyong mga hain ay hindi mo ako binusog.+ Sa katunayan ay pinilit mo akong maglingkod dahil sa iyong mga kasalanan; pinanghimagod mo ako sa iyong mga kamalian.+

25 “Ako—ako ang Isa na pumapawi+ sa iyong mga pagsalansang+ alang-alang sa akin,+ at ang iyong mga kasalanan ay hindi ko aalalahanin.+ 26 Paalalahanan mo ako; magkasama nating ilagay sa paghatol ang ating sarili;+ ilahad mo ang iyong salaysay tungkol dito upang malagay ka sa tama.+ 27 Ang iyong sariling ama, ang una, ay nagkasala,+ at ang iyong sariling mga tagapagsalita ay sumalansang laban sa akin.+ 28 Kaya lalapastanganin ko ang mga prinsipe ng dakong banal, at ibibigay ko ang Jacob na gaya ng isang taong nakatalaga sa pagkapuksa at ang Israel sa mga salitang mapang-abuso.+

44 “At ngayon ay makinig ka, O Jacob na aking lingkod,+ at ikaw, O Israel, na aking pinili.+ 2 Ito ang sinabi ni Jehova, na iyong Maylikha+ at iyong Tagapag-anyo,+ na tumutulong sa iyo mula pa sa tiyan,+ ‘Huwag kang matakot,+ O Jacob na aking lingkod, at ikaw, Jesurun,+ na aking pinili. 3 Sapagkat bubuhusan ko ng tubig ang nauuhaw,+ at ng mga umaagos na batis ang tuyong dako.+ Ibubuhos ko sa iyong binhi ang aking espiritu,+ at sa iyong mga inapo ang aking pagpapala. 4 At sisibol nga sila na waring nasa gitna ng luntiang damo,+ tulad ng mga alamo+ sa tabi ng mga estero ng tubig. 5 Ang isang ito ay magsasabi: “Ako ay kay Jehova.”+ At tatawagin ng isang iyon ang kaniyang sarili ayon sa pangalan ni Jacob,+ at ang isa pa ay susulat sa kaniyang kamay: “Kay Jehova.” At pamamagatan ng isa ang kaniyang sarili ayon sa pangalan ni Israel.’+

6 “Ito ang sinabi ni Jehova, na Hari ng Israel+ at kaniyang Manunubos,+ si Jehova ng mga hukbo, ‘Ako ang una at ako ang huli,+ at bukod pa sa akin ay walang Diyos.+ 7 At sino ang tulad ko?+ Tumawag siya, upang masabi niya iyon at maiharap iyon sa akin.+ Mula nang itatag ko ang bayan noong sinaunang panahon,+ kapuwa ang mga bagay na dumarating at ang mga bagay na mangyayari ay sabihin nila sa ganang kanila. 8 Huwag kayong manghilakbot at huwag kayong matulala.+ Hindi ba mula nang panahong iyon ay ipinarinig ko iyon sa iyo nang isahan at ipinahayag ko?+ At kayo ang aking mga saksi.+ May umiiral bang Diyos bukod pa sa akin?+ Wala, walang Bato.+ Wala akong nakikilalang sinuman.’ ”

9 Silang lahat na mga tagapag-anyo ng inukit na imahen ay kabulaanan,+ at ang kanilang mga irog ay hindi mapakikinabangan;+ at bilang kanilang mga saksi ay wala silang nakikita at wala silang nalalaman,+ upang sila ay mapahiya.+ 10 Sino ang nakapag-anyo ng isang diyos o nakapaghulma ng isang hamak na binubong imahen?+ Hindi iyon napakinabangan sa anumang paraan.+ 11 Narito! Ang lahat ng kaniyang mga kasamahan ay mapapahiya,+ at ang mga bihasang manggagawa ay mula sa mga makalupang tao. Silang lahat ay magtitipon.+ Sila ay titigil. Sila ay manghihilakbot. Sila ay mapapahiyang magkakasama.+

12 Kung tungkol sa mang-uukit ng bakal sa pamamagitan ng daras, abala siya roon sa mga baga; at sa pamamagitan ng mga martilyo ay inaanyuan niya iyon, at patuloy siyang nagpapakaabala roon sa pamamagitan ng kaniyang malakas na bisig.+ Gayundin, siya ay nagutom, anupat nawalan ng lakas. Hindi siya umiinom ng tubig; kaya napagod siya.

13 Kung tungkol sa mang-uukit ng kahoy, iniunat niya ang pising panukat; tinatandaan niya iyon ng pulang yeso; inaanyuan niya iyon sa pamamagitan ng pait; at sa pamamagitan ng kompas ay patuloy niyang tinatandaan iyon, at iyon ay unti-unti niyang ginagawang tulad ng wangis ng tao,+ tulad ng kagandahan ng mga tao, upang tumahan sa isang bahay.+

14 May isa na ang kaniyang gawain ay ang pumutol ng mga sedro; at kumukuha siya ng isang uri ng punungkahoy, isa ngang dambuhalang punungkahoy, at pinatitibay niya iyon sa ganang kaniya sa gitna ng mga punungkahoy sa kagubatan.+ Itinanim niya ang puno ng laurel, at patuloy na pinalalaki iyon ng bumubuhos na ulan. 15 At iyon ay naging pampaningas ng apoy para sa tao. Kaya kukunin niya ang isang bahagi niyaon upang makapagpainit siya. Sa katunayan ay nagpapaliyab siya ng apoy at nagluluto nga ng tinapay. Gumagawa rin siya ng isang diyos na mayuyukuran niya.+ Iyon ay ginawa niyang isang inukit na imahen,+ at nagpapatirapa siya roon. 16 Ang kalahati niyaon ay sinusunog nga niya sa apoy. Sa ibabaw ng kalahati niyaon ay iniihaw niyang mabuti ang karne na kakainin niya, at nabubusog siya. Siya rin ay nagpapainit at nagsasabi: “Aha! Ako ay nakapagpainit na. Nakita ko na ang liwanag ng apoy.” 17 Ngunit ang nalalabi roon ay ginagawa nga niyang isang diyos, ang kaniyang inukit na imahen. Siya ay nagpapatirapa roon at yumuyukod at nananalangin doon at nagsasabi: “Iligtas mo ako, sapagkat ikaw ang aking diyos.”+

18 Hindi sila nakaaalam,+ ni nakauunawa man sila,+ sapagkat ang kanilang mga mata ay pinahiran upang hindi makakita,+ ang kanilang puso upang hindi magkaroon ng kaunawaan.+ 19 At walang sinuman ang nakaaalaala sa kaniyang puso+ o may kaalaman o unawa,+ na nagsasabi: “Ang kalahati niyaon ay sinunog ko sa apoy, at sa ibabaw ng mga baga niyaon ay nagluto rin ako ng tinapay; ako ay nag-ihaw ng karne at kumain. Ngunit ang natira roon ay gagawin ko bang isang hamak na karima-rimarim na bagay?+ Sa tuyong kahoy ba ng isang punungkahoy ay magpapatirapa ako?” 20 Kumakain siya ng abo.+ Iniligaw siya ng kaniyang sariling puso na nadaya.+ At hindi niya inililigtas ang kaniyang kaluluwa, ni sinasabi man niya: “Hindi ba kabulaanan ang nasa aking kanang kamay?”+

21 “Alalahanin mo ang mga bagay na ito, O Jacob,+ at ikaw, O Israel, sapagkat ikaw ay aking lingkod.+ Inanyuan kita.+ Ikaw ay isang lingkod na aking pag-aari. O Israel, ikaw ay hindi ko kalilimutan.+ 22 Papawiin ko ang iyong mga pagsalansang na gaya ng sa isang ulap,+ at ang iyong mga kasalanan na gaya ng sa isang kaulapan. Manumbalik ka sa akin,+ sapagkat tutubusin kita.+

23 “Humiyaw kayo nang may kagalakan, kayong mga langit,+ sapagkat si Jehova ay kumilos na!+ Sumigaw kayo nang may pagbubunyi,+ kayong pinakamabababang bahagi ng lupa!+ Magsaya kayo, kayong mga bundok,+ na may hiyaw ng kagalakan, ikaw na kagubatan at lahat kayong mga punungkahoy na nariyan! Sapagkat tinubos ni Jehova ang Jacob, at sa Israel ay ipinakikita niya ang kaniyang kagandahan.”+

24 Ito ang sinabi ni Jehova, na iyong Manunubos+ at Tagapag-anyo sa iyo mula sa tiyan: “Ako, si Jehova, ang gumagawa ng lahat ng bagay, na mag-isang nag-uunat ng langit,+ na naglalatag ng lupa.+ Sino ang kasama ko noon? 25 Binibigo ko ang mga tanda ng mga nagsasalita nang walang katuturan, at ako ang Isa na nagpapakilos sa mga manghuhula na parang baliw;+ ang Isa na nagpapaurong sa mga taong marurunong, at ang Isa na nagpapangyaring maging kamangmangan ang kanilang kaalaman;+ 26 ang Isa na nagpapangyaring magkatotoo ang salita ng kaniyang lingkod, at ang Isa na lubusang tumutupad sa panukala ng kaniyang mga mensahero;+ ang Isa na nagsasabi tungkol sa Jerusalem, ‘Siya ay tatahanan,’+ at tungkol sa mga lunsod ng Juda, ‘Sila ay muling itatayo,+ at ang kaniyang mga tiwangwang na dako ay ibabangon ko’;+ 27 ang Isa na nagsasabi sa matubig na kalaliman, ‘Maging singaw ka; at ang lahat ng iyong mga ilog ay tutuyuin ko’;+ 28 ang Isa na nagsasabi tungkol kay Ciro,+ ‘Siya ay aking pastol, at ang lahat ng kinalulugdan ko ay lubusan niyang tutuparin’;+ maging sa sinabi ko tungkol sa Jerusalem, ‘Siya ay muling itatayo,’ at tungkol sa templo, ‘Ilalatag ang iyong pundasyon.’ ”+

45 Ito ang sinabi ni Jehova sa kaniyang pinahiran,+ kay Ciro, na ang kanang kamay ay hinawakan ko,+ upang manupil ng mga bansa sa harap niya,+ nang sa gayon ay maalisan ko ng bigkis ang mga balakang ng mga hari; upang buksan sa harap niya ang mga pinto na may dalawang pohas, nang sa gayon ay hindi maisara ang mga pintuang-daan: 2 “Sa unahan mo ay yayaon ako,+ at ang mga umbok ng lupa ay papatagin ko.+ Ang mga pintong tanso ay pagdudurug-durugin ko, at ang mga halang na bakal ay puputulin ko.+ 3 At ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanan+ na nasa kadiliman at ang mga nakatagong kayamanan na nasa mga kublihang dako, upang makilala mo na ako ay si Jehova, ang Isa na tumatawag sa iyo sa iyong pangalan,+ ang Diyos ng Israel. 4 Alang-alang sa Jacob na aking lingkod at sa Israel na aking pinili,+ tinawag nga kita sa iyong pangalan; binigyan kita ng pangalang may karangalan, bagaman hindi mo ako kilala.+ 5 Ako ay si Jehova, at wala nang iba pa.+ Maliban sa akin ay walang Diyos.+ Bibigkisan kita nang mahigpit, bagaman hindi mo ako nakikilala, 6 upang malaman ng mga tao mula sa sikatan ng araw at mula sa lubugan nito na wala nang iba maliban sa akin.+ Ako ay si Jehova, at wala nang iba pa.+ 7 Nag-aanyo ng liwanag+ at lumalalang ng kadiliman,+ gumagawa ng kapayapaan+ at lumalalang ng kapahamakan,+ ako, si Jehova, ang gumagawa ng lahat ng mga bagay na ito.+

8 “O kayong mga langit, magpaulan kayo mula sa itaas;+ at magpatak ng katuwiran ang maulap na kalangitan.+ Bumuka ang lupa, at magbunga iyon ng kaligtasan, at magpasibol iyon ng katuwiran+ kasabay nito. Ako mismo, si Jehova, ang lumalang nito.”+

9 Sa aba niyaong lumalaban sa kaniyang Tagapag-anyo,+ gaya ng isang bibingang luwad sa iba pang mga bibingang luwad sa lupa! Dapat bang sabihin ng luwad+ sa tagapag-anyo nito: “Ano ang ginagawa mo?” At ang iyong ginawa ay magsasabi: “Wala siyang mga kamay”? 10 Sa aba niyaong nagsasabi sa ama: “Ano ang ipinanganganak sa iyo?” at sa asawang babae: “Ano ang ipinaghihirap mong maipanganak?”+

11 Ito ang sinabi ni Jehova, ang Banal ng Israel+ at ang Tagapag-anyo+ sa kaniya: “Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na dumarating+ may kinalaman sa aking mga anak;+ at may kinalaman sa gawa+ ng aking mga kamay ay mag-utos kayo sa akin. 12 Ako mismo ang gumawa ng lupa+ at lumalang ng tao sa ibabaw nito.+ Ako—ang aking sariling mga kamay ang nag-unat ng mga langit,+ at sa buong hukbo nila ay nag-utos ako.”+

13 “Ako ay may isang pinukaw sa katuwiran,+ at ang lahat ng kaniyang lakad ay tutuwirin ko.+ Siya ang magtatayo ng aking lunsod,+ at yaong aking mga pag-aari na nasa pagkatapon ay payayaunin niya,+ hindi kapalit ng isang halaga+ ni dahil man sa panunuhol,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

14 Ito ang sinabi ni Jehova: “Ang mga di-binabayarang trabahador ng Ehipto+ at ang mga mangangalakal ng Etiopia at ang mga Sabeano,+ matatangkad na lalaki,+ ay paririyan nga sa iyo, at sila ay magiging iyo.+ Sa likuran mo ay lalakad sila; paririyan silang may mga pangaw,+ at sa iyo ay yuyukod sila.+ Sa iyo ay mananalangin sila, na sinasabi, ‘Tunay nga na ang Diyos ay kaisa mo,+ at wala nang iba pa; wala nang iba pang Diyos.’ ”+

15 Tunay na ikaw ay Diyos na nagkukubli ng iyong sarili,+ ang Diyos ng Israel, isang Tagapagligtas.+ 16 Sila ay tiyak na mapapahiya at maaaba, silang lahat. Ang mga manggagawa ng mga anyong idolo ay sama-samang lalakad sa kahihiyan.+ 17 Kung tungkol sa Israel, siya ay tiyak na ililigtas na kaisa ni Jehova+ sa kaligtasang hanggang sa mga panahong walang takda.+ Hindi kayo mapapahiya,+ ni maaaba+ man kayo hanggang sa walang-takdang mga panahon na walang hanggan.

18 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, na Maylalang ng langit,+ Siya na tunay na Diyos,+ na Tagapag-anyo ng lupa at Maylikha nito,+ Siya na nagtatag nito nang matibay,+ na hindi niya nilalang na walang kabuluhan, na nag-anyo nito upang tahanan:+ “Ako ay si Jehova, at wala nang iba pa.+ 19 Hindi ako nagsalita sa isang dakong kublihan,+ sa isang madilim na dako sa lupa; ni sinabi ko man sa binhi ni Jacob, ‘Hanapin ninyo ako nang walang kabuluhan.’+ Ako ay si Jehova, na nagsasalita ng bagay na matuwid, nagsasabi ng bagay na matapat.+

20 “Magtipon kayo at pumarito.+ Magpisan-pisan kayo, kayong mga takas mula sa mga bansa.+ Yaong mga nagdadala ng kahoy ng kanilang inukit na imahen ay hindi sumapit sa anumang kaalaman, ni yaon mang mga nananalangin sa isang diyos na hindi makapagligtas.+ 21 Isaysay ninyo ang inyong ulat at ang inyong paglalahad.+ Oo, magsanggunian sila nang may pagkakaisa. Sino ang nagparinig nito mula noong sinaunang panahon?+ Sino ang nag-ulat nito mula nang mismong panahong iyon?+ Hindi ba ako, si Jehova, na bukod sa akin ay wala nang iba pang Diyos;+ isang matuwid na Diyos at isang Tagapagligtas,+ na walang iba maliban sa akin?+

22 “Bumaling kayo sa akin at maligtas,+ lahat kayong nasa mga dulo ng lupa; sapagkat ako ang Diyos, at wala nang iba pa.+ 23 Sa pamamagitan ng aking sarili ay sumumpa ako+—mula sa sarili kong bibig ay lumabas ang salita sa katuwiran,+ anupat hindi iyon babalik+—na sa akin ay luluhod ang bawat tuhod,+ ang bawat dila ay susumpa,+ 24 na nagsasabi, ‘Tiyak na kay Jehova ang buong katuwiran at lakas.+ Lahat niyaong mga nag-iinit laban sa kaniya ay tuwirang paroroon sa kaniya at mapapahiya.+ 25 Kay Jehova ang buong binhi+ ng Israel ay mapatutunayang tama+ at maghahambog tungkol sa kanilang sarili.’ ”+

46 Si Bel+ ay yumukod,+ si Nebo ay nakasubsob; ang kanilang mga idolo+ ay naging para sa maiilap na hayop at para sa mga alagang hayop, ang kanilang mga pasan, mga dala-dalahan, isang pasanin para sa mga hayop na pagod. 2 Sila ay mapapasubsob; sila ay sama-samang yuyukod; talagang hindi sila makapaglaan ng pagtakas+ sa pasanin, kundi yayaong patungo sa pagkabihag ang kanilang kaluluwa.+

3 “Makinig ka sa akin, O sambahayan ng Jacob, at lahat kayong nalalabi sa sambahayan ng Israel,+ kayong mga kinuha ko mula sa tiyan, yaong mga dinala mula sa bahay-bata.+ 4 Maging hanggang sa katandaan ng isa ay ako pa rin ang Isang iyon;+ at hanggang sa magkauban ang isa ay patuloy akong magpapasan.+ Ako ay kikilos nga,+ upang ako ay makapagdala at upang ako ay makapagpasan at makapaglaan ng pagtakas.+

5 “Kanino ninyo ako itutulad+ o ipapantay o ihahambing upang makahalintulad namin ang isa’t isa?+ 6 May mga labis-labis na naglalabas ng ginto mula sa supot, at sa pamamagitan ng nakasabit na timbangan ay tinitimbang nila ang pilak. Umuupa sila ng isang platero, at iyon ay ginagawa niyang isang diyos.+ Nagpapatirapa sila, oo, yumuyukod sila.+ 7 Pinapasan nila iyon sa balikat,+ binubuhat nila iyon at inilalagay sa dako niyaon upang makatayo. Mula sa kinatatayuan niyaon ay hindi iyon umaalis.+ May dumaraing pa nga roon, ngunit iyon ay hindi sumasagot; mula sa kaniyang kabagabagan ay hindi siya inililigtas niyaon.+

8 “Alalahanin ninyo ito, upang makapagtipon kayo ng lakas ng loob. Isapuso ninyo iyon,+ kayong mga mananalansang.+ 9 Alalahanin ninyo ang mga unang bagay noong sinaunang panahon,+ na ako ang Makapangyarihan+ at wala nang iba pang Diyos,+ ni may sinumang tulad ko;+ 10 ang Isa na nagsasabi ng wakas mula pa sa pasimula,+ at ng mga bagay na hindi pa nagagawa mula pa noong sinaunang panahon;+ ang Isa na nagsasabi, ‘Ang aking pasiya ay mananatili,+ at ang lahat ng aking kinalulugdan ay gagawin ko’;+ 11 ang Isa na tumatawag ng ibong maninila mula sa sikatan ng araw,+ ng lalaking magsasagawa ng aking pasiya mula sa malayong lupain.+ Sinalita ko nga iyon; pangyayarihin ko rin naman.+ Inanyuan ko iyon, gagawin ko rin naman.+

12 “Makinig kayo sa akin, kayong mga may pusong makapangyarihan,+ kayong malalayo sa katuwiran.+ 13 Inilapit ko ang aking katuwiran.+ Hindi iyon malayo,+ at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat.+ At ibibigay ko sa Sion ang kaligtasan, sa Israel ang aking kagandahan.”+

47 Bumaba ka at umupo ka sa alabok,+ O anak na dalaga ng Babilonya.+ Umupo ka sa lupa kung saan walang trono,+ O anak na babae ng mga Caldeo.+ Sapagkat hindi mo na muling mararanasan na maselan at mayumi ang itatawag sa iyo ng mga tao.+ 2 Kumuha ka ng gilingang pangkamay+ at maggiling ka ng harina. Alisin mo ang iyong talukbong.+ Hubarin mo ang mahabang saya.+ Ilantad mo ang binti.+ Tawirin mo ang mga ilog. 3 Dapat mong ilantad ang iyong kahubaran.+ Gayundin, ang iyong kadustaan ay dapat na makita.+ Paghihiganti ang gagawin ko,+ at hindi ko sasalubungin ang sinumang tao nang may kabaitan.

4 “May Isa na tumutubos sa atin.+ Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan,+ ang Banal ng Israel.”+

5 Umupo kang tahimik+ at pumasok ka sa kadiliman,+ O anak na babae ng mga Caldeo;+ sapagkat hindi mo na muling mararanasan na Ginang+ ng mga Kaharian+ ang itatawag sa iyo ng mga tao. 6 Nagalit ako sa aking bayan.+ Nilapastangan ko ang aking mana,+ at ibinigay ko sila sa iyong kamay.+ Hindi ka nagpakita sa kanila ng kaawaan.+ Sa matandang lalaki ay ginawa mong napakabigat ng iyong pamatok.+ 7 At lagi mong sinasabi: “Hanggang sa panahong walang takda ay magiging Ginang+ ako, magpakailanman.” Hindi mo isinapuso ang mga bagay na ito; hindi mo inalaala ang wakas ng bagay.+

8 At ngayon ay dinggin mo ito, ikaw na babaing mahilig sa kaluguran, ang isa na nakaupong tiwasay,+ ang isa na nagsasabi sa kaniyang puso: “Ako nga, at wala nang iba pa.+ Hindi ako uupo bilang balo, at hindi ko mararanasan ang pagkawala ng mga anak.”+ 9 Ngunit biglang darating sa iyo ang dalawang bagay na ito, sa isang araw:+ ang pagkawala ng mga anak at ang pagkabalo. Sa kanilang hustong sukat ay darating sa iyo ang mga ito,+ dahil sa dami ng iyong mga panggagaway, dahil sa buong lakas ng iyong mga engkanto—na labis-labis.+ 10 At patuloy kang nagtitiwala sa iyong kasamaan.+ Sinabi mo: “Walang nakakakita sa akin.”+ Ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman+—ito ang naglayo sa iyo; at patuloy mong sinasabi sa iyong puso: “Ako nga, at wala nang iba pa.” 11 At darating sa iyo ang kapahamakan; wala kang engkantong malalaman laban doon. At sasapit sa iyo ang kapighatian;+ hindi mo iyon maiiwasan. At biglang+ darating sa iyo ang pagkagiba na hindi mo dating nalalaman.

12 Manatili ka ngayon sa iyong mga engkanto at sa dami ng iyong mga panggagaway,+ na pinagpapagalan mo mula pa sa iyong pagkabata; upang marahil ay makinabang ka, upang marahil ay masindak mo ang mga tao. 13 Nanghimagod ka sa karamihan ng iyong mga tagapayo. Tumayo sila ngayon at iligtas ka, ang mga mananamba ng langit, ang mga tumitingin sa mga bituin,+ yaong mga naghahayag ng kaalaman sa panahon ng mga bagong buwan may kinalaman sa mga bagay na darating sa iyo. 14 Narito! Sila ay naging gaya ng pinaggapasan.+ Isang apoy ang tiyak na susunog sa kanila.+ Hindi nila maililigtas ang kanilang kaluluwa+ mula sa kapangyarihan ng liyab.+ Hindi magkakaroon ng ningas ng mga baga upang makapagpainit ang mga tao, walang liwanag ng apoy na sa harap nito ay makauupo. 15 Tiyak na magiging gayon sila sa iyo, na mga kasama mong nagpagal bilang iyong mga engkantador+ mula pa sa iyong pagkabata. Magpapagala-gala nga sila, bawat isa ay sa kaniyang sariling pook. Walang sinumang magliligtas sa iyo.+

48 Dinggin mo ito, O sambahayan ni Jacob, kayong tumatawag sa inyong sarili ayon sa pangalan ni Israel+ at lumabas mula sa mismong tubig ng Juda,+ kayong sumusumpa sa pangalan ni Jehova+ at bumabanggit sa Diyos ng Israel,+ hindi sa katotohanan at hindi sa katuwiran.+ 2 Sapagkat tinawag nila ang kanilang sarili bilang nagmula sa banal na lunsod,+ at sa Diyos ng Israel ay sumandig sila,+ Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.+

3 “Ang mga unang bagay ay sinabi ko mula pa nang panahong iyon, at mula sa aking bibig ay lumabas ang mga iyon, at patuloy kong ipinaririnig.+ Bigla akong kumilos, at ang mga bagay ay nangyari.+ 4 Dahil sa pagkaalam ko na ikaw ay matigas+ at na ang iyong leeg ay litid na bakal+ at ang iyong noo ay tanso,+ 5 patuloy ko ring sinasabi sa iyo mula nang panahong iyon. Bago mangyari iyon ay ipinarinig ko na sa iyo,+ upang hindi mo sabihin, ‘Ang aking idolo ang gumawa ng mga iyon, at ang aking inukit na imahen at ang aking binubong imahen ang nag-utos sa mga iyon.’+ 6 Narinig mo.+ Masdan mong lahat iyon.+ Kung tungkol naman sa inyo, hindi ba ninyo iyon sasabihin?+ Nagparinig ako sa iyo ng mga bagong bagay mula sa kasalukuyang panahon, ng mga bagay nga na iniingatang nakataan, na hindi mo pa nalaman.+ 7 Sa kasalukuyang panahon ay lalalangin ang mga iyon, at hindi mula nang panahong iyon, ng mga bagay nga na bago dumating ang araw na ito ay hindi mo pa narinig, upang hindi mo sabihin, ‘Narito! Alam ko na ang mga iyon.’+

8 “Bukod diyan, hindi mo pa narinig,+ ni nalaman mo man, ni mula nang panahong iyon ay nabuksan ang iyong pandinig. Sapagkat nalalaman kong lubos na talagang patuloy kang nakitungo nang may kataksilan,+ at tinatawag kang ‘mananalansang mula sa tiyan.’+ 9 Alang-alang sa aking pangalan ay pipigilan ko ang aking galit,+ at dahil sa aking kapurihan ay magpipigil ako ng aking sarili sa iyo upang hindi ka malipol.+ 10 Narito! Dinalisay kita, ngunit hindi gaya ng pilak.+ Aking pinili ka sa tunawang hurno ng kapighatian.+ 11 Alang-alang sa aking sarili, alang-alang sa aking sarili ay kikilos ako,+ sapagkat bakit hahayaan ng isa na siya ay lapastanganin?+ At sa kaninuman ay hindi ko ibibigay ang aking kaluwalhatian.+

12 “Pakinggan mo ako, O Jacob, at ikaw na Israel na aking tinawag. Ako pa rin ang Isang iyon.+ Ako ang una.+ Bukod diyan, ako ang huli.+ 13 Bukod diyan, ang aking sariling kamay ang naglatag ng pundasyon ng lupa,+ at ang aking sariling kanang kamay ang nagladlad ng mga langit.+ Ako ay tumatawag sa kanila, upang manatili silang magkakasama.+

14 “Matipon kayong lahat at dinggin ninyo.+ Sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito? Si Jehova mismo ay umibig sa kaniya.+ Gagawin niya sa Babilonya ang bagay na kaniyang kinalulugdan,+ at ang kaniyang sariling bisig ay darating sa mga Caldeo.+ 15 Ako—ako ang nagsalita. Bukod diyan, tinawag ko siya.+ Dinala ko siya, at pagtatagumpayin ang kaniyang lakad.+

16 “Lumapit kayo sa akin. Dinggin ninyo ito. Mula nang pasimula ay hindi ako nagsalita sa isang dakong kublihan.+ Mula nang panahong mangyari iyon ay naroon na ako.”

At ngayon ay isinugo ako ng Soberanong Panginoong Jehova, ng kaniya ngang espiritu.+ 17 Ito ang sinabi ni Jehova, na iyong Manunubos,+ ang Banal ng Israel:+ “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka,+ ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.+ 18 O kung magbibigay-pansin ka lamang sana sa aking mga utos!+ Ang iyong kapayapaan nga ay magiging gaya ng ilog,+ at ang iyong katuwiran ay magiging gaya ng mga alon sa dagat.+ 19 At ang iyong supling ay magiging gaya ng buhangin, at ang mga inapo mula sa iyong mga panloob na bahagi ay gaya ng mga butil nito.+ Ang pangalan ng isa ay hindi mapapawi o malilipol mula sa harap ko.”+

20 Lumabas kayo mula sa Babilonya!+ Tumakas kayo mula sa mga Caldeo.+ Ihayag ninyo na may ingay ng hiyaw ng kagalakan, iparinig ninyo ito.+ Itanyag ninyo iyon hanggang sa dulo ng lupa.+ Sabihin ninyo: “Tinubos ni Jehova ang Jacob na kaniyang lingkod.+ 21 At hindi sila nauhaw+ noong pinapatnubayan niya sila sa mga wasak na dako.+ Tubig mula sa bato ang pinaagos niya para sa kanila, at biniyak niya ang isang bato upang bumukal ang tubig.”+

22 “Walang kapayapaan,” ang sabi ni Jehova, “para sa mga balakyot.”+

49 Pakinggan ninyo ako, O kayong mga pulo,+ at magbigay-pansin kayo, kayong mga liping pambansa sa malayo.+ Tinawag ako+ ni Jehova mula pa sa tiyan.+ Mula sa mga panloob na bahagi ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan.+ 2 At ang aking bibig ay ginawa niyang gaya ng isang tabak na matalas.+ Sa lilim+ ng kaniyang kamay ay itinago niya ako.+ At sa kalaunan ay ginawa niya akong isang pinakinis na palaso. Ikinubli niya ako sa kaniyang sariling talanga. 3 At sinabi niya sa akin: “Ikaw ay aking lingkod, O Israel,+ ikaw na pagpapakitaan ko ng aking kagandahan.”+

4 Ngunit sa ganang akin, sinabi ko: “Walang saysay ang pagpapagal ko.+ Inubos ko ang aking lakas sa kabulaanan at kawalang-kabuluhan.+ Tunay na ang aking kahatulan ay nasa kay Jehova,+ at ang aking kabayaran ay nasa aking Diyos.”+ 5 At ngayon si Jehova, ang Isa na nag-anyo sa akin mula sa tiyan bilang lingkod na kaniyang pag-aari,+ ay nagsabing ibalik ko ang Jacob sa kaniya,+ upang matipon sa kaniya ang Israel.+ At ako ay maluluwalhati sa paningin ni Jehova, at ang aking Diyos nga ang magiging aking lakas. 6 At sinabi niya: “Naging higit pa sa isang maliit na bagay na ikaw ay maging aking lingkod upang ibangon ang mga tribo ni Jacob at upang ibalik ang mga iniingatan sa Israel;+ ibinigay din kita bilang liwanag ng mga bansa,+ upang ang aking pagliligtas ay maging hanggang sa dulo ng lupa.”+

7 Ito ang sinabi ni Jehova, na Manunubos ng Israel,+ na kaniyang Banal na Isa, sa kaniya na may kaluluwang hinahamak,+ sa kaniya na kinasusuklaman ng bansa,+ sa lingkod ng mga tagapamahala:+ “Ang mga hari mismo ay makakakita at tiyak na babangon,+ at ang mga prinsipe, at yuyukod sila, dahilan kay Jehova, na tapat,+ ang Banal ng Israel, na pumipili sa iyo.”+

8 Ito ang sinabi ni Jehova: “Sa isang panahon ng kabutihang-loob ay sinagot kita,+ at sa isang araw ng kaligtasan ay tinulungan kita;+ at patuloy kitang iningatan upang maibigay kita bilang isang tipan para sa bayan,+ upang ipanauli ang lupain,+ upang pangyarihin na muling ariin ang nakatiwangwang na mga minanang pag-aari,+ 9 upang sabihin sa mga bilanggo,+ ‘Lumabas kayo!’+ doon sa mga nasa kadiliman,+ ‘Magpakita kayo!’+ Sa tabi ng mga daan ay manginginain sila, at sa lahat ng mga dinaraanang landas ay doon sila manginginain.+ 10 Hindi sila magugutom,+ ni mauuhaw man sila,+ ni sasaktan man sila ng nakapapasong init o ng araw.+ Sapagkat ang Isa na nahahabag sa kanila ang aakay sa kanila,+ at sa tabi ng mga bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.+ 11 At gagawin kong daan ang lahat ng aking mga bundok, at ang aking mga lansangang-bayan ay patataasin.+ 12 Narito! Ang mga ito ay manggagaling mula pa sa malayo,+ at, narito! ang mga ito mula sa hilaga+ at mula sa kanluran,+ at ang mga ito mula sa lupain ng Sinim.”

13 Humiyaw kayo nang may katuwaan, kayong mga langit,+ at magalak ka, O lupa.+ Magsaya ang mga bundok na may hiyaw ng katuwaan.+ Sapagkat inaliw ni Jehova ang kaniyang bayan,+ at nagpapakita siya ng habag sa kaniyang mga napipighati.+

14 Ngunit patuloy na sinasabi ng Sion: “Iniwan ako ni Jehova,+ at nilimot ako ni Jehova.”+ 15 Malilimutan ba ng asawang babae ang kaniyang pasusuhin anupat hindi niya kahahabagan ang anak ng kaniyang tiyan?+ Maging ang mga babaing ito ay makalilimot,+ ngunit ako ay hindi makalilimot sa iyo.+ 16 Narito! Sa aking mga palad ay inililok kita.+ Ang iyong mga pader ay laging nasa harap ko.+ 17 Ang iyong mga anak ay nagmadali. Yaon mismong mga gumigiba sa iyo at nagwawasak sa iyo ay aalis mula sa iyo. 18 Itingin mo ang iyong mga mata sa buong palibot at masdan. Silang lahat ay natipon.+ Pumaroon sila sa iyo. “Buháy ako,” ang sabi ni Jehova,+ “silang lahat ay isusuot mong gaya ng mga palamuti, at ibibigkis mo sila sa iyong sarili tulad ng isang kasintahang babae.+ 19 Bagaman naroon ang iyong mga wasak na dako at ang iyong mga tiwangwang na dako at ang lupain ng iyong mga guho,+ bagaman ngayon ay napakasikip sa iyo upang matahanan, at yaong mga lumululon sa iyo ay nasa malayo,+ 20 gayunma’y sa iyong pandinig ay sasabihin ng naging mga anak sa iyong naulilang kalagayan,+ ‘Ang dako ay napakasikip na para sa akin.+ Maglaan ka ng dako para sa akin, upang ako ay makatahan.’+ 21 At tiyak na sasabihin mo sa iyong puso, ‘Kanino ipinanganak ang mga ito para sa akin, samantalang ako ay babaing naulila sa mga anak at baog, yumaon sa pagkatapon at dinalang bilanggo?+ Ang mga ito naman, sino ang nagpalaki sa kanila?+ Narito! Ako nga ay naiwang mag-isa.+ Ang mga ito—saan sila nanggaling?’ ”+

22 Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Narito! Itataas ko ang aking kamay sa mga bansa,+ at sa mga bayan ay itatayo ko ang aking hudyat.+ At dadalhin nila sa kanilang dibdib ang iyong mga anak na lalaki, at papasanin nila sa balikat ang iyong mga anak na babae.+ 23 At mga hari ang magiging mga tagapag-alaga para sa iyo,+ at ang kanilang mga prinsesa ay mga yayang babae para sa iyo. Yuyukod sila sa iyo habang ang mga mukha ay nakaharap sa lupa,+ at ang alabok ng iyong mga paa ay hihimurin nila;+ at iyo ngang makikilala na ako ay si Jehova, na hindi ikahihiya niyaong mga umaasa sa akin.”+

24 Yaon bang mga nakuha na ay makukuha pa mula sa isang makapangyarihang lalaki,+ o makatatakas ba ang kalipunan ng mga bihag ng maniniil?+ 25 Ngunit ito ang sinabi ni Jehova: “Maging ang kalipunan ng mga bihag ng makapangyarihang lalaki ay kukunin,+ at yaong mga nakuha na ng maniniil ay makatatakas.+ At sa sinumang nakikipaglaban sa iyo ay ako ang makikipaglaban,+ at sa iyong mga anak ay ako ang magliligtas.+ 26 At ipakakain ko sa mga nagmamalupit sa iyo ang kanilang sariling laman; at gaya ng sa matamis na alak ay malalasing sila sa kanilang sariling dugo. At makikilala nga ng lahat ng laman na ako, si Jehova,+ ay iyong Tagapagligtas+ at iyong Manunubos,+ ang Makapangyarihan ng Jacob.”+

50 Ito ang sinabi ni Jehova: “Nasaan nga ang kasulatan ng diborsiyo+ ng inyong ina, na pinaalis ko?+ O kanino ko kayo ipinagbili sa mga pinagkakautangan ko?+ Narito! Dahil sa inyong sariling mga kamalian+ ay ipinagbili kayo, at dahil sa inyong sariling mga pagsalansang ay pinaalis ang inyong ina.+ 2 Bakit nang dumating ako ay walang sinumang naroon?+ Nang tumawag ako, walang sinumang sumagot?+ Naging napakaikli na nga ba ng aking kamay anupat hindi ito makatutubos,+ o sa akin ba ay walang kapangyarihang magligtas? Narito! Sa aking pagsaway+ ay tinutuyo ko ang dagat;+ ginagawa kong ilang ang mga ilog.+ Ang kanilang mga isda ay bumabaho sapagkat walang tubig, at namamatay sila dahil sa uhaw.+ 3 Dinaramtan ko ng dilim ang langit,+ at telang-sako ang ginagawa kong pantakip sa kanila.”+

4 Binigyan ako ng Soberanong Panginoong Jehova ng dila ng mga naturuan,+ upang malaman ko kung paano sasagutin ng salita ang pagód.+ Nanggigising siya uma-umaga; ginigising niya ang aking pandinig upang makarinig na gaya ng mga naturuan.+ 5 Binuksan ng Soberanong Panginoong Jehova ang aking pandinig, at ako, sa ganang akin, ay hindi naging mapaghimagsik.+ Hindi ako bumaling sa kabilang direksiyon.+ 6 Ang aking likod ay iniharap ko sa mga nananakit, at ang aking mga pisngi+ doon sa mga bumubunot ng balbas. Ang aking mukha ay hindi ko ikinubli sa kahiya-hiyang mga bagay at sa dura.+

7 Ngunit ang Soberanong Panginoong Jehova ang tutulong sa akin.+ Kaya naman hindi ako makadarama ng pagkaaba. Kaya nga ginawa kong parang batong pingkian ang aking mukha, at alam ko na hindi ako mapapahiya.+ 8 Ang Isa na nag-aaring matuwid sa akin ay malapit.+ Sino ang maaaring makipaglaban sa akin? Tumayo kaming magkasama.+ Sino ang aking katunggali sa paghatol?+ Lumapit siya sa akin.+ 9 Narito! Ang Soberanong Panginoong Jehova ang tutulong sa akin. Sino nga ang makapagsasabing balakyot ako?+ Narito! Silang lahat, tulad ng isang kasuutan, ay maluluma.+ Isang hamak na tangà ang uubos sa kanila.+

10 Sino sa inyo ang natatakot+ kay Jehova, na nakikinig sa tinig ng kaniyang lingkod,+ siyang lumalakad sa namamalaging kadiliman+ at sa kaniya ay walang liwanag? Magtiwala siya sa pangalan ni Jehova+ at sumandig siya sa kaniyang Diyos.+

11 “Narito! Kayong lahat na nagpapaliyab ng apoy, na nagpapaningas ng mga siklab, lumakad kayo sa liwanag ng inyong apoy, at sa gitna ng mga siklab na pinalagablab ninyo. Mula sa aking kamay ay tiyak na magkakaroon kayo nito: Sa matinding kirot ay hihiga kayo.+

51 “Makinig kayo sa akin, kayong mga nagtataguyod ng katuwiran,+ kayong mga humahanap kay Jehova.+ Tumingin kayo sa bato+ na pinagtabasan sa inyo, at sa uka ng hukay na pinaghukayan sa inyo. 2 Tumingin kayo kay Abraham+ na inyong ama+ at kay Sara+ na nagluwal sa inyo nang may mga kirot ng panganganak. Sapagkat siya ay iisa nang tawagin ko siya,+ at pinagpala ko siya at pinarami.+ 3 Sapagkat aaliwin nga ni Jehova ang Sion.+ Aaliwin nga niya ang lahat ng kaniyang mga wasak na dako,+ at gagawin niyang tulad ng Eden+ ang kaniyang ilang at tulad ng hardin ni Jehova ang kaniyang disyertong kapatagan.+ Ang pagbubunyi at ang pagsasaya ay masusumpungan sa kaniya, ang pasasalamat at ang tinig ng awitin.+

4 “Magbigay-pansin ka sa akin, O bayan ko; at ikaw na aking liping pambansa,+ ako ay pakinggan mo. Sapagkat mula sa akin ay lalabas ang isang kautusan,+ at ang aking hudisyal na pasiya ay pananatilihin ko bilang liwanag nga sa mga bayan.+ 5 Ang aking katuwiran ay malapit.+ Ang aking pagliligtas+ ay tiyak na lalabas, at ang aking mga bisig ang hahatol sa mga bayan.+ Sa akin ay aasa ang mga pulo,+ at ang aking bisig ay hihintayin nila.+

6 “Itingin ninyo ang inyong mga mata sa langit,+ at masdan ninyo ang lupa sa ibaba. Sapagkat ang mismong langit ay mangangalat na gaya ng usok,+ at ang lupa ay maluluma na parang kasuutan,+ at ang mga tumatahan doon ay mamamatay na tulad ng isang hamak na niknik. Ngunit kung tungkol sa aking pagliligtas, iyon ay magiging hanggang sa panahong walang takda,+ at ang aking katuwiran ay hindi masisira.+

7 “Makinig kayo sa akin, kayong mga nakaaalam ng katuwiran, ang bayan na ang puso ay kinaroroonan ng aking kautusan.+ Huwag ninyong katakutan ang pandurusta ng mga taong mortal, at huwag kayong mangilabot dahil lamang sa kanilang mapang-abusong mga salita.+ 8 Sapagkat uubusin sila ng tangà na parang isang kasuutan, at uubusin sila na parang lana ng tangà sa damit.+ Ngunit kung tungkol sa aking katuwiran, iyon ay magiging hanggang sa panahong walang takda, at ang aking pagliligtas ay hanggang sa di-mabilang na mga salinlahi.”+

9 Gumising ka, gumising ka, magbihis ka ng kalakasan,+ O bisig ni Jehova!+ Gumising ka gaya ng mga araw noong sinaunang panahon, gaya noong mga salinlahi ng mga panahong malaon nang nakalipas.+ Hindi ba ikaw ang lumuray sa Rahab,+ na umulos sa dambuhalang hayop-dagat?+ 10 Hindi ba ikaw ang tumuyo sa dagat, ang tubig ng malawak na kalaliman?+ Ang nagpangyaring maging daan ang mga kalaliman ng dagat upang makatawid ang mga tinubos?+ 11 Sa gayon ay babalik ang mga tinubos ni Jehova at paroroon sa Sion na may hiyaw ng kagalakan,+ at ang pagsasaya hanggang sa panahong walang takda ay mapapasakanilang ulo.+ Ang pagbubunyi at ang pagsasaya ay makakamtan nila.+ Ang pamimighati at ang pagbubuntunghininga ay tatakas nga.+

12 “Ako—ako ang Isa na umaaliw sa inyo.+

“Sino ka na matatakot ka sa taong mortal na mamamatay,+ at sa anak ng sangkatauhan na gagawing gaya lamang ng luntiang damo?+ 13 At na kalilimutan mo si Jehova na iyong Maylikha,+ ang Isa na nag-uunat ng langit+ at naglalatag ng pundasyon ng lupa,+ anupat lagi kang nanghihilakbot sa buong araw dahil sa pagngangalit niyaong gumigipit sa iyo,+ na para bang handang-handa na siyang ipahamak ka?+ At nasaan ang pagngangalit niyaong gumigipit sa iyo?+

14 “Ang isa na nakayuko na may mga tanikala ay mabilis ngang kakalagan,+ upang hindi siya mamatay patungo sa hukay+ at upang ang kaniyang tinapay ay hindi magkulang.+

15 “Ngunit ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na pumupukaw sa dagat upang dumaluyong ang mga alon nito.+ Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.+ 16 At ilalagay ko sa iyong bibig ang aking mga salita,+ at tatakpan kita ng lilim ng aking kamay,+ upang itatag ang langit+ at ilatag ang pundasyon ng lupa+ at sabihin sa Sion, ‘Ikaw ang aking bayan.’+

17 “Gumising ka, gumising ka, bumangon ka, O Jerusalem,+ ikaw na uminom mula sa kamay ni Jehova ng kaniyang kopa ng pagngangalit.+ Ang saro, ang kopa na sanhi ng pagsuray-suray, ay ininuman mo, sinaid mo.+ 18 Walang sinuman sa lahat ng mga anak+ na ipinanganak niya ang pumapatnubay sa kaniya, at walang sinuman sa lahat ng mga anak na pinalaki niya ang humahawak sa kaniyang kamay.+ 19 Ang dalawang bagay na iyon ay nangyayari sa iyo.+ Sino ang makikiramay sa iyo?+ Pananamsam at kagibaan, at gutom at tabak!+ Sino ang aaliw sa iyo?+ 20 Ang iyong mga anak ay hinimatay.+ Humiga sila sa bukana ng lahat ng mga lansangan tulad ng maiilap na tupa na nasa lambat,+ gaya niyaong mga puspos ng pagngangalit ni Jehova,+ ng pagsaway ng iyong Diyos.”+

21 Kaya pakinggan mo ito, pakisuyo, O babaing+ napipighati at lasing, ngunit hindi sa alak.+ 22 Ito ang sinabi ng iyong Panginoon, ni Jehova, ng iyong Diyos nga, na nakikipaglaban+ para sa kaniyang bayan: “Narito! Kukunin ko sa iyong kamay ang kopa na sanhi ng pagsuray-suray.+ Ang saro, ang aking kopa ng pagngangalit—hindi mo na uulitin pa ang pag-inom mula roon.+ 23 At ilalagay ko iyon sa kamay ng mga umiinis sa iyo,+ na nagsabi sa iyong kaluluwa, ‘Yumukod ka upang makatawid kami,’ anupat ginawa mong tulad ng lupa ang iyong likod, at tulad ng lansangan para roon sa mga tumatawid.”+

52 Gumising ka, gumising ka, magsuot ka ng iyong lakas,+ O Sion! Magsuot ka ng iyong magagandang kasuutan,+ O Jerusalem, na banal na lunsod!+ Sapagkat hindi na muling papasok sa iyo ang di-tuli at marumi.+ 2 Pagpagan mo ng alabok ang iyong sarili,+ bumangon ka, umupo ka, O Jerusalem. Kalagin mo ang mga panali na nasa iyong leeg, O bihag na anak na babae ng Sion.+

3 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: “Ipinagbili kayo nang walang kapalit,+ at tutubusin kayo nang walang salapi.”+

4 Sapagkat ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Sa Ehipto lumusong ang aking bayan noong unang pagkakataon upang manirahan doon bilang mga dayuhan;+ at siniil naman sila ng Asirya nang walang dahilan.”

5 “At ngayon, ano ang interes ko rito?” ang sabi ni Jehova. “Sapagkat ang aking bayan ay kinuha nang walang kapalit.+ Mismong ang mga namamahala sa kanila ay patuloy na nagpapalahaw,”+ ang sabi ni Jehova, “at lagi na, sa buong araw, ang aking pangalan ay pinakikitunguhan nang walang galang.+ 6 Sa dahilang iyon ay makikilala ng aking bayan ang aking pangalan,+ sa dahilang iyon nga sa araw na iyon, sapagkat ako ang Isa na nagsasalita.+ Narito! Ako nga.”

7 Pagkaganda-ganda sa ibabaw ng mga bundok ng mga paa+ niyaong nagdadala ng mabuting balita,+ na naghahayag ng kapayapaan,+ na nagdadala ng mabuting balita tungkol sa bagay na mas mabuti,+ na naghahayag ng kaligtasan,+ na nagsasabi sa Sion: “Ang iyong Diyos ay naging hari!”+

8 Pakinggan mo! Ang iyong mga bantay+ ay naglakas ng kanilang tinig.+ Sabay-sabay silang humihiyaw nang may kagalakan; sapagkat magkikita sila nang mata sa mata+ kapag muling tinipon ni Jehova ang Sion.+

9 Magsaya kayo, sabay-sabay kayong humiyaw nang may kagalakan, kayong mga wasak na dako ng Jerusalem,+ sapagkat inaliw ni Jehova ang kaniyang bayan;+ tinubos niya ang Jerusalem.+ 10 Hinubdan ni Jehova ang kaniyang banal na bisig sa paningin ng lahat ng mga bansa;+ at makikita ng lahat ng mga dulo ng lupa ang pagliligtas ng ating Diyos.+

11 Lumayo kayo, lumayo kayo, lumabas kayo riyan,+ huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi;+ lumabas kayo mula sa gitna niya,+ manatili kayong malinis, kayong mga nagdadala ng mga kagamitan ni Jehova.+ 12 Sapagkat lalabas kayo nang walang takot, at yayaon kayo na hindi parang tumatakas.+ Sapagkat si Jehova ay yayaon sa unahan ninyo,+ at ang Diyos ng Israel ang magiging inyong bantay sa likuran.+

13 Narito! Ang aking lingkod+ ay kikilos nang may kaunawaan.+ Siya ay mapapasa mataas na katayuan at tiyak na itataas at dadakilain nang lubha.+ 14 Kung paanong marami ang tumitig sa kaniya sa pagkamangha+—gayon na lamang ang pagkasira kung tungkol sa kaniyang kaanyuan+ na higit kaysa kanino pa mang lalaki at kung tungkol sa kaniyang matikas na anyo+ na higit kaysa roon sa mga anak ng sangkatauhan— 15 sa gayunding paraan ay gugulatin niya ang maraming bansa.+ Sa kaniya ay ititikom ng mga hari ang kanilang bibig,+ sapagkat ang hindi pa naisasalaysay sa kanila ay makikita nga nila, at ang hindi pa nila naririnig ay pag-iisipan nila.+

53 Sino ang nanampalataya sa bagay na narinig namin?+ At kung tungkol sa bisig ni Jehova,+ kanino ito naisiwalat?+ 2 At siya ay tutubo na gaya ng isang maliit na sanga+ sa harap ng isa, at gaya ng isang ugat mula sa lupaing walang tubig. Wala siyang matikas na anyo, ni anumang karilagan;+ at kapag nakita namin siya, wala roon ang kaanyuan anupat siya ay nanasain namin.+

3 Siya ay hinamak at iniwasan ng mga tao,+ isang taong nauukol sa mga kirot at sa pagkakaroon ng kabatiran sa sakit.+ At waring may pagkukubli ng mukha ng isa mula sa amin.+ Siya ay hinamak, at itinuring namin siya bilang walang halaga.+ 4 Tunay na ang aming mga sakit ang siyang dinala niya;+ at kung tungkol sa aming mga kirot, pinasan niya ang mga iyon.+ Ngunit itinuring namin siya bilang sinalot,+ sinaktan ng Diyos+ at pinighati.+ 5 Ngunit siya ay inuulos+ dahil sa aming pagsalansang;+ siya ay sinisiil dahil sa aming mga kamalian.+ Ang kaparusahang ukol sa aming kapayapaan ay sumasakaniya,+ at dahil sa kaniyang mga sugat+ ay nagkaroon ng pagpapagaling para sa amin.+ 6 Tulad ng mga tupa, kaming lahat ay naligaw;+ bumaling ang bawat isa sa amin sa kaniyang sariling daan; at pinangyari ni Jehova na ang kamalian naming lahat ay makatagpo ng isang iyon.+ 7 Siya ay ginipit,+ at hinayaan niyang pighatiin siya;+ gayunma’y hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig. Siya ay dinalang tulad ng isang tupa patungo sa patayan;+ at tulad ng isang tupang babae na sa harap ng kaniyang mga manggugupit ay napipi, hindi rin niya ibinubuka ang kaniyang bibig.+

8 Dahil sa pagpigil at sa paghatol ay inalis siya;+ at sino ang magtutuon ng pansin sa mga detalye ng kaniyang salinlahi?+ Sapagkat inihiwalay+ siya mula sa lupain ng mga buháy.+ Dahil sa pagsalansang+ ng aking bayan ay natamo niya ang hampas.+ 9 At ang kaniyang dakong libingan ay gagawin niyang kasama nga ng mga balakyot,+ at kasama ng mga uring mayaman sa kaniyang kamatayan,+ bagaman wala siyang ginawang karahasan+ at walang panlilinlang sa kaniyang bibig.+

10 Ngunit si Jehova ay nalugod na siilin siya;+ pinagkasakit niya siya.+ Kung itatalaga mo ang kaniyang kaluluwa bilang handog ukol sa pagkakasala,+ makikita niya ang kaniyang supling,+ palalawigin niya ang kaniyang mga araw,+ at sa kaniyang kamay ay magtatagumpay ang kinalulugdan+ ni Jehova.+ 11 Dahil sa kabagabagan ng kaniyang kaluluwa ay makakakita siya,+ masisiyahan siya.+ Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ang matuwid, ang aking lingkod,+ ay magdadala ng matuwid na katayuan sa maraming tao;+ at ang kanilang mga kamalian ay kaniyang papasanin.+ 12 Sa dahilang iyan ay bibigyan ko siya ng bahagi kasama ng marami,+ at hahati-hatiin niya ang samsam kasama ng mga makapangyarihan,+ sa dahilang ibinuhos niya ang kaniyang kaluluwa hanggang sa mismong kamatayan,+ at ibinilang siyang kasama ng mga mananalansang;+ at kaniyang dinala ang kasalanan ng maraming tao,+ at para sa mga mananalansang ay namagitan siya.+

54 “Humiyaw ka nang may kagalakan, ikaw na babaing baog na hindi nanganak!+ Magsaya kang may hiyaw ng kagalakan at sumigaw ka nang malakas,+ ikaw na hindi nagkaroon ng mga kirot ng panganganak,+ sapagkat ang mga anak niyaong pinabayaan ay mas marami kaysa sa mga anak ng babaing may asawang nagmamay-ari,”+ ang sabi ni Jehova. 2 “Paluwangin mo pa ang dako ng iyong tolda.+ At iunat nila ang mga pantoldang tela ng iyong maringal na tabernakulo. Huwag kang magpigil. Habaan mo ang iyong mga panaling pantolda, at patibayin mo ang iyong mga tulos na pantolda.+ 3 Sapagkat sa gawing kanan at sa gawing kaliwa ay lalago ka,+ at aariin ng iyong sariling supling ang mga bansa,+ at tatahanan nila ang mga nakatiwangwang na lunsod.+ 4 Huwag kang matakot,+ sapagkat hindi ka malalagay sa kahihiyan;+ at huwag kang mapahiya, sapagkat hindi ka mabibigo.+ Sapagkat malilimutan mo ang kahihiyan noong panahon ng iyong kabataan,+ at ang kadustaan ng iyong malaon nang pagkabalo ay hindi mo na maaalaala pa.”

5 “Sapagkat ang iyong Dakilang Maylikha+ ay iyong asawang nagmamay-ari,+ Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan;+ at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos.+ Ang Diyos ng buong lupa ang itatawag sa kaniya.+ 6 Sapagkat tinawag ka ni Jehova na waring ikaw ay asawang babae na lubusang pinabayaan at sinaktan sa espiritu,+ at gaya ng asawang babae sa panahon ng kabataan+ na pagkatapos ay itinakwil,”+ ang sabi ng iyong Diyos.

7 “Sa kaunting sandali ay lubusan kitang pinabayaan,+ ngunit titipunin kita taglay ang malaking kaawaan.+ 8 Sa bugso ng galit ay ikinubli ko mula sa iyo ang aking mukha nang sandali lamang,+ ngunit sa maibiging-kabaitan hanggang sa panahong walang takda ay maaawa ako sa iyo,”+ ang sabi ng iyong Manunubos,+ si Jehova.

9 “Ito ay gaya ng mga araw ni Noe sa akin.+ Kung paanong isinumpa ko na ang tubig ni Noe ay hindi na daraan sa ibabaw ng lupa,+ gayon ako sumumpa na hindi ako magagalit sa iyo ni sasawayin man kita.+ 10 Sapagkat ang mga bundok ay maaalis, at ang mga burol ay makikilos,+ ngunit ang aking maibiging-kabaitan ay hindi aalisin sa iyo,+ ni makikilos man ang aking tipan ng kapayapaan,”+ ang sabi ni Jehova, ang Isa na naaawa sa iyo.+

11 “O babaing napipighati,+ ipinaghahagisan ng unos,+ di-naaaliw,+ narito, ilalatag ko sa pamamagitan ng matigas na argamasa ang iyong mga bato,+ at ang iyong pundasyon+ ay ilalatag ko na may mga safiro.+ 12 At ang iyong mga moog ay gagawin kong yari sa mga rubi, at ang iyong mga pintuang-daan ay yari sa malaapoy at kumikinang na mga bato,+ at ang lahat ng iyong mga hangganan ay yari sa kalugud-lugod na mga bato. 13 At ang lahat ng iyong mga anak+ ay magiging mga taong naturuan ni Jehova,+ at ang kapayapaan ng iyong mga anak ay sasagana.+ 14 Ikaw ay matibay na matatatag sa katuwiran.+ Malalayo ka sa paniniil+—sapagkat wala kang katatakutan—​at sa anumang nakasisindak, sapagkat hindi ito lalapit sa iyo.+ 15 Kung may sinumang dadaluhong, hindi iyon dahil sa utos ko.+ Ang sinumang dadaluhong sa iyo ay mabubuwal dahil nga sa iyo.”+

16 “Narito! Ako ang lumalang sa bihasang manggagawa, sa isa na humihihip+ sa apoy ng baga+ at naglalabas ng isang sandata bilang kaniyang gawa. Ako rin ang lumalang sa taong mapangwasak+ para sa gawaing panggigiba. 17 Anumang sandata na aanyuan laban sa iyo ay hindi magtatagumpay,+ at alinmang dila na gagalaw laban sa iyo sa paghatol ay hahatulan mo.+ Ito ang minanang pag-aari ng mga lingkod ni Jehova,+ at ang kanilang katuwiran ay mula sa akin,” ang sabi ni Jehova.+

55 Kayo riyan, lahat kayong nauuhaw!+ Pumarito kayo sa tubig.+ At ang mga walang salapi! Pumarito kayo, bumili kayo at kumain.+ Oo, pumarito kayo, bumili kayo ng alak+ at gatas+ kahit walang salapi at walang bayad.+ 2 Bakit kayo patuloy na nagbabayad ng salapi para sa hindi naman tinapay, at bakit ang inyong pagpapagal ay hindi sa ikabubusog?+ Makinig kayong mabuti sa akin, at kumain kayo ng bagay na mabuti,+ at hayaang ang inyong kaluluwa ay makasumpong ng masidhing kaluguran nito sa katabaan.+ 3 Ikiling ninyo ang inyong pandinig+ at pumarito kayo sa akin.+ Makinig kayo, at ang inyong kaluluwa ay mananatiling buháy,+ at malugod akong makikipagtipan sa inyo ng isang tipan na namamalagi nang walang takda+ may kaugnayan sa tapat na mga maibiging-kabaitan kay David.+ 4 Narito! Bilang saksi+ sa mga liping pambansa+ ay ibinigay ko siya,+ bilang lider+ at kumandante+ sa mga liping pambansa.

5 Narito! Ang isang bansa na hindi mo nakikilala ay tatawagin mo,+ at silang mula sa isang bansa na hindi nakakakilala sa iyo ay tatakbo sa iyo,+ alang-alang kay Jehova na iyong Diyos,+ at para sa Banal ng Israel,+ sapagkat pagagandahin ka niya.+

6 Hanapin ninyo si Jehova samantalang siya ay masusumpungan.+ Tumawag kayo sa kaniya samantalang siya ay malapit.+ 7 Iwan ng taong balakyot ang kaniyang lakad,+ at ng taong mapaminsala ang kaniyang mga kaisipan;+ at manumbalik siya kay Jehova, na maaawa sa kaniya,+ at sa ating Diyos, sapagkat magpapatawad siya nang sagana.+

8 “Sapagkat ang mga kaisipan ninyo ay hindi ko mga kaisipan,+ ni ang aking mga lakad man ay inyong mga lakad,”+ ang sabi ni Jehova. 9 “Sapagkat kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa sa lupa,+ gayundin na ang aking mga lakad ay mas mataas kaysa sa inyong mga lakad,+ at ang aking mga kaisipan kaysa sa inyong mga kaisipan.+ 10 Sapagkat kung paanong ang bumubuhos na ulan, at ang niyebe, ay lumalagpak mula sa langit at hindi bumabalik sa dakong iyon, malibang diligin muna nito ang lupa at patubuan iyon at pasibulan,+ at maibigay ang binhi sa manghahasik at ang tinapay sa kumakain,+ 11 magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa aking bibig.+ Hindi ito babalik sa akin nang walang resulta,+ kundi gagawin nga nito yaong kinalulugdan ko,+ at ito ay tiyak na magtatagumpay sa bagay na pinagsuguan ko nito.+

12 “Sapagkat lalabas kayo na may pagsasaya,+ at papapasukin kayo na may kapayapaan.+ Ang mga bundok at ang mga burol ay magsasaya sa harap ninyo na may hiyaw ng kagalakan,+ at ang lahat ng mga punungkahoy sa parang ay magpapalakpak ng kanilang mga kamay.+ 13 Sa halip na palumpungan ng mga tinik ay puno ng enebro ang tutubo.+ Sa halip na nakatutusok na kulitis ay puno ng mirto ang tutubo.+ At iyon ay magiging isang bagay na tanyag para kay Jehova,+ isang tanda hanggang sa panahong walang takda+ na hindi mapaparam.”

56 Ito ang sinabi ni Jehova: “Ingatan ninyo ang katarungan,+ at gawin ninyo ang matuwid.+ Sapagkat ang aking pagliligtas ay malapit nang dumating,+ at ang aking katuwiran ay masisiwalat na.+ 2 Maligaya ang taong mortal na gumagawa nito,+ at ang anak ng sangkatauhan na nanghahawakan dito,+ na nangingilin ng sabbath upang huwag itong malapastangan,+ at nag-iingat ng kaniyang kamay upang huwag makagawa ng anumang uri ng kasamaan.+ 3 At huwag sabihin ng banyaga na lumakip kay Jehova,+ ‘Walang alinlangang ibubukod ako ni Jehova mula sa kaniyang bayan.’+ Ni sabihin man ng bating,+ ‘Narito! Ako ay punungkahoy na tuyo.’ ”

4 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova sa mga bating na nangingilin ng aking mga sabbath at pumili niyaong kinalulugdan ko+ at nanghahawakan sa aking tipan:+ 5 “Magbibigay nga ako sa kanila sa aking bahay+ at sa loob ng aking mga pader ng isang bantayog+ at isang pangalan,+ isang bagay na mas mabuti kaysa sa mga anak na lalaki at mga anak na babae.+ Isang pangalan hanggang sa panahong walang takda ang ibibigay ko sa kanila,+ isa na hindi mapaparam.+

6 “At ang mga banyaga na lumakip kay Jehova upang maglingkod sa kaniya+ at umibig sa pangalan ni Jehova,+ upang maging mga lingkod niya, lahat ng nangingilin ng sabbath upang huwag itong malapastangan at nanghahawakan sa aking tipan,+ 7 dadalhin ko rin sila sa aking banal na bundok+ at pagsasayahin ko sila sa loob ng aking bahay-panalanginan.+ Ang kanilang mga buong handog na sinusunog+ at ang kanilang mga hain+ ay tatanggapin sa ibabaw ng aking altar.+ Sapagkat ang aking sariling bahay ay tatawagin ngang bahay-panalanginan para sa lahat ng mga bayan.”+

8 Ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, na nagtitipon ng mga nanabog mula sa Israel,+ ay: “Titipunin ko sa kaniya ang iba pa bukod sa mga natipon na mula sa kaniya.”+

9 Lahat kayong maiilap na hayop sa malawak na parang, pumarito kayo upang kumain, lahat kayong maiilap na hayop sa kagubatan.+ 10 Ang kaniyang mga bantay ay bulag.+ Walang sinuman sa kanila ang nagbigay-pansin.+ Silang lahat ay mga asong pipi; hindi sila makatahol,+ humihingal, nakahiga, maibigin sa pag-idlip.+ 11 Mga aso pa man din sila na matindi ang pagnanasa ng kaluluwa;+ hindi sila marunong mabusog.+ Mga pastol din sila na hindi natutong umunawa.+ Silang lahat ay bumaling sa kanilang sariling lakad, bawat isa ay sa kaniyang di-tapat na pakinabang mula sa kaniyang sariling hanggahan:+ 12 “Pumarito kayo! Kukuha ako ng alak; at uminom tayo ng nakalalangong inumin hanggang sa kasukdulan.+ At ang bukas ay tiyak na magiging gaya ng araw na ito, dakila sa lubhang nakahihigit na paraan.”+

57 Ang matuwid ay namatay,+ ngunit walang sinumang nagsasapuso nito.+ At ang mga taong may maibiging-kabaitan ay napipisan sa mga patay,+ at walang sinumang nakauunawa na dahil nga sa kapahamakan kung kaya nahihiwalay ang matuwid.+ 2 Pumapasok siya sa kapayapaan;+ nagpapahinga+ sila sa kanilang mga higaan,+ ang bawat isa na lumalakad nang matuwid.+

3 “Kung tungkol sa inyo, lumapit kayo rito,+ kayong mga anak ng babaing nanghuhula,+ na binhi ng isang taong mapangalunya at ng isang babaing nagpapatutot:+ 4 Dahil kanino kung kaya kayo lubhang nagkakatuwaan?+ Laban kanino ninyo laging ibinubukang mabuti ang bibig, na laging inilalawit ang dila?+ Hindi ba kayo ang mga anak ng pagsalansang, ang binhi ng kabulaanan,+ 5 yaong mga nagpapaalab ng pita sa gitna ng malalaking punungkahoy,+ sa ilalim ng bawat mayabong na punungkahoy,+ na pumapatay ng mga anak sa mga agusang libis sa ilalim ng mga awang ng malalaking bato?+

6 “Ang iyong takdang bahagi ay naroon sa makikinis na bato ng agusang libis.+ Sila—sila ang iyong bahagi.+ Bukod diyan, sa kanila ay nagbuhos ka ng handog na inumin,+ naghandog ka ng kaloob. Maaaliw ko ba ang aking sarili sa mga bagay na ito?+ 7 Sa ibabaw ng bundok na mataas at matayog ay inilagay mo ang iyong higaan.+ Doon din ay umahon ka upang maghandog ng hain.+ 8 At sa likuran ng pinto at ng poste ng pinto ay inilagay mo ang iyong pang-alaala.+ Sapagkat nang mahiwalay sa akin ay naghubad ka at umahon; pinaluwang mo ang iyong higaan.+ At sa ganang iyo ay nakipagtipan ka sa kanila. Inibig mo ang higaan kasama nila.+ Ang sangkap ng lalaki ay nakita mo. 9 At bumaba kang patungo sa Melec taglay ang langis, at patuloy mong pinarami ang iyong mga ungguento.+ At patuloy mong ipinadala sa malayo ang iyong mga sugo, anupat ibinaba mo sa Sheol+ ang mga bagay-bagay. 10 Sa karamihan ng iyong mga lakad ay nagpagal ka.+ Hindi mo sinabi, ‘Wala nang pag-asa!’ Nakasumpong ka ng pagpapanumbalik ng iyong lakas.+ Kaya naman hindi ka nagkasakit.+

11 “Kanino ka nangilabot at nagsimulang matakot,+ anupat nagsinungaling ka?+ Ngunit hindi ako ang inalaala mo.+ Wala kang isinapusong anuman.+ Hindi ba ako nananahimik at nagtatago ng mga bagay-bagay?+ Kaya hindi ka natakot sa akin.+ 12 Ihahayag ko ang iyong katuwiran+ at ang iyong mga gawa,+ na hindi ka makikinabang sa mga iyon.+ 13 Kapag humingi ka ng saklolo ay hindi ka ililigtas ng iyong natipong mga bagay,+ kundi isang hangin ang tatangay sa lahat ng mga iyon.+ Isang singaw ang kukuha ng mga iyon, ngunit yaong nanganganlong sa akin+ ay magmamana ng lupain at magmamay-ari ng aking banal na bundok.+ 14 At tiyak na may magsasabi, ‘Tambakan ninyo, tambakan ninyo! Hawanin ninyo ang daan.+ Alisin ninyo ang anumang halang sa daan ng aking bayan.’ ”+

15 Sapagkat ito ang sinabi ng Isa na Mataas at Matayog,+ na tumatahan magpakailanman+ at may pangalang banal:+ “Tumatahan ako sa kaitaasan at sa dakong banal,+ kasama rin ng isa na nasisiil at may mapagpakumbabang espiritu,+ upang ipanumbalik ang espiritu ng mga maralita at upang ipanumbalik ang puso ng mga sinisiil.+ 16 Sapagkat hindi ako makikipaglaban hanggang sa panahong walang takda, ni magagalit man ako nang walang hanggan;+ sapagkat dahil sa akin ay manghihina ang espiritu,+ maging ang mga nilalang na humihinga na ako mismo ang gumawa.+

17 “Dahil sa kamalian ng kaniyang di-tapat na pakinabang+ ay nagalit ako, at sinaktan ko siya, na ikinukubli ang aking mukha,+ habang ako ay nagagalit. Ngunit patuloy siyang lumakad na isang suwail+ ayon sa lakad ng kaniyang puso. 18 Nakita ko ang kaniya mismong mga lakad; at pinasimulan kong pagalingin siya+ at patnubayan siya+ at gumanti ng kaaliwan+ sa kaniya at sa kaniyang mga nagdadalamhati.”+

19 “Nilalalang ko ang bunga ng mga labi.+ Namamalaging kapayapaan ang tataglayin niyaong nasa malayo at niyaong nasa malapit,”+ ang sabi ni Jehova, “at pagagalingin ko siya.”+

20 “Ngunit ang mga balakyot ay gaya ng dagat na umaalimbukay, kapag hindi ito humuhupa, na ang tubig nito ay patuloy na nag-aalimbukay ng damong-dagat at lusak. 21 Walang kapayapaan,” ang sabi ng aking Diyos, “para sa mga balakyot.”+

58 “Sumigaw ka nang buong lakas; huwag kang magpigil.+ Ilakas mo ang iyong tinig na parang tambuli, at sabihin mo sa aking bayan ang kanilang pagsalansang,+ at sa sambahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan. 2 Gayunma’y ako ang patuloy nilang hinahanap sa araw-araw, at ang kaalaman tungkol sa aking mga daan ang sinasabi nilang kanilang kinalulugdan,+ tulad ng isang bansa na nagsagawa ng katuwiran at hindi nagpabaya sa katarungan ng kanilang Diyos,+ anupat patuloy silang humihingi sa akin ng matuwid na mga kahatulan, na lumalapit sa Diyos na kanilang kinalugdan,+

3 “ ‘Sa anong dahilan kami nag-ayuno at hindi mo nakita,+ at pinighati namin ang aming kaluluwa+ at hindi mo pinapansin?’+

“Totoo nga na nakasusumpong kayo ng kaluguran sa mismong araw ng inyong pag-aayuno, noong naroon ang lahat ng inyong mga tagapagpagal na sapilitan ninyong pinagtatrabaho.+ 4 Totoo nga na para sa pag-aaway at pagtatalo ay nag-aayuno kayo,+ at para sa pananakit sa pamamagitan ng kamao ng kabalakyutan.+ Hindi ba kayo patuloy na nag-ayuno gaya noong araw ng pagpaparinig ng inyong tinig sa kaitaasan? 5 Dapat bang maging ganito ang pag-aayuno na pipiliin ko, isang araw upang pighatiin ng makalupang tao ang kaniyang kaluluwa?+ Upang iyukod ang kaniyang ulo gaya ng halamang hungko, at upang maglatag siya ng telang-sako at abo bilang kaniyang higaan?+ Ito ba ang tinatawag mong pag-aayuno at araw na kaayaaya kay Jehova?+

6 “Hindi ba ito ang pag-aayuno na pipiliin ko? Na kalagin ang mga pangaw ng kabalakyutan,+ alisin ang mga panali ng pamatok,+ at payauning malaya ang mga nasisiil,+ at na baliin ninyo ang bawat pamatok?+ 7 Hindi nga ba ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutóm,+ at ang dalhin mo sa iyong bahay ang mga taong napipighati at walang tahanan?+ Na kung makakita ka ng sinumang hubad ay daramtan mo siya,+ at na hindi mo pagtataguan ang iyong sariling laman?+

8 “Kung magkagayon ay sisikat ang iyong liwanag na gaya ng bukang-liwayway;+ at mabilis na darating sa iyo ang paggaling.+ At sa unahan mo ay tiyak na lalakad ang iyong katuwiran;+ ang mismong kaluwalhatian ni Jehova ang magiging iyong bantay sa likuran.+ 9 Kung magkagayon ay tatawag ka, at si Jehova mismo ay sasagot; hihingi ka ng tulong,+ at sasabihin niya, ‘Narito ako!’

“Kung iyong aalisin sa gitna mo ang pamatok,+ ang panduduro ng daliri+ at ang pagsasalita ng nakasasakit;+ 10 at ipagkakaloob mo sa gutóm ang ninanasa ng iyong sariling kaluluwa,+ at bubusugin mo ang kaluluwa na pinipighati, ang iyong liwanag din ay tiyak na sisinag sa kadiliman, at ang iyong karimlan ay magiging gaya ng katanghaliang tapat.+ 11 At palagi ka ngang papatnubayan ni Jehova+ at bubusugin ang iyong kaluluwa sa tuyot na lupain,+ at palalakasin niya ang iyo mismong mga buto;+ at ikaw ay magiging gaya ng isang hardin na nadidiligang mainam,+ at gaya ng dakong binubukalan ng tubig, na may tubig na hindi nagsisinungaling. 12 At dahil sa utos mo ay tiyak na itatayo ng mga tao ang mga dako na mahabang panahon nang wasak;+ ibabangon mo ang mga pundasyon ng sunud-sunod na mga salinlahi.+ At tatawagin ka ngang tagapagkumpuni ng puwang,+ ang tagapagsauli ng mga landas na sa tabi ng mga ito ay makatatahan.

13 “Kung dahil sa sabbath ay iuurong mo ang iyong paa sa paggawa ng iyong sariling mga kaluguran sa aking banal na araw,+ at ang sabbath ay tatawagin mo ngang masidhing kaluguran, isang banal na araw ni Jehova, isa na niluluwalhati,+ at luluwalhatiin mo nga ito sa halip na gawin ang iyong sariling mga lakad, sa halip na hanapin ang kinalulugdan mo at magbitiw ng salita; 14 kung magkagayon ay makasusumpong ka ng iyong masidhing kaluguran kay Jehova,+ at pasasakayin kita sa matataas na dako sa lupa;+ at pakakainin kita mula sa minanang pag-aari ni Jacob na iyong ninuno,+ sapagkat ang bibig mismo ni Jehova ang nagsalita nito.”+

59 Narito! Ang kamay ni Jehova ay hindi naging napakaikli anupat hindi ito makapagligtas,+ ni naging napakabigat man ng kaniyang pandinig anupat hindi ito makarinig.+ 2 Hindi, kundi ang mismong mga kamalian ninyo ang siyang naging sanhi ng paghihiwalay sa pagitan ninyo at ng inyong Diyos,+ at ang inyong sariling mga kasalanan ang nagpangyaring makubli mula sa inyo ang kaniyang mukha upang hindi duminig.+ 3 Sapagkat narumhan ng dugo ang inyong mga palad,+ at ng kamalian ang inyong mga daliri. Ang inyong mga labi ay nagsalita ng kabulaanan.+ Ang inyong dila ay patuloy na bumubulung-bulong ng lubos na kalikuan.+ 4 Walang sinumang tumatawag sa katuwiran,+ at walang sinuman ang nagtutungo sa hukuman sa katapatan. Ang pinagtitiwalaan ay kabulaanan,+ at ang sinasalita ay kawalang-kabuluhan.+ Ipinaglilihi ang kabagabagan, at ipinanganganak ang bagay na nakasasakit.+

5 Mga itlog ng makamandag na ahas ang pinisa nila, at patuloy silang humahabi ng hamak na sapot ng gagamba.+ Ang sinumang kumain ng kanilang mga itlog ay mamamatay, at ang itlog na binasag ay mapipisa at lalabasan ng ulupong.+ 6 Ang kanilang hamak na sapot ay hindi magsisilbing kasuutan, ni maipantatakip man nila sa kanilang sarili ang kanilang mga gawa.+ Ang kanilang mga gawa ay nakasasakit na mga gawa, at ang gawaing karahasan ay nasa kanilang mga palad.+ 7 Ang kanilang mga paa ay laging tumatakbo patungo sa lubos na kasamaan,+ at nagmamadali sila upang magbubo ng dugong walang-sala.+ Ang kanilang mga kaisipan ay nakasasakit na mga kaisipan;+ ang pananamsam at kagibaan ay nasa kanilang mga lansangang-bayan.+ 8 Ang daan ng kapayapaan+ ay ipinagwalang-bahala nila, at walang katarungan sa kanilang mga landas.+ Ang kanilang mga lansangan ay ginawa nilang liko sa ganang kanila.+ Walang sinumang lumalakad sa mga iyon ang makakakilala ng kapayapaan.+

9 Kaya naman ang katarungan ay naging malayo sa amin, at ang katuwiran ay hindi umaabot sa amin. Patuloy naming inaasahan ang liwanag, ngunit, narito! kadiliman; ang kaliwanagan, ngunit sa namamalaging karimlan kami lumalakad.+ 10 Patuloy naming inaapuhap ang pader tulad ng mga taong bulag, at tulad niyaong mga walang mata ay patuloy kaming nag-aapuhap.+ Natitisod kami sa tanghaling tapat gaya ng sa pagkagat ng dilim; sa gitna ng mapipintog ay para kaming mga taong patay.+ 11 Patuloy kaming umuungol, kaming lahat, tulad ng mga oso; at tulad ng mga kalapati ay kumukurukutok kami nang may pagdadalamhati.+ Patuloy naming inaasahan ang katarungan,+ ngunit wala nga; ang kaligtasan, ngunit nananatili itong malayo sa amin.+ 12 Sapagkat ang aming mga pagsalansang ay dumami sa harap mo;+ at kung tungkol sa aming mga kasalanan, bawat isa ay nagpapatotoo laban sa amin.+ Sapagkat ang aming mga pagsalansang ay nasa amin; at kung tungkol sa aming mga kamalian, nalalaman naming lubos ang mga iyon.+ 13 May pagsalansang at pagkakaila kay Jehova;+ at may paglayo mula sa aming Diyos, pagsasalita ng paniniil at paghihimagsik,+ paglilihi at pagbubulung-bulong ng mga salitang kabulaanan mula sa puso.+ 14 At ang katarungan ay pilit na pinaurong,+ at ang katuwiran ay nakatayo na lamang sa malayo.+ Sapagkat ang katotohanan ay nabuwal sa liwasan, at ang bagay na matuwid ay hindi makapasok.+ 15 At ang katotohanan ay nawawala,+ at ang sinumang tumatalikod sa kasamaan ay sinasamsaman.+

At nakita ni Jehova, at masama sa kaniyang paningin ang kawalan ng katarungan.+ 16 At nang makita niya na walang tao, siya ay nagsimulang manggilalas na walang sinumang namamagitan.+ At ang kaniyang bisig ay nagligtas para sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ang siyang umaalalay sa kaniya.+ 17 Nang magkagayon ay nagsuot siya ng katuwiran bilang kutamaya,+ at ng helmet ng kaligtasan sa kaniyang ulo.+ Karagdagan pa, siya ay nagsuot ng mga kasuutan ng paghihiganti bilang kagayakan+ at nagbihis ng sigasig na waring damit na walang manggas.+ 18 Ayon sa mga pakikitungo ay gayon siya gaganti,+ pagngangalit sa kaniyang mga kalaban, kaukulang pakikitungo sa kaniyang mga kaaway.+ Ang mga pulo ay gagantihan niya ng kaukulang pakikitungo.+ 19 At mula sa lubugan ng araw ay magsisimula silang matakot sa pangalan ni Jehova,+ at sa kaluwalhatian niya mula sa sikatan ng araw,+ sapagkat darating siyang tulad ng isang pumipighating ilog, na pinayaon ng mismong espiritu ni Jehova.+

20 “At sa Sion+ ay tiyak na paroroon ang Manunubos,+ at sa kanila na tumatalikod sa pagsalansang sa Jacob,”+ ang sabi ni Jehova.

21 “At kung tungkol sa akin, ito ang aking tipan sa kanila,”+ ang sabi ni Jehova.

“Ang aking espiritu na sumasaiyo+ at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig+—ang mga iyon ay hindi aalisin sa iyong bibig o sa bibig ng iyong supling o sa bibig ng supling ng iyong supling,” ang sabi ni Jehova, “mula ngayon at maging hanggang sa panahong walang takda.”+

60 “Bumangon ka,+ O babae, magpasinag ka ng liwanag,+ sapagkat ang iyong liwanag ay dumating na+ at sa iyo ay sumikat na ang mismong kaluwalhatian ni Jehova.+ 2 Sapagkat, narito! tatakpan ng kadiliman+ ang lupa, at ng makapal na karimlan ang mga liping pambansa; ngunit sa iyo ay sisikat si Jehova, at sa iyo ay makikita ang kaniyang kaluwalhatian.+ 3 At ang mga bansa ay tiyak na paroroon sa iyong liwanag,+ at ang mga hari+ sa kaningningan ng iyong pagsikat.+

4 “Itingin mo ang iyong mga mata sa buong palibot at masdan! Silang lahat ay natipon;+ pumaroon sila sa iyo.+ Mula sa malayo ay patuloy na dumarating ang iyong mga anak na lalaki, at ang iyong mga anak na babae na aalagaan sa tagiliran.+ 5 Sa panahong iyon ay makikita mo at ikaw ay tiyak na magniningning,+ at ang iyong puso ay manginginig at lálakí, sapagkat sa iyo ay pupunta ang kayamanan ng dagat; ang mismong yaman ng mga bansa ay paroroon sa iyo.+ 6 Ang dumadaluyong na karamihan ng mga kamelyo ay tatakip sa iyo, ang mga batang kamelyong lalaki ng Midian at ng Epa.+ Lahat niyaong mula sa Sheba+—darating sila. Ginto at olibano ang kanilang dadalhin. At ang mga kapurihan ni Jehova ay ipatatalastas nila.+ 7 Ang lahat ng kawan ng Kedar+—titipunin sa iyo ang mga iyon. Ang mga barakong tupa ng Nebaiot+—maglilingkod sa iyo ang mga iyon.+ May pagsang-ayong isasampa sa aking altar+ ang mga iyon, at pagagandahin ko ang aking sariling bahay ng kagandahan.+

8 “Sino ang mga ito na lumilipad na parang ulap,+ at parang mga kalapati patungo sa kanilang mga butas sa bahay-ibon? 9 Sapagkat sa akin ay patuloy na aasa ang mga pulo,+ ang mga barko rin ng Tarsis+ gaya noong una, upang dalhin ang iyong mga anak mula sa malayo,+ ang kanilang pilak at ang kanilang ginto na kasama nila,+ patungo sa pangalan+ ni Jehova na iyong Diyos at patungo sa Banal ng Israel,+ sapagkat pagagandahin ka niya.+ 10 At itatayo ng mga banyaga ang iyong mga pader,+ at ang kanilang mga hari ay maglilingkod sa iyo;+ sapagkat sa aking galit ay sinaktan kita,+ ngunit sa aking kabutihang-loob ay tiyak na kaaawaan kita.+

11 “At ang iyong mga pintuang-daan ay laging pananatilihing bukás;+ hindi isasara ang mga iyon maging sa araw o sa gabi, upang dalhin sa iyo ang yaman ng mga bansa,+ at ang kanilang mga hari ang mangunguna.+ 12 Sapagkat ang alinmang bansa at ang alinmang kaharian na hindi maglilingkod sa iyo ay malilipol; at ang mga bansa ay walang pagsalang mawawasak.+

13 “Sa iyo ay darating ang mismong kaluwalhatian ng Lebanon, ang puno ng enebro, ang puno ng fresno at ang sipres na magkakasabay,+ upang pagandahin ang dako ng aking santuwaryo;+ at luluwalhatiin ko ang mismong dako ng aking mga paa.+

14 “At sa iyo ay paroroon ang mga anak niyaong mga pumipighati sa iyo, na yumuyukod;+ at lahat niyaong nakikitungo sa iyo nang walang galang ay yuyukod sa mismong mga talampakan ng iyong mga paa,+ at tatawagin ka nga nilang lunsod ni Jehova, ang Sion+ ng Banal ng Israel.

15 “Sa halip na ikaw ay maging isa na pinabayaan nang lubusan at kinapootan, na hindi dinaraanan ninuman,+ gagawin pa man din kitang isang bagay na ipagmamapuri hanggang sa panahong walang takda, isang pagbubunyi sa sali’t salinlahi.+ 16 At sususuhin mo ang gatas ng mga bansa,+ at ang suso ng mga hari ay sususuhan mo;+ at tiyak na makikilala mo na ako, si Jehova,+ ay iyong Tagapagligtas,+ at ang Makapangyarihan+ ng Jacob ay iyong Manunubos.+ 17 Kahalili ng tanso ay magdadala ako ng ginto,+ at kahalili ng bakal ay magdadala ako ng pilak, at kahalili ng kahoy ay tanso, at kahalili ng mga bato ay bakal; at aatasan ko ang kapayapaan bilang iyong mga tagapangasiwa+ at ang katuwiran bilang iyong mga tagapagbigay-atas.+

18 “Ang karahasan ay hindi na maririnig pa sa iyong lupain, ang pananamsam o ang kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan.+ At ang iyong mga pader ay tiyak na tatawagin mong Kaligtasan+ at ang iyong mga pintuang-daan ay Kapurihan. 19 Sa iyo ay hindi na magiging liwanag ang araw kapag araw, at ang buwan ay hindi na magbibigay sa iyo ng ningning ng liwanag. At si Jehova ay magiging liwanag na namamalagi nang walang takda para sa iyo,+ at ang iyong Diyos ang magiging iyong kagandahan.+ 20 Hindi na lulubog ang iyong araw, ni liliit man ang iyong buwan; sapagkat si Jehova ay magiging liwanag na namamalagi nang walang takda para sa iyo,+ at ang mga araw ng iyong pagdadalamhati ay matatapos na.+ 21 At kung tungkol sa iyong bayan, silang lahat ay magiging matuwid;+ hanggang sa panahong walang takda ay aariin nila ang lupain,+ ang sibol ng aking taniman,+ ang gawa ng aking mga kamay,+ upang ako ay mapaganda.+ 22 Ang munti ay magiging isang libo, at ang maliit ay magiging makapangyarihang bansa.+ Ako mismo, si Jehova, ang magpapabilis nito sa sarili nitong panahon.”+

61 Ang espiritu ng Soberanong Panginoong Jehova ay sumasaakin,+ sa dahilang pinahiran ako ni Jehova+ upang maghayag ng mabuting balita sa maaamo.+ Isinugo niya ako upang bigkisan ang may pusong wasak,+ upang maghayag ng paglaya sa mga bihag+ at ng lubos na pagkakadilat ng mga mata sa mga bilanggo;+ 2 upang ihayag ang taon ng kabutihang-loob ni Jehova+ at ang araw ng paghihiganti ng ating Diyos;+ upang aliwin ang lahat ng nagdadalamhati;+ 3 upang magtalaga sa mga nagdadalamhati dahil sa Sion, upang magbigay sa kanila ng putong kahalili ng abo,+ ng langis ng pagbubunyi+ kahalili ng pagdadalamhati, ng balabal ng kapurihan kahalili ng espiritu ng pagkasira ng loob;+ at sila ay tatawaging malalaking punungkahoy ng katuwiran,+ ang taniman ni Jehova,+ upang siya ay mapaganda.+ 4 At muli nilang itatayo ang mga dakong matagal nang wasak;+ ibabangon nila ang mga tiwangwang na dako ng mga panahong nagdaan,+ at tiyak na gagawin nila nang panibago ang mga wasak na lunsod,+ ang mga dakong tiwangwang sa sali’t salinlahi.

5 “At mga taga-ibang bayan ang tatayo at magpapastol sa mga kawan ninyo,+ at ang mga banyaga+ ay magiging inyong mga magsasaka at inyong mga tagapag-alaga ng ubasan.+ 6 At kung tungkol sa inyo, tatawagin kayong mga saserdote ni Jehova;+ tutukuyin kayo bilang mga lingkod+ ng ating Diyos.+ Ang yaman ng mga bansa ay kakainin ninyo,+ at sa kanilang kaluwalhatian ay magsasalita kayo nang may kagalakan tungkol sa inyong sarili.+ 7 Kahalili ng inyong kahihiyan ay magkakaroon ng dobleng bahagi,+ at kahalili ng pagkaaba ay hihiyaw sila nang may kagalakan dahil sa kanilang bahagi.+ Kaya sa kanilang lupain ay aariin nga nila ang dobleng bahagi.+ Pagsasaya hanggang sa panahong walang takda ang mapapasakanila.+ 8 Sapagkat ako, si Jehova, ay umiibig sa katarungan,+ napopoot sa pagnanakaw at sa kalikuan.+ At ibibigay ko ang kanilang kabayaran sa katapatan,+ at isang tipan na namamalagi nang walang takda ang pagtitibayin ko sa kanila.+ 9 At ang kanilang supling ay makikilala sa gitna ng mga bansa,+ at ang kanilang mga inapo sa gitna ng mga bayan. Ang lahat ng makakakita sa kanila ay makakakilala sa kanila,+ na sila ang supling na pinagpala ni Jehova.”+

10 Walang pagsalang magbubunyi ako kay Jehova.+ Ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Diyos.+ Sapagkat dinamtan niya ako ng mga kasuutan ng kaligtasan;+ ang walang-manggas na damit ng katuwiran ay ibinalot niya sa akin,+ tulad ng kasintahang lalaki na, gaya ng saserdote, ay naglalagay ng putong,+ at tulad ng kasintahang babae na naggagayak ng kaniyang mga palamuti.+ 11 Sapagkat kung paanong ang lupa ay nagpapatubo ng sibol nito, at kung paanong ang hardin ay nagpapasibol ng mga bagay na inihahasik doon,+ sa katulad na paraan ay pangyayarihin ng Soberanong Panginoong Jehova ang pagsibol ng katuwiran+ at ng kapurihan sa harap ng lahat ng mga bansa.+

62 Alang-alang sa Sion ay hindi ako titigil,+ at alang-alang sa Jerusalem+ ay hindi ako mananahimik hanggang sa ang kaniyang katuwiran ay suminag na gaya ng kaningningan,+ at ang kaniyang kaligtasan gaya ng sulo na nagniningas.+

2 “At tiyak na makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran,+ O babae,+ at ng lahat ng mga hari ang iyong kaluwalhatian.+ At tatawagin ka nga sa isang bagong pangalan,+ na tutukuyin ng mismong bibig ni Jehova. 3 At ikaw ay magiging isang korona ng kagandahan sa kamay ni Jehova,+ at isang makaharing turbante sa palad ng iyong Diyos. 4 Hindi ka na tutukuying babae na pinabayaan nang lubusan;+ at ang iyong sariling lupain ay hindi na tutukuying tiwangwang;+ kundi ikaw ay tatawaging Ang Kaluguran Ko ay Nasa Kaniya,+ at ang iyong lupain ay Inaari Bilang Asawang Babae. Sapagkat si Jehova ay malulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay aariin bilang asawang babae.+ 5 Sapagkat kung paanong inaari ng binata ang isang dalaga bilang kaniyang asawang babae, aariin ka ng iyong mga anak bilang asawang babae.+ At gaya ng pagbubunyi ng kasintahang lalaki dahil sa kasintahang babae,+ ang iyong Diyos ay magbubunyi dahil sa iyo.+ 6 Sa ibabaw ng iyong mga pader, O Jerusalem, ay nag-atas ako ng mga bantay.+ Sa buong araw at sa buong gabi, sa tuwina, ay huwag silang manatiling nakatigil.+

“Kayo na bumabanggit tungkol kay Jehova,+ huwag magkaroon ng katahimikan sa ganang inyo,+ 7 at huwag ninyo siyang bigyan ng katahimikan hanggang sa mailagay niya nang matibay, oo, hanggang sa maitalaga niya ang Jerusalem bilang isang kapurihan sa lupa.”+

8 Ipinanumpa ni Jehova ang kaniyang kanang kamay+ at ang kaniyang malakas na bisig:+ “Hindi ko na ibibigay ang iyong butil bilang pagkain sa iyong mga kaaway,+ ni iinumin man ng mga banyaga ang iyong bagong alak,+ na pinagpagalan mo. 9 Kundi sila mismong nagpipisan niyaon ang kakain niyaon, at tiyak na pupurihin nila si Jehova; at sila mismong nagtitipon niyaon ang iinom niyaon sa loob ng aking mga banal na looban.”+

10 Lumabas kayo, lumabas kayo sa mga pintuang-daan. Hawanin ninyo ang daan ng bayan.+ Tambakan ninyo, tambakan ninyo ang lansangang-bayan. Alisan ninyo iyon ng mga bato.+ Magtaas kayo ng isang hudyat para sa mga bayan.+

11 Narito! Ipinarinig iyon ni Jehova hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa:+ “Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion,+ ‘Narito! Ang iyong kaligtasan ay dumarating.+ Narito! Ang gantimpala na kaniyang ibinibigay ay nasa kaniya,+ at ang kabayaran na kaniyang ibinabayad ay nasa harap niya.’ ”+

12 At tiyak na tatawagin sila ng mga tao na ang banal na bayan,+ yaong mga tinubos ni Jehova;+ at ikaw mismo ay tatawaging Hinanap, Isang Lunsod na Hindi Pinabayaan Nang Lubusan.+

63 Sino ang isang ito na dumarating mula sa Edom,+ yaong ang mga kasuutan ay may matitingkad na kulay mula sa Bozra,+ ang isang ito na may marangal na pananamit, na humahayo sa kasaganaan ng kaniyang kapangyarihan?

“Ako, ang Isa na nagsasalita sa katuwiran,+ ang Isa na sagana sa kapangyarihang magligtas.”+

2 Bakit mapula ang iyong pananamit, at ang iyong mga kasuutan ay gaya niyaong sa yumayapak sa pisaan ng ubas?+

3 “Ang alilisan ng alak ay niyapakan kong mag-isa,+ habang wala akong kasamang tao mula sa mga bayan. At patuloy ko silang niyapakan sa aking galit,+ at patuloy ko silang niyurakan sa aking pagngangalit.+ At ang kanilang pumupulandit na dugo ay tumilamsik sa aking mga kasuutan,+ at ang aking buong pananamit ay narumhan ko. 4 Sapagkat ang araw ng paghihiganti ay nasa aking puso,+ at ang mismong taon ng aking mga tinubos ay dumating na. 5 At ako ay tumitingin, ngunit walang tumulong; at ako ay nagsimulang manggilalas, ngunit walang sinumang nag-alok ng pag-alalay.+ Kaya naglaan sa akin ng kaligtasan ang aking bisig,+ at ang aking pagngangalit+ ang siyang umalalay sa akin. 6 At patuloy kong niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilasing ko sila ng aking pagngangalit+ at ibinubo ko sa lupa ang kanilang pumupulandit na dugo.”+

7 Ang mga maibiging-kabaitan ni Jehova ay babanggitin ko,+ ang mga kapurihan ni Jehova, ayon sa lahat ng ginawa sa atin ni Jehova,+ ang sagana ngang kabutihan sa sambahayan ng Israel+ na ginawa niya sa kanila ayon sa kaniyang kaawaan+ at ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga maibiging-kabaitan. 8 At sinabi niya: “Tunay na sila ay aking bayan,+ mga anak na hindi magbubulaan.”+ Kaya sa kanila ay siya ang naging Tagapagligtas.+ 9 Sa lahat ng kanilang kapighatian ay napipighati siya.+ At ang kaniyang sariling mensahero ang nagligtas sa kanila.+ Dahil sa kaniyang pag-ibig at sa kaniyang habag ay tinubos niya sila,+ at binuhat niya sila at dinala sila sa lahat ng mga araw noong sinaunang panahon.+

10 Ngunit sila ay naghimagsik+ at pinagdamdam ang kaniyang banal na espiritu.+ Siya ngayon ay naging kaaway+ nila; siya ay nakipagdigma laban sa kanila.+ 11 At ang isa ay nagsimulang makaalaala sa mga araw noong sinaunang panahon, si Moises na kaniyang lingkod: “Nasaan ang Isa na nag-ahon sa kanila mula sa dagat+ kasama ng mga pastol ng kaniyang kawan?+ Nasaan ang Isa na naglagay sa kaniya ng Kaniyang banal na espiritu?+ 12 Ang Isa na nag-uunat ng Kaniyang magandang bisig+ sa kanang kamay ni Moises; ang Isa na humahati sa tubig mula sa harap nila+ upang gumawa ng isang pangalang namamalagi nang walang takda para sa kaniyang sarili;+ 13 ang Isa na pumapatnubay sa kanila sa dumadaluyong na tubig anupat gaya ng isang kabayo sa ilang ay hindi sila natisod?+ 14 Gaya ng paglusong ng isang hayop sa kapatagang libis, pinagpahinga sila ng mismong espiritu ni Jehova.”+

Gayon mo inakay ang iyong bayan upang gumawa ng isang magandang pangalan para sa iyong sarili.+

15 Tumanaw ka mula sa langit+ at tumingin ka mula sa iyong marangal na tahanan ng kabanalan at kagandahan.+ Nasaan ang iyong sigasig+ at ang iyong buong kalakasan, ang pagkabagabag ng iyong mga panloob na bahagi,+ at ang iyong kaawaan?+ Sa akin ay nagpigil ang mga ito.+ 16 Sapagkat ikaw ang aming Ama;+ bagaman hindi kami nakilala ni Abraham at hindi kami nakikilala ni Israel, ikaw, O Jehova, ang aming Ama. Aming Manunubos noong sinaunang panahon ang iyong pangalan.+ 17 O Jehova, bakit mo kami patuloy na inililigaw mula sa iyong mga daan? Bakit mo pinatitigas ang aming puso laban sa pagkatakot sa iyo?+ Magbalik ka alang-alang sa iyong mga lingkod, ang mga tribo ng iyong minanang pag-aari.+ 18 Sa kaunting panahon ay nagtaglay ng pagmamay-ari ang iyong banal na bayan.+ Niyapakan ng aming mga kalaban ang iyong santuwaryo.+ 19 Sa loob ng mahabang panahon ay naging gaya kami niyaong mga hindi mo pinamahalaan, gaya niyaong mga hindi tinawag sa iyong pangalan.+

64 O kung hinapak mo na sana ang langit, kung bumaba ka na sana,+ kung nayanig na sana ang mismong mga bundok dahil sa iyo,+ 2 kung paanong pinagliliyab ng apoy ang panggatong na kahoy, at pinakukulo ng apoy ang tubig, upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kalaban,+ upang dahil sa iyo ay maligalig ang mga bansa!+ 3 Nang gumawa ka ng mga kakila-kilabot na bagay+ na hindi namin inaasahan, ikaw ay bumaba. Dahil sa iyo ay nayanig ang mga bundok.+ 4 At mula noong sinaunang panahon ay walang sinumang nakarinig,+ ni may sinumang nagtuon ng pandinig, ni may mata man na nakakita ng isang Diyos, maliban sa iyo,+ na kumikilos para sa isa na patuloy na naghihintay sa kaniya.+ 5 Sinalubong mo ang isa na nagbubunyi at gumagawa ng katuwiran,+ yaong mga patuloy na umaalaala sa iyo sa iyong mga daan.+

Narito! Ikaw ay nagalit,+ habang patuloy kaming nagkakasala+—nasa mga iyon nang mahabang panahon, at dapat ba kaming maligtas?+ 6 At kami ay naging gaya ng isa na marumi, kaming lahat, at ang lahat ng aming mga gawang katuwiran ay gaya ng kasuutan para sa mga kapanahunan ng pagreregla;+ at maglalaho kaming gaya ng mga dahon,+ kaming lahat, at tatangayin kami ng aming mga kamalian tulad ng hangin.+ 7 At walang sinumang tumatawag sa iyong pangalan,+ walang sinumang gumigising upang humawak sa iyo; sapagkat ikinubli mo ang iyong mukha mula sa amin,+ at pinangyayari mong matunaw+ kami sa tindi ng aming kamalian.

8 At ngayon, O Jehova, ikaw ang aming Ama.+ Kami ang luwad,+ at ikaw ang aming Magpapalayok;+ at kaming lahat ang gawa ng iyong kamay.+ 9 Huwag kang magalit nang sukdulan, O Jehova,+ at huwag mong alalahanin magpakailanman ang aming kamalian.+ Tumingin ka ngayon, pakisuyo: kaming lahat ay iyong bayan.+ 10 Ang iyong mga banal na lunsod+ ay naging ilang. Ang Sion+ ay naging ganap na ilang, ang Jerusalem ay tiwangwang na kaguhuan.+ 11 Ang aming bahay ng kabanalan at kagandahan,+ na doon ay pinuri ka ng aming mga ninuno,+ ay naging bagay na susunugin sa apoy;+ at ang lahat ng aming mga kanais-nais na bagay+ ay naging kagibaan. 12 Sa harap ng mga bagay na ito ay patuloy ka bang magpipigil,+ O Jehova? Mananatili ka bang nakatigil at hahayaang pighatiin kami nang sukdulan?+

65 “Hinayaan kong hanapin+ ako niyaong mga hindi nagtanong tungkol sa akin.+ Hinayaan kong masumpungan ako niyaong mga hindi humanap sa akin.+ Sinabi ko, ‘Narito ako, narito ako!’+ sa isang bansa na hindi tumatawag sa aking pangalan.+

2 “Iniunat ko ang aking mga kamay nang buong araw sa isang sutil+ na bayan, yaong mga lumalakad sa daang hindi mabuti,+ ayon sa kanilang mga kaisipan;+ 3 ang bayan na binubuo niyaong mga palaging gumagalit+ sa akin nang mukhaan, naghahain sa mga hardin+ at gumagawa ng haing usok+ sa ibabaw ng mga laryo, 4 umuupo sa gitna ng mga dakong libingan,+ na nagpapalipas din ng gabi sa mga kubong bantayan, kumakain ng karne ng baboy,+ at maging ang sabaw ng maruruming bagay+ ay nasa kanilang mga sisidlan; 5 yaong mga nagsasabi, ‘Diyan ka lamang. Huwag mo akong lapitan, sapagkat tiyak na mahahawahan kita ng kabanalan.’+ Ang mga ito ay usok sa mga butas ng aking ilong,+ isang apoy na nagniningas sa buong araw.+

6 “Narito! Nakasulat iyon sa harap ko.+ Hindi ako titigil,+ kundi maggagawad ako ng kagantihan;+ igagawad ko nga ang kagantihan sa kanilang dibdib,+ 7 dahil sa kanilang sariling mga kamalian at dahil din naman sa mga kamalian ng kanilang mga ninuno,”+ ang sabi ni Jehova. “Sa dahilang gumawa sila ng haing usok sa ibabaw ng mga bundok, at sa ibabaw ng mga burol+ ay dinusta nila ako,+ susukatin ko rin muna sa kanilang dibdib ang kanilang kabayaran.”+

8 Ito ang sinabi ni Jehova: “Kung paanong ang bagong alak+ ay masusumpungan sa kumpol at may magsasabi, ‘Huwag mong sirain iyon,+ sapagkat may pagpapala roon,’+ gayon ang gagawin ko alang-alang sa aking mga lingkod upang hindi ko ipahamak ang lahat.+ 9 At ilalabas ko mula sa Jacob ang isang supling+ at mula sa Juda ang tagapagmanang magmamay-ari ng aking mga bundok;+ at aariin iyon ng aking mga pinili,+ at ang aking mga lingkod ay tatahan doon.+ 10 At ang Saron+ ay magiging pastulan para sa mga tupa+ at ang mababang kapatagan ng Acor+ naman ay pahingahang-dako para sa mga baka, para sa aking bayan na hahanap sa akin.+

11 “Ngunit kayo yaong mga umiiwan kay Jehova,+ yaong mga lumilimot sa aking banal na bundok,+ yaong mga nag-aayos ng mesa para sa diyos ng Suwerte+ at yaong mga nagbubuhos ng hinaluang alak para sa diyos ng Tadhana.+ 12 At itatalaga ko kayo sa tabak,+ at kayong lahat ay yuyukod upang patayin;+ sa dahilang tumawag ako,+ ngunit hindi kayo sumagot; nagsalita ako, ngunit hindi kayo nakinig;+ at patuloy ninyong ginawa ang masama sa aking paningin,+ at ang bagay na hindi ko kinalugdan ay pinili ninyo.”+

13 Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Narito! Ang aking mga lingkod ay kakain,+ ngunit kayo ay magugutom.+ Narito! Ang aking mga lingkod ay iinom,+ ngunit kayo ay mauuhaw.+ Narito! Ang aking mga lingkod ay magsasaya,+ ngunit kayo ay mapapahiya.+ 14 Narito! Ang aking mga lingkod ay hihiyaw nang may kagalakan dahil sa mabuting kalagayan ng puso,+ ngunit kayo ay daraing dahil sa kirot ng puso at magpapalahaw kayo dahil sa lubusang pagkabagbag ng espiritu.+ 15 At tiyak na ihaharap ninyo ang inyong pangalan para sa isang sumpa ng aking mga pinili, at papatayin kayong isa-isa ng Soberanong Panginoong Jehova,+ ngunit ang kaniyang mga lingkod ay tatawagin niya sa ibang pangalan;+ 16 anupat kung pagpapalain ng sinuman sa lupa ang kaniyang sarili ay pagpapalain niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng Diyos ng pananampalataya,+ at ang sinumang nanunumpa sa lupa ay susumpa sa pamamagitan ng Diyos ng pananampalataya;+ sapagkat ang mga dating kabagabagan ay malilimutan at sapagkat ang mga iyon ay makukubli mula sa aking mga mata.+

17 “Sapagkat narito, lumalalang ako ng mga bagong langit+ at ng isang bagong lupa;+ at ang mga dating bagay ay hindi aalalahanin,+ ni mapapasapuso man ang mga iyon.+ 18 Ngunit magbunyi kayo+ at magalak magpakailanman sa aking nilalalang.+ Sapagkat narito, nilalalang ko ang Jerusalem bilang sanhi ng kagalakan at ang kaniyang bayan bilang sanhi ng pagbubunyi.+ 19 At ako ay magagalak sa Jerusalem at magbubunyi sa aking bayan;+ at hindi na maririnig pa sa kaniya ang tinig ng pagtangis o ang tinig ng malungkot na hiyaw.”+

20 “Hindi na magkakaroon ng pasusuhin na iilang araw ang gulang mula sa dakong iyon,+ ni ng matanda man na hindi nakalulubos ng kaniyang mga araw;+ sapagkat ang isa ay mamamatay na isang bata pa, bagaman isang daang taon ang gulang; at kung tungkol sa makasalanan, bagaman isang daang taon ang gulang ay susumpain siya.+ 21 At tiyak na magtatayo sila ng mga bahay at maninirahan sa mga iyon;+ at tiyak na magtatanim sila ng mga ubasan at kakainin ang bunga ng mga iyon.+ 22 Hindi sila magtatayo at iba ang maninirahan; hindi sila magtatanim at iba ang kakain. Sapagkat magiging gaya ng mga araw ng punungkahoy ang mga araw ng aking bayan;+ at ang gawa ng kanilang sariling mga kamay ay lubusang tatamasahin ng aking mga pinili.+ 23 Hindi sila magpapagal nang walang kabuluhan,+ ni manganganak man sila ukol sa kabagabagan;+ sapagkat sila ang supling na binubuo ng mga pinagpala ni Jehova,+ at ang kanilang mga inapo na kasama nila.+ 24 At mangyayari nga na bago sila tumawag ay sasagot ako;+ samantalang sila ay nagsasalita pa, aking diringgin.+

25 “Ang lobo+ at ang kordero ay manginginaing magkasama,+ at ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro;+ at kung tungkol sa serpiyente, ang magiging pagkain niya ay alabok.+ Hindi sila mananakit+ ni maninira man sa aking buong banal na bundok,”+ ang sabi ni Jehova.

66 Ito ang sinabi ni Jehova: “Ang langit ay aking trono,+ at ang lupa ay aking tuntungan.+ Nasaan nga ang bahay na maitatayo ninyo para sa akin,+ at nasaan nga ang dako na magiging aking pahingahang-dako?”+

2 “Ang lahat nga ng mga bagay na ito ay ginawa ng aking kamay, anupat umiral ang lahat ng ito,”+ ang sabi ni Jehova. “Sa isang ito, kung gayon, ay titingin ako, sa isa na napipighati at may espiritu ng pagsisisi+ at nanginginig sa aking salita.+

3 “Ang pumapatay ng toro ay gaya niyaong nagpapabagsak ng tao.+ Ang naghahain ng tupa ay gaya niyaong bumabali ng leeg ng aso.+ Ang naghahandog ng kaloob—ng dugo ng baboy!+ Ang naghahain ng pang-alaalang olibano+ ay gaya niyaong bumibigkas ng pagpapala sa pamamagitan ng mahihiwagang salita.+ Sila rin yaong mga pumipili ng kanilang sariling mga lakad, at sa kanilang mga kasuklam-suklam na bagay ay nalulugod ang kanilang kaluluwa.+ 4 Ako naman ay pipili ng mga paraan ng pagmamalupit sa kanila;+ at ang mga bagay na nakatatakot sa kanila ay pasasapitin ko sa kanila;+ sa dahilang tumawag ako, ngunit walang sinumang sumasagot; nagsalita ako, ngunit walang sinumang nakinig;+ at patuloy silang gumagawa ng masama sa aking paningin, at ang bagay na hindi ko kinalugdan ang pinili nila.”+

5 Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, ninyong mga nanginginig sa kaniyang salita:+ “Ang inyong mga kapatid na napopoot sa inyo,+ na nagtatakwil sa inyo dahil sa aking pangalan,+ ay nagsabi, ‘Luwalhatiin nawa si Jehova!’+ Siya ay magpapakita rin na may pagsasaya sa ganang inyo,+ at sila ang malalagay sa kahihiyan.”+

6 May ingay ng kaguluhan mula sa lunsod, isang tinig mula sa templo!+ Iyon ang tinig ni Jehova na gumaganti ng nararapat sa kaniyang mga kaaway.+

7 Bago siya magsimulang magkaroon ng mga kirot ng pagdaramdam ay nagsilang siya.+ Bago pa dumating sa kaniya ang mga hapdi ng panganganak, nagluwal na nga siya ng isang batang lalaki.+ 8 Sino ang nakarinig ng ganitong bagay?+ Sino ang nakakita ng ganitong mga bagay?+ Ang isang lupain+ ba ay iluluwal na may mga kirot ng pagdaramdam sa isang araw?+ O ang isang bansa+ ba ay ipanganganak sa isang pagkakataon?+ Sapagkat ang Sion ay nagkaroon ng mga kirot ng pagdaramdam at nagsilang din ng kaniyang mga anak.

9 “Kung tungkol sa akin, pangyayarihin ko bang bumukas ang bahay-bata at hindi pangyayarihing maipanganak?”+ ang sabi ni Jehova. “O pinangyayari ko bang maipanganak at pinagsasara ko naman?” ang sabi ng iyong Diyos.

10 Makipagsaya kayo sa Jerusalem at makigalak kayo sa kaniya,+ kayong lahat na umiibig sa kaniya.+ Lubusan kayong makipagbunyi sa kaniya, kayong lahat na patuloy na nagdadalamhati dahil sa kaniya;+ 11 sa dahilang kayo ay sususo at tiyak na mabubusog mula sa suso ng lubos na kaaliwan sa kaniya; sa dahilang kayo ay sisipsip at magtatamasa ng masidhing kaluguran mula sa utong ng kaniyang kaluwalhatian.+ 12 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: “Narito, maggagawad ako sa kaniya ng kapayapaan na parang ilog+ at ng kaluwalhatian ng mga bansa na parang humuhugos na ilog,+ at kayo ay tiyak na sususo.+ Sa tagiliran ay bubuhatin kayo, at sa ibabaw ng mga tuhod ay hahaplusin kayo.+ 13 Tulad ng isang tao na patuloy na inaaliw ng kaniyang sariling ina, gayon ko kayo patuloy na aaliwin;+ at may kinalaman sa Jerusalem ay maaaliw kayo.+ 14 At tiyak na makikita ninyo, at ang inyong puso ay magbubunyi,+ at ang inyo mismong mga buto+ ay sisibol na gaya ng murang damo.+ At ang kamay ni Jehova ay tiyak na mahahayag sa kaniyang mga lingkod,+ ngunit tutuligsain nga niya ang kaniyang mga kaaway.”+

15 “Sapagkat narito, si Jehova ay dumarating na parang apoy,+ at ang kaniyang mga karo ay gaya ng bagyong hangin,+ upang iganti ang kaniyang galit na may matinding pagngangalit at ang kaniyang pagsaway na may mga liyab ng apoy.+ 16 Sapagkat gaya ng apoy si Jehova ay talagang makikipagtalo, oo, taglay ang kaniyang tabak,+ laban sa lahat ng laman; at ang mapapatay ni Jehova ay tiyak na marami.+ 17 Yaong mga nagpapabanal ng kanilang sarili at naglilinis ng kanilang sarili para sa mga hardin+ sa likuran ng isa na nasa gitna, na kumakain ng karne ng baboy+ at ng karima-rimarim na bagay, maging ng lumuluksong daga,+ silang lahat ay magkakasamang sasapit sa kanilang kawakasan,” ang sabi ni Jehova. 18 “At may kinalaman sa kanilang mga gawa+ at sa kanilang mga kaisipan,+ ako ay darating upang tipunin ang lahat ng mga bansa at mga wika;+ at paririto nga sila at makikita nila ang aking kaluwalhatian.”+

19 “At maglalagay ako sa gitna nila ng isang tanda,+ at ang iba roon sa mga nakatakas ay isusugo ko sa mga bansa,+ sa Tarsis,+ Pul, at Lud,+ yaong mga humahawak ng busog, Tubal at Javan,+ ang malalayong pulo,+ na hindi pa nakaririnig ng ulat tungkol sa akin o nakakakita ng aking kaluwalhatian;+ at tiyak na ipahahayag nila ang tungkol sa aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa.+ 20 At dadalhin nga nila ang lahat ng inyong mga kapatid mula sa lahat ng mga bansa+ bilang kaloob kay Jehova,+ na sakay ng mga kabayo at ng mga karo at ng mga may-takip na karwahe at ng mga mula at ng mga matuling kamelyong babae,+ hanggang sa aking banal na bundok,+ ang Jerusalem,” ang sabi ni Jehova, “gaya noon nang ang kaloob na nasa malinis na sisidlan ay dinadala ng mga anak ni Israel sa bahay ni Jehova.”+

21 “At mula rin sa kanila ay kukuha ako ng ilan para sa mga saserdote, para sa mga Levita,” ang sabi ni Jehova.

22 “Sapagkat kung paanong ang mga bagong langit+ at ang bagong lupa+ na aking ginagawa ay nananatili sa harap ko,”+ ang sabi ni Jehova, “gayon patuloy na mananatili ang supling ninyo+ at ang pangalan ninyo.”+

23 “At tiyak na mangyayari na mula sa bagong buwan hanggang sa bagong buwan at mula sa sabbath hanggang sa sabbath ay paroroon ang lahat ng laman upang yumukod sa harap ko,”+ ang sabi ni Jehova. 24 “At sila ay yayaon at titingin sa mga bangkay ng mga taong sumalansang laban sa akin;+ sapagkat ang mismong mga uod na nasa kanila ay hindi mamamatay at ang kanilang apoy ay hindi papatayin,+ at sila ay magiging bagay na nakapandidiri sa lahat ng laman.”+

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share