DEUTERONOMIO
1 Ito ang sinabi ni Moises sa buong Israel sa rehiyon ng Jordan sa ilang, sa mga tigang na kapatagan sa tapat ng Sup at malapit sa* Paran, Topel, Laban, Hazerot, at Dizahab. 2 (Ang layo ng Horeb sa Kades-barnea+ ay 11-araw na paglalakbay kung dadaan sa daang papunta sa Bundok Seir.) 3 Nang ika-40 taon,+ noong unang araw ng ika-11 buwan, sinabi ni Moises sa mga Israelita ang lahat ng iniutos ni Jehova na sabihin niya. 4 Nangyari ito pagkatapos niyang talunin si Sihon+ na hari ng mga Amorita, na nakatira sa Hesbon, at si Og+ na hari ng Basan, na nakatira sa Astarot, sa Edrei.+ 5 Sa rehiyon ng Jordan sa Moab, ipinaliwanag ni Moises ang Kautusang ito.+ Sinabi niya:
6 “Sinabi sa atin ng Diyos nating si Jehova sa Horeb, ‘Matagal na kayong nakatira sa mabundok na rehiyong ito.+ 7 Pumunta kayo sa mabundok na rehiyon ng mga Amorita+ at sa lahat ng kalapít na bayan nila: sa Araba,+ sa mabundok na rehiyon, sa Sepela, sa Negeb, at sa baybaying dagat,+ na lupain ng mga Canaanita, at sa Lebanon,*+ hanggang sa malaking ilog, ang Eufrates.+ 8 Ibinibigay ko sa inyo ang lupaing iyon. Pumunta kayo sa lupaing ipinangako* ni Jehova sa inyong mga ama, kina Abraham, Isaac,+ at Jacob,+ at kunin ninyo iyon. Ang lupaing iyon ay para sa kanila at sa lahat ng supling* nila.’+
9 “At sinabi ko sa inyo noon, ‘Hindi ko kayo kayang pasaning mag-isa.+ 10 Pinarami kayo ng Diyos ninyong si Jehova, at kasindami na kayo ngayon ng mga bituin sa langit.+ 11 Paramihin+ nawa kayo ni Jehova, na Diyos ng inyong mga ninuno, nang isang libong ulit pa, at pagpalain niya nawa kayo gaya ng ipinangako niya.+ 12 Paano ko kayo papasaning mag-isa, pati na ang mga problema ninyo at pag-aaway?+ 13 Pumili kayo mula sa mga tribo ninyo ng mga lalaking matalino, may kakayahan, at makaranasan, at aatasan ko sila bilang mga pinuno ninyo.’+ 14 At sumagot kayo, ‘Maganda ang sinabi mo.’ 15 Kaya ang mga pinuno ng mga tribo ninyo, mga lalaking matalino at makaranasan, ay inatasan kong manguna sa inyo bilang mga pinuno ng libo-libo, ng daan-daan, ng lima-limampu, at ng sampu-sampu, at bilang mga opisyal ng mga tribo ninyo.+
16 “Inutusan ko noon ang mga hukom ninyo, ‘Kapag dinirinig ninyo ang kaso ng mga kapatid ninyo, maging makatarungan kayo sa paghatol,+ sa pagitan man ito ng dalawang Israelita o sa pagitan ng isang Israelita at ng dayuhang naninirahang kasama ninyo.+ 17 Maging patas kayo sa paghatol.+ Pareho ninyong pakinggan ang karaniwang tao at ang maimpluwensiya.+ Huwag kayong matakot sa tao,+ dahil humahatol kayo para sa Diyos;+ at kung napakahirap ng kaso, iharap ninyo iyon sa akin, at pakikinggan ko iyon.’+ 18 Itinuro ko noon sa inyo ang lahat ng dapat ninyong gawin.
19 “At gaya ng iniutos sa atin ng Diyos nating si Jehova, umalis tayo sa Horeb at naglakbay sa malawak at nakakatakot na ilang+ na nakita ninyo sa daang papunta sa mabundok na rehiyon ng mga Amorita,+ at nakarating tayo sa Kades-barnea.+ 20 At sinabi ko sa inyo, ‘Narating ninyo ang mabundok na rehiyon ng mga Amorita, na ibinibigay sa atin ng Diyos nating si Jehova. 21 Tingnan ninyo, ibinigay na sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova ang lupain. Kunin ninyo ito gaya ng sinabi sa inyo ni Jehova, ang Diyos ng inyong mga ninuno.+ Huwag kayong matakot o masindak.’
22 “Pero lumapit kayong lahat sa akin, at sinabi ninyo, ‘Magsugo tayo ng mga lalaki para tingnan ang lupain, at sasabihin nila sa atin kung ano ang dapat na maging ruta natin at kung anong uri ng mga lunsod ang pupuntahan natin.’+ 23 Maganda ang mungkahi ninyo kaya kumuha ako ng 12 lalaki, isa mula sa bawat tribo ninyo.+ 24 Umalis sila papunta sa mabundok na rehiyon+ at nakarating sa Lambak* ng Escol at nag-espiya roon. 25 Kumuha sila ng mga bunga ng lupain at dinala sa atin, at sinabi nila, ‘Maganda ang lupaing ibinibigay sa atin ng Diyos nating si Jehova.’+ 26 Pero ayaw ninyong pumunta roon, at sinuway ninyo ang utos ng Diyos ninyong si Jehova.+ 27 Patuloy kayong nagbulong-bulungan sa mga tolda ninyo, ‘Napopoot sa atin si Jehova kaya inilabas niya tayo sa Ehipto para ibigay sa mga Amorita at malipol. 28 Ano bang lugar ang pupuntahan natin? Pinahina ng ating mga kapatid ang loob natin*+ dahil sinabi nila: “Mas malalakas at matatangkad kaysa sa atin ang mga tao roon, at malalaki ang mga lunsod nila at abot-langit ang pader;+ nakita rin namin doon ang mga Anakim.”’+
29 “Kaya sinabi ko, ‘Huwag kayong masindak o matakot sa kanila.+ 30 Ang Diyos ninyong si Jehova ay nasa unahan ninyo at ipaglalaban niya kayo,+ gaya ng nakita ninyong ginawa niya sa Ehipto.+ 31 At nakita ninyo sa ilang kung paano kayo binuhat ng Diyos ninyong si Jehova, gaya ng pagkarga ng ama sa anak, saanman kayo pumunta hanggang sa makarating kayo sa lugar na ito.’ 32 Pero hindi pa rin kayo nanampalataya sa Diyos ninyong si Jehova,+ 33 na nauuna sa inyo sa daan para maghanap ng lugar na mapagkakampuhan ninyo. Nagpakita siya sa pamamagitan ng apoy sa gabi at ng ulap sa araw para ituro sa inyo ang dadaanan ninyo.+
34 “Sa buong panahong iyon, narinig ni Jehova ang mga sinabi ninyo, kaya nagalit siya at sumumpa,+ 35 ‘Walang isa man sa masamang henerasyong ito ang makakakita sa magandang lupaing ipinangako ko sa inyong mga ama,+ 36 maliban kay Caleb na anak ni Jepune. Makikita niya iyon, at ibibigay ko sa kaniya at sa mga anak niya ang lupaing nilakaran niya, dahil buong puso* siyang sumunod kay Jehova.+ 37 (Nagalit din sa akin si Jehova dahil sa inyo, at sinabi niya, “Hindi ka rin papasok doon.+ 38 Ang lingkod mong* si Josue na anak ni Nun+ ang papasok sa lupain.+ Palakasin mo siya,*+ dahil siya ang mangunguna sa Israel sa pagkuha ng lupain.”) 39 At ang mga anak ninyo na hindi pa nakaaalam ng mabuti o masama at sinabi ninyong magiging samsam,+ sila ang papasok doon, at sa kanila ko ibibigay iyon.+ 40 Pero kayo, umalis kayo at maglakbay papunta sa ilang sa Daan ng Dagat na Pula.’+
41 “Sinabi ninyo sa akin, ‘Nagkasala kami kay Jehova. Aakyat na kami at makikipaglaban, gaya ng iniutos sa amin ng Diyos naming si Jehova!’ Kaya inihanda ng bawat isa sa inyo ang mga sandata niya, at inakala ninyong madaling umakyat sa bundok at manakop.+ 42 Pero sinabi ni Jehova sa akin, ‘Sabihin mo sa kanila: “Huwag kayong umakyat para lumaban, dahil hindi ako sasainyo.+ Kapag ginawa ninyo iyon, matatalo kayo ng mga kaaway ninyo.”’ 43 Kaya kinausap ko kayo, pero hindi kayo nakinig. Sumuway kayo sa utos ni Jehova at nangahas na umakyat sa bundok. 44 At sinalubong kayo ng mga Amorita na nakatira sa bundok na iyon at para silang mga bubuyog na humabol sa inyo, at pinangalat nila kayo sa Seir hanggang sa Horma. 45 Pagkatapos, bumalik kayo at umiyak sa harap ni Jehova, pero hindi kayo pinakinggan o binigyang-pansin ni Jehova. 46 Kaya matagal kayong nanirahan sa Kades.
2 “Pagkatapos, umalis tayo at naglakbay papunta sa ilang sa Daan ng Dagat na Pula, gaya ng sinabi ni Jehova sa akin,+ at matagal tayong naglakbay sa paligid ng Bundok Seir. 2 Nang bandang huli, sinabi sa akin ni Jehova, 3 ‘Matagal na kayong naglalakbay sa paligid ng bundok na ito. Pumunta naman kayo sa hilaga. 4 Sabihin mo sa bayan: “Dadaan kayo sa may hangganan ng mga kapatid ninyo, ang mga inapo ni Esau,+ na nakatira sa Seir,+ at matatakot sila sa inyo;+ maging maingat kayo. 5 Huwag kayong makikipag-away sa kanila,* dahil hindi ko kayo bibigyan ng lupain nila, kahit pa kasinlaki lang ng paa, dahil ang Bundok Seir ay ibinigay ko na kay Esau.+ 6 Dapat ninyong bayaran ang anumang kakainin ninyo at ang tubig na iinumin ninyo.+ 7 Dahil pinagpala ng Diyos ninyong si Jehova ang lahat ng ginawa ninyo. Sinubaybayan niya ang paglalakbay ninyo sa malaking ilang na ito. Sumainyo ang Diyos ninyong si Jehova sa 40 taóng ito, at hindi kayo nagkulang ng anuman.”’+ 8 Kaya dumaan tayo sa may hangganan ng mga kapatid natin, ang mga inapo ni Esau,+ na nakatira sa Seir, at lumayo tayo sa daan ng Araba, sa Elat, at sa Ezion-geber.+
“Pagkatapos, lumiko tayo at naglakbay sa daang papunta sa ilang ng Moab.+ 9 At sinabi sa akin ni Jehova, ‘Huwag kayong makikipag-away o makikipagdigma sa Moab, dahil hindi ko ibibigay sa inyo ang alinman sa lupain nito; ang Ar ay ibinigay ko na sa mga inapo ni Lot.+ 10 (Dating nakatira doon ang mga Emim,+ isang bayang malakas at malaki, at matatangkad sila na gaya ng mga Anakim. 11 Ang mga Repaim+ ay para ding mga Anakim,+ at tinatawag sila noon ng mga Moabita na Emim. 12 Mga Horita+ ang dating nakatira sa Seir, pero itinaboy sila at nilipol ng mga inapo ni Esau at tumira ang mga ito sa lupain nila;+ ganiyan ang gagawin ng Israel sa lupaing magiging pag-aari nila, na tiyak na ibibigay sa kanila ni Jehova.) 13 Ngayon, tawirin ninyo ang Lambak* ng Zered.’ Kaya tinawid natin ang Lambak* ng Zered.+ 14 Ang paglalakad natin mula sa Kades-barnea hanggang sa pagtawid sa Lambak* ng Zered ay umabot nang 38 taon, hanggang sa mamatay ang buong henerasyon ng mga lalaking mandirigma sa ating kampo, gaya ng isinumpa sa kanila ni Jehova.+ 15 Naging laban sa kanila ang kamay ni Jehova hanggang sa malipol sila mula sa kampo.+
16 “Nang mamatay na ang lahat ng lalaking mandirigma sa bayan,+ 17 nakipag-usap muli si Jehova sa akin, 18 ‘Dadaan kayo ngayon sa teritoryo ng Moab, sa Ar. 19 Kapag malapit na kayo sa mga Ammonita, huwag ninyo silang awayin o galitin, dahil hindi ko ibibigay sa inyo ang alinman sa lupain ng mga Ammonita, dahil ibinigay ko na iyon sa mga inapo ni Lot.+ 20 Ito rin ay itinuturing dati na lupain ng mga Repaim.+ (Noon, ang mga Repaim ang nakatira dito at ang tawag sa kanila ng mga Ammonita ay Zamzumim. 21 Sila ay isang bayang malakas at malaki, at matatangkad sila na gaya ng mga Anakim;+ pero nilipol sila ni Jehova sa harap ng mga Ammonita, at pinaalis sila ng mga ito at nanirahan sa lupain nila. 22 Ito ang ginawa niya para sa mga inapo ni Esau, na nakatira ngayon sa Seir,+ noong lipulin niya ang mga Horita+ sa harap nila, para mapaalis nila ang mga ito sa lupain at manirahan sila roon hanggang sa araw na ito. 23 Ang mga Avim naman ay nanirahan sa mga pamayanan sa rehiyon ng Gaza,+ pero nilipol sila ng mga Captorim,+ na nagmula sa Captor,* at nanirahan ang mga ito sa lupain nila.)
24 “‘Maghanda kayo, tawirin ninyo ang Lambak* ng Arnon.+ Tingnan ninyo, ibinigay ko na sa inyo si Sihon+ na Amorita, na hari ng Hesbon. Kaya kunin ninyo ang lupain niya, at makipagdigma kayo sa kaniya. 25 Mula ngayon, ang lahat ng tao sa ibabaw ng lupa* na makakabalita tungkol sa inyo ay manghihilakbot at matatakot sa inyo dahil sa akin. Maliligalig sila at manginginig* dahil sa inyo.’+
26 “Pagkatapos, may mga isinugo ako mula sa ilang ng Kedemot+ para sabihin kay Haring Sihon ng Hesbon ang mensaheng ito ng kapayapaan,+ 27 ‘Paraanin mo ako sa iyong lupain. Sa pangunahing daan lang ako dadaan, at hindi ako liliko sa kanan o sa kaliwa.+ 28 Ang pagkain at tubig na ipagbibili mo sa akin, iyon lang ang kakainin ko at iinumin. Paraanin mo lang ako 29 —iyan ang ginawa para sa akin ng mga inapo ni Esau na nakatira sa Seir at ng mga Moabita na nakatira sa Ar—hanggang sa makatawid ako sa Jordan papunta sa lupaing ibinibigay sa amin ng Diyos naming si Jehova.’ 30 Pero hindi kami pinadaan ni Haring Sihon ng Hesbon, dahil hinayaan ni Jehova na iyong Diyos na magmataas siya at magmatigas ang puso niya,+ para mapasakamay mo ang lupain niya, gaya ng kalagayan ngayon.+
31 “At sinabi ni Jehova sa akin, ‘Tingnan mo, ibinigay ko na sa iyo si Sihon at ang lupain niya. Kunin mo na ang lupain niya.’+ 32 Nang si Sihon at ang buong bayan niya ay makipaglaban sa atin sa Jahaz,+ 33 ibinigay siya sa atin ng Diyos nating si Jehova, kaya natalo natin siya, ang mga anak niya, at ang buong bayan niya. 34 Sinakop natin noon ang lahat ng lunsod niya at winasak* ang mga iyon, at pinatay natin ang mga lalaki, babae, at bata. Wala tayong itinirang buháy.+ 35 Ang mga alagang hayop lang ang kinuha natin, kasama ng samsam sa sinakop nating mga lunsod. 36 Mula sa Aroer,+ na nasa gilid ng Lambak* ng Arnon (pati ang lunsod na nasa lambak), hanggang sa Gilead, walang bayan na hindi natin natalo. Ibinigay silang lahat sa atin ng Diyos nating si Jehova.+ 37 Pero hindi kayo lumapit sa lupain ng mga Ammonita,+ ang buong Lambak* ng Jabok+ at ang mga lunsod sa mabundok na rehiyon, o sa iba pang lugar na ipinagbawal ng Diyos nating si Jehova.
3 “Pagkatapos, lumiko tayo at dumaan sa Daan ng Basan. At si Og, na hari ng Basan, kasama ang buong hukbo niya ay nakipagdigma sa atin sa Edrei.+ 2 Kaya sinabi ni Jehova sa akin, ‘Huwag kang matakot sa kaniya, dahil siya at ang buong bayan niya at lupain ay ibibigay ko sa iyo, at gagawin mo sa kaniya ang gaya ng ginawa mo kay Sihon na hari ng mga Amorita, na nakatira noon sa Hesbon.’ 3 Kaya ibinigay rin sa atin ng Diyos nating si Jehova si Haring Og ng Basan at ang buong bayan niya, at pinabagsak natin sila hanggang sa wala nang matirang buháy sa kanila. 4 At wala tayong itinirang bayan sa kanila. Sinakop natin ang lahat ng lunsod—60 lunsod, ang buong rehiyon ng Argob, na kaharian ni Og sa Basan.+ 5 Ang lahat ng lunsod na ito ay may matataas na pader, mga pintuang-daan, at halang. Sinakop din natin ang napakaraming maliliit na bayan. 6 Pero winasak natin* ang mga iyon,+ gaya ng ginawa natin kay Haring Sihon ng Hesbon. Winasak natin ang bawat lunsod at pinatay ang mga lalaki, babae, at bata.+ 7 At kinuha natin ang lahat ng alagang hayop at samsam sa mga lunsod.
8 “Kinuha natin noon ang lupain ng dalawang Amoritang hari+ na nasa rehiyon ng Jordan, mula sa Lambak* ng Arnon hanggang sa Bundok Hermon+ 9 (ang bundok na tinatawag noon na Sirion ng mga Sidonio at Senir ng mga Amorita), 10 ang lahat ng lunsod sa talampas, ang buong Gilead, at ang buong Basan hanggang sa Saleca at Edrei,+ na mga lunsod ng kaharian ni Og sa Basan. 11 Si Haring Og ng Basan ang pinakahuling Repaim. Gawa sa bakal* ang kabaong* niya, at naroon pa rin iyon sa Raba ng mga Ammonita. Siyam na siko* ang haba nito at apat na siko ang lapad, ayon sa karaniwang sukat. 12 Ito ang lupaing kinuha natin noon: mula sa Aroer,+ na nasa tabi ng Lambak* ng Arnon, at ang kalahati ng mabundok na rehiyon ng Gilead, at ibinigay ko ang mga lunsod nito sa mga Rubenita at sa mga Gadita.+ 13 At ang natira sa Gilead at ang lahat ng sakop ng kaharian ni Og sa Basan ay ibinigay ko sa kalahati ng tribo ni Manases.+ Ang buong rehiyon ng Argob, na nasa Basan, ay tinatawag noon na lupain ng mga Repaim.
14 “Kinuha ni Jair+ na anak ni Manases ang buong rehiyon ng Argob+ hanggang sa hangganan ng mga Gesurita at ng mga Maacateo+ at ang mga nayong iyon ng Basan ay isinunod sa pangalan niya, Havot-jair,*+ hanggang sa araw na ito. 15 At ibinigay ko ang Gilead kay Makir.+ 16 At sa mga Rubenita at sa mga Gadita,+ ibinigay ko ang mula sa Gilead hanggang sa Lambak* ng Arnon (ang gitna ng lambak ang hangganan), at hanggang sa Jabok, ang lambak na hangganan ng mga Ammonita, 17 at ang Araba at ang Jordan at ang baybayin nito, mula sa Kineret hanggang sa Dagat ng Araba, na Dagat Asin,* na nasa paanan ng mga dalisdis ng Pisga sa silangan.+
18 “Kaya iniutos ko sa inyo: ‘Ibinigay na ng Diyos ninyong si Jehova ang lupaing ito para kunin ninyo bilang pag-aari. Maghahanda ang lahat ng inyong matatapang na lalaki para makipagdigma, at mauuna silang tumawid sa inyong mga kapatid, ang mga Israelita.+ 19 Ang maiiwan lang para tumira sa mga lunsod na ibinigay ko sa inyo ay ang inyong mga asawa, anak, at alagang hayop (alam kong napakarami ninyong alagang hayop), 20 hanggang sa bigyan ni Jehova ng kapahingahan ang mga kapatid ninyo, gaya ng ginawa niya para sa inyo, at makuha rin nila ang lupain sa kabila ng Jordan na ibibigay sa kanila ng Diyos ninyong si Jehova. Pagkatapos, babalik kayo sa pag-aaring ibinigay ko sa inyo.’+
21 “Inutusan ko noon si Josue:+ ‘Nakita mo mismo ang ginawa ng Diyos ninyong si Jehova sa dalawang haring ito. Ganiyan din ang gagawin ni Jehova sa lahat ng kaharian na makakalaban mo pagtawid mo.+ 22 Huwag kayong matakot sa kanila dahil ang Diyos ninyong si Jehova ang makikipaglaban para sa inyo.’+
23 “Nakiusap ako noon kay Jehova, 24 ‘O Kataas-taasang Panginoong Jehova, ipinakita mo sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at malakas na bisig;+ sinong diyos sa langit o sa lupa ang makapapantay sa makapangyarihan mong mga gawa?+ 25 Pakisuyo, hayaan mo akong tumawid at makita ang magandang lupain sa kabila ng Jordan, ang mabundok na rehiyong ito at ang Lebanon.’+ 26 Pero galit na galit pa rin sa akin si Jehova dahil sa inyo,+ at ayaw niyang makinig sa akin. Sinabi ni Jehova, ‘Tama na! Huwag mo na akong kausapin tungkol diyan. 27 Umakyat ka sa itaas ng Pisga;+ tumingin ka sa kanluran, hilaga, timog, at silangan, at tanawin mo ang lupain dahil hindi ka tatawid sa Jordang ito.+ 28 Atasan mo si Josue;+ patibayin mo siya at palakasin dahil siya ang mangunguna sa bayang ito sa pagtawid+ at sa pagkuha ng lupaing matatanaw mo.’ 29 Nangyari ang lahat ng ito noong naninirahan tayo sa lambak sa tapat ng Bet-peor.+
4 “Ngayon, O Israel, pakinggan ninyo ang mga tuntunin at hudisyal na pasiya na itinuturo kong sundin ninyo, para mabuhay kayo+ at makuha ninyo ang lupain na ibinibigay sa inyo ni Jehova, ang Diyos ng mga ninuno ninyo. 2 Huwag ninyong daragdagan o babawasan ang iniuutos ko sa inyo,+ para masunod ninyo ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo mula sa Diyos ninyong si Jehova.
3 “Nakita ninyo mismo ang ginawa ni Jehova dahil sa Baal ng Peor; ang mga sumunod sa Baal ng Peor ay nilipol ng Diyos ninyong si Jehova mula sa gitna ninyo.+ 4 Pero kayong nananatiling tapat sa Diyos ninyong si Jehova ay buháy pang lahat ngayon. 5 Tinuruan ko kayo ng mga tuntunin at hudisyal na pasiya,+ gaya ng iniutos sa akin ni Jehova na aking Diyos, para masunod ninyo ang mga iyon sa lupaing kukunin ninyo. 6 Sundin ninyong mabuti ang mga iyon;+ sa gayon, ang inyong karunungan+ at kaunawaan+ ay makikita ng mga bayang makaririnig ng lahat ng tuntuning ito, at sasabihin nila, ‘Talagang isang bayang marunong at may kaunawaan ang dakilang bansang ito.’+ 7 Dahil anong dakilang bansa ang may mga diyos na malapit sa kanila, gaya ng Diyos nating si Jehova kapag tumatawag tayo sa kaniya?+ 8 At anong dakilang bansa ang may matuwid na mga tuntunin at hudisyal na pasiya na gaya ng buong Kautusang ito na inihaharap ko sa inyo ngayon?+
9 “Mag-ingat lang kayo at bantayan ninyo ang inyong sarili, para hindi ninyo malimutan ang mga bagay na nakita ninyo mismo at hindi mahiwalay ang mga iyon sa puso ninyo habambuhay. Ipaaalam din ninyo ang mga iyon sa inyong mga anak at apo.+ 10 Nang araw na humarap kayo sa Diyos ninyong si Jehova sa Horeb, sinabi ni Jehova sa akin, ‘Tipunin mo sa harap ko ang bayan para maiparinig ko sa kanila ang mga salita ko,+ para matuto silang matakot sa akin+ habang nabubuhay sila at para maturuan nila ang kanilang mga anak.’+
11 “Kaya lumapit kayo at tumayo sa paanan ng bundok; nag-aapoy ang bundok, at ang liyab nito ay umaabot sa langit;* madilim ang paligid at may maitim at makapal na ulap.+ 12 At kinausap kayo ni Jehova mula sa apoy.+ May naririnig kayong nagsasalita pero wala kayong nakikita+—tinig lang.+ 13 At sinabi niya sa inyo ang kaniyang pakikipagtipan,+ na iniutos niyang sundin ninyo—ang Sampung Utos.*+ Pagkatapos, isinulat niya ang mga iyon sa dalawang tapyas ng bato.+ 14 Iniutos sa akin noon ni Jehova na turuan kayo ng mga tuntunin at hudisyal na pasiya, na susundin ninyo sa lupaing magiging pag-aari ninyo.
15 “Kaya bantayan ninyo ang inyong sarili—dahil wala kayong nakitang anumang anyo nang araw na makipag-usap sa inyo si Jehova sa Horeb mula sa apoy— 16 para hindi kayo gumawi nang kapaha-pahamak at gumawa para sa inyong sarili ng inukit na imahen na may anumang anyo, gaya ng anyo ng lalaki o babae,+ 17 anyo ng anumang hayop sa lupa o anyo ng anumang ibon na lumilipad sa langit,+ 18 anyo ng anumang gumagala sa lupa o anyo ng anumang isda na nasa tubig.+ 19 At kapag tumingin kayo sa langit at nakita ninyo ang araw, buwan, at mga bituin—ang buong hukbo ng langit—huwag kayong matutuksong yumukod at maglingkod sa mga iyon.+ Ibinigay ng Diyos ninyong si Jehova ang mga iyon sa lahat ng bayan sa ibabaw ng lupa.* 20 Pero kayo ang inilabas ni Jehova mula sa hurnong tunawan ng bakal, sa Ehipto, para maging bayan na pag-aari* niya,+ gaya ng kalagayan ninyo ngayon.
21 “Nagalit si Jehova sa akin dahil sa inyo,+ at sinabi* niya na hindi ako tatawid ng Jordan o papasok sa magandang lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova bilang mana.+ 22 At mamamatay ako sa lupaing ito; hindi ako tatawid ng Jordan,+ pero kayo ay tatawid at kukunin ninyo ang magandang lupaing ito. 23 Mag-ingat kayo para hindi ninyo malimutan ang pakikipagtipan sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova,+ at huwag kayong gagawa para sa inyong sarili ng inukit na imahen, na anyo ng anumang bagay na ipinagbawal sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.+ 24 Dahil ang Diyos ninyong si Jehova ay isang apoy na tumutupok,+ isang Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon.*+
25 “Kung magkaroon kayo ng mga anak at apo at mabuhay nang matagal sa lupain at gumawi nang kapaha-pahamak at gumawa ng anumang inukit na imahen+ at gumawa ng masama sa paningin ng Diyos ninyong si Jehova para galitin siya,+ 26 kinukuha ko ngayon ang langit at lupa bilang mga saksi laban sa inyo—tiyak na malilipol kayo agad sa lupaing kukunin ninyo pagtawid ng Jordan. Hindi kayo mabubuhay nang matagal doon; tiyak na malilipol kayo.+ 27 Pangangalatin kayo ni Jehova sa gitna ng mga bayan,+ at doon sa mga bansang pagdadalhan sa inyo ni Jehova, kaunti lang ang matitira sa inyo.+ 28 Doon, maglilingkod kayo sa mga diyos na ginawa ng tao gamit ang kahoy at bato,+ mga diyos na hindi makakita, makarinig, makakain, o makaamoy.
29 “Kung hahanapin ninyo ang Diyos ninyong si Jehova mula roon, tiyak na matatagpuan ninyo siya,+ kung hahanapin ninyo siya nang inyong buong puso at kaluluwa.*+ 30 Kapag nangyari sa inyo ang lahat ng ito at labis kayong naghirap, manunumbalik kayo sa Diyos ninyong si Jehova at makikinig sa tinig niya.+ 31 Dahil ang Diyos ninyong si Jehova ay isang maawaing Diyos.+ Hindi niya kayo pababayaan o ipapahamak, at hindi niya kalilimutan ang pakikipagtipan niya sa mga ninuno ninyo.+
32 “Magtanong kayo ngayon tungkol sa mga araw bago ang panahon ninyo, mula nang araw na lalangin* ng Diyos ang tao sa lupa; maghanap kayo mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabilang dulo. May nangyari na bang ganito kadakilang bagay? Mayroon bang sinuman na nakarinig ng tulad nito?+ 33 Maliban sa inyo, may iba pa bang bayang nakarinig ng tinig ng Diyos na nanggagaling sa apoy at nanatili pa ring buháy?+ 34 O may kinuha na bang bansa ang Diyos mula sa gitna ng ibang bansa sa pamamagitan ng mga hatol,* tanda, himala,+ digmaan,+ isang makapangyarihang kamay,+ isang unat na bisig, at nakakatakot na mga gawa,+ gaya ng nakita ninyong ginawa sa Ehipto ng Diyos ninyong si Jehova para sa inyo? 35 Ipinakita mismo sa inyo ang mga bagay na ito para malaman ninyong si Jehova ang tunay na Diyos;+ wala nang iba pa bukod sa kaniya.+ 36 Ipinarinig niya sa inyo ang tinig niya mula sa langit para ituwid kayo, at ipinakita niya sa inyo sa ibabaw ng lupa ang kaniyang naglalagablab na apoy, at narinig ninyo ang mga salita niya mula sa apoy.+
37 “Dahil mahal niya ang mga ninuno ninyo at pinili ang supling* ng mga ito,+ siya mismo ang naglabas sa inyo sa Ehipto* gamit ang malakas niyang kapangyarihan. 38 Itinaboy niya mula sa harap ninyo ang mga bansa na mas dakila at mas malalakas kaysa sa inyo, para makapasok kayo sa lupain nila at maibigay ito sa inyo bilang mana, gaya ng nangyayari ngayon.+ 39 Kaya kilalanin ninyo ngayon at laging tandaan* na si Jehova ang tunay na Diyos sa langit at sa lupa.+ Wala nang iba pa.+ 40 Tuparin ninyo ang mga tuntunin at utos niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, para mapabuti kayo at ang inyong mga anak at matagal kayong manirahan sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.”+
41 Nang panahong iyon, nagbukod si Moises ng tatlong lunsod sa silangan ng Jordan.+ 42 Kung di-sinasadyang mapatay ng isang tao ang kapuwa niya at wala naman siyang galit dito,+ tatakbo siya sa isa sa mga lunsod na iyon para manatiling buháy.+ 43 Ito ang mga lunsod: ang Bezer+ sa ilang na nasa talampas para sa mga Rubenita, ang Ramot+ sa Gilead para sa mga Gadita, at ang Golan+ sa Basan para sa mga Manasita.+
44 At ito ang Kautusan+ na iniharap ni Moises sa bayan ng Israel. 45 Ito ang mga paalaala, tuntunin, at hudisyal na pasiya na ibinigay ni Moises sa mga Israelita paglabas nila sa Ehipto,+ 46 sa rehiyon ng Jordan, sa lambak sa tapat ng Bet-peor,+ sa lupain ni Haring Sihon ng mga Amorita, na nakatira sa Hesbon+ at tinalo ni Moises at ng mga Israelita paglabas nila sa Ehipto.+ 47 At kinuha nila ang lupain niya at ang lupain ni Haring Og+ ng Basan, ang dalawang hari ng mga Amorita na nasa rehiyon sa silangan ng Jordan, 48 mula sa Aroer,+ na nasa gilid ng Lambak* ng Arnon, hanggang sa Bundok Sion, na siyang Hermon,+ 49 at ang buong Araba na nasa rehiyon sa silangan ng Jordan, at hanggang sa Dagat ng Araba,* na nasa paanan ng mga dalisdis ng Pisga.+
5 At tinawag ni Moises ang buong Israel at sinabi: “Dinggin mo, O Israel, ang mga tuntunin at hudisyal na pasiya na ipinahahayag ko sa inyo ngayon. Pag-aralan ninyo ang mga iyon at sunding mabuti. 2 Ang Diyos nating si Jehova ay nakipagtipan sa atin sa Horeb.+ 3 Nakipagtipan si Jehova, hindi sa mga ninuno natin, kundi sa atin mismo, sa ating lahat na buháy ngayon. 4 Mula sa apoy, tuwirang* nakipag-usap sa inyo si Jehova sa bundok.+ 5 Nakatayo ako noon sa pagitan ninyo at ni Jehova+ para ipaalám sa inyo ang sinasabi ni Jehova, dahil natatakot kayo sa apoy at hindi kayo umakyat sa bundok.+ Sinabi niya:
6 “‘Ako si Jehova na iyong Diyos, na naglabas sa iyo sa Ehipto, kung saan ka naging alipin.*+ 7 Hindi ka dapat magkaroon ng ibang diyos maliban sa akin.*+
8 “‘Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen+ o ng anyo na katulad ng anumang nasa langit o nasa lupa o nasa tubig. 9 Huwag kang yuyukod sa mga iyon o matutuksong maglingkod sa mga iyon,+ dahil akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon,*+ nagpaparusa sa mga anak dahil sa kasalanan ng mga ama, hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin,+ 10 pero nagpapakita ng tapat na pag-ibig* hanggang sa ikasanlibong henerasyon ng mga umiibig sa akin at sumusunod sa mga utos ko.
11 “‘Huwag mong gagamitin ang pangalan ni Jehova na iyong Diyos sa walang-kabuluhang paraan,+ dahil tiyak na paparusahan ni Jehova ang gumagamit ng pangalan niya sa walang-kabuluhang paraan.+
12 “‘Sundin mo ang batas sa Sabbath at panatilihin itong banal, gaya ng iniutos sa iyo ni Jehova na iyong Diyos.+ 13 Puwede kang magtrabaho sa loob ng anim na araw,+ 14 pero ang ikapitong araw ay sabbath para kay Jehova na iyong Diyos.+ Hindi ka gagawa ng anumang trabaho,+ ikaw, ang iyong anak na lalaki at babae, aliping lalaki at babae, toro, asno, alinman sa iyong alagang hayop, o ang dayuhang naninirahan sa mga lunsod* ninyo,+ para makapagpahinga rin ang iyong aliping lalaki at babae gaya mo.+ 15 Alalahanin mong naging alipin ka sa Ehipto at inilabas ka roon ni Jehova na iyong Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at isang unat na bisig.+ Iyan ang dahilan kung bakit iniutos sa iyo ni Jehova na iyong Diyos na sundin ang batas sa Sabbath.
16 “‘Parangalan* mo ang iyong ama at ina,+ gaya ng iniutos sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, para mabuhay ka nang mahaba at mapabuti ka sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos.+
18 “‘Huwag ka ring mangangalunya.+
19 “‘Huwag ka ring magnanakaw.+
20 “‘Huwag ka ring magsisinungaling kapag tumetestigo ka laban sa kapuwa mo.+
21 “‘Huwag mo ring nanasain ang asawa ng kapuwa mo.+ Huwag mo ring nanasain nang may kasakiman ang bahay, bukid, aliping lalaki o babae, toro, asno, o anumang pag-aari ng kapuwa mo.’+
22 “Sinabi ni Jehova ang mga utos* na ito sa inyong buong kongregasyon mula sa bundok, mula sa apoy at sa maitim at makapal na ulap,+ sa malakas na tinig, at wala na siyang idinagdag; pagkatapos, isinulat niya ang mga iyon sa dalawang tapyas ng bato at ibinigay sa akin.+
23 “Pero nang marinig ninyo ang tinig mula sa kadiliman, habang nag-aapoy ang bundok,+ lumapit sa akin ang lahat ng pinuno ng inyong mga tribo at ang matatandang lalaki. 24 At sinabi ninyo, ‘Ipinakita sa amin ng Diyos nating si Jehova ang kaniyang kaluwalhatian at kadakilaan, at narinig namin ang tinig niya mula sa apoy.+ Nakita namin ngayon na puwedeng makipag-usap ang tao sa Diyos at manatili pa ring buháy.+ 25 Pero natatakot kaming mamatay, dahil baka tupukin kami ng naglalagablab na apoy na ito. Kung maririnig pa namin ang tinig ng Diyos naming si Jehova, tiyak na mamamatay kami. 26 Dahil sino pang tao ang gaya namin na nakarinig ng tinig ng Diyos na buháy na nagsasalita mula sa apoy at nanatili pa ring buháy? 27 Ikaw ang lumapit para makinig sa lahat ng sasabihin ng Diyos nating si Jehova, at ikaw ang magsabi sa amin ng lahat ng sasabihin sa iyo ng Diyos nating si Jehova, at makikinig kami at susunod.’+
28 “At narinig ni Jehova ang sinabi ninyo sa akin, kaya sinabi ni Jehova, ‘Narinig ko ang sinabi ng bayang ito sa iyo. Maganda ang lahat ng sinabi nila.+ 29 Kung mananatili lang na may takot sa akin ang puso nila+ at tutuparin nila ang lahat ng utos ko,+ mapapabuti sila at ang mga anak nila magpakailanman!+ 30 Sabihin mo sa kanila: “Bumalik na kayo sa mga tolda ninyo.” 31 Pero manatili ka rito kasama ko, at sasabihin ko sa iyo ang lahat ng utos, tuntunin, at hudisyal na pasiya na dapat mong ituro sa kanila at dapat nilang sundin sa lupain na ibinibigay ko sa kanila.’ 32 Tiyakin ninyong gawin ang iniutos sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.+ Huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa.+ 33 Dapat ninyong sundin ang lahat ng iniutos sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova,+ para mabuhay kayo at mapabuti at humaba ang inyong buhay sa lupain na magiging pag-aari ninyo.+
6 “Ito ang mga utos, tuntunin, at hudisyal na pasiya na ibinigay ng Diyos ninyong si Jehova para ituro ko sa inyo, para masunod ninyo ang mga iyon pagdating ninyo sa lupain na magiging pag-aari ninyo, 2 para matakot kayo sa Diyos ninyong si Jehova at matupad ninyo habambuhay ang lahat ng kaniyang batas at utos na ibinibigay ko sa inyo—sa inyo at sa inyong anak at apo+—para mabuhay kayo nang mahaba.+ 3 At makinig kayo, O Israel, at sundin ninyong mabuti ang mga iyon, para mapabuti kayo at maging isang napakalaking bayan* sa lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan, gaya ng ipinangako sa inyo ni Jehova, ang Diyos ng inyong mga ninuno.
4 “Makinig kayo, O Israel: Si Jehova na Diyos natin ay nag-iisang Jehova.+ 5 Dapat ninyong ibigin ang Diyos ninyong si Jehova nang inyong buong puso, buong kaluluwa,*+ at buong lakas.*+ 6 Ang mga salitang ito na iniuutos ko sa inyo ngayon ay dapat na nasa puso ninyo, 7 at itanim ninyo ito sa puso ng* mga anak ninyo,+ at kausapin ninyo sila tungkol dito kapag nakaupo kayo sa inyong bahay, kapag naglalakad sa daan, kapag nakahiga, at kapag bumabangon.+ 8 Lagi ninyo itong alalahanin na para bang nakatali ito sa inyong kamay at sa inyong noo.*+ 9 Isulat ninyo ito sa mga poste ng pinto ng inyong bahay at sa mga pintuang-daan.
10 “Kapag dinala kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob+—malalaki at magagandang lunsod na hindi kayo ang nagtayo,+ 11 mga bahay na punô ng iba’t ibang magagandang bagay na hindi ninyo pinagpaguran, mga imbakan ng tubig na hindi kayo ang naghukay, mga ubasan at mga punong olibo na hindi kayo ang nagtanim—at nakakain na kayo at nabusog,+ 12 bantayan ninyo ang sarili ninyo dahil baka makalimutan ninyo si Jehova,+ na naglabas sa inyo sa Ehipto, kung saan kayo naging mga alipin.* 13 Ang Diyos ninyong si Jehova ang dapat ninyong katakutan+ at paglingkuran,+ at sa kaniyang pangalan kayo dapat manumpa.+ 14 Huwag kayong susunod sa ibang mga diyos, sa alinmang diyos ng mga bayang nakapalibot sa inyo,+ 15 dahil ang Diyos ninyong si Jehova na nasa gitna ninyo ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon.*+ Kapag ginawa ninyo iyan, lalagablab ang galit ng Diyos ninyong si Jehova+ at lilipulin niya kayo sa ibabaw ng lupa.+
16 “Huwag ninyong susubukin ang Diyos ninyong si Jehova+ gaya ng ginawa ninyo sa Masah.+ 17 Masikap ninyong tuparin ang mga utos ng Diyos ninyong si Jehova at ang kaniyang mga paalaala at tuntunin na iniutos niyang sundin ninyo. 18 Gawin ninyo kung ano ang tama at mabuti sa paningin ni Jehova, para mapabuti kayo at makuha ninyo ang magandang lupaing ipinangako ni Jehova sa mga ninuno ninyo,+ 19 sa pamamagitan ng pagtataboy sa lahat ng inyong kaaway mula sa harap ninyo, gaya ng ipinangako ni Jehova.+
20 “Pagdating ng panahon, kapag itinanong ng anak ninyo, ‘Bakit ibinigay ng Diyos nating si Jehova ang mga paalaala, tuntunin, at hudisyal na pasiyang ito?’ 21 sabihin ninyo sa anak ninyo, ‘Naging mga alipin kami ng Paraon sa Ehipto, pero inilabas kami ni Jehova sa Ehipto gamit ang makapangyarihang kamay niya. 22 Gumawa si Jehova sa harap namin ng maraming tanda at himala, na dakila at kapaha-pahamak, laban sa Ehipto,+ sa Paraon, at sa buong sambahayan niya.+ 23 Inilabas niya kami roon para dalhin dito at ibigay sa amin ang lupaing ipinangako niya sa mga ninuno natin.+ 24 At iniutos ni Jehova na sundin namin ang lahat ng tuntuning ito at matakot sa Diyos nating si Jehova para lagi tayong mapabuti+ at manatiling buháy+ gaya ngayon. 25 At ituturing tayong matuwid kung masikap nating tutuparin ang lahat ng utos na ito bilang pagsunod sa* Diyos nating si Jehova, gaya ng iniutos niya sa atin.’+
7 “Kapag dinala kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa lupaing magiging pag-aari ninyo,+ itataboy rin niya mula sa harap ninyo ang malalaking bansa:+ mga Hiteo, Girgasita, Amorita,+ Canaanita, Perizita, Hivita, at Jebusita,+ pitong bansa na mas malalaki at mas malalakas kaysa sa inyo.+ 2 Ibibigay sila sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, at tatalunin ninyo sila.+ Dapat ninyo silang lipulin.*+ Huwag kayong makipagtipan sa kanila, at huwag kayong maawa sa kanila.+ 3 Huwag kayong makipag-alyansa sa kanila sa pag-aasawa. Huwag ninyong ibigay ang inyong anak na babae sa anak nilang lalaki o kunin ang anak nilang babae para sa inyong anak na lalaki.+ 4 Dahil itatalikod nila sa akin ang inyong mga anak at maglilingkod ang mga ito sa ibang mga diyos;+ at lalagablab ang galit ni Jehova at agad kayong lilipulin.+
5 “Sa halip, ito ang dapat ninyong gawin: Ibagsak ang mga altar nila, gibain ang mga sagradong haligi nila,+ putulin ang mga sagradong poste* nila,+ at sunugin ang mga inukit na imahen nila.+ 6 Dahil kayo ay isang banal na bayan para sa Diyos ninyong si Jehova, at mula sa lahat ng bayan sa ibabaw ng lupa, pinili kayo ng Diyos ninyong si Jehova para maging bayan niya, ang espesyal* na pag-aari niya.+
7 “Hindi kayo minahal at pinili ni Jehova dahil kayo ang pinakamalaki sa lahat ng bayan;+ ang totoo, kayo ang pinakamaliit.+ 8 Inilabas kayo ni Jehova sa Ehipto dahil mahal niya kayo at dahil tinupad niya ang ipinangako niya sa mga ninuno ninyo.+ Ginamit ni Jehova ang makapangyarihang kamay niya para palayain kayo mula sa pagkaalipin,*+ mula sa kamay ng Paraon na hari ng Ehipto. 9 Alam na alam ninyo na ang Diyos ninyong si Jehova ang tunay na Diyos, ang tapat na Diyos, na tumutupad sa tipan niya at nagpapakita ng tapat na pag-ibig hanggang sa ikasanlibong henerasyon ng mga umiibig sa kaniya at sumusunod sa mga utos niya.+ 10 Pero gagantihan niya nang harapan* ang mga napopoot sa kaniya; pupuksain niya sila.+ Hindi siya magiging mabagal sa pagganti sa mga napopoot sa kaniya; gagantihan niya sila nang harapan.* 11 Kaya tiyakin ninyong masusunod ninyo ang mga utos, tuntunin, at hudisyal na pasiya na iniuutos ko sa inyo ngayon. Tuparin ninyo ang mga ito.
12 “Kung patuloy ninyong pakikinggan, susundin, at tutuparin ang mga hudisyal na pasiyang ito, tutuparin ng Diyos ninyong si Jehova ang tipan at tapat na pag-ibig na ipinangako niya sa mga ninuno ninyo. 13 Mamahalin niya kayo, pagpapalain, at pararamihin. Oo, sa lupaing ipinangako niya sa mga ninuno ninyo,+ pagpapalain niya kayo ng maraming anak*+ at ng saganang pananim, butil, bagong alak, at langis+ at ng maraming guya* sa inyong bakahan at kordero* sa inyong kawan. 14 Pagpapalain niya kayo nang higit sa lahat ng ibang bayan;+ magkakaroon ng anak ang lahat ng lalaki at babae sa inyo, pati na ang mga alagang hayop ninyo.+ 15 Ilalayo kayo ni Jehova sa lahat ng sakit. Hindi niya kayo sasalutin ng alinman sa malulubhang sakit na nakita ninyo sa Ehipto;+ ang lahat ng napopoot sa inyo ang sasalutin niya. 16 Lipulin ninyo ang lahat ng bayan na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.+ Huwag kayong maawa* sa kanila,+ at huwag kayong maglingkod sa mga diyos nila,+ dahil magiging bitag iyon sa inyo.+
17 “Kung maisip ninyo,* ‘Mas malaki sa amin ang mga bansang ito. Paano namin sila itataboy?’+ 18 huwag kayong matakot sa kanila.+ Alalahanin ninyo ang ginawa ng Diyos ninyong si Jehova sa Paraon at sa buong Ehipto,+ 19 ang mabibigat na hatol* na nakita ninyo, ang mga tanda at himala,+ at ang makapangyarihang kamay at unat na bisig ng Diyos ninyong si Jehova na ginamit niya para ilabas kayo.+ Ganiyan ang gagawin ng Diyos ninyong si Jehova sa lahat ng bayan na kinatatakutan ninyo.+ 20 Pahihinain ng Diyos ninyong si Jehova ang loob nila* hanggang sa mamatay ang mga naiwan+ at ang mga nagtatago mula sa inyo. 21 Huwag kayong masindak sa kanila dahil sumasainyo ang Diyos ninyong si Jehova,+ isang Diyos na dakila at kahanga-hanga.*+
22 “Tiyak na unti-unting itataboy ng Diyos ninyong si Jehova ang mga bansang ito mula sa harap ninyo.+ Hindi niya papayagang malipol ninyo agad ang lahat ng bansa para hindi dumami ang mababangis na hayop sa parang at manganib ang buhay ninyo. 23 Ibibigay sila sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova at tatalunin silang lahat hanggang sa malipol sila.+ 24 Ibibigay niya sa kamay ninyo ang mga hari nila,+ at buburahin ninyo ang mga pangalan nila sa ibabaw ng lupa.*+ Lilipulin ninyo sila+ at walang makakatalo sa inyo.+ 25 Sunugin ninyo ang mga inukit na imahen ng mga diyos nila.+ Huwag ninyong hangarin ang pilak at ginto na nasa mga ito at huwag ninyong kunin ang mga ito+ para hindi kayo mabitag, dahil kasuklam-suklam ang mga ito sa Diyos ninyong si Jehova.+ 26 Huwag kayong magpapasok sa bahay ninyo ng kasuklam-suklam na bagay para hindi kayo maging katulad nito na karapat-dapat sa pagpuksa. Dapat ninyo itong pandirihan at kasuklaman nang husto, dahil karapat-dapat ito sa pagpuksa.
8 “Tiyakin ninyong masusunod ninyo ang bawat utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon para patuloy kayong mabuhay+ at dumami at makuha ninyo ang lupaing ipinangako ni Jehova sa mga ninuno ninyo.+ 2 Alalahanin ninyo ang mahabang paglalakbay ninyo sa ilang nang palakarin kayo ng Diyos ninyong si Jehova nang 40 taon+ para turuan kayong maging mapagpakumbaba at subukin kayo+ para malaman kung ano ang nasa puso ninyo,+ kung susundin ninyo ang mga utos niya o hindi. 3 Kaya tinuruan niya kayo na maging mapagpakumbaba, hinayaan kayong magutom,+ at pinakain ng manna,+ na hindi pamilyar sa inyo o sa mga ama ninyo, para malaman ninyo na ang tao ay nabubuhay, hindi lang sa tinapay, kundi sa bawat salitang sinasabi* ni Jehova.+ 4 Sa 40 taóng ito, hindi naluma ang kasuotan ninyo at hindi namaga ang paa ninyo.+ 5 Alam ninyo sa puso ninyo na itinutuwid kayo ng Diyos ninyong si Jehova, gaya ng pagtutuwid ng ama sa kaniyang anak.+
6 “Lumakad kayo sa mga daan ng Diyos ninyong si Jehova at matakot kayo sa kaniya para masunod ninyo ang mga utos niya. 7 Dahil dadalhin kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa isang magandang lupain,+ isang lupaing sagana sa tubig,* maraming batis at bukal na umaagos sa kapatagan at mabundok na rehiyon, 8 isang lupaing sagana sa trigo, sebada, ubas,* igos,* granada,*+ langis ng olibo, at pulot-pukyutan,+ 9 isang lupain kung saan hindi kayo kakapusin sa pagkain at hindi kayo magkukulang ng anuman, isang lupain kung saan may makukuhang bakal sa bato at makapagmimina ng tanso sa mga bundok.
10 “Kapag nakakain na kayo at nabusog, purihin ninyo ang Diyos ninyong si Jehova dahil sa magandang lupain na ibinigay niya sa inyo.+ 11 Bantayan ninyo ang inyong sarili para hindi ninyo malimutan ang Diyos ninyong si Jehova; sundin ninyo ang kaniyang mga utos, hudisyal na pasiya, at batas na iniuutos ko sa inyo ngayon. 12 Kapag kumain na kayo at nabusog at nakapagtayo ng magagandang bahay at nakatira na sa mga iyon,+ 13 kapag lumaki ang bakahan at kawan ninyo at dumami ang pilak at ginto ninyo at sagana na kayo sa lahat ng bagay, 14 huwag ninyong hayaang magmataas ang puso ninyo+ at malimutan ninyo ang Diyos ninyong si Jehova, na naglabas sa inyo sa Ehipto, kung saan kayo naging alipin,*+ 15 na pumatnubay sa inyo sa malawak at nakakatakot na ilang,+ kung saan may makamandag na mga ahas at alakdan at tigang ang lupa at walang mapagkunan ng tubig. Nagpalabas siya ng tubig sa bato,*+ 16 at sa ilang ay pinakain niya kayo ng manna+ na hindi pamilyar sa inyong mga ama, para turuan kayong maging mapagpakumbaba+ at subukin kayo, nang sa gayon ay makinabang kayo sa hinaharap.+ 17 Kung sakaling sabihin ninyo sa sarili, ‘Yumaman ako dahil sa sarili kong lakas at kakayahan,’+ 18 alalahanin ninyo na ang Diyos ninyong si Jehova ang nagbigay sa inyo ng kakayahan kaya yumaman kayo,+ para matupad niya ang tipang ipinangako niya sa inyong mga ninuno, gaya ng ginawa niya ngayon.+
19 “Kung kalilimutan ninyo ang Diyos ninyong si Jehova at susunod kayo sa ibang mga diyos at maglilingkod at yuyukod sa mga iyon, binababalaan ko kayo ngayon na tiyak na malilipol kayo.+ 20 Mapupuksa kayo gaya ng paglipol ni Jehova sa mga bansa sa harap ninyo, dahil hindi kayo nakinig sa Diyos ninyong si Jehova.+
9 “Makinig kayo, O Israel, tatawirin ninyo ngayon ang Jordan+ para makuha ang lupain ng mga bansa na mas dakila at mas malalakas kaysa sa inyo,+ mga lunsod na malalaki at abot-langit ang pader,+ 2 mga taong malalakas at matatangkad, ang mga Anakim;+ kilala ninyo sila at narinig ninyong sinabi tungkol sa kanila, ‘Sino ang makakatalo sa mga anak ni Anak?’ 3 Kaya tandaan ninyo ngayon na ang Diyos ninyong si Jehova ay tatawid sa unahan ninyo.+ Siya ay isang apoy na tumutupok,+ at lilipulin niya sila. Tatalunin niya sila sa harap ninyo para madali ninyo silang maitaboy at mapuksa,* gaya ng ipinangako sa inyo ni Jehova.+
4 “Kapag itinaboy sila ng Diyos ninyong si Jehova mula sa harap ninyo, huwag ninyong isipin, ‘Matuwid kami kaya ibinigay sa amin ni Jehova ang lupaing ito.’+ Ang totoo, masama ang mga bansang ito+ kaya sila itataboy ni Jehova mula sa harap ninyo. 5 Hindi dahil sa matuwid kayo o malinis ang puso ninyo kaya ninyo makukuha ang lupain nila. Itataboy ng Diyos ninyong si Jehova ang mga bansang ito mula sa harap ninyo dahil masasama sila+ at para matupad ni Jehova ang ipinangako niya sa inyong mga ninuno na sina Abraham,+ Isaac,+ at Jacob.+ 6 Kaya tandaan ninyo na hindi dahil sa matuwid kayo kaya ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova ang magandang lupaing ito, dahil kayo ay isang bayang matigas ang ulo.*+
7 “Alalahanin ninyo—huwag ninyong kalimutan—kung paano ninyo ginalit ang Diyos ninyong si Jehova sa ilang.+ Mula nang araw na umalis kayo sa Ehipto hanggang sa pagdating ninyo sa lugar na ito, naghimagsik kayo kay Jehova.+ 8 Ginalit din ninyo si Jehova sa Horeb, at galit na galit sa inyo si Jehova kaya handa na siyang lipulin kayo.+ 9 Nang umakyat ako sa bundok para tanggapin ang mga tapyas ng bato,+ ang mga tapyas ng tipan ni Jehova sa inyo,+ nanatili ako sa bundok nang 40 araw at 40 gabi,+ at hindi ako kumain ng anuman o uminom ng tubig. 10 Pagkatapos, ibinigay sa akin ni Jehova ang dalawang tapyas ng bato na sinulatan ng daliri ng Diyos, at nasa mga iyon ang lahat ng sinabi sa inyo ni Jehova sa bundok noong magsalita siya mula sa apoy nang araw na tipunin ang bayan.*+ 11 Sa pagtatapos ng 40 araw at 40 gabi, ibinigay sa akin ni Jehova ang dalawang tapyas ng bato, ang mga tapyas ng tipan, 12 at sinabi ni Jehova, ‘Bumaba ka, bilisan mo, dahil gumawi nang kapaha-pahamak ang iyong bayan na inilabas mo sa Ehipto.+ Lumihis na sila agad mula sa daan na iniutos kong lakaran nila. Gumawa sila para sa kanilang sarili ng isang metal na imahen.’+ 13 At sinabi sa akin ni Jehova, ‘Nakita ko ang bayang ito, at matigas ang ulo* ng bayang ito.+ 14 Hayaan mo akong lipulin sila at burahin ang pangalan nila sa ibabaw ng lupa,* at gagawin kitang isang bansa na mas malakas at mas malaki kaysa sa kanila.’+
15 “Pagkatapos, bumaba ako sa bundok habang nag-aapoy iyon,+ at hawak ko sa dalawang kamay ang dalawang tapyas ng tipan.+ 16 At nakita ko na nagkasala kayo sa Diyos ninyong si Jehova! Gumawa kayo para sa inyong sarili ng metal na guya.* Lumihis kayo agad mula sa daan na iniutos ni Jehova na lakaran ninyo.+ 17 Kaya inihagis ko ang dalawang tapyas at nabasag ang mga iyon sa harap ninyo.+ 18 At gaya noong una, sumubsob ako sa harap ni Jehova nang 40 araw at 40 gabi. Hindi ako kumain ng anuman o uminom ng tubig,+ dahil sa lahat ng kasalanan ninyo nang gawin ninyo ang masama sa paningin ni Jehova at galitin siya. 19 Natakot ako dahil nagalit nang husto si Jehova sa inyo+ hanggang sa puntong handa na niya kayong lipulin. Pero nakinig ulit si Jehova sa akin nang pagkakataong iyon.+
20 “Galit na galit si Jehova kay Aaron kaya handa na niya itong patayin,+ pero nagsumamo rin ako noon para kay Aaron. 21 Pagkatapos, kinuha ko ang ginawa ninyong guya,+ ang dahilan ng pagkakasala ninyo, at sinunog iyon; dinurog ko iyon at giniling hanggang sa maging pinong gaya ng alabok, at itinapon ko ang alabok sa tubig na umaagos mula sa bundok.+
22 “Ginalit din ninyo si Jehova sa Tabera,+ sa Masah,+ at sa Kibrot-hataava.+ 23 Nang isugo kayo ni Jehova mula sa Kades-barnea+ at sabihin niya, ‘Kunin ninyo ang lupain na tiyak na ibibigay ko sa inyo!’ sumuway ulit kayo sa utos ng Diyos ninyong si Jehova,+ at hindi kayo nanampalataya+ at sumunod sa kaniya. 24 Mapaghimagsik na kayo kay Jehova mula pa noong makilala ko kayo.
25 “Kaya paulit-ulit akong sumubsob sa harap ni Jehova nang 40 araw at 40 gabi;+ ginawa ko ito dahil sinabi ni Jehova na lilipulin niya kayo. 26 Nagsumamo ako kay Jehova, ‘O Kataas-taasang Panginoong Jehova, huwag mong ipahamak ang iyong bayan. Sila ay iyong pag-aari,*+ na tinubos mo sa pamamagitan ng iyong kadakilaan at inilabas sa Ehipto gamit ang iyong makapangyarihang kamay.+ 27 Alalahanin mo ang iyong mga lingkod na sina Abraham, Isaac, at Jacob.+ Huwag mong pansinin ang katigasan ng ulo, kasamaan, at kasalanan ng bayang ito.+ 28 Dahil baka sabihin ng mga tao sa lupain kung saan mo kami inilabas: “Hindi sila madala ni Jehova sa lupaing ipinangako niya sa kanila, at dahil napoot siya sa kanila, inilabas niya sila para patayin sa ilang.”+ 29 Sila ang iyong bayan at iyong pag-aari,*+ na inilabas mo gamit ang iyong malakas na kapangyarihan at unat na bisig.’+
10 “Nang panahong iyon, sinabi ni Jehova sa akin, ‘Gumawa ka ng dalawang tapyas ng bato na tulad ng mga nauna,+ at pumunta ka sa akin sa bundok; gumawa ka rin ng kaban na yari sa kahoy. 2 At isusulat ko sa mga tapyas ang mga isinulat ko sa unang mga tapyas na binasag mo, at ilagay mo sa kaban ang mga iyon.’ 3 Kaya gumawa ako ng isang kaban na yari sa kahoy ng akasya, pati ng dalawang tapyas ng bato na tulad ng mga nauna, at umakyat ako sa bundok hawak ang dalawang tapyas.+ 4 At isinulat niya sa mga tapyas ang mga salitang isinulat niya noon,+ ang Sampung Utos,*+ na sinabi sa inyo ni Jehova sa bundok noong magsalita siya mula sa apoy+ nang araw na tipunin ang bayan;*+ at ibinigay ni Jehova sa akin ang mga iyon. 5 Pagkatapos, bumaba ako sa bundok+ at inilagay ko ang mga tapyas sa kaban na ginawa ko, kung saan pa rin nakalagay ngayon ang mga iyon, gaya ng iniutos ni Jehova sa akin.
6 “At mula sa Beerot Bene-jaakan, pumunta ang mga Israelita sa Mosera. Doon namatay at inilibing si Aaron,+ at ang anak niyang si Eleazar ang pumalit sa kaniya bilang saserdote.+ 7 Mula roon, pumunta sila sa Gudgoda, at mula sa Gudgoda, pumunta sila sa Jotbata,+ isang lupaing dinadaluyan ng tubig.*
8 “Nang panahong iyon, pinili* ni Jehova ang tribo ni Levi+ para magbuhat ng kaban ng tipan ni Jehova,+ maglingkod sa harap ni Jehova, at pagpalain ang mga tao sa ngalan niya,+ gaya ng ginagawa nila hanggang ngayon. 9 Kaya hindi binigyan ng bahagi o mana ang mga Levita, di-gaya ng mga kapatid nila. Si Jehova ang kanilang mana, gaya ng sinabi sa kanila ng Diyos ninyong si Jehova.+ 10 Nanatili ulit ako sa bundok nang 40 araw at 40 gabi,+ at nakinig din si Jehova sa akin nang pagkakataong iyon.+ Ayaw ni Jehova na ipahamak kayo. 11 Pagkatapos, sinabi ni Jehova sa akin, ‘Pangunahan mo ang bayan, at maghanda kayo sa pag-alis para makuha nila ang lupaing ipinangako ko sa mga ninuno nila.’+
12 “Ngayon, O Israel, ano ang hinihiling sa iyo ni Jehova na iyong Diyos?+ Ito lang: matakot kay Jehova na iyong Diyos,+ lumakad sa lahat ng daan niya,+ ibigin siya, maglingkod kay Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at kaluluwa,+ 13 at sumunod sa mga utos at batas ni Jehova na iniuutos ko sa iyo ngayon para sa iyong ikabubuti.+ 14 Tingnan mo, kay Jehova na iyong Diyos ang mga langit, maging ang pinakamataas na mga langit,* at ang lupa at ang lahat ng naroon.+ 15 Pero sa inyong mga ninuno lang naging malapít si Jehova at nagpakita ng pag-ibig, at mula sa lahat ng bayan, kayong mga supling nila ang pinili ng Diyos,+ gaya ng kalagayan ninyo ngayon. 16 Linisin* na ninyo ang inyong mga puso+ at huwag nang maging matigas ang ulo* ninyo.+ 17 Dahil ang Diyos ninyong si Jehova ang Diyos ng mga diyos+ at ang Panginoon ng mga panginoon, ang Diyos na dakila, makapangyarihan, at kahanga-hanga,* na hindi nagtatangi+ o tumatanggap ng suhol. 18 Binibigyan niya ng katarungan ang batang walang ama* at biyuda.+ Minamahal din niya ang dayuhang naninirahang kasama ninyo+—binibigyan niya ito ng pagkain at damit. 19 Dapat din ninyong mahalin ang dayuhang naninirahang kasama ninyo, dahil nanirahan din kayo bilang dayuhan sa Ehipto.+
20 “Si Jehova na iyong Diyos ang dapat mong katakutan, siya ang dapat mong paglingkuran,+ sa kaniya ka dapat mangunyapit, at sa kaniyang pangalan ka dapat manumpa. 21 Siya ang dapat mong purihin.+ Siya ang iyong Diyos, na gumawa para sa iyo ng dakila at kamangha-manghang mga bagay na nakita mo mismo.+ 22 Nang pumunta sa Ehipto ang inyong mga ninuno, 70 lang sila,+ pero ginawa kayo ngayon ng Diyos ninyong si Jehova na kasindami ng mga bituin sa langit.+
11 “Ibigin ninyo ang Diyos ninyong si Jehova+ at laging tuparin ang obligasyon ninyo sa kaniya at laging sundin ang kaniyang mga batas, hudisyal na pasiya, at utos. 2 Alam ninyo na kayo ang kinakausap ko ngayon; hindi ang mga anak ninyo ang kinakausap ko dahil hindi nila alam o nakita ang pagdidisiplina ng Diyos ninyong si Jehova,+ ang kaniyang kadakilaan,+ makapangyarihang kamay,+ at unat na bisig. 3 Hindi nila nakita ang mga tanda at iba pang ginawa niya sa Ehipto, sa Paraon na hari ng Ehipto at sa buong lupain nito,+ 4 o ang ginawa niya sa mga hukbo ng Ehipto, sa mga kabayo at karwaheng* pandigma ng Paraon, na nilamon ng tubig ng Dagat na Pula noong hinahabol nila kayo; lubusan silang pinuksa ni Jehova.+ 5 Hindi nila nakita ang ginawa niya para sa inyo* sa ilang hanggang sa makarating kayo sa lugar na ito, 6 o ang ginawa niya kina Datan at Abiram, na mga anak ni Eliab na anak ni Ruben, noong bumuka ang lupa at lamunin sila nito sa harap ng buong Israel, pati ang mga sambahayan at tolda nila at bawat nabubuhay na nilikha na sumunod sa kanila.+ 7 Kayo ang nakakita sa lahat ng kamangha-manghang bagay na ginawa ni Jehova.
8 “Sundin ninyo ang buong kautusan na ibinibigay ko sa inyo ngayon para lumakas kayo at makuha ang lupaing pupuntahan ninyo, 9 at para mabuhay kayo nang mahaba+ sa lupaing ipinangako ni Jehova na ibibigay niya sa inyong mga ninuno at supling* nila,+ isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+
10 “Ang lupaing magiging pag-aari ninyo ay hindi gaya ng Ehipto na pinanggalingan ninyo, kung saan kayo naghahasik ng binhi at nagpapakahirap na diligan ang lupain,* na gaya ng taniman ng mga gulay. 11 Ang lupaing pupuntahan ninyo at magiging pag-aari ay isang lupain na maraming bundok at kapatagan.+ Ang ulan mula sa langit ang dumidilig doon;+ 12 pinangangalagaan iyon ng Diyos ninyong si Jehova. Binabantayan iyon ng Diyos ninyong si Jehova, mula sa pasimula ng taon hanggang sa pagtatapos nito.
13 “Kung masikap ninyong susundin ang mga utos ko na ibinibigay ko sa inyo ngayon at iibigin ninyo ang Diyos ninyong si Jehova at paglilingkuran siya nang inyong buong puso at kaluluwa,*+ 14 magpapaulan ako sa lupain ninyo sa takdang panahon nito, sa taglagas at sa tagsibol, at magtitipon kayo ng mga butil, bagong alak, at langis.+ 15 At magpapatubo ako ng pananim sa mga bukid ninyo para sa mga alaga ninyong hayop, at kakain kayo at mabubusog.+ 16 Bantayan ninyo ang inyong sarili para hindi matuksong lumihis ang puso ninyo at sa gayon ay sumamba kayo at yumukod sa ibang mga diyos.+ 17 Dahil kung hindi, lalagablab ang galit ni Jehova, at sasarhan niya ang langit para hindi umulan+ at hindi mamunga ang lupa, at agad kayong malilipol sa magandang lupain na ibinibigay sa inyo ni Jehova.+
18 “Ang mga sinabi ko ay itanim ninyo sa inyong puso at kaluluwa,* at lagi ninyo itong alalahanin na para bang nakatali ito sa inyong kamay at sa inyong noo.*+ 19 Ituro ninyo ito sa mga anak ninyo; kausapin ninyo sila tungkol dito kapag nakaupo kayo sa inyong bahay, kapag naglalakad sa daan, kapag nakahiga, at kapag bumabangon.+ 20 Isulat ninyo ito sa mga poste ng pinto ng inyong bahay at sa mga pintuang-daan, 21 para kayo at ang mga anak ninyo ay mabuhay nang mahaba+ sa lupaing ipinangako ni Jehova sa mga ninuno ninyo,+ hangga’t ang langit ay nasa ibabaw ng lupa.
22 “Kung masikap ninyong tutuparin at susundin ang utos na ito na ibinibigay ko sa inyo, na ibigin ang Diyos ninyong si Jehova+ at lumakad sa lahat ng daan niya at mangunyapit sa kaniya,+ 23 palalayasin ni Jehova ang lahat ng bansang ito sa harap ninyo,+ at itataboy ninyo ang mga bansang mas malalakas at mas malalaki kaysa sa inyo.+ 24 Magiging inyo ang lahat ng lupaing lalakaran ninyo.+ Ang magiging hangganan ninyo ay mula sa ilang hanggang sa Lebanon, mula sa Ilog, ang Eufrates, hanggang sa kanluraning dagat.*+ 25 Walang makakatalo sa inyo.+ Manghihilakbot at matatakot sa inyo ang mga tao sa lahat ng lupaing lalakaran ninyo dahil sa Diyos ninyong si Jehova,+ gaya ng ipinangako niya sa inyo.
26 “Ngayon, binibigyan ko kayo ng pagpipilian—pagpapala o sumpa:+ 27 pagpapala, kung susundin ninyo ang mga utos ng Diyos ninyong si Jehova na ibinibigay ko sa inyo ngayon,+ 28 at sumpa, kung hindi ninyo susundin ang mga utos ng Diyos ninyong si Jehova+ at lilihis kayo mula sa daan na iniuutos kong lakaran ninyo at susunod kayo sa mga diyos na hindi ninyo kilala.
29 “Kapag dinala na kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa lupaing magiging pag-aari ninyo, bigkasin ninyo ang pagpapala sa Bundok Gerizim at ang sumpa sa Bundok Ebal.+ 30 Hindi ba ang mga ito ay nasa kabilang panig ng Jordan sa kanluran,* sa lupain ng mga Canaanita na nakatira sa Araba, sa tapat ng Gilgal, sa tabi ng malalaking puno ng More?+ 31 Dahil tatawirin ninyo ang Jordan para pasukin at kunin ang lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.+ Kapag nakuha na ninyo ito at nakatira na kayo rito, 32 tiyakin ninyo na masusunod ninyo ang lahat ng tuntunin at hudisyal na pasiya na inihaharap ko sa inyo ngayon.+
12 “Ito ang mga tuntunin at hudisyal na pasiya na dapat ninyong sunding mabuti habambuhay sa lupaing ibibigay sa inyo ni Jehova na Diyos ng inyong mga ninuno. 2 Lubusan ninyong wasakin ang lahat ng lugar kung saan naglingkod sa mga diyos nila ang mga bansang itataboy ninyo+—sa matataas na bundok, sa mga burol, o sa ilalim ng anumang mayabong na puno. 3 Wasakin ninyo ang mga altar nila, gibain ang mga sagradong haligi nila,+ sunugin ang mga sagradong poste* nila, at pabagsakin ang mga inukit na imahen ng mga diyos nila;+ burahin ninyo ang pangalan ng mga ito sa lugar na iyon.+
4 “Huwag ninyong sambahin ang Diyos ninyong si Jehova sa ganoong paraan.+ 5 Sa halip, hanapin ninyo ang lugar sa teritoryo ng inyong mga tribo na pinili ng Diyos ninyong si Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya. Doon ninyo siya sambahin.+ 6 Doon ninyo dalhin ang inyong mga handog na sinusunog,+ hain, ikapu,*+ abuloy,+ panatang handog, kusang-loob na handog,+ at mga panganay sa inyong bakahan at kawan.+ 7 Doon kayo kumain sa harap ng Diyos ninyong si Jehova kasama ang sambahayan ninyo,+ at magsaya kayo sa lahat ng pinaghirapan ninyo,+ dahil pinagpala kayo ng Diyos ninyong si Jehova.
8 “Huwag ninyong gagawin doon ang ginagawa natin dito ngayon. Ginagawa ng bawat isa anuman ang tama sa paningin niya, 9 dahil hindi pa kayo nakakarating sa lupaing titirhan ninyo+ at sa mana na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova. 10 Kapag tumawid na kayo sa Jordan+ at nakatira na sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, tiyak na bibigyan niya kayo ng kapahingahan mula sa lahat ng kaaway sa palibot ninyo, at maninirahan kayo nang panatag.+ 11 Dalhin ninyo ang lahat ng ipinadadala ko sa inyo sa lugar na pinili ng Diyos ninyong si Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya+—ang inyong mga handog na sinusunog, hain, ikapu,+ abuloy, at bawat panatang handog ninyo kay Jehova. 12 Magsasaya kayo sa harap ng Diyos ninyong si Jehova,+ pati ang inyong mga anak na lalaki at babae at mga aliping lalaki at babae, gayundin ang mga Levita na nasa mga lunsod* ninyo dahil hindi sila binigyan ng bahagi o mana, hindi gaya ninyo.+ 13 Huwag na huwag ninyong iaalay ang inyong mga handog na sinusunog sa ibang lugar na gustuhin ninyo.+ 14 Ialay ninyo ang inyong mga handog na sinusunog sa lugar lang na pinili ni Jehova sa isa sa mga teritoryo ng mga tribo ninyo, at doon ninyo gawin ang lahat ng iniuutos ko sa inyo.+
15 “Kailanman ninyo* gustuhin, puwede kayong magkatay at kumain ng karne+ sa alinmang lunsod* ninyo ayon sa natanggap ninyong pagpapala mula sa Diyos ninyong si Jehova. Gaya ng gasela at usa, puwede itong kainin ng taong marumi at malinis. 16 Pero huwag ninyong kakainin ang dugo;+ dapat ninyo itong ibuhos sa lupa gaya ng tubig.+ 17 Hindi ninyo puwedeng kainin sa mga lunsod* ninyo ang ikasampung bahagi ng inyong mga butil, bagong alak, at langis, pati ang mga panganay sa inyong bakahan at kawan,+ alinman sa inyong mga panatang handog, kusang-loob na handog, at abuloy. 18 Kakainin ninyo ang mga iyon sa harap ng Diyos ninyong si Jehova sa lugar na pipiliin ng Diyos ninyong si Jehova+—kayo, ang inyong anak na lalaki at babae at aliping lalaki at babae, at ang mga Levita na nasa mga lunsod* ninyo; at magsasaya kayo sa harap ng Diyos ninyong si Jehova dahil sa lahat ng pinaghirapan ninyo. 19 Huwag na huwag ninyong pababayaan ang mga Levita+ habang nabubuhay kayo sa inyong lupain.
20 “Kapag pinalaki na ng Diyos ninyong si Jehova ang teritoryo ninyo,+ gaya ng ipinangako niya sa inyo,+ at sinabi ninyo, ‘Kakain ako ng karne,’ dahil gusto ninyong* kumain ng karne, makakakain kayo ng karne kahit kailan ninyo* gustuhin.+ 21 Kung ang lugar na pinili ng Diyos ninyong si Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya+ ay malayo sa inyo, magkatay kayo ng ilan mula sa inyong bakahan o kawan na ibinigay sa inyo ni Jehova, gaya ng iniutos ko sa inyo, at kumain kayo sa inyong mga lunsod* kahit kailan ninyo* gustuhin. 22 Puwede ninyo itong kainin gaya ng gasela at usa;+ puwede itong kainin ng taong marumi at malinis. 23 Basta maging determinado kayong huwag kainin ang dugo,+ dahil ang dugo ay ang buhay,*+ at huwag ninyong kakainin ang buhay* kasama ng laman. 24 Huwag ninyo itong kakainin. Dapat ninyo itong ibuhos sa lupa na parang tubig.+ 25 Huwag ninyo itong kakainin, para mapabuti kayo at ang mga anak ninyo, dahil ginagawa ninyo ang tama sa paningin ni Jehova. 26 Kapag pumunta kayo sa lugar na pinili ni Jehova, ang dadalhin lang ninyo ay ang inyong mga banal na kaloob at mga panatang handog. 27 Ialay ninyo roon ang inyong mga handog na sinusunog, ang karne at dugo,+ sa ibabaw ng altar ng Diyos ninyong si Jehova, at ang dugo ng mga hain ninyo ay dapat ibuhos sa tabi ng altar+ ng Diyos ninyong si Jehova, pero ang karne ay puwede ninyong kainin.
28 “Sundin ninyong mabuti ang lahat ng ito na iniuutos ko sa inyo para lagi kayong mapabuti, pati ang mga anak ninyo, dahil ginagawa ninyo kung ano ang mabuti at tama sa paningin ng Diyos ninyong si Jehova.
29 “Kapag nilipol na ng Diyos ninyong si Jehova ang mga bansang paaalisin ninyo sa lupain nila+ at nakatira na kayo roon, 30 mag-ingat kayo para hindi ninyo magaya ang ginawa nila matapos silang lipulin sa harap ninyo. Huwag ninyong itatanong tungkol sa mga diyos nila, ‘Paano naglilingkod noon ang mga bansang ito sa mga diyos nila? Gagayahin ko sila.’+ 31 Huwag ninyong gagawin iyon sa Diyos ninyong si Jehova, dahil ginagawa nila para sa mga diyos nila ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na kinapopootan ni Jehova; sinusunog pa nga nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae bilang hain sa mga diyos nila.+ 32 Ang bawat salita na iniuutos ko sa inyo ang dapat ninyong sunding mabuti.+ Huwag ninyo itong daragdagan o babawasan.+
13 “Kung may bumangon sa gitna ninyo na isang propeta o isang humuhula sa pamamagitan ng mga panaginip at magbigay ng isang tanda o hula, 2 at magkatotoo ito at hikayatin niya kayo, ‘Sumunod tayo sa ibang mga diyos,’ mga diyos na hindi ninyo kilala, ‘at maglingkod tayo sa kanila,’ 3 huwag kayong makinig sa propeta o sa isang iyon na nanaginip,+ dahil sinusubok kayo ng Diyos ninyong si Jehova+ para malaman kung iniibig ninyo ang Diyos ninyong si Jehova nang inyong buong puso at kaluluwa.+ 4 Ang Diyos ninyong si Jehova ang dapat ninyong sundan, siya ang dapat ninyong katakutan, ang mga utos niya ang dapat ninyong sundin, ang tinig niya ang dapat ninyong pakinggan; siya ang dapat ninyong paglingkuran, at sa kaniya kayo dapat mangunyapit.+ 5 Pero dapat patayin ang propeta o ang isang iyon na nanaginip,+ dahil hinikayat niya kayong magrebelde sa Diyos ninyong si Jehova—na naglabas sa inyo sa Ehipto at nagpalaya sa inyo sa pagkaalipin*—para ilihis kayo mula sa daan na iniuutos ng Diyos ninyong si Jehova na lakaran ninyo. Dapat ninyong alisin ang kasamaan sa gitna ninyo.+
6 “Kung palihim kang hikayatin ng kapatid mo o ng anak mong lalaki o babae o ng mahal mong asawa o ng pinakamatalik mong kaibigan* at sabihin niya, ‘Halika, at maglingkod tayo sa ibang mga diyos,’+ mga diyos na hindi mo kilala, pati ng mga ninuno mo, 7 mga diyos ng mga bayan sa palibot ninyo, malapit man o malayo sa inyo, mula sa alinmang bahagi ng lupain, 8 huwag kang magpapadala o makikinig sa kaniya;+ huwag kang magpapakita ng awa o mahahabag sa kaniya at huwag mo siyang poprotektahan; 9 sa halip, dapat mo siyang patayin.+ Ikaw dapat ang unang bumato sa kaniya para patayin siya; pagkatapos, babatuhin na rin siya ng buong bayan.+ 10 Dapat mo siyang batuhin hanggang mamatay+ dahil tinangka niyang italikod ka sa iyong Diyos na si Jehova, na naglabas sa iyo sa Ehipto, kung saan ka naging alipin.* 11 At mababalitaan iyon ng buong Israel at matatakot sila, at hinding-hindi na nila muling gagawin ang ganitong kasamaan sa gitna ninyo.+
12 “Kung marinig mo ang balitang ito sa isa sa mga lunsod na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova para tirhan, 13 ‘May walang-kuwentang mga lalaki sa gitna ninyo na nagliligaw sa mga nakatira sa lunsod nila, at sinasabi nila: “Halikayo, at maglingkod tayo sa ibang mga diyos,” mga diyos na hindi ninyo kilala,’ 14 mag-imbestiga kang mabuti at magtanong;+ at kung napatunayan na talagang nangyayari ang kasuklam-suklam na bagay na ito sa gitna ninyo, 15 dapat mong patayin ang mga nakatira sa lunsod na iyon gamit ang espada.+ Wasakin mo at puksain* ang lahat ng naroon gamit ang espada, pati ang mga alagang hayop doon.+ 16 At tipunin mo sa gitna ng liwasan* nito ang lahat ng nasamsam doon at sunugin mo ang lunsod, at ang samsam doon ay magsisilbing isang buong handog para kay Jehova na iyong Diyos. Iyon ay magiging isang bunton ng guho magpakailanman. Hindi na iyon itatayong muli. 17 Huwag kang kukuha ng anumang bagay na dapat wasakin,*+ para maalis ang nag-aapoy na galit ni Jehova at magpakita siya ng awa at habag at bigyan ka niya ng maraming anak, gaya ng ipinangako niya sa mga ninuno mo.+ 18 Dahil dapat mong sundin ang* iyong Diyos na si Jehova sa pamamagitan ng pagtupad sa lahat ng utos niya na ibinibigay ko sa iyo ngayon; sa ganitong paraan, nagagawa mo ang tama sa paningin ng iyong Diyos na si Jehova.+
14 “Kayo ay mga anak ng Diyos ninyong si Jehova. Huwag ninyong hihiwaan ang katawan ninyo+ o aahitin ang kilay* ninyo dahil sa isang taong patay.+ 2 Dahil kayo ay isang banal na bayan+ para sa Diyos ninyong si Jehova, at mula sa lahat ng bayan sa ibabaw ng lupa, pinili kayo ni Jehova para maging bayan niya, ang espesyal* na pag-aari niya.+
3 “Huwag kayong kakain ng anumang bagay na kasuklam-suklam.+ 4 Ito ang mga hayop na puwede ninyong kainin:+ toro, tupa, kambing, 5 usa, gasela, maliit na usa, mailap na kambing, antilope, mailap na tupa, at tupang-bundok. 6 Puwede ninyong kainin ang anumang hayop na may biyak ang paa at may puwang sa pagitan ng biyak at ngumunguya ulit ng nakain na nito. 7 Pero sa mga hayop na ngumunguya ulit ng nakain na nito o may biyak ang paa, huwag ninyong kakainin ang mga ito: kamelyo, kuneho, at kuneho sa batuhan, dahil nginunguya ulit ng mga ito ang nakain na pero walang biyak ang paa ng mga ito. Marumi ang mga ito para sa inyo.+ 8 Pati ang baboy, dahil may biyak ang paa nito pero hindi nginunguya ulit ang nakain na nito. Marumi ito para sa inyo. Huwag ninyong kakainin ang karne nito o hihipuin ito kapag patay na.
9 “Ito ang puwede ninyong kainin sa lahat ng nasa tubig: lahat ng may palikpik at kaliskis.+ 10 Pero huwag ninyong kakainin ang walang palikpik at kaliskis. Marumi ito para sa inyo.
11 “Puwede ninyong kainin ang anumang malinis na ibon. 12 Pero ito ang mga hindi ninyo puwedeng kainin: agila, lawing-dagat, itim na buwitre,+ 13 pulang lawin, itim na lawin, lahat ng uri ng lawing mandaragit, 14 lahat ng uri ng uwak, 15 avestruz,* kuwago, gaviota,* lahat ng uri ng halkon,* 16 maliit na kuwago, kuwagong may mahabang tainga, sisne,* 17 pelikano, buwitre, kormoran, 18 siguana,* lahat ng uri ng tagak,* abubilya, at paniki. 19 Marumi rin para sa inyo ang lahat ng may-pakpak na nilalang na nagkukulumpon.* Hindi dapat kainin ang mga iyon. 20 Puwede ninyong kainin ang lahat ng malilinis na lumilipad na nilalang.
21 “Huwag kayong kakain ng anumang hayop na natagpuang patay.+ Puwede ninyo itong ibigay sa dayuhang naninirahan sa inyong mga lunsod* at makakain niya iyon; puwede rin itong ipagbili sa dayuhan. Dahil kayo ay isang banal na bayan para sa Diyos ninyong si Jehova.
“Huwag ninyong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng ina nito.+
22 “Taon-taon, dapat kayong magbigay ng ikasampu* ng lahat ng ani mula sa binhing itinanim sa inyong bukid.+ 23 Kakainin ninyo ang ikasampung bahagi ng inyong mga butil, bagong alak, at langis, pati ang mga panganay sa inyong bakahan at kawan sa harap ng Diyos ninyong si Jehova sa lugar na pipiliin niya para sa kaluwalhatian ng pangalan niya;+ sa gayon, matututo kayong laging matakot sa Diyos ninyong si Jehova.+
24 “Pero kung masyadong matagal ang inyong paglalakbay dahil malayo sa inyo ang lugar na pinili ng Diyos ninyong si Jehova para sa pangalan niya,+ at hindi na ninyo madadala roon ang mga iyon (dahil pagpapalain kayo ng Diyos ninyong si Jehova), 25 ipagbili ninyo ang mga iyon at baunin ang pera sa pagpunta ninyo sa lugar na pinili ng Diyos ninyong si Jehova. 26 Pagkatapos, puwede ninyong ipambili ang pera ng anumang gusto ninyo—mga baka, tupa, kambing, alak at iba pang inuming de-alkohol, at anumang gusto ninyo; at kakain kayo roon sa harap ng Diyos ninyong si Jehova, at magsasaya kayo kasama ang sambahayan ninyo.+ 27 At huwag ninyong pababayaan ang mga Levita na nasa mga lunsod ninyo+ dahil hindi sila binigyan ng bahagi o mana, hindi gaya ninyo.+
28 “Tuwing matatapos ang ikatlong taon, dalhin ninyo sa loob ng inyong mga lunsod ang ikasampung bahagi ng lahat ng ani ninyo para sa taóng iyon.+ 29 At ang mga Levita, na hindi binigyan ng bahagi o mana di-gaya ninyo, pati ang dayuhang naninirahang kasama ninyo, batang walang ama,* at biyuda sa mga lunsod ninyo ay pupunta para kumain at mabusog;+ at pagpapalain ng Diyos ninyong si Jehova ang lahat ng gagawin ninyo.+
15 “Tuwing matatapos ang pitong taon, dapat kang magpalaya.+ 2 Ganito ang pagpapalaya: Palalayain ng bawat may pautang ang kapuwa niya mula sa utang nito. Hindi niya dapat singilin ang kaniyang kapuwa o kapatid, dahil sa panahong iyon, isang pagpapalaya ang ipahahayag sa harap ni Jehova.+ 3 Puwede mong singilin ang isang dayuhan,+ pero dapat mong palayain ang kapatid mo sa anumang utang niya sa iyo. 4 Gayunman, walang sinuman sa inyo ang maghihirap, dahil tiyak na pagpapalain ka ni Jehova+ sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos bilang mana, 5 pero mangyayari lang iyan kung susundin mong mabuti ang tinig ni Jehova na iyong Diyos at masikap na tutuparin ang lahat ng utos na ito na ibinibigay ko sa iyo ngayon.+ 6 Pagpapalain ka ni Jehova na iyong Diyos gaya ng ipinangako niya sa iyo, at magpapahiram ka* sa maraming bansa, pero hindi mo kakailanganing manghiram;+ at magpupuno ka sa maraming bansa, pero hindi sila magpupuno sa iyo.+
7 “Kung maghirap ang kapatid mo sa isa sa mga lunsod sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, huwag mong patigasin ang puso mo o pagdamutan ang naghirap mong kapatid.+ 8 Dahil dapat kang maging bukas-palad sa kaniya,+ at pahiramin mo siya ng* anumang kailangan niya o kulang sa kaniya. 9 Mag-ingat ka dahil baka pumasok sa puso mo ang kaisipang ito, ‘Malapit na ang ikapitong taon, ang taon ng pagpapalaya,’+ at hindi ka maging bukas-palad sa mahirap mong kapatid at wala kang ibigay sa kaniya. Kapag dumaing siya kay Jehova dahil sa iyo, magiging kasalanan mo ito.+ 10 Dapat kang maging bukas-palad sa kaniya,+ at huwag kang magbibigay nang hindi bukal sa puso; ito ang dahilan kung bakit pagpapalain ni Jehova na iyong Diyos ang lahat ng ginagawa at pagsisikap mo.+ 11 Dahil hindi mawawalan ng mahihirap sa lupain.+ Iyan ang dahilan kung bakit ko iniuutos sa iyo, ‘Dapat kang maging bukas-palad sa nagdurusa at naghihirap mong kapatid sa lupain.’+
12 “Kung ipagbili sa iyo ang isa sa mga kapatid mo, isang lalaki o babaeng Hebreo, at naglingkod na siya sa iyo nang anim na taon, dapat mo siyang palayain sa ikapitong taon.+ 13 At kung palalayain mo na siya, huwag mo siyang paalisin nang walang dala. 14 Dapat kang maging bukas-palad sa pagbibigay sa kaniya ng anuman mula sa iyong kawan, giikan, at pisaan para sa langis at alak. Dapat mo siyang bigyan ayon sa pagpapala sa iyo ni Jehova na iyong Diyos. 15 Alalahanin mong naging alipin ka sa Ehipto at pinalaya ka ni Jehova na iyong Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit ko ito iniuutos sa iyo ngayon.
16 “Pero kung sabihin niya sa iyo, ‘Ayokong umalis!’ dahil mahal ka niya at ang sambahayan mo, at masaya siya sa paglilingkod sa iyo,+ 17 kumuha ka ng pambutas,* dalhin mo siya sa may pinto, at butasan mo ang tainga niya, at habambuhay mo siyang magiging alipin. Ganiyan din ang gawin mo sa alipin mong babae. 18 Kapag pinalaya mo siya at umalis siya, huwag sásamâ ang loob mo, dahil ang paglilingkod niya sa iyo nang anim na taon ay katumbas ng dobleng sahod ng isang upahang trabahador, at pinagpala ka ni Jehova na iyong Diyos sa lahat ng bagay.
19 “Dapat mong ialay* kay Jehova na iyong Diyos ang lahat ng panganay na lalaki sa iyong bakahan at kawan.+ Huwag mong gagamitin sa anumang trabaho ang panganay sa bakahan* mo o gugupitan ang panganay sa kawan mo. 20 Taon-taon, dapat mo itong kainin kasama ang sambahayan mo sa harap ni Jehova na iyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Jehova.+ 21 Pero kung pilay ito, bulag, o may iba pang malalang depekto, huwag mo itong iaalay kay Jehova na iyong Diyos.+ 22 Dapat mo itong kainin sa mga lunsod* ninyo, na para bang gasela ito o usa; makakain ito ng taong marumi at malinis.+ 23 Pero huwag mong kakainin ang dugo nito;+ ibuhos mo iyon sa lupa gaya ng tubig.+
16 “Alalahanin ninyo ang buwan ng Abib* at ipagdiwang ang Paskuwa para sa Diyos ninyong si Jehova,+ dahil inilabas kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa Ehipto isang gabi sa buwan ng Abib.+ 2 At dapat ninyong ialay sa Diyos ninyong si Jehova ang handog para sa Paskuwa,+ mula sa kawan at bakahan,+ sa lugar na pipiliin ni Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya.+ 3 Huwag ninyo itong kakainin na kasama ng anumang may pampaalsa;+ sa loob ng pitong araw, dapat kayong kumain ng tinapay na walang pampaalsa, ang tinapay ng paghihirap, dahil nagmadali kayong lumabas sa Ehipto.+ Gawin ninyo ito para maalaala ninyo habambuhay ang araw na lumabas kayo sa Ehipto.+ 4 Hindi dapat magkaroon ng pinaasim na masa sa buong teritoryo ninyo sa loob ng pitong araw,+ at kung tungkol sa karne na ihahain ninyo sa gabi ng unang araw, dapat na walang matira dito hanggang sa kinaumagahan.+ 5 Hindi ninyo puwedeng ialay ang handog para sa Paskuwa sa kahit aling lunsod lang na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova. 6 Dapat ninyo itong gawin sa lugar na pipiliin ng Diyos ninyong si Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya. Dapat ninyong ialay sa gabi ang handog para sa Paskuwa pagkalubog ng araw,+ sa araw* ng paglabas ninyo sa Ehipto. 7 Lutuin ninyo ito at kainin+ sa lugar na pipiliin ng Diyos ninyong si Jehova,+ at sa kinaumagahan, makakauwi na kayo sa tolda ninyo. 8 Anim na araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa, at sa ikapitong araw ay magkakaroon ng isang banal na pagtitipon para sa Diyos ninyong si Jehova. Huwag kayong gagawa ng anumang trabaho.+
9 “Magbilang kayo ng pitong linggo. Simulan ninyo ang pagbilang ng pitong linggo kapag nagsimula na kayong mag-ani ng* mga butil.+ 10 Pagkatapos, ipagdiwang ninyo ang Kapistahan ng mga Sanlinggo para sa Diyos ninyong si Jehova+ dala ang inyong kusang-loob na handog, na ayon sa pagpapalang ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.+ 11 Magsasaya kayo sa harap ng Diyos ninyong si Jehova, pati ang inyong mga anak na lalaki at babae at aliping lalaki at babae, ang mga Levita na nasa mga lunsod* ninyo, dayuhang naninirahang kasama ninyo, batang walang ama,* at biyuda, na nasa gitna ninyo, sa lugar na pipiliin ng Diyos ninyong si Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya.+ 12 Alalahanin ninyong naging alipin kayo sa Ehipto,+ at tuparin ninyo at isagawa ang mga tuntuning ito.
13 “Ipagdiwang ninyo ang Kapistahan ng mga Kubol*+ nang pitong araw kapag tinitipon na ninyo ang inyong mga ani mula sa giikan at ang langis at alak mula sa inyong pisaan. 14 Magsaya kayo sa panahon ng kapistahan,+ pati ang inyong anak na lalaki at babae at aliping lalaki at babae, ang mga Levita, dayuhang naninirahang kasama ninyo, batang walang ama, at biyuda, na nasa mga lunsod ninyo. 15 Pitong araw ninyong ipagdiriwang ang kapistahan+ para sa Diyos ninyong si Jehova sa lugar na pipiliin ni Jehova, dahil pagpapalain ng Diyos ninyong si Jehova ang lahat ng aanihin ninyo at lahat ng ginagawa ninyo,+ at tiyak na magsasaya kayo.+
16 “Ang lahat ng lalaki sa inyo ay dapat humarap sa Diyos ninyong si Jehova sa lugar na pipiliin niya, tatlong beses sa isang taon: sa Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa,+ Kapistahan ng mga Sanlinggo,+ at Kapistahan ng mga Kubol,*+ at hindi sila puwedeng humarap kay Jehova nang walang dala. 17 Ang kaloob na dadalhin ng bawat isa ay dapat na katumbas ng pagpapalang ibinigay sa kaniya ng Diyos ninyong si Jehova.+
18 “Mag-atas kayo ng mga hukom+ at opisyal para sa bawat tribo sa lahat ng lunsod* na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, at dapat na maging matuwid sila sa paghatol sa bayan. 19 Huwag ninyong babaluktutin ang hustisya,+ at huwag kayong magtatangi+ o tatanggap ng suhol, dahil binubulag ng suhol ang mata ng marurunong+ at pinipilipit ang salita ng matuwid. 20 Katarungan—dapat ninyong itaguyod ang katarungan+ para manatili kayong buháy at makuha ninyo ang lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.
21 “Huwag kayong magtatanim ng anumang uri ng puno bilang sagradong poste*+ malapit sa altar na ginawa ninyo para sa Diyos ninyong si Jehova.
22 “Huwag din kayong magtatayo ng sagradong haligi para sa inyong sarili,+ isang bagay na kinapopootan ng Diyos ninyong si Jehova.
17 “Huwag kayong mag-aalay sa Diyos ninyong si Jehova ng isang toro* o tupa na may depekto o anumang kapintasan, dahil kasuklam-suklam iyon sa Diyos ninyong si Jehova.+
2 “Baka may isang lalaki o babae sa gitna ninyo, sa isa sa mga lunsod na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, na gumagawa ng masama sa paningin ng Diyos ninyong si Jehova at lumalabag sa tipan,+ 3 at lumihis siya at sumamba at yumukod sa ibang mga diyos o sa araw, buwan, o buong hukbo ng langit,+ isang bagay na hindi ko iniutos.+ 4 Kung may magsabi nito sa iyo o mabalitaan mo ito, dapat mo itong imbestigahang mabuti. Kung mapatunayang+ nangyari nga sa Israel ang kasuklam-suklam na bagay na ito, 5 dalhin mo sa pintuang-daan ng lunsod ang lalaki o babaeng iyon na gumawa ng masama, at dapat batuhin ang lalaki o babae hanggang sa mamatay.+ 6 Sa patotoo* ng dalawa o tatlong testigo,+ dapat patayin ang taong iyon. Pero kung isa lang ang testigo, hindi siya papatayin.+ 7 Ang mga testigo ang unang babato para patayin siya; pagkatapos, babatuhin na rin siya ng buong bayan. Dapat ninyong alisin ang kasamaan sa gitna ninyo.+
8 “Kung may bumangong usapin sa isa sa mga lunsod ninyo at mahirap itong hatulan, pagpatay man ito,+ usapin sa batas, karahasan, o iba pang bagay na pinagtatalunan, pumunta kayo sa lugar na pipiliin ng Diyos ninyong si Jehova.+ 9 Pumunta kayo sa mga saserdoteng Levita at sa hukom+ sa panahong iyon, at sumangguni kayo, at sasabihin nila sa inyo ang desisyon.+ 10 Pagkatapos, gawin ninyo ang ayon sa desisyong sinabi nila sa lugar na pipiliin ni Jehova. Maingat ninyong gawin ang lahat ng sasabihin nila sa inyo. 11 Gawin ninyo ang ayon sa kautusan na ipapakita nila sa inyo at ayon sa desisyong sasabihin nila sa inyo.+ Huwag kayong lilihis sa desisyong sasabihin nila sa inyo, sa kanan man o sa kaliwa.+ 12 Dapat mamatay ang taong magiging pangahas at hindi makikinig sa hukom o sa saserdoteng naglilingkod sa Diyos ninyong si Jehova.+ Dapat ninyong alisin ang kasamaan sa Israel.+ 13 At mababalitaan iyon ng buong bayan at matatakot, at hindi na sila magiging pangahas.+
14 “Kapag pumasok na kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova at nakuha na ninyo ito at nakatira na rito at sinabi ninyo, ‘Mag-atas tayo ng hari na mamamahala sa atin gaya ng lahat ng bansa sa palibot natin,’+ 15 tiyakin ninyo na ang aatasan ninyong hari ay ang pinili ng Diyos ninyong si Jehova.+ Mag-atas kayo ng hari mula sa mga kapatid ninyo. Hindi ninyo puwedeng atasan bilang hari ang isang dayuhan na hindi ninyo kapatid. 16 Pero hindi siya dapat magparami ng kaniyang kabayo+ at hindi niya dapat pabalikin ang bayan sa Ehipto para kumuha ng mga kabayo,+ dahil sinabi sa inyo ni Jehova, ‘Huwag na huwag kayong babalik sa Ehipto.’ 17 Huwag din siyang kukuha ng maraming asawa para hindi malihis ang puso niya;+ huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto para sa sarili niya.+ 18 Kapag umupo na siya sa trono ng kaharian niya, gagawa siya ng sariling kopya* ng Kautusang ito, na iniingatan ng mga saserdoteng Levita.+
19 “Mananatili iyon sa kaniya, at babasahin niya iyon sa bawat araw ng buhay niya,+ para matuto siyang matakot sa Diyos niyang si Jehova at masunod niya ang lahat ng salita sa Kautusang ito at ang mga tuntuning ito sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga iyon.+ 20 Sa gayon, ang puso niya ay hindi magmamataas sa mga kapatid niya, at hindi siya lilihis sa utos, sa kanan man o sa kaliwa, para mamahala siya nang mahabang panahon sa kaharian niya, siya at ang mga anak niya sa gitna ng Israel.
18 “Ang mga saserdoteng Levita, sa katunayan ang buong tribo ni Levi, ay hindi bibigyan ng bahagi o mana sa Israel. Kakainin nila ang mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, na kaniyang mana.+ 2 Kaya hindi sila dapat magkaroon ng mana sa gitna ng mga kapatid nila. Si Jehova ang mana nila, gaya ng sinabi niya sa kanila.
3 “Ito ang parte na dapat ibigay ng bayan sa mga saserdote: Kung may maghahandog ng toro* o tupa, dapat niyang ibigay sa saserdote ang paypay,* mga panga, at tiyan. 4 Dapat ninyong ibigay sa kaniya ang unang bunga ng inyong mga butil, bagong alak, at langis at ang unang ginupit na balahibo mula sa inyong kawan.+ 5 Siya at ang mga anak niya ang pinili ng Diyos ninyong si Jehova mula sa lahat ng tribo ninyo para laging maglingkod sa ngalan ni Jehova.+
6 “Pero kung umalis ang isang Levita sa tinitirhan niyang lunsod sa Israel+ at gusto niyang lumipat sa lugar na pinili ni Jehova,*+ 7 puwede siyang maglingkod doon sa ngalan ni Jehova na kaniyang Diyos, gaya ng lahat ng kapatid niyang mga Levita, na naglilingkod doon sa harap ni Jehova.+ 8 Tatanggap siya ng pagkain na kasindami ng parte nila,+ bukod pa sa perang pinagbentahan ng pag-aari niyang galing sa mga ninuno niya.
9 “Kapag nakapasok na kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, huwag ninyong gagayahin ang kasuklam-suklam na mga gawain ng mga bansa roon.+ 10 Hindi dapat magkaroon sa gitna ninyo ng sinumang nagsusunog ng anak niyang lalaki o babae bilang handog,*+ manghuhula,+ mahiko,+ naghahanap ng tanda,+ mangkukulam,*+ 11 nanggagayuma, kumokonsulta sa espiritista+ o manghuhula,+ o nakikipag-usap sa patay.+ 12 Dahil kasuklam-suklam kay Jehova ang lahat ng gumagawa ng mga ito, at itinataboy sila ng Diyos ninyong si Jehova mula sa harap ninyo dahil sa kasuklam-suklam na mga gawaing ito. 13 Dapat na wala kayong kapintasan sa harap ng Diyos ninyong si Jehova.+
14 “Ang mga bansang iyon na itataboy ninyo ay nakikinig sa mga mahiko+ at manghuhula,+ pero hindi kayo pinapahintulutan ng Diyos ninyong si Jehova na gawin ang anumang gaya nito. 15 Ang Diyos ninyong si Jehova ay pipili mula sa mga kapatid ninyo ng isang propeta na gaya ko. Makinig kayo sa kaniya.+ 16 Ito ang sagot ng Diyos ninyong si Jehova sa hiniling ninyo sa kaniya nang araw na tipunin ang bayan* sa Horeb,+ ‘Huwag mo nang iparinig sa amin ang tinig ng Diyos naming si Jehova o ipakita ang naglalagablab na apoy na ito para hindi kami mamatay.’+ 17 At sinabi ni Jehova sa akin, ‘Maganda ang sinabi nila. 18 Pipili ako mula sa mga kapatid nila ng isang propetang gaya mo,+ at ituturo ko sa kaniya ang sasabihin niya,+ at ipaaalam niya sa kanila ang lahat ng iuutos ko.+ 19 Mananagot sa akin ang taong hindi makikinig sa aking salita na iniutos kong sabihin niya sa ngalan ko.+
20 “‘Kung may propetang mangahas na maghayag sa ngalan ko ng mensaheng hindi ko iniutos na sabihin niya o magsalita sa ngalan ng ibang mga diyos, dapat patayin ang propetang iyon.+ 21 Pero baka maisip ninyo: “Paano namin malalaman na hindi galing kay Jehova ang mensahe?” 22 Kapag may inihayag na mensahe ang propeta sa ngalan ni Jehova at hindi nangyari o nagkatotoo ang sinabi niya, hindi ito galing kay Jehova. Nagsalita nang may kapangahasan ang propeta. Huwag kayong matakot sa kaniya.’
19 “Kapag winasak na ng Diyos ninyong si Jehova ang mga bansa na nasa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova at naitaboy na ninyo sila at nakatira na kayo sa mga lunsod at bahay nila,+ 2 dapat kayong magbukod ng tatlong lunsod sa gitna ng inyong lupain na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.+ 3 Hatiin ninyo sa tatlong bahagi ang teritoryo ng inyong lupain na ibinigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, at ihanda ninyo ang mga daan para makatakbo sa isa sa mga lunsod na iyon ang sinumang nakapatay.
4 “Ito ang tuntunin para sa sinumang nakapatay na puwedeng tumakbo roon para mabuhay: Kapag di-sinasadyang napatay ng isang tao ang kapuwa niya at wala naman siyang galit dito;+ 5 halimbawa, kung manguha siya ng kahoy sa gubat kasama ang kapuwa niya at nang puputulin na sana niya ang puno gamit ang palakol, biglang natanggal ang ulo ng palakol at tumama sa kapuwa niya at namatay ito; dapat tumakbo ang nakapatay sa isa sa mga lunsod na ito para mabuhay.+ 6 Kung hindi, baka sa sobrang galit ng tagapaghiganti ng dugo,+ habulin nito ang nakapatay, maabutan siya, at mapatay, dahil napakalayo niya sa lunsod. Pero hindi siya dapat mamatay, dahil wala naman siyang galit sa kapuwa niya.+ 7 Kaya naman iniuutos ko sa inyo: ‘Magbukod kayo ng tatlong lunsod.’
8 “Kapag pinalawak na ng Diyos ninyong si Jehova ang teritoryo ninyo gaya ng ipinangako niya sa mga ninuno ninyo+ at ibinigay na niya sa inyo ang buong lupain na ipinangako niya sa mga ninuno ninyo+ 9 —dahil sinusunod ninyong mabuti ang lahat ng utos na ito na ibinibigay ko sa inyo ngayon, na ibigin ang Diyos ninyong si Jehova at laging lumakad sa mga daan niya+—magdagdag kayo ng tatlo pang lunsod.+ 10 Sa gayon, walang inosenteng tao ang mapapatay*+ sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova bilang mana, at hindi kayo magkakasala sa dugo.+
11 “Pero kung may galit ang isang tao sa kapuwa niya,+ at tinambangan niya ito at sinaktan, at namatay ito, at tumakbo siya sa isa sa mga lunsod na ito, 12 ipapatawag siya mula roon ng matatandang lalaki sa lunsod niya at ibibigay sa kamay ng tagapaghiganti ng dugo, at dapat siyang mamatay.+ 13 Hindi kayo dapat maawa* sa kaniya, at dapat ninyong alisin sa Israel ang pagkakasala dahil sa pagpatay sa* isang inosenteng tao,+ para mapabuti kayo.
14 “Kapag nakuha na ninyo ang mana ninyo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, huwag ninyong iuusod ang muhon* ng kapuwa ninyo+ mula sa puwesto nito na itinakda ng inyong mga ninuno.
15 “Hindi mahahatulang nagkasala ang isang tao kung iisa lang ang testigo na nagsasabing nagkamali siya o nagkasala.+ Kailangan ang patotoo* ng dalawa o tatlong testigo para mapagtibay ito.+ 16 Kung paratangan ng isang sinungaling na testigo ang kapuwa niya,+ 17 silang dalawa ay tatayo sa harap ni Jehova, sa harap ng mga saserdote at hukom sa panahong iyon.+ 18 Mag-iimbestigang mabuti ang mga hukom,+ at kung nagsinungaling ang testigo at nagparatang ng di-totoong akusasyon sa kapatid niya, 19 gawin ninyo sa kaniya ang binalak niyang mangyari sa kapatid niya,+ at alisin ninyo ang kasamaan sa gitna ninyo.+ 20 Mababalitaan iyon ng iba at matatakot, at hinding-hindi na nila muling gagawin ang ganitong kasamaan sa gitna ninyo.+ 21 Hindi kayo dapat maawa:*+ Buhay* para sa buhay,* mata para sa mata, ngipin para sa ngipin, kamay para sa kamay, paa para sa paa.+
20 “Kung makikipagdigma kayo sa mga kaaway ninyo at makita ninyong mas marami silang kabayo, karwahe, at sundalo, huwag kayong matakot sa kanila, dahil sumasainyo ang Diyos ninyong si Jehova na naglabas sa inyo sa Ehipto.+ 2 Bago kayo makipagdigma, dapat kausapin ng saserdote ang bayan.+ 3 Sasabihin niya, ‘Makinig kayo, O Israel, malapit na kayong makipagdigma sa mga kaaway ninyo. Huwag kayong panghinaan ng loob. Huwag kayong matakot o masindak o mangatog dahil sa kanila, 4 dahil nagmamartsang kasama ninyo ang Diyos ninyong si Jehova para makipaglaban sa inyong mga kaaway at para iligtas kayo.’+
5 “Dapat ding sabihin sa bayan ng mga opisyal, ‘Sino ang nagtayo ng bagong bahay at hindi pa ito natitirhan?* Pauwiin ninyo siya. Dahil baka mamatay siya sa labanan at ibang tao ang tumira dito. 6 At sino ang nagtanim ng mga ubas at hindi pa umaani? Pauwiin ninyo siya. Dahil baka mamatay siya sa labanan at ibang tao ang umani nito. 7 At sino ang nakipagtipan sa isang babae at hindi pa ikinakasal? Pauwiin ninyo siya.+ Dahil baka mamatay siya sa labanan at ibang lalaki ang ikasal dito.’ 8 Dapat ding tanungin ng mga opisyal ang bayan, ‘Sino ang matatakutin at mahina ang loob?+ Dapat na siyang umuwi para hindi rin maduwag ang* mga kapatid niya.’+ 9 Pagkatapos kausapin ng mga opisyal ang bayan, dapat silang mag-atas ng mga pinuno ng mga hukbo para manguna sa bayan.
10 “Bago kayo makipagdigma sa isang lunsod, iharap muna ninyo sa kanila ang kasunduan para sa kapayapaan.+ 11 Kung tanggapin nila ang kasunduan at buksan ang kanilang mga pintuang-daan, ang lahat ng mamamayan doon ay magiging inyo para sa puwersahang pagtatrabaho, at maglilingkod sila sa inyo.+ 12 Pero kung ayaw nilang makipagpayapaan at makipagdigma sila sa inyo, palibutan ninyo ang lunsod, 13 at ibibigay ito sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, at dapat ninyong patayin ang lahat ng lalaki roon gamit ang espada. 14 Pero puwede ninyong kunin ang mga babae, bata, mga hayop, at lahat ng nasa lunsod, ang lahat ng samsam,+ at mapapakinabangan ninyo ang nasamsam ninyo sa inyong mga kaaway, na ibinigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.+
15 “Ganiyan ang gagawin ninyo sa lahat ng lunsod na napakalayo sa inyo at hindi kasama sa mga lunsod ng mga bansang malapit sa inyo. 16 Pero sa mga lunsod ng mga bayang ito, na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova bilang mana, wala kayong ititirang buháy.+ 17 Dapat ninyo silang puksain, ang mga Hiteo, Amorita, Canaanita, Perizita, Hivita, at Jebusita,+ gaya ng iniutos sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova; 18 para hindi nila maituro sa inyo ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginagawa nila para sa kanilang mga diyos, at dahil doon ay magkasala kayo sa Diyos ninyong si Jehova.+
19 “Kapag pinalibutan ninyo ang isang lunsod para sakupin ito at maraming araw na kayong nakikipaglaban, huwag ninyong puputulin ang mga puno nito gamit ang palakol. Puwede kayong kumain ng bunga ng mga ito, pero huwag ninyong puputulin ang mga ito.+ Kailangan ba ninyong salakayin ang mga puno sa parang gaya ng ginagawa ninyo sa mga tao? 20 Ang puwede lang ninyong putulin ay ang punong alam ninyong hindi makakain ang bunga. Puwede ninyong putulin iyon at gamitin para palibutan ang lunsod na nakikipagdigma sa inyo, hanggang sa bumagsak ito.
21 “Kung may matagpuang patay sa parang sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova at hindi alam kung sino ang pumatay rito, 2 dapat itong puntahan ng inyong matatandang lalaki at hukom+ at sukatin ang layo ng bangkay mula sa nakapalibot na mga lunsod. 3 At ang matatandang lalaki sa lunsod na pinakamalapit sa bangkay ay kukuha sa bakahan ng isang batang baka na hindi pa nagagamit sa trabaho, hindi pa nakahahatak ng pamatok, 4 at dadalhin ng matatandang lalaki sa lunsod na iyon ang batang baka sa isang lambak* na dinadaluyan ng tubig pero hindi pa nabubungkal o nahahasikan ng binhi, at dapat nilang baliin ang leeg ng batang baka doon sa lambak.+
5 “At pupunta ang mga saserdoteng Levita, dahil sila ang pinili ng Diyos ninyong si Jehova para maglingkod sa kaniya,+ para maghayag ng mga pagpapala sa ngalan ni Jehova.+ Sila ang magsasabi kung paano reresolbahin ang anumang kaso ng karahasan.+ 6 At ang lahat ng matatandang lalaki sa lunsod na pinakamalapit sa bangkay ay dapat maghugas ng mga kamay nila+ sa ibabaw ng batang baka na binali ang leeg sa lambak, 7 at sasabihin nila, ‘Hindi kami ang pumatay sa taong ito; hindi rin namin nakita nang mangyari ito. 8 Huwag mo itong singilin sa iyong bayang Israel, na tinubos mo,+ O Jehova, at huwag mong hayaang manatili sa iyong bayang Israel ang pagkakasala dahil sa pagkamatay ng inosenteng tao.’+ At hindi sisingilin sa kanila ang pagkakasala sa dugo. 9 Kapag ginawa ninyo ito, maaalis sa gitna ninyo ang pagkakasala dahil sa pagkamatay ng inosenteng tao, dahil ginawa ninyo ang tama sa paningin ni Jehova.
10 “Kapag nakipagdigma ka sa inyong mga kaaway at tinalo sila ng Diyos ninyong si Jehova at binihag ninyo sila,+ 11 at may nakita ka sa mga bihag na isang magandang babae at naakit ka sa kaniya at gusto mo siyang kunin bilang asawa, 12 puwede mo siyang isama sa iyong bahay. Aahitan ng babae ang ulo niya, gugupitan ang kuko niya, 13 at aalisin ang damit ng pagkabihag niya, at titira siya sa iyong bahay. Magdadalamhati siya nang isang buong buwan para sa kaniyang ama at ina,+ at pagkatapos, puwede mo na siyang sipingan; magiging mag-asawa na kayo. 14 Pero kung hindi ka malugod sa kaniya, hayaan mo siyang pumunta+ kahit saan niya gustuhin. Hindi mo siya puwedeng ipagbili o pagmalupitan, dahil hinamak mo na siya.
15 “Kung ang isang lalaki ay may dalawang asawa at mas mahal niya ang isa* at pareho siyang nagkaanak ng lalaki sa mga ito, pero ang panganay ay anak ng asawang hindi niya mahal,+ 16 sa araw na ibibigay niya ang mana sa mga anak niyang lalaki, hindi niya puwedeng ituring na panganay ang anak niya sa mahal niyang asawa samantalang ang totoong panganay ay ang anak ng asawang hindi niya mahal. 17 Dapat niyang kilalanin bilang panganay ang anak na lalaki ng asawang hindi niya mahal at ibigay rito ang dalawang bahagi ng lahat ng taglay niya, dahil ito ang pasimula ng kakayahan niyang magkaanak. Ito ang may karapatan sa pagkapanganay.+
18 “Kung ang isang lalaki ay may anak na matigas ang ulo, rebelde, at hindi sumusunod sa kaniyang ama o ina,+ at sinikap na nilang ituwid siya pero ayaw niyang makinig,+ 19 dadalhin siya ng kaniyang ama at ina sa matatandang lalaki na nasa pintuang-daan ng lunsod, 20 at sasabihin nila sa matatandang lalaki, ‘Ang anak naming ito ay matigas ang ulo at rebelde, at ayaw niyang sumunod sa amin. Napakatakaw niya+ at lasenggo.’+ 21 Kaya babatuhin siya ng lahat ng lalaki sa lunsod hanggang sa mamatay siya. Ganiyan ninyo aalisin ang kasamaan sa gitna ninyo, at mababalitaan iyan ng buong Israel at matatakot.+
22 “Kung ang isang lalaki ay makagawa ng kasalanang nararapat sa kamatayan+ at patayin siya at ibitin sa tulos,+ 23 ang katawan niya ay hindi dapat manatili nang magdamag sa tulos.+ Siguraduhin ninyong mailibing siya sa araw na iyon, dahil ang taong ibinitin ay isinumpa ng Diyos,+ at hindi ninyo dapat parumihin ang lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova bilang mana.+
22 “Kapag nakita mong nagpapalaboy-laboy ang toro o tupa ng kapatid mo, huwag mo itong ipagwalang-bahala.+ Dapat mo itong dalhin sa kapatid mo. 2 Pero kung malayo ang bahay ng kapatid mo o hindi mo kilala ang may-ari, iuwi mo muna ang hayop sa bahay mo, at mananatili ito roon hanggang sa hanapin ito ng may-ari. At dapat mo itong ibalik sa kaniya.+ 3 Iyan ang gagawin mo sa kaniyang asno, balabal, at anumang bagay na naiwala ng kapatid mo pero nakita mo. Huwag mo itong ipagwalang-bahala.
4 “Kapag nakita mong nabuwal sa daan ang asno o toro ng kapatid mo, huwag mong sadyaing iwasan ito. Dapat mo siyang tulungang itayo ang hayop.+
5 “Ang babae ay hindi dapat magsuot ng damit ng lalaki; ang lalaki ay hindi dapat magsuot ng damit ng babae. Dahil ang gumagawa nito ay kasuklam-suklam sa Diyos ninyong si Jehova.
6 “Kung may makita ka sa daan na isang pugad ng ibon na may mga inakáy o itlog, nasa puno man o lupa, at nililimliman ng inahin ang mga inakáy o itlog, huwag mong kukunin ang mga inakáy na kasama ang inahin.+ 7 Pakakawalan mo ang inahin, pero puwede mong kunin ang mga inakáy. Gawin mo ito para mapabuti ka at humaba ang buhay mo.
8 “Kung magtatayo ka ng bahay, dapat mong lagyan ng halang* ang bubong,+ para walang mahulog mula rito at hindi magkasala sa dugo ang pamilya mo.
9 “Huwag mong tatamnan ang ubasan mo ng dalawang uri ng binhi.+ Kung gagawin mo ito, lahat ng bunga ng itinanim mong binhi pati ng ubasan mo ay mapupunta sa santuwaryo.
10 “Huwag kang mag-aararo na toro at asno ang magkasama.+
11 “Huwag kang magsusuot ng damit na ang tela ay yari sa pinagsamang lana at lino.+
12 “Dapat kang maglagay ng mga palawit* sa apat na dulo ng isinusuot mong balabal.+
13 “Kung mag-asawa ang isang lalaki at sipingan niya ang asawa niya, pero kinapootan* niya ito 14 at pinaratangang may ginawa itong kahiya-hiya at dinungisan ang pangalan nito at sinabi: ‘Kinuha ko ang babaeng ito, pero nang sipingan ko siya, nalaman kong hindi na siya birhen,’* 15 ang ama at ina ng babae ay dapat maglabas ng katibayan na birhen ang anak nila at iharap ito sa matatandang lalaki sa pintuang-daan ng lunsod. 16 Sasabihin ng ama ng babae sa matatandang lalaki, ‘Ibinigay ko ang anak ko sa lalaking ito bilang asawa, pero kinapootan* niya ito 17 at pinaratangang may ginawa itong kahiya-hiya at sinabi: “Nalaman kong hindi na birhen ang anak ninyo.” Ito ngayon ang katibayan na birhen ang anak ko.’ At ilaladlad nila ang balabal sa harap ng matatandang lalaki ng lunsod. 18 Ang lalaki ay paparusahan*+ ng matatandang lalaki ng lunsod.+ 19 Pagmumultahin nila siya ng 100 siklong* pilak at ibibigay ito sa ama ng babae, dahil dinungisan niya ang pangalan ng isang dalaga sa Israel,+ at mananatili ito bilang asawa niya. Hindi siya papahintulutang diborsiyuhin ito habambuhay.
20 “Pero kung totoo ang paratang at walang katibayan na birhen ang babae, 21 dapat nilang dalhin ang babae sa pasukan ng bahay ng ama niya, at babatuhin siya ng mga lalaki sa lunsod hanggang sa mamatay siya, dahil may ginawa siyang kahiya-hiya+ sa Israel—seksuwal na imoralidad* sa bahay ng ama niya.+ Ganiyan ninyo aalisin ang kasamaan sa gitna ninyo.+
22 “Kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang babaeng may asawa, magkasama silang papatayin, ang lalaking sumiping sa babae at ang babae.+ Ganiyan ninyo aalisin ang kasamaan sa Israel.
23 “Kung may katipan na ang isang dalaga, at may ibang lalaki sa lunsod na nakakita sa kaniya at sinipingan siya nito, 24 dapat ninyo silang dalhin sa pintuang-daan ng lunsod na iyon at batuhin hanggang sa mamatay, ang babae dahil hindi siya sumigaw sa lunsod, at ang lalaki dahil hinamak niya ang asawa ng kapuwa niya.+ Ganiyan ninyo aalisin ang kasamaan sa gitna ninyo.
25 “Pero kung sa parang* nakita ng isang lalaki ang babaeng may katipan at puwersahang sinipingan ang babae, ang papatayin lang ay ang lalaking sumiping sa babae; 26 hindi paparusahan ang babae. Wala siyang ginawang kasalanan na nararapat sa kamatayan. Ang sitwasyon niya ay katulad ng taong sinaktan at pinatay ng kapuwa nito.+ 27 Dahil sa parang siya nakita ng lalaki at ang babaeng may katipan ay sumigaw, pero walang sinuman ang naroon para tumulong.
28 “Kung makita ng isang lalaki ang isang dalaga na wala pang katipan at sinunggaban niya ito at sinipingan ito at natuklasan ang ginawa nila,+ 29 ang lalaking sumiping sa babae ay dapat magbigay sa ama nito ng 50 siklong pilak, at magiging asawa niya ang babae.+ Dahil hinamak niya ito, hindi siya papahintulutang diborsiyuhin ito habambuhay.
30 “Hindi dapat kunin ng isang lalaki ang asawa ng ama niya para hindi niya malapastangan ang* ama niya.+
23 “Hindi puwedeng makapasok sa kongregasyon ni Jehova ang lalaking kinapon na dinurog ang mga bayag o pinutol ang sangkap na panlalaki.+
2 “Hindi puwedeng makapasok sa kongregasyon ni Jehova ang anak sa labas.+ Maging ang mga inapo niya hanggang sa ika-10 henerasyon ay hindi puwedeng makapasok sa kongregasyon ni Jehova.
3 “Hindi puwedeng makapasok sa kongregasyon ni Jehova ang isang Ammonita o Moabita.+ Maging ang mga inapo nila hanggang sa ika-10 henerasyon ay hindi puwedeng makapasok sa kongregasyon ni Jehova kahit kailan, 4 dahil hindi nila kayo binigyan ng tinapay at tubig noong lumabas kayo sa Ehipto,+ at dahil binayaran nila si Balaam na anak ni Beor mula sa Petor ng Mesopotamia para sumpain kayo.+ 5 Pero hindi nakinig kay Balaam ang Diyos ninyong si Jehova.+ Sa halip, ang sumpa ay ginawang pagpapala ng Diyos ninyong si Jehova+ dahil mahal kayo ng Diyos ninyong si Jehova.+ 6 Kahit kailan, huwag ninyo silang tutulungang magkaroon ng payapa at saganang buhay.+
7 “Huwag kayong mapopoot sa isang Edomita, dahil kapatid ninyo siya.+
“Huwag kayong mapopoot sa isang Ehipsiyo, dahil nanirahan kayo bilang dayuhan sa lupain nila.+ 8 Ang ikatlong henerasyon ng mga anak nila ay puwedeng makapasok sa kongregasyon ni Jehova.
9 “Kapag nagkampo kayo para labanan ang inyong mga kaaway, dapat kayong umiwas sa anumang bagay na masama.*+ 10 Kung maging marumi ang isang lalaki dahil nilabasan siya ng semilya sa gabi,+ dapat siyang lumabas ng kampo at huwag munang pumasok muli. 11 Kapag malapit nang gumabi, dapat siyang maligo; pagkatapos, puwede na siyang bumalik sa kampo paglubog ng araw.+ 12 Dapat na mayroon kayong isang pribadong lugar* sa labas ng kampo, at doon kayo pupunta para dumumi. 13 Dapat na mayroon kayong panghukay bukod sa inyong mga sandata. Kung dudumi kayo sa labas, humukay kayo gamit iyon at saka tabunan ang inyong dumi. 14 Dahil ang Diyos ninyong si Jehova ay lumalakad sa loob ng inyong kampo+ para iligtas kayo at ibigay sa inyo ang mga kaaway ninyo; kaya dapat maging banal ang inyong kampo+ para hindi siya makakita ng anumang marumi sa inyo at hindi niya kayo iwan.
15 “Huwag mong ibabalik ang isang alipin sa panginoon niya kung tumakas siya rito at pumunta sa iyo. 16 Puwede siyang tumira sa gitna ninyo, saanman niya piliin sa mga lunsod ninyo. Huwag mo siyang mamaltratuhin.+
17 “Hindi puwedeng maging babaeng bayaran sa templo ang mga babaeng Israelita;+ hindi rin puwedeng maging lalaking bayaran sa templo ang mga lalaking Israelita.+ 18 Huwag mong dalhin sa bahay ng Diyos ninyong si Jehova ang bayad sa* isang babaeng bayaran o ang bayad sa lalaking bayaran* para tuparin ang isang panata, dahil kasuklam-suklam ang mga iyon sa Diyos ninyong si Jehova.
19 “Huwag mong sisingilin ng interes ang kapatid mo,+ interes man sa pera, pagkain, o sa anumang bagay na puwedeng patubuan. 20 Puwede mong singilin ng interes ang isang dayuhan,+ pero huwag mong sisingilin ng interes ang kapatid mo,+ para pagpalain ka ni Jehova na iyong Diyos sa lahat ng pagsisikap mo sa lupain na magiging pag-aari mo.+
21 “Kung mananata ka kay Jehova na iyong Diyos,+ huwag kang maging mabagal* sa pagtupad nito.+ Dahil sisingilin iyon sa iyo ni Jehova na iyong Diyos; kung hindi mo iyon tutuparin, magiging kasalanan mo iyon.+ 22 Pero kung hindi ka mananata, wala kang magiging kasalanan.+ 23 Dapat mong isagawa ang lumabas sa bibig mo,+ at dapat mong tuparin ang ipinanata mo bilang kusang-loob na handog kay Jehova na iyong Diyos.+
24 “Kung pupunta ka sa ubasan ng kapuwa mo, puwede kang kumain ng ubas hanggang sa masiyahan ka,* pero huwag ka nang maglagay sa sisidlan mo.+
25 “Kung pupunta ka sa bukid ng kapuwa mo na may tanim na mga butil, puwede kang kumuha ng hinog na mga uhay gamit ang kamay mo, pero huwag kang gagamit ng karit para kumuha nito.+
24 “Kung mag-asawa ang isang lalaki pero ayawan niya ang babae dahil may nakita siyang napakasamang bagay rito, dapat siyang gumawa ng kasulatan ng diborsiyo,+ ibigay ito sa babae, at paalisin ang babae sa bahay niya.+ 2 Kapag umalis na ito sa bahay niya, puwede na itong maging asawa ng ibang lalaki.+ 3 Kung mapoot sa babae ang* pangalawang asawa nito at gumawa ang lalaki ng kasulatan ng diborsiyo, ibinigay ito sa babae, at pinaalis ang babae sa bahay niya, o kung sakaling mamatay ang pangalawang asawa, 4 ang babae ay hindi puwedeng kunin ulit ng unang asawa na nagpaalis dito dahil nadungisan na ito; kasuklam-suklam iyon kay Jehova. Huwag kang magdala ng kasalanan sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos bilang mana.
5 “Kung bagong kasal ang isang lalaki, hindi siya dapat maglingkod sa hukbo o bigyan ng iba pang atas. Hindi siya bibigyan ng atas sa loob ng isang taon, at dapat siyang manatili sa bahay at pasayahin ang asawa niya.+
6 “Walang sinuman ang kukuha sa isang gilingan* o sa pang-ibabaw na bato ng gilingan bilang prenda,*+ dahil parang kinukuha mo na rin bilang prenda ang ikinabubuhay* ng isa.
7 “Kung ang isang tao ay napatunayang nandukot ng isa* sa mga kapatid niyang Israelita at inapi niya ito at ipinagbili,+ ang nandukot ay dapat mamatay.+ Dapat ninyong alisin ang kasamaan sa gitna ninyo.+
8 “Kapag nagkaroon ng salot na ketong,* tiyakin ninyong gagawin ninyo ang lahat ng sasabihin sa inyo ng mga saserdoteng Levita.+ Gawin ninyo ang mismong iniutos ko sa kanila. 9 Alalahanin ninyo ang ginawa kay Miriam ng Diyos ninyong si Jehova noong lumabas kayo sa Ehipto.+
10 “Kung may ipinautang kang anuman sa iyong kapuwa,+ huwag kang papasok sa bahay niya para kunin ang ibinibigay niyang prenda. 11 Dapat kang maghintay sa labas, at dadalhin ng taong may utang sa iyo ang prenda. 12 At kung gipit ang taong iyon, huwag kang matutulog kung nasa iyo pa ang prenda niya.+ 13 Dapat mong ibalik sa kaniya ang prenda niya sa paglubog ng araw, para maisuot niya sa pagtulog ang damit niya,+ at hihilingin niya sa Diyos na pagpalain ka; at ituturing ito ni Jehova na iyong Diyos na isang matuwid na gawa.
14 “Huwag mong dadayain ang isang gipit at mahirap na upahang trabahador sa lunsod* ninyo, siya man ay kapatid mo o dayuhang naninirahan sa inyong lupain.+ 15 Dapat mong ibigay ang sahod niya sa mismong araw na iyon,+ bago lumubog ang araw, dahil gipit siya at iyon ang inaasahan niya para mabuhay. Kung hindi mo iyon gagawin, daraing siya kay Jehova at magiging kasalanan mo iyon.+
16 “Ang ama ay hindi papatayin dahil sa ginawa ng anak niya, at ang anak ay hindi papatayin dahil sa ginawa ng ama niya.+ Papatayin lang ang isang tao dahil sa sarili niyang kasalanan.+
17 “Huwag mong babaluktutin ang hatol para sa dayuhang naninirahang kasama ninyo o sa batang walang ama,*+ at huwag mong kukunin bilang prenda* ang damit ng isang biyuda.+ 18 Alalahanin mong naging alipin ka sa Ehipto, at pinalaya ka ni Jehova na iyong Diyos.+ Kaya naman iniuutos kong gawin mo ito.
19 “Kung nag-ani ka at naiwan mo sa iyong bukid ang isang tungkos, huwag mo nang balikan iyon. Dapat mong iwan iyon para sa dayuhang naninirahang kasama ninyo, sa batang walang ama, at sa biyuda,+ para pagpalain ni Jehova na iyong Diyos ang lahat ng ginagawa mo.+
20 “Kung nahampas mo na ang mga sanga ng iyong punong olibo, huwag mo nang uulitin ang paghampas. Ang natira ay para sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, sa batang walang ama, at sa biyuda.+
21 “Kung mamitas ka sa iyong ubasan, huwag mo nang balikan ang natira. Dapat mong iwan ang mga iyon para sa dayuhang naninirahang kasama ninyo, sa batang walang ama, at sa biyuda. 22 Alalahanin mong naging alipin ka sa Ehipto. Kaya naman iniuutos kong gawin mo ito.
25 “Kung may bumangong usapin sa pagitan ng dalawang tao, puwede silang humarap sa mga hukom;+ ang mga hukom ay hahatol at idedeklarang inosente ang taong matuwid at may-sala ang taong masama.+ 2 Kung nararapat paluin ang may-sala,+ padadapain siya ng hukom, at papaluin siya sa harap ng hukom. Ang dami ng palo ay dapat na ayon sa bigat ng kasalanan niya. 3 Pero hanggang 40 beses lang siya puwedeng paluin.+ Dahil kung papaluin siya nang higit dito, mapapahiya ang kapatid ninyo sa inyong harapan.
4 “Huwag mong bubusalan ang* toro habang gumigiik ito.+
5 “Kung magkakasamang naninirahan ang magkakapatid na lalaki at ang isa sa kanila ay mamatay na walang anak, ang asawa ng namatay ay hindi dapat mag-asawa ng hindi kapamilya ng asawa niya. Dapat siyang kunin ng bayaw niya bilang asawa at tuparin ang pananagutan nito bilang bayaw.*+ 6 Ang panganay na isisilang niya ang magdadala sa pangalan ng namatay,+ para ang pangalan nito ay hindi mabura sa Israel.+
7 “Kung ayaw ng lalaki na kunin ang asawa ng namatay niyang kapatid, ang biyuda ay dapat pumunta sa matatandang lalaki sa pintuang-daan ng lunsod at sasabihin niya, ‘Ayaw ng kapatid ng asawa ko na panatilihin sa Israel ang pangalan ng kapatid niya. Ayaw niyang tuparin ang pananagutan niya bilang bayaw.’* 8 Kaya tatawagin siya ng matatandang lalaki ng kaniyang lunsod at kakausapin siya. Kapag nagmatigas siya at nagsabi, ‘Ayoko siyang mapangasawa,’ 9 ang biyuda ng kapatid niya ay lalapit sa kaniya sa harap ng matatandang lalaki, huhubarin nito ang sandalyas sa paa niya+ at duduraan siya sa mukha at sasabihin, ‘Ganiyan ang dapat gawin sa lalaki na ayaw itayo ang sambahayan ng kapatid niya.’ 10 At ang pamilya* niya ay makikilala sa Israel na ‘Ang sambahayan ng taong hinubaran ng sandalyas.’
11 “Kung mag-away ang dalawang lalaki at sumaklolo ang asawa ng isa at dakmain ang pribadong mga bahagi ng kaaway ng asawa niya, 12 dapat mong putulin ang kamay ng babae. Huwag kang maaawa.*
13 “Huwag kang maglalagay sa sisidlan* mo ng dalawang batong panimbang,+ isang mabigat at isang magaan. 14 Huwag kang maglalagay sa bahay mo ng dalawang klase ng takalan,*+ isang malaki at isang maliit. 15 Dapat na tama at eksakto ang panimbang mo at tama at husto ang takalan mo, para mabuhay ka nang mahaba sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos.+ 16 Dahil ang lahat ng mandaraya na gumagawa ng gayong mga bagay ay kasuklam-suklam kay Jehova na iyong Diyos.+
17 “Tandaan ninyo ang ginawa sa inyo ng Amalek noong lumabas kayo sa Ehipto.+ 18 Sinalubong nila kayo sa daan at sinalakay ang lahat ng nasa hulihan ninyo, habang lupaypay na kayo at pagod. Hindi sila natakot sa Diyos. 19 Kapag binigyan na kayo ng Diyos ninyong si Jehova ng kapahingahan mula sa lahat ng kaaway na nakapalibot sa inyo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova bilang mana,+ lipulin ninyo ang Amalek para hindi na sila kailanman maalaala sa ibabaw ng lupa.*+ Huwag ninyo itong kalilimutan.
26 “Kapag pumasok ka na sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos bilang mana at nakuha mo na ito at nakatira ka na rito, 2 kumuha ka ng mga unang bunga mula sa lahat ng ani, na titipunin mo mula sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos; ilagay mo sa basket ang mga iyon at dalhin sa lugar na pinili ni Jehova na iyong Diyos para sa kaluwalhatian ng pangalan niya.+ 3 Pumunta ka sa saserdoteng naglilingkod sa panahong iyon, at sabihin mo sa kaniya, ‘Humaharap ako ngayon kay Jehova na iyong Diyos para sabihing nakapasok na ako sa lupaing ipinangako ni Jehova sa ating mga ninuno na ibibigay sa atin.’+
4 “Kukunin sa iyo ng saserdote ang basket at ilalagay iyon sa harap ng altar ni Jehova na iyong Diyos. 5 At sasabihin mo sa harap ni Jehova na iyong Diyos, ‘Ang ama ko ay isang pagala-galang* Arameano,+ at pumunta siya sa Ehipto+ at nanirahan doon bilang dayuhan kasama ang maliit niyang sambahayan.+ Pero naging isa siyang dakilang bansa, malakas at malaki.+ 6 At inapi kami at pinahirapan ng mga Ehipsiyo at walang-awang inalipin.+ 7 Kaya dumaing kami kay Jehova na Diyos ng aming mga ninuno, at dininig kami ni Jehova at binigyang-pansin ang paghihirap at pagdurusa namin at ang pagmamalupit sa amin.+ 8 At inilabas kami ni Jehova sa Ehipto sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay,+ isang unat na bisig, nakakatakot na mga gawa, at mga tanda at himala.+ 9 Pagkatapos, dinala niya kami rito at ibinigay sa amin ang lupaing ito, isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+ 10 Kaya narito ngayon ang mga unang bunga ng ani sa lupain na ibinigay sa akin ni Jehova.’+
“Ilagay mo iyon sa harap ni Jehova na iyong Diyos at yumukod ka kay Jehova na iyong Diyos. 11 At dahil sa lahat ng kabutihang ipinakita ni Jehova na iyong Diyos sa iyo at sa iyong sambahayan, magsasaya ka, pati na ang mga Levita at dayuhang naninirahang kasama ninyo.+
12 “Kapag naibukod na ninyo ang ikasampu+ ng inyong ani sa ikatlong taon, ang taon ng ikapu, ibibigay ninyo iyon sa mga Levita, dayuhang naninirahang kasama ninyo, batang walang ama,* at biyuda, at kakainin nila iyon sa mga lunsod* ninyo hanggang sa mabusog sila.+ 13 At sasabihin mo sa harap ni Jehova na iyong Diyos, ‘Kinuha ko na mula sa bahay ang banal na bahagi at ibinigay ko na iyon sa mga Levita, dayuhang naninirahang kasama namin, batang walang ama, at biyuda,+ gaya ng iniutos mo sa akin. Hindi ko nilabag o binale-wala ang iyong mga utos. 14 Hindi ko iyon kinain habang nagdadalamhati ako, hindi ko iyon hinawakan habang marumi ako, at hindi ko rin ginamit ang isang bahagi nito para sa patay. Sinunod ko ang tinig ni Jehova na aking Diyos at ginawa ang lahat ng utos niya. 15 Kaya tumanaw ka mula sa iyong banal na tahanan, ang langit, at pagpalain mo ang iyong bayang Israel at ang lupaing ibinigay mo sa amin,+ gaya ng ipinangako mo sa aming mga ninuno,+ ang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.’+
16 “Sa araw na ito, inuutusan kayo ng Diyos ninyong si Jehova na sundin ang mga tuntunin at hudisyal na pasiyang ito. Dapat ninyong sundin at isagawa ang mga iyon nang inyong buong puso+ at kaluluwa. 17 Dahil sa pagtugon ninyo, sinabi ngayon ni Jehova na siya ang magiging Diyos ninyo habang lumalakad kayo sa mga daan niya at sumusunod sa kaniyang mga tuntunin,+ utos,+ at hudisyal na pasiya,+ at habang nakikinig kayo sa tinig niya. 18 At dahil sa ginawa ni Jehova, sumang-ayon kayo ngayon na maging bayan niya, ang espesyal* na pag-aari niya,+ gaya ng ipinangako niya sa inyo, at sumang-ayon kayong sundin ang lahat ng utos niya, 19 at ipinangako niyang gagawin niya kayong nakahihigit sa lahat ng iba pang bansang ginawa niya,+ at tatanggap kayo ng papuri, karangalan, at kaluwalhatian habang pinatutunayan ninyong kayo ay isang banal na bayan para sa Diyos ninyong si Jehova.”+
27 At si Moises, kasama ang matatandang lalaki ng Israel, ay nag-utos sa bayan: “Sundin ninyo ang bawat utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon. 2 At sa araw na tawirin ninyo ang Jordan papunta sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, pumili kayo ng malalaking bato at pahiran ninyo ng apog* ang mga iyon.+ 3 Isulat ninyo roon ang lahat ng salita sa Kautusang ito pagtawid ninyo, para makapasok kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan, gaya ng ipinangako sa inyo ni Jehova, ang Diyos ng inyong mga ninuno.+ 4 Pagtawid ninyo sa Jordan, ilagay ninyo sa Bundok Ebal+ ang mga batong ito at pahiran ng apog, gaya ng iniuutos ko sa inyo ngayon. 5 Magtayo rin kayo roon ng isang altar para sa Diyos ninyong si Jehova, isang altar na gawa sa bato. Huwag ninyo itong gagamitan ng kasangkapang bakal.+ 6 Dapat kayong gumamit ng mga buong bato sa pagtatayo ng altar ng Diyos ninyong si Jehova, at doon kayo mag-alay ng mga handog na sinusunog para sa Diyos ninyong si Jehova. 7 Maghahandog kayo roon ng mga haing pansalo-salo+ at doon ninyo kakainin ang mga iyon,+ at magsasaya kayo sa harap ng Diyos ninyong si Jehova.+ 8 At isulat ninyo nang malinaw sa mga bato ang lahat ng salita sa Kautusang ito.”+
9 At sinabi ni Moises at ng mga saserdoteng Levita sa buong Israel: “Tumahimik kayo at makinig, O Israel. Sa araw na ito, kayo ay naging bayan ng Diyos ninyong si Jehova.+ 10 Pakinggan ninyo ang tinig ng Diyos ninyong si Jehova at sundin ang mga utos+ at tuntunin niya, na ibinibigay ko sa inyo ngayon.”
11 Nang araw na iyon, inutusan ni Moises ang bayan: 12 “Pagtawid ninyo sa Jordan, tatayo sa Bundok Gerizim+ ang mga tribong ito para pagpalain ang bayan: Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose, at Benjamin. 13 Ito naman ang mga tatayo sa Bundok Ebal+ para bigkasin ang sumpa: Ruben, Gad, Aser, Zebulon, Dan, at Neptali. 14 At isisigaw ng mga Levita sa buong bayan ng Israel:+
15 “‘Sumpain ang taong gumagawa at nagtatago ng inukit na imahen+ o ng metal na estatuwa,+ na gawa ng isang bihasang manggagawa,* isang bagay na kasuklam-suklam kay Jehova.’+ (At sasagot ang buong bayan, ‘Amen!’*)
16 “‘Sumpain ang humahamak sa kaniyang ama o ina.’+ (At sasabihin ng buong bayan, ‘Amen!’)
17 “‘Sumpain ang nag-uusod ng muhon* ng kapuwa niya.’+ (At sasabihin ng buong bayan, ‘Amen!’)
18 “‘Sumpain ang nagliligaw ng bulag sa daan.’+ (At sasabihin ng buong bayan, ‘Amen!’)
19 “‘Sumpain ang bumabaluktot ng hatol+ sa dayuhang naninirahang kasama ninyo, sa batang walang ama,* o sa biyuda.’+ (At sasabihin ng buong bayan, ‘Amen!’)
20 “‘Sumpain ang sumisiping sa asawa ng ama niya, dahil nilalapastangan niya ang* kaniyang ama.’+ (At sasabihin ng buong bayan, ‘Amen!’)
21 “‘Sumpain ang sumisiping sa anumang hayop.’+ (At sasabihin ng buong bayan, ‘Amen!’)
22 “‘Sumpain ang sumisiping sa kapatid niyang babae, na anak ng kaniyang ama o ina.’+ (At sasabihin ng buong bayan, ‘Amen!’)
23 “‘Sumpain ang sumisiping sa kaniyang biyenang babae.’+ (At sasabihin ng buong bayan, ‘Amen!’)
24 “‘Sumpain ang nananambang at pumapatay sa kapuwa niya.’+ (At sasabihin ng buong bayan, ‘Amen!’)
25 “‘Sumpain ang tumatanggap ng bayad para pumatay ng* inosenteng tao.’+ (At sasabihin ng buong bayan, ‘Amen!’)
26 “‘Sumpain ang hindi susunod sa mga salita sa Kautusang ito.’+ (At sasabihin ng buong bayan, ‘Amen!’)
28 “At kung talagang makikinig kayo sa tinig ng Diyos ninyong si Jehova at susundin ninyong mabuti ang lahat ng utos niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, tiyak na gagawin kayo ng Diyos ninyong si Jehova na nakahihigit sa lahat ng iba pang bansa sa lupa.+ 2 Dahil patuloy kayong nakikinig sa tinig ng Diyos ninyong si Jehova, mapapasainyo ang lahat ng pagpapalang ito:+
3 “Pagpapalain kayo sa lunsod, at pagpapalain kayo sa parang.+
4 “Pagpapalain ang mga anak* ninyo+ at ang bunga ng inyong lupain at ang anak ng inyong mga alagang hayop, ang inyong mga guya* at kordero.*+
5 “Pagpapalain ang inyong basket+ at ang inyong masahan.*+
6 “Pagpapalain ang lahat ng gagawin ninyo.*
7 “Kikilos si Jehova para matalo sa harap ninyo ang inyong mga kaaway.+ Sasalakayin nila kayo mula sa isang direksiyon, pero magtatakbuhan sila palayo sa inyo sa pitong* direksiyon.+ 8 Pagpapalain ni Jehova ang inyong mga imbakan+ at ang lahat ng gagawin ninyo, at talagang pagpapalain niya kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova. 9 Gagawin kayo ni Jehova na isang banal na bayan na pag-aari niya,+ gaya ng ipinangako niya sa inyo,+ dahil patuloy ninyong tinutupad ang mga utos ng Diyos ninyong si Jehova at lumalakad kayo sa mga daan niya. 10 At makikita ng lahat ng bayan sa lupa na taglay ninyo ang pangalan ni Jehova,+ at matatakot sila sa inyo.+
11 “Pagpapalain kayo ni Jehova ng napakaraming anak at alagang hayop at magiging mabunga ang lupaing+ ipinangako ni Jehova sa inyong mga ninuno na ibibigay sa inyo.+ 12 Bubuksan ni Jehova para sa inyo ang kaniyang punong-punong imbakan, ang langit, para magpaulan sa inyong lupain sa takdang panahon nito+ at para pagpalain ang lahat ng ginagawa ninyo. Magpapahiram kayo sa maraming bansa, pero hindi ninyo kakailanganing manghiram.+ 13 Gagawin kayo ni Jehova na ulo at hindi buntot, at ilalagay niya kayo sa itaas+ at hindi sa ibaba, kung lagi ninyong susundin ang mga utos ng Diyos ninyong si Jehova, na iniuutos ko sa inyo na gawin ninyo. 14 Huwag kayong lilihis sa lahat ng salitang iniuutos ko sa inyo ngayon; huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa+ para sumunod at maglingkod sa ibang mga diyos.+
15 “Pero kung hindi kayo makikinig sa tinig ng Diyos ninyong si Jehova at hindi ninyo susunding mabuti ang lahat ng utos at batas niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, mapapasainyo ang lahat ng sumpang ito:+
16 “Susumpain kayo sa lunsod, at susumpain kayo sa parang.+
17 “Susumpain ang inyong basket+ at ang inyong masahan.*+
18 “Susumpain ang mga anak* ninyo+ at ang bunga ng inyong lupain at ang inyong mga guya at kordero.+
19 “Susumpain ang lahat ng gagawin ninyo.*
20 “Susumpain kayo ni Jehova—lilituhin niya kayo at paparusahan sa lahat ng gagawin ninyo hanggang sa mapuksa kayo at agad na malipol, dahil sa masamang ginagawa ninyo at dahil iniwan ninyo siya.*+ 21 Bibigyan kayo ni Jehova ng napakalalang sakit hanggang sa malipol kayo sa lupaing magiging pag-aari ninyo.+ 22 Paparusahan kayo ni Jehova ng tuberkulosis, nag-aapoy na lagnat,+ pamamaga, matinding init ng katawan, digmaan,+ at napakainit na hangin, at mamamatay* ang inyong mga pananim;+ sasalutin kayo ng mga ito hanggang sa malipol kayo. 23 Ang inyong langit ay magiging tanso, at ang inyong lupa ay magiging bakal.+ 24 Ang ulan mula sa langit na pababagsakin ni Jehova sa inyong lupain ay buhangin at alikabok, hanggang sa malipol kayo. 25 Hahayaan ni Jehova na matalo kayo ng inyong mga kaaway.+ Sasalakayin ninyo sila mula sa isang direksiyon, pero magtatakbuhan kayo palayo sa kanila sa pitong* direksiyon; at matatakot ang lahat ng kaharian sa lupa dahil sa nangyari sa inyo.+ 26 At ang inyong bangkay ay kakainin ng mga ibon sa langit at mga hayop sa parang, at walang magtataboy sa mga ito.+
27 “Paparusahan kayo ni Jehova ng pigsa ng Ehipto, almoranas, eksema, at pangangati sa balat na hindi gagaling. 28 Dahil sa mga gagawin ni Jehova, mababaliw kayo, mabubulag,+ at malilito.* 29 Kahit katanghaliang-tapat, kayo ay magiging parang bulag na nangangapa sa dilim,+ at hindi kayo magtatagumpay sa anumang gagawin ninyo; lagi kayong dadayain at pagnanakawan, at walang sasaklolo sa inyo.+ 30 Makikipagtipan ka sa isang babae, pero gagahasain siya ng ibang lalaki. Magtatayo ka ng bahay, pero hindi mo iyon matitirhan.+ Magtatanim ka ng ubasan, pero hindi mo iyon mapapakinabangan.+ 31 Kakatayin ang iyong toro sa harap mo, pero wala kang makakain doon. Nanakawin ang iyong asno sa harap mo, pero hindi na iyon babalik sa iyo. Kukunin ng mga kaaway mo ang iyong mga tupa, pero walang magtatanggol sa iyo. 32 Kukunin ng ibang bayan ang iyong mga anak na lalaki at babae+ habang nakatingin ka, at lagi kang mananabik sa kanila, pero wala kang magagawa. 33 Ang lahat ng iyong ani at pagkain ay kakainin ng isang bayan na hindi mo kilala,+ at lagi kang dadayain at aapihin. 34 Mababaliw ka sa makikita mo.
35 “Paparusahan kayo ni Jehova ng mga pigsa sa mga tuhod at mga binti ninyo, masasakit at hindi gumagaling, mula sa talampakan hanggang sa tuktok ng ulo ninyo. 36 Kayo at ang haring pinili ninyong mamahala sa inyo ay dadalhin ni Jehova sa isang bansa na hindi ninyo kilala, pati ng mga ninuno ninyo,+ at maglilingkod kayo roon sa ibang mga diyos, mga diyos na kahoy at bato.+ 37 Ang lahat ng bayan na pagdadalhan sa inyo ni Jehova ay matatakot dahil sa nangyari sa inyo; magiging usap-usapan* kayo, at pagtatawanan nila kayo.+
38 “Magtatanim ka ng maraming binhi sa bukid, pero kaunti lang ang aanihin mo+ dahil kakainin iyon ng mga balang. 39 Magtatanim ka at mag-aalaga ng mga ubasan, pero wala kang aanihin at maiinom na alak,+ dahil kakainin iyon ng mga uod. 40 May mga punong olibo sa buong teritoryo ninyo, pero wala kang langis na maipapahid sa sarili mo dahil maglalaglagan ang mga bunga nito. 41 Magkakaanak ka ng mga lalaki at babae, pero mawawala sila sa piling mo dahil magiging bihag sila.+ 42 Sisirain ng kulumpon ng* mga insekto ang lahat ng puno at bunga ng iyong lupain. 43 Ang dayuhang naninirahang kasama ninyo ay lalakas nang lalakas, pero ikaw ay hihina nang hihina. 44 Magpapahiram siya sa iyo, pero wala kang maipapahiram sa kaniya.+ Siya ang magiging ulo, at ikaw ang magiging buntot.+
45 “Tiyak na mapapasainyo ang lahat ng sumpang ito+ hanggang sa malipol kayo,+ dahil hindi kayo nakinig sa tinig ng Diyos ninyong si Jehova at hindi ninyo sinunod ang mga utos at batas na ibinigay niya sa inyo.+ 46 Ang mga ito ay daranasin ninyo at ng mga supling ninyo at magsisilbing permanenteng tanda at babala+ 47 na hindi kayo naglingkod sa Diyos ninyong si Jehova nang may kagalakan at masayang puso samantalang sagana kayo sa lahat ng bagay.+ 48 Isusugo ni Jehova laban sa inyo ang inyong mga kaaway, at paglilingkuran ninyo sila+ habang kayo ay gutom,+ uhaw, walang maisuot, at kapos sa lahat ng bagay. Maglalagay siya ng pamatok na bakal sa leeg ninyo hanggang sa malipol niya kayo.
49 “Magsusugo si Jehova sa inyo ng isang kaaway, isang malayong bansa+ mula sa dulo ng lupa; mandaragit itong gaya ng isang agila,+ isang bansa na ang wika ay hindi ninyo naiintindihan,+ 50 isang bansang mabagsik na walang galang sa matatanda at walang awa sa mga bata.+ 51 Kakainin nila ang anak ng mga alagang hayop ninyo at ang bunga ng inyong lupain hanggang sa mapuksa kayo. Uubusin nila ang inyong mga butil, bagong alak o langis, at guya o kordero, hanggang sa malipol nila kayo.+ 52 Papalibutan nila kayo at ikukulong sa mga lunsod* ninyo hanggang sa bumagsak ang pinagtitiwalaan ninyong matataas at matitibay na pader ng lupain ninyo. Oo, papalibutan nila ang lahat ng lunsod ninyo sa buong lupain na ibinigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.+ 53 Kaya kakainin ninyo ang sarili ninyong anak,* ang laman ng mga anak ninyong lalaki at babae+ na ibinigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, dahil sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng kaaway ninyo.
54 “Kahit ang pinakamaselan at pihikang lalaki sa inyo ay hindi maaawa sa kaniyang kapatid o mahal na asawa o buháy pang anak, 55 at hindi siya mamimigay ng laman ng kaniyang anak na kakainin niya, dahil wala nang matitira sa kaniya sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng inyong kaaway sa mga lunsod ninyo.+ 56 At ang maselan at pihikang babae sa inyo na hindi man lang maisayad sa lupa ang paa niya dahil sa sobrang selan+ ay hindi maaawa sa kaniyang mahal na asawa o sa anak niyang lalaki o babae, 57 kahit pa sa inunan na lumabas sa sinapupunan* niya at sa anak na isinilang niya. Palihim niyang kakainin ang mga ito dahil sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng inyong kaaway sa lunsod ninyo.
58 “Kung hindi ninyo susunding mabuti ang lahat ng salita sa Kautusang ito na nakasulat sa aklat na ito+ at hindi ninyo katatakutan ang pangalang ito na maluwalhati at kahanga-hanga,*+ ang pangalan ni Jehova+ na inyong Diyos, 59 paparusahan kayo ni Jehova ng napakatinding mga salot, pati na ang mga anak ninyo, malala at nagtatagal na mga salot+ at malubha at nagtatagal na mga sakit. 60 Pasasapitin niya sa inyo ang lahat ng karamdaman sa Ehipto na kinatatakutan ninyo, at hindi na kayo gagaling mula sa mga iyon. 61 Pasasapitin din sa inyo ni Jehova kahit ang mga sakit o salot na hindi nakasulat sa aklat na ito ng Kautusan hanggang sa malipol kayo. 62 Kahit pa naging kasindami kayo ng mga bituin sa langit,+ kaunting-kaunti lang ang matitira sa inyo,+ dahil hindi kayo nakinig sa tinig ng Diyos ninyong si Jehova.
63 “At kung gustong-gusto noon ni Jehova na gawan kayo ng mabuti at paramihin kayo, gugustuhin naman ngayon ni Jehova na puksain kayo at lipulin; at itataboy kayo mula sa lupaing kukunin ninyo bilang pag-aari.
64 “Pangangalatin kayo ni Jehova sa lahat ng bayan mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo nito,+ at doon ay maglilingkod kayo sa mga diyos na gawa sa kahoy at bato, mga diyos na hindi ninyo kilala, pati ng mga ninuno ninyo.+ 65 Magiging kaaway kayo ng mga bansang iyon+ at walang maaapakan ang inyong paa. Bibigyan kayo ni Jehova ng balisang puso,+ mga matang pagod sa paghihintay, at kawalang pag-asa.+ 66 Malalagay sa malaking panganib ang inyong buhay, at matatakot kayo araw at gabi; at walang katiyakan ang buhay ninyo. 67 Sa umaga ay sasabihin ninyo, ‘Gabi na sana!’ at sa gabi ay sasabihin ninyo, ‘Umaga na sana!’ dahil sa takot sa puso ninyo at sa makikita ng inyong mga mata. 68 At tiyak na ibabalik kayo ni Jehova sa Ehipto sakay ng barko, isang paglalakbay na sinabi kong hindi na ninyo ulit gagawin, at doon ay ipagbibili ninyo ang inyong sarili bilang mga aliping lalaki at babae sa mga kaaway ninyo, pero walang bibili.”
29 Ito ang iniutos ni Jehova kay Moises na ipakipagtipan sa mga Israelita sa lupain ng Moab, bukod pa sa ipinakipagtipan niya sa kanila sa Horeb.+
2 Kaya tinipon ni Moises ang buong Israel at sinabi: “Nakita ninyo mismo ang lahat ng ginawa ni Jehova sa Ehipto, sa Paraon at sa lahat ng lingkod niya at sa buong lupain niya,+ 3 ang matitinding hatol* na nakita ninyo mismo, ang kamangha-manghang mga tanda at himalang iyon.+ 4 Pero hindi kayo binigyan ni Jehova ng pusong nakauunawa at mga matang nakakakita at mga taingang nakaririnig hanggang sa araw na ito.+ 5 ‘Habang inaakay ko kayo sa ilang sa loob ng 40 taon,+ hindi naluma ang mga damit at sandalyas ninyo.+ 6 Hindi kayo kumain ng tinapay at uminom ng alak o anumang inuming de-alkohol para malaman ninyo na ako ang Diyos ninyong si Jehova.’ 7 Nang maglaon, nakarating kayo sa lugar na ito, at nakipagdigma sa atin si Sihon na hari ng Hesbon+ at si Og na hari ng Basan,+ pero natalo natin sila.+ 8 Pagkatapos, kinuha natin ang lupain nila at ibinigay iyon bilang mana sa mga Rubenita, Gadita, at sa kalahati ng tribo ng mga Manasita.+ 9 Kaya tuparin ninyo at sundin ang mga salita sa tipang ito para magtagumpay ang lahat ng gagawin ninyo.+
10 “Kayong lahat ay nakatayo ngayon sa harap ng Diyos ninyong si Jehova—ang mga pinuno ng inyong mga tribo, matatandang lalaki, mga opisyal, bawat lalaki sa Israel, 11 ang inyong mga anak, asawa,+ at dayuhang naninirahan+ sa kampo ninyo, mula sa tagakuha ninyo ng kahoy hanggang sa tagaigib ng tubig. 12 Narito kayo para tanggapin ang pakikipagtipan ng Diyos ninyong si Jehova na pinagtibay ng Diyos ninyong si Jehova sa pamamagitan ng panunumpa,+ 13 para kayo ngayon ay maging bayan niya+ at siya ang maging Diyos ninyo,+ gaya ng ipinangako niya sa inyo at gaya ng ipinangako niya sa inyong mga ninuno na sina Abraham,+ Isaac,+ at Jacob.+
14 “Ang pakikipagtipan at panunumpa kong ito ay hindi lang para sa inyo, 15 kundi para sa lahat ng nakatayong kasama natin ngayon sa harap ng Diyos nating si Jehova at sa mga hindi natin kasama ngayon. 16 (Dahil alam na alam ninyo ang naging buhay natin sa Ehipto at ang paglalakbay natin sa gitna ng iba’t ibang bansa.+ 17 At nakikita ninyo noon sa gitna nila ang kanilang kasuklam-suklam na mga bagay at nakapandidiring mga idolo*+ na gawa sa kahoy at bato at sa pilak at ginto.) 18 Mag-ingat kayo para hindi magkaroon ng isang lalaki o babae o isang pamilya o tribo sa gitna ninyo ngayon na tumalikod* sa Diyos ninyong si Jehova at naglingkod sa mga diyos ng mga bansang iyon,+ para hindi magkaroon sa gitna ninyo ng isang ugat na pagmumulan ng nakalalasong bunga at ahenho.+
19 “Kung narinig ng isang tao ang panunumpang ito at ipinagmayabang pa rin niya sa kaniyang sarili, ‘Magtatagumpay ako kahit sundin ko ang kagustuhan* ko,’ at nagdala siya ng kapahamakan sa lahat,* 20 hindi siya patatawarin ni Jehova.+ Lalagablab ang matinding galit ni Jehova sa taong iyon, at ang lahat ng sumpa na nakasulat sa aklat na ito ay mapapasakaniya,+ at buburahin ni Jehova ang pangalan niya sa ibabaw ng lupa.* 21 At ibubukod siya ni Jehova mula sa lahat ng tribo ng Israel para ipahamak siya, kaayon ng lahat ng sumpang nasa tipan, na nakasulat sa aklat na ito ng Kautusan.
22 “Kapag nakita ng susunod na henerasyon ng inyong mga anak at ng dayuhan mula sa malayong lupain ang mga salot sa lupain, ang mga kapahamakang pinasapit dito ni Jehova— 23 asupre at asin at apoy, kung kaya hindi na matatamnan o tutubuan ng anumang pananim ang buong lupain, gaya ng pagwasak sa Sodoma at Gomorra+ at Adma at Zeboiim,+ na winasak ni Jehova dahil sa kaniyang galit at poot— 24 sasabihin nila at ng lahat ng bansa, ‘Bakit ito ginawa ni Jehova sa lupaing ito?+ Bakit napakatindi ng galit niya?’ 25 At sasabihin nila, ‘Dahil iniwan nila ang tipan ni Jehova,+ na Diyos ng kanilang mga ninuno, na ipinakipagtipan niya sa kanila nang ilabas niya sila sa Ehipto.+ 26 Naglingkod sila at yumukod sa ibang mga diyos, mga diyos na hindi nila kilala at ipinagbawal niyang sambahin nila.*+ 27 Kaya lumagablab ang galit ni Jehova sa lupaing iyon at pinasapit doon ang buong sumpa na nakasulat sa aklat na ito.+ 28 Kaya dahil sa galit, pagngangalit, at matinding poot ni Jehova, binunot niya sila mula sa kanilang lupain+ at itinapon sa ibang lupain, kung nasaan sila ngayon.’+
29 “Alam ng Diyos nating si Jehova ang lahat ng lihim,+ pero may mga bagay na isiniwalat at ipinagkatiwala sa atin at sa mga inapo natin magpakailanman, para masunod natin ang lahat ng salita sa Kautusang ito.+
30 “Kapag nangyari sa inyo ang lahat ng salitang ito, ang pagpapala at ang sumpa na iniharap ko sa inyo,+ at naalaala ninyo ang mga ito+ kapag naroon na kayo sa mga bansa kung saan kayo pinangalat ng Diyos ninyong si Jehova,+ 2 at kayo at ang mga anak ninyo ay nanumbalik sa Diyos ninyong si Jehova+ at nakinig sa tinig niya at sumunod nang buong puso at kaluluwa sa lahat ng iniuutos ko sa inyo ngayon,+ 3 ibabalik ng Diyos ninyong si Jehova ang mga nabihag sa inyo+ at magpapakita siya ng awa+ at muli kayong titipunin mula sa lahat ng bayan kung saan kayo pinangalat ng Diyos ninyong si Jehova.+ 4 Kahit pa nangalat ang inyong bayan hanggang sa dulo ng lupa, titipunin kayo at kukuning muli ng Diyos ninyong si Jehova.+ 5 Ibabalik kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa lupaing naging pag-aari ng inyong mga ninuno, at magiging pag-aari ninyo iyon; at gagawan niya kayo ng mabuti at pararamihin kayo nang higit kaysa sa inyong mga ninuno.+ 6 Lilinisin* ng Diyos ninyong si Jehova ang puso ninyo at ng inyong mga supling,+ para ibigin ninyo ang Diyos ninyong si Jehova nang inyong buong puso at kaluluwa at kayo ay mabuhay.+ 7 At pasasapitin ng Diyos ninyong si Jehova ang lahat ng sumpang ito sa mga kaaway ninyo, na napoot at umapi sa inyo.+
8 “Kaya manunumbalik kayo at makikinig sa tinig ni Jehova at susunod sa lahat ng utos niya, na ibinibigay ko sa inyo ngayon. 9 Sagana kayong pagpapalain ng Diyos ninyong si Jehova sa lahat ng gagawin ninyo+—pararamihin niya ang inyong mga anak, alagang hayop, at ani sa lupain—dahil muling matutuwa sa inyo si Jehova at gagawan kayo ng mabuti, gaya ng nadama niya para sa inyong mga ninuno.+ 10 Dahil sa panahong iyon ay makikinig na kayo sa tinig ng Diyos ninyong si Jehova at susunod sa mga utos at batas niya na nakasulat sa aklat na ito ng Kautusan, at manunumbalik kayo sa Diyos ninyong si Jehova nang inyong buong puso at kaluluwa.+
11 “Ang utos na ito na ibinibigay ko sa inyo ngayon ay hindi naman napakahirap sundin o napakalayo sa inyo.*+ 12 Wala ito sa langit, kaya hindi ninyo sasabihin, ‘Sino ang aakyat sa langit at kukuha nito para sa amin, para marinig namin ito at maisagawa?’+ 13 Wala rin ito sa kabilang ibayo ng dagat, kaya hindi ninyo sasabihin, ‘Sino ang tatawid sa kabilang ibayo ng dagat at kukuha nito para sa amin, para marinig namin ito at maisagawa?’ 14 Dahil ang salitang ito ay napakalapit sa inyo, nasa mismong bibig ninyo at puso,+ para maisagawa ninyo ito.+
15 “Tingnan ninyo, binibigyan ko kayo ng pagpipilian: buhay at kabutihan o kamatayan at kasamaan.+ 16 Kung tutuparin ninyo ang mga utos ng Diyos ninyong si Jehova, na ibinibigay ko sa inyo ngayon—ibigin ang Diyos ninyong si Jehova,+ lumakad sa mga daan niya, at sundin ang kaniyang mga utos, batas, at hudisyal na pasiya—kayo ay mananatiling buháy+ at darami, at pagpapalain kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa lupaing magiging pag-aari ninyo.+
17 “Pero kung tatalikod kayo*+ at hindi kayo makikinig at matutukso kayong yumukod at maglingkod sa ibang mga diyos,+ 18 sinasabi ko sa inyo ngayon na talagang malilipol kayo.+ Hindi kayo mabubuhay nang mahaba sa lupaing magiging pag-aari ninyo pagtawid ng Jordan. 19 Saksi ang langit at lupa sa gagawin ninyo. Binigyan ko kayo ng pagpipilian: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa.+ Piliin ninyo ang buhay para manatili kayong buháy,+ kayo at ang mga inapo ninyo+— 20 ibigin ninyo ang Diyos ninyong si Jehova,+ makinig kayo sa tinig niya, at manatili kayong tapat sa kaniya+—dahil siya ang inyong buhay at siya ang magpapahaba ng buhay ninyo sa lupaing ipinangako ni Jehova sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.”+
31 At humarap si Moises sa buong Israel, at sinabi niya: 2 “Ngayon ay 120 taóng gulang na ako.+ Hindi ko na kayo puwedeng akayin* dahil sinabi sa akin ni Jehova, ‘Hindi ka tatawid sa Jordan.’+ 3 Ang Diyos ninyong si Jehova ang mangunguna sa pagtawid ninyo, at siya mismo ang lilipol sa mga bansang ito sa harap ninyo, at itataboy ninyo sila.+ Si Josue ang aakay sa inyo sa pagtawid,+ gaya ng sinabi ni Jehova. 4 Lilipulin din sila ni Jehova, gaya ng ginawa niya sa mga hari ng mga Amorita na sina Sihon+ at Og+ at sa lupain ng mga ito.+ 5 Tatalunin sila ni Jehova para sa inyo, at gagawin ninyo sa kanila ang lahat ng iniutos ko sa inyo.+ 6 Lakasan ninyo ang loob ninyo at magpakatatag kayo.+ Huwag kayong matakot o masindak sa harap nila,+ dahil nagmamartsang kasama ninyo ang Diyos ninyong si Jehova. Hindi niya kayo iiwan o pababayaan.”+
7 At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa harap ng buong Israel: “Lakasan mo ang loob mo at magpakatatag ka,+ dahil ikaw ang magdadala sa bayang ito sa lupaing ipinangako ni Jehova sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa kanila, at ikaw ang magbibigay nito sa kanila bilang mana.+ 8 Si Jehova ang nagmamartsa sa unahan mo, at lagi ka niyang sasamahan.+ Hindi ka niya iiwan o pababayaan. Huwag kang matakot o masindak.”+
9 Pagkatapos, isinulat ni Moises ang Kautusang ito+ at ibinigay sa mga saserdoteng Levita, na tagapagdala ng kaban ng tipan ni Jehova, at sa lahat ng matatandang lalaki ng Israel. 10 Iniutos sa kanila ni Moises: “Tuwing matatapos ang pitong taon, sa itinakdang panahon sa taon ng pagpapalaya,+ sa Kapistahan ng mga Kubol,*+ 11 kapag humaharap ang buong Israel sa Diyos ninyong si Jehova+ sa lugar na pinili niya, dapat ninyong basahin ang Kautusang ito para marinig ng buong Israel.+ 12 Tipunin ninyo ang bayan,+ ang mga lalaki, babae, bata,* at dayuhang naninirahan sa mga lunsod* ninyo, para makapakinig sila at matuto tungkol sa Diyos ninyong si Jehova at matakot sa kaniya at sa gayon ay sundin nilang mabuti ang lahat ng salita sa Kautusang ito. 13 At maririnig ito ng kanilang mga anak na hindi nakaaalam ng Kautusang ito,+ at matututo ang mga ito na matakot sa Diyos ninyong si Jehova sa lahat ng araw ng inyong buhay sa lupaing magiging pag-aari ninyo pagtawid ng Jordan.”+
14 At sinabi ni Jehova kay Moises: “Malapit ka nang mamatay.+ Tawagin mo si Josue, at pumunta* kayo sa tolda ng pagpupulong para maatasan ko siya.”+ Kaya pumunta sina Moises at Josue sa tolda ng pagpupulong. 15 At nagpakita si Jehova sa tolda sa pamamagitan ng haliging ulap, at pumuwesto ang haliging ulap sa pasukan ng tolda.+
16 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Malapit ka nang mamatay,* at ang bayang ito ay sasamba* sa mga diyos ng mga banyaga sa palibot ng lupaing pupuntahan nila.+ Iiwan nila ako,+ at hindi sila tutupad sa pakikipagtipan ko sa kanila.+ 17 Sa panahong iyon, lalagablab ang galit ko sa kanila,+ at iiwan ko sila+ at hindi tutulungan*+ hanggang sa maubos sila. At kapag dumanas na sila ng maraming kapahamakan at paghihirap,+ sasabihin nila, ‘Wala na sa gitna natin ang ating Diyos kaya dinanas natin ang mga kapahamakang ito.’+ 18 Pero hindi ko pa rin sila tutulungan* sa panahong iyon dahil sa lahat ng kasamaan nila, dahil sumamba sila sa ibang mga diyos.+
19 “Isulat ninyo ngayon ang awit na ito para sa inyong sarili+ at ituro ninyo sa mga Israelita.+ Sabihin ninyo sa kanila na sauluhin ito* para magsilbi itong saksi ko laban* sa bayang Israel.+ 20 Kapag dinala ko na sila sa lupaing ipinangako ko sa mga ninuno nila+—isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan+—at kumain sila hanggang sa mabusog at naging sagana,*+ tatalikod sila sa akin at maglilingkod sa ibang mga diyos at lalapastanganin nila ako at hindi sila tutupad sa pakikipagtipan ko.+ 21 Kapag dumanas na sila ng maraming kapahamakan at paghihirap,+ ang awit na ito ay magsisilbing saksi laban sa kanila (dahil hindi ito dapat malimutan ng mga inapo nila), dahil alam ko na ang takbo ng isip nila+ bago ko pa sila dalhin sa lupaing ipinangako ko.”
22 Kaya isinulat ni Moises ang awit na ito nang araw na iyon at itinuro sa mga Israelita.
23 Pagkatapos, inatasan niya* si Josue+ na anak ni Nun at sinabi: “Lakasan mo ang loob mo at magpakatatag ka,+ dahil ikaw ang magdadala sa mga Israelita sa lupaing ipinangako ko sa kanila,+ at lagi kitang sasamahan.”
24 Nang matapos isulat ni Moises sa aklat ang lahat ng salita sa Kautusang ito,+ 25 inutusan ni Moises ang mga Levita, na tagapagdala ng kaban ng tipan ni Jehova: 26 “Kunin ninyo ang aklat na ito ng Kautusan+ at ilagay sa tabi ng kaban+ ng tipan ng Diyos ninyong si Jehova, at doon ay magsisilbi itong saksi laban sa inyo. 27 Dahil alam na alam kong talagang mapaghimagsik kayo+ at matigas ang ulo*+ ninyo. Kung mapaghimagsik na kayo kay Jehova ngayong buháy pa ako, paano pa kaya pagkamatay ko? 28 Tipunin ninyo sa harap ko ang lahat ng matatandang lalaki sa inyong mga tribo at ang mga opisyal ninyo. Sasabihin ko sa kanila ang mga salitang ito, at magiging saksi ang langit at lupa laban sa kanila.+ 29 Dahil alam na alam kong pagkamatay ko, magiging napakasama ninyo+ at lilihis kayo mula sa daang itinuro ko sa inyo. At siguradong mapapahamak kayo+ balang-araw, dahil gagawin ninyo ang masama sa paningin ni Jehova at gagalitin ninyo siya dahil sa mga gagawin ninyo.”*
30 At binigkas ni Moises ang buong awit na ito sa harap ng buong kongregasyon ng Israel:+
32 “Makinig ka, O langit, at magsasalita ako;
Makinig din ang lupa sa mga sasabihin ko.
2 Ang tagubilin ko ay babagsak na gaya ng ulan;
Ang pananalita ko ay papatak na gaya ng hamog,
Gaya ng ambon sa damo
At gaya ng saganang ulan sa pananim.
3 Dahil ipahahayag ko ang pangalan ni Jehova.+
Ipaalám ninyo ang kadakilaan ng ating Diyos!+
5 Sila ang kumilos nang kapaha-pahamak.+
Hindi niya sila mga anak; sila ang pinagmulan ng problema.+
Sila ay isang di-tapat at makasalanang henerasyon!+
Hindi ba siya ang inyong Ama na nagbigay ng buhay ninyo,+
Ang lumikha sa inyo at nagpatatag?
7 Alalahanin ninyo ang lumipas na panahon;
Pag-isipan ninyo ang nagdaang mga henerasyon.
Magtanong kayo sa inyong mga ama at magkukuwento sila;+
Sa inyong matatandang lalaki, at sasabihin nila sa inyo.
8 Nang ibigay ng Kataas-taasan sa mga bansa ang kanilang mana,+
Nang paghiwa-hiwalayin niya ang mga anak ni Adan,*+
Itinakda niya ang hangganan ng mga bayan+
Ayon sa dami ng mga anak ni Israel.+
Pinalibutan niya ito para ipagsanggalang at inalagaan ito+
At iningatan na gaya ng itim ng kaniyang mata.+
11 Kung paanong tinuturuang lumipad ng isang agila ang mga inakáy niya,
Umaali-aligid siya sa mga ito,
Ibinubuka ang mga pakpak niya at kinukuha ang mga ito
At binubuhat sa mga bagwis niya,+
12 Si Jehova lang ang pumapatnubay sa kaniya;*+
Wala siyang kasamang diyos ng mga banyaga.+
Pinakain Niya siya ng pulot-pukyutan mula sa malaking bato
At binigyan ng langis mula sa bato,*
14 Mantikilya mula sa bakahan at gatas mula sa kawan,
Pati ng pinakapiling* mga tupa,
Mga lalaking tupa ng Basan, at mga lalaking kambing,
Pati ng pinakamagandang klase* ng trigo;+
At uminom ka ng alak mula sa katas* ng ubas.
15 Nang tumaba si Jesurun,* sinipa niya ang may-ari sa kaniya.
Ikaw ay tumaba, lumapad, at nabundat.+
Kaya iniwan niya ang Diyos, na lumikha sa kaniya,+
At hinamak ang Bato ng kaniyang kaligtasan.
16 Ginalit nila siya dahil sa mga diyos ng mga banyaga;+
Sinasaktan nila siya sa pamamagitan ng kasuklam-suklam na mga bagay.+
17 Hindi sila sa Diyos naghahandog, kundi sa mga demonyo,+
Mga diyos na hindi nila kilala,
Mga bagong diyos na kamakailan lang dumating,
Mga diyos na hindi kilala ng mga ninuno ninyo.
19 Nang makita iyon ni Jehova, itinakwil Niya sila+
Dahil sinaktan Siya ng kaniyang mga anak na lalaki at babae.
21 Ginalit* nila ako dahil sa pagsamba sa hindi naman diyos;+
Sinaktan nila ako sa pamamagitan ng walang-silbing mga idolo nila.+
Kaya pipili ako ng isang walang-kuwentang bayan para magselos sila;+
Gagalitin ko sila gamit ang isang bansa na walang unawa.+
22 Dahil sa galit ko, may nagliyab na apoy+
Na tutupok hanggang sa kailaliman ng Libingan;*+
Susunugin nito ang lupa at ang bunga nito
At paglalagablabin ang pundasyon ng mga bundok.
23 Pararamihin ko ang kapahamakan nila;
Uubusin ko sa kanila ang aking mga palaso.
Magpapadala ako sa kanila ng mababangis na hayop+
At makamandag na mga reptilya na gumagapang sa lupa.
25 Ang mga nasa labas ay mauulila sa pamamagitan ng espada;+
Ang mga nasa loob ay manghihilakbot,+
Ang binata at dalaga,
Ang sanggol at ang puti na ang buhok.+
26 Sasabihin ko sana: “Pangangalatin ko sila;
Buburahin ko sa sangkatauhan ang alaala nila,”
Baka sabihin nila: “Nagtagumpay tayo dahil sa lakas natin;+
Hindi si Jehova ang gumawa nito.”
29 Kung marunong lang sana sila!+ Pag-iisipan nila itong mabuti.+
Pag-iisipan nila ang kahihinatnan nila.+
Malibang pabayaan sila ng kanilang Bato+
At isuko sila ni Jehova.
Ang mga ubas nila ay lason;
Mapapait ang mga kumpol nito.+
33 Ang alak nila ay ang kamandag ng ahas,
Ang nakamamatay na lason ng mga kobra.
35 Akin ang paghihiganti, at ako ang magpaparusa,+
Sa panahong itinakda kung kailan madudulas ang paa nila,+
Dahil malapit na ang araw ng kapahamakan nila,
At mabilis na dumarating ang sasapitin nila.’
36 Dahil hahatulan ni Jehova ang bayan niya,+
At maaawa siya sa mga lingkod niya+
Kapag nakita niyang naubos na ang lakas nila,
At ang walang kalaban-laban at mahina na lang ang natira.
37 At sasabihin niya, ‘Nasaan ang mga diyos nila,+
Ang batong ginawa nilang kanlungan,
38 Na kumakain ng taba ng* mga hain nila,
At umiinom ng alak ng mga handog na inumin nila?+
Kumilos sila ngayon para tulungan kayo.
Maging kanlungan sila para sa inyo.
Pumapatay ako at bumubuhay.+
40 Itinataas ko ang aking kamay sa langit,
At isinusumpa ko: “Kung paanong buháy ako magpakailanman,”+
41 Kapag pinatalas ko na ang aking makintab na espada
At naghanda na ako para humatol,+
Maghihiganti ako sa mga kaaway ko+
At magpaparusa sa mga napopoot sa akin.
42 Lalasingin ko sa dugo ang aking mga palaso,
At kakain ng laman ang espada ko,
Sa dugo ng mga napatay at nabihag,
Sa mga ulo ng mga lider ng kaaway.’
43 Matuwa kayo, mga bansa, kasama ang bayan niya,+
Dahil ipaghihiganti niya ang dugo ng mga lingkod niya,+
At maghihiganti siya sa mga kalaban niya+
At magbabayad-sala para sa* lupa ng bayan niya.”
44 Kaya humarap si Moises sa bayan at binigkas ang lahat ng salita sa awit na ito,+ siya at si Hosea*+ na anak ni Nun. 45 Pagkatapos itong bigkasin ni Moises sa buong Israel, 46 sinabi niya: “Isapuso ninyo ang lahat ng babala na ibinigay ko sa inyo ngayon,+ para maiutos ninyo sa inyong mga anak na sunding mabuti ang lahat ng salita sa Kautusang ito.+ 47 Mahalaga ang salitang ito; nakasalalay rito ang inyong buhay,+ at sa pamamagitan ng salitang ito, puwede kayong mabuhay nang mahaba sa lupaing magiging pag-aari ninyo pagtawid ng Jordan.”
48 Nang araw ding ito, sinabi ni Jehova kay Moises: 49 “Umakyat ka sa bundok ng Abarim,+ sa Bundok Nebo,+ na nasa lupain ng Moab, na nakaharap sa Jerico, at tingnan mo ang lupain ng Canaan, na ibinibigay ko sa mga Israelita bilang pag-aari.+ 50 At mamamatay ka sa bundok na aakyatin mo at ililibing gaya ng mga ninuno mo,* gaya ng kapatid mong si Aaron na namatay sa Bundok Hor+ at inilibing gaya ng mga ninuno niya,* 51 dahil pareho kayong hindi naging tapat sa akin sa gitna ng mga Israelita may kaugnayan sa tubig sa Meriba+ ng Kades, sa ilang ng Zin; hindi ninyo ako pinabanal sa gitna ng bayang Israel.+ 52 Makikita mo ang lupain mula sa malayo, pero hindi ka makakapasok sa lupaing ibinibigay ko sa bayang Israel.”+
33 At ito ang pagpapala sa mga Israelita na binigkas ni Moises na lingkod ng tunay na Diyos bago siya mamatay.+ 2 Sinabi niya:
“Si Jehova—nanggaling siya sa Sinai,+
At suminag siya sa kanila mula sa Seir.
Nagningning ang kaluwalhatian niya mula sa mabundok na rehiyon ng Paran,+
At kasama niya ang napakaraming* banal;+
Nasa kanan niya ang mga mandirigma niya.+
5 At naging hari Siya sa Jesurun,*+
Nang magtipon ang mga pinuno ng bayan,+
Kasama ang lahat ng tribo ng Israel.+
7 At binigkas niya ang pagpapalang ito para kay Juda:+
“Pakinggan mo, O Jehova, ang tinig ni Juda,+
At ibalik mo nawa siya sa kaniyang bayan.
8 Sinabi niya tungkol kay Levi:+
Nakipagtalo ka sa kaniya sa tabi ng tubig sa Meriba,+
9 Ang taong nagsabi sa kaniyang ama at ina, ‘Hindi ko sila iginalang.’
Hindi niya kinilala kahit ang mga kapatid niya,+
At binale-wala niya ang sarili niyang mga anak.
Dahil iningatan nila ang iyong salita
At tinupad ang iyong tipan.+
Maghahandog sila ng insenso, isang nakagiginhawang amoy sa iyo,*+
At ng isang buong handog sa altar mo.+
11 Palakasin mo siya, O Jehova,
At masiyahan ka nawa sa mga ginagawa niya.
Durugin mo ang mga binti* ng mga kaaway niya,
Para hindi na makatayo ang mga napopoot sa kaniya.”
12 Sinabi niya tungkol kay Benjamin:+
“Ang mahal ni Jehova ay manirahan nawang panatag sa tabi niya;
Habang iniingatan niya siya buong araw,
Maninirahan siya sa pagitan ng mga balikat niya.”
13 Sinabi niya tungkol kay Jose:+
“Pagpalain nawa ni Jehova ang lupain niya+
Ng mabubuting bagay ng langit,
Ng hamog at ng tubig mula sa mga bukal,+
14 Ng mabubuting bagay na tumutubo dahil sa araw
At ng magandang ani buwan-buwan,+
15 Ng mabubuting bagay mula sa sinaunang mga bundok*+
At ng mabubuting bagay mula sa matatagal nang burol,
16 Ng mabubuting bagay ng lupa at lahat ng narito,+
At ng pagsang-ayon ng Isa na nanirahan sa palumpong.+
Mapunta nawa kay Jose ang mga ito,
Sa tuktok ng ulo niya, na pinili mula sa mga kapatid niya.+
17 Ang kaluwalhatian niya ay gaya ng sa panganay na toro,
At ang mga sungay niya ay mga sungay ng torong-gubat.
Gamit ang mga iyon, ang mga bayan ay itutulak* niya
Nang sama-sama hanggang sa mga dulo ng lupa.
Sila ang sampu-sampung libo ni Efraim,+
At sila ang libo-libo ni Manases.”
18 Sinabi niya tungkol kay Zebulon:+
“Magsaya ka, O Zebulon, sa iyong mga paglalakbay,
At ikaw, Isacar, sa iyong mga tolda.+
19 Ang mga bayan ay aanyayahan nilang umakyat sa bundok.
Iaalay nila roon ang mga handog ng katuwiran.
Dahil kukunin* nila ang saganang yaman ng mga dagat
At ang nakatagong yaman sa buhanginan.”
20 Sinabi niya tungkol kay Gad:+
“Pagpalain ang nagpapalawak sa mga hangganan ni Gad.+
Nakahiga siya roon gaya ng leon,
Na handang manakmal ng bisig, oo, ng tuktok ng ulo.
Magtitipon ang mga pinuno ng bayan.
Ilalapat niya ang katarungan alang-alang kay Jehova
At ang Kaniyang mga hudisyal na pasiya para sa Israel.”
22 Sinabi niya tungkol kay Dan:+
“Si Dan ay batang leon.+
Lulukso siya mula sa Basan.”+
23 Sinabi niya tungkol kay Neptali:+
“Si Neptali ay busog sa pagsang-ayon
At punô ng pagpapala ni Jehova.
Kunin mo ang lupain sa kanluran at timog.”
24 Sinabi niya tungkol kay Aser:+
“Pagpapalain si Aser ng mga anak.
Malugod nawa sa kaniya ang mga kapatid niya,
At ilubog* nawa niya ang kaniyang mga paa sa langis.
26 Walang sinuman ang gaya ng tunay na Diyos+ ni Jesurun,+
Na nilalakbay ang langit para tulungan ka
At nakasakay sa mga ulap taglay ang kaluwalhatian niya.+
28 Ang Israel ay maninirahan nang tiwasay,
At ang bukal ni Jacob ay magiging panatag
Sa isang lupaing sagana sa butil at bagong alak,+
Na dinidilig ng hamog sa kalangitan.+
Sino ang gaya mo,+
Isang bayang inililigtas ni Jehova,+
Na siyang kalasag na nagsasanggalang sa iyo+
At ang makapangyarihang espada mo?
34 At mula sa mga tigang na kapatagan ng Moab, umakyat si Moises sa Bundok Nebo,+ sa itaas ng Pisga,+ na nakaharap sa Jerico.+ At ipinakita ni Jehova sa kaniya ang buong lupain, ang Gilead hanggang Dan,+ 2 at ang buong Neptali at ang lupain ng Efraim at Manases, at ang buong lupain ng Juda hanggang sa kanluraning dagat,*+ 3 at ang Negeb+ at ang Distrito,+ kasama ang kapatagan ng Jerico, na lunsod ng mga puno ng palma, hanggang sa Zoar.+
4 Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Ito ang lupaing ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob. Sinabi ko, ‘Ibibigay ko ito sa mga supling* mo.’+ Ipinakita ko ito sa iyo pero hindi ka makakapunta roon.”+
5 Pagkatapos, si Moises na lingkod ni Jehova ay namatay doon sa Moab gaya ng sinabi ni Jehova.+ 6 Inilibing Niya siya sa lambak sa Moab, sa tapat ng Bet-peor. Hanggang ngayon, walang nakaaalam kung saan siya nakalibing.+ 7 Si Moises ay 120 taóng gulang nang mamatay siya.+ Hindi lumabo ang mata niya at hindi siya nanghina. 8 Ang bayan ng Israel ay umiyak para kay Moises sa loob ng 30 araw sa mga tigang na kapatagan ng Moab.+ At natapos ang mga araw ng pag-iyak at pagdadalamhati para kay Moises.
9 Dahil ipinatong ni Moises ang kamay niya kay Josue na anak ni Nun, naging marunong* si Josue;+ at ang mga Israelita ay nakinig sa kaniya at sumunod sa iniutos ni Jehova kay Moises.+ 10 Pero hindi na nagkaroon ng propeta sa Israel na gaya ni Moises,+ na kilalang-kilala ni Jehova.+ 11 Isinagawa niya ang lahat ng tanda at himala na ipinagawa sa kaniya ni Jehova sa Ehipto, sa harap ng Paraon at sa lahat ng lingkod nito at sa buong lupain nito,+ 12 pati na ang makapangyarihang mga gawa at kamangha-manghang mga bagay na ipinakita ni Moises sa buong Israel.+
Lit., “at sa pagitan ng.”
Malamang na ang bulubundukin ng Lebanon.
O “isinumpa.”
Lit., “sa binhi.”
O “Wadi.”
O “Natunaw ang puso natin dahil sa ating mga kapatid.”
Lit., “lubusan.”
Lit., “Ang nakatayo sa harap mo na.”
O posibleng “Pinalakas siya ng Diyos.”
O “Huwag ninyo silang gagalitin.”
O “Wadi.”
O “Wadi.”
O “Wadi.”
Creta.
O “Wadi.”
Lit., “sa silong ng langit.”
O “at makadarama ng kirot na tulad ng sa panganganak.”
Lit., “at itinalaga sa pagkapuksa.”
O “Wadi.”
O “Wadi.”
Lit., “itinalaga natin sa pagkapuksa.”
O “Wadi.”
O posibleng “itim na basalto.”
O “langkayan.”
Ang isang siko ay 44.5 cm (17.5 in). Tingnan ang Ap. B14.
O “Wadi.”
Ibig sabihin, “Mga Nakatoldang Nayon ni Jair.”
O “Wadi.”
Dagat na Patay.
Lit., “hanggang sa puso ng langit.”
Lit., “Sampung Salita.” Tinatawag ding Dekalogo.
Lit., “sa silong ng langit.”
O “mana.”
O “isinumpa.”
O “na hindi pumapayag na magkaroon ng kahati.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “likhain.”
O “pagsubok.”
Lit., “binhi.”
O “inilabas niya kayo sa Ehipto habang nakatingin siya.”
O “isapuso.”
O “Wadi.”
Dagat Asin, o Dagat na Patay.
Lit., “mukhaang.”
Lit., “sa bahay ng mga alipin.”
O “bilang paglaban sa akin.”
O “na hindi pumapayag na magkaroon ng kahati.”
O “ng maibiging-kabaitan.”
Lit., “sa loob ng mga pintuang-daan.”
O “Igalang.”
Lit., “salita.”
O “at dumami nang husto.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “at gamit ang lahat ng inyong tinataglay.”
O “at ulit-ulitin ninyo iyon sa.”
Lit., “at sa pagitan ng inyong mga mata.”
Lit., “sa bahay ng mga alipin.”
O “na hindi pumapayag na magkaroon ng kahati.”
Lit., “ang lahat ng utos na ito sa harap ng.”
O “italaga sa pagkapuksa.”
Tingnan sa Glosari.
O “minamahal.”
Lit., “sa bahay ng mga alipin.”
Lit., “mukhaan.”
Lit., “mukhaan.”
Lit., “pagpapalain niya ang bunga ng iyong sinapupunan.”
O “batang baka.”
O “batang tupa.”
Lit., “Huwag maawa ang iyong mata.”
Lit., “sabihin mo sa iyong puso.”
O “na pagsubok.”
O posibleng “Tatakutin sila ni Jehova; Matataranta sila dahil kay Jehova.”
O “at karapat-dapat sa matinding paggalang.”
Lit., “sa silong ng langit.”
O “lumalabas sa bibig.”
O “sa wadi.”
O “punong ubas.”
O “puno ng igos.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “sa bahay ng mga alipin.”
O “batong pingkian.”
O “madali ninyong makuha ang lupain nila at mapuksa sila.”
Lit., “leeg.”
O “kongregasyon.”
Lit., “leeg.”
Lit., “sa silong ng langit.”
O “batang baka.”
O “mana.”
O “mana.”
Lit., “Sampung Salita.” Tinatawag ding Dekalogo.
O “kongregasyon.”
O “wadi.”
O “ibinukod.”
Lit., “ang mga langit ng mga langit.”
Lit., “Tuliin.”
Lit., “leeg.”
O “at karapat-dapat sa matinding paggalang.”
O “ang ulila.”
O “karong.”
O “ginawa niya sa inyo.”
Lit., “binhi.”
O “at nagpapatubig sa lupain gamit ang paa” o paggamit ng paa para mapaandar ang gulong na panalok ng tubig (waterwheel) o para gumawa o magbukas ng mga kanal ng tubig.
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “at sa pagitan ng inyong mga mata.”
Malaking Dagat, ang Mediteraneo.
O “lubugan ng araw.”
Tingnan sa Glosari.
O “ikasampung bahagi.”
Lit., “nasa loob ng mga pintuang-daan.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “sa loob ng lahat ng pintuang-daan.”
Lit., “sa loob ng mga pintuang-daan.”
Lit., “nasa loob ng mga pintuang-daan.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “sa loob ng inyong mga pintuang-daan.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “sa bahay ng mga alipin.”
O “ng kaibigang minamahal mong gaya ng sarili mo.”
Lit., “sa bahay ng mga alipin.”
O “Italaga mo sa pagkapuksa.”
O “plaza.”
O “na ginawang sagrado ng pagbabawal.”
O “pakinggan ang tinig ng.”
Lit., “kakalbuhin ang pagitan ng mga mata.” O “aahitan ang noo.”
O “minamahal.”
Sa Ingles, ostrich.
Sa Ingles, gull.
Sa Ingles, falcon.
Sa Ingles, swan.
Sa Ingles, stork.
O “kandangaok.” Sa Ingles, heron.
O “lahat ng insekto.”
Lit., “sa loob ng inyong mga pintuang-daan.”
O “ikapu.”
O “ulila.”
O “magpapahiram ka nang may panagot.”
O “pahiramin mo siya nang may panagot para sa.”
O “balibol.”
O “pabanalin para.”
Lit., “panganay ng toro.”
Lit., “sa loob ng mga pintuang-daan.”
Tingnan ang Ap. B15.
O “takdang panahon.”
O “kapag ginamit na ninyo ang karit sa.”
Lit., “nasa loob ng mga pintuang-daan.”
O “ulila.”
O “Pansamantalang Tirahan.”
O “Pansamantalang Tirahan.”
Lit., “sa loob ng lahat ng pintuang-daan.”
Tingnan sa Glosari.
O “lalaking baka.”
Lit., “bibig.”
O “isusulat niya sa balumbon ang sarili niyang kopya.”
O “lalaking baka.”
O “balikat.”
Ang lugar na pinili ni Jehova para maging sentro ng pagsamba.
Lit., “sinumang nagpaparaan ng anak niyang lalaki o babae sa apoy.”
O “manggagaway.” Tingnan sa Glosari, “Panggagaway.”
O “kongregasyon.”
Lit., “walang inosenteng dugo ang tutulo.”
Lit., “Hindi dapat maawa ang inyong mata.”
O “dahil sa dugo ng.”
Tanda ng hangganan.
Lit., “bibig.”
Lit., “Hindi dapat maawa ang inyong mata.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “napapasinayaan.”
O “matunaw ang puso ng.”
O “wadi.”
Lit., “at mahal niya ang isa at kinapopootan ang isa.”
O “mababang pader.”
O “borlas.”
O “itinakwil.”
O “wala akong nakitang katibayan na birhen siya.”
O “itinakwil.”
O “didisiplinahin.”
Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.
O “prostitusyon.”
O “labas ng lunsod.”
Lit., “hindi niya maililis ang laylayan ng.”
O “marumi.”
Palikuran.
O “kita ng.”
Lit., “sa aso.”
O “huwag kang magdalawang-isip.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “Kung ang babae ay itakwil ng.”
O “gilingang pangkamay.”
O “panagot.”
O “buhay.” Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Ang salitang Hebreo na isinaling “ketong” ay may malawak na kahulugan at puwedeng tumukoy sa iba’t ibang nakakahawang sakit sa balat. Puwede rin itong tumukoy sa ketong sa mga damit at bahay.
Lit., “sa loob ng pintuang-daan.”
O “sa ulila.”
O “panagot.”
O “tatakpan ang bibig ng.”
Tingnan sa Glosari, “Pag-aasawa bilang bayaw.”
Tingnan sa Glosari, “Pag-aasawa bilang bayaw.”
O “pangalan ng sambahayan.” Lit., “pangalan.”
Lit., “Huwag maaawa ang iyong mata.”
O “bag.”
Lit., “sa bahay mo ng isang epa at isang epa.” Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “sa silong ng langit.”
O posibleng “pumapanaw na.”
O “ulila.”
Lit., “sa loob ng mga pintuang-daan.”
O “minamahal.”
O “at palitadahan ninyo.”
O “isang karpintero at panday.”
O “Mangyari nawa!”
Tanda ng hangganan.
O “ulila.”
Lit., “dahil inilililis niya ang laylayan ng.”
O “pabagsakin ang.”
Lit., “ang bunga ng sinapupunan.”
O “batang baka.”
O “batang tupa.”
O “malukong na masahan.”
Lit., “Pagpapalain ang inyong pagpasok at paglabas.”
O “iba’t ibang.”
O “malukong na masahan.”
Lit., “ang bunga ng sinapupunan.”
Lit., “Susumpain ang inyong pagpasok at paglabas.”
Lit., “ako.”
O “aamagin.” Tingnan sa Glosari, “Amag.”
O “iba’t ibang.”
O “malilito ang puso ninyo.”
Lit., “kasabihan.”
O “ng humihiging na.”
Lit., “sa loob ng mga pintuang-daan.”
Lit., “ang bunga ng iyong sinapupunan.”
O “sa pagitan ng mga binti.”
O “at karapat-dapat sa matinding paggalang.”
O “pagsubok.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
Lit., “na ang puso ay tumalikod.”
O “ang sinasabi ng puso.”
Lit., “sa natutubigang mainam at sa tuyot.”
Lit., “sa silong ng langit.”
Lit., “at hindi niya ibinigay sa kanila.”
Lit., “Tutuliin.”
O “o imposibleng maabot.”
Lit., “ang inyong puso.”
Lit., “Hindi na ako puwedeng lumabas at pumasok.”
O “Pansamantalang Tirahan.”
Lit., “maliliit na bata.”
Lit., “sa loob ng mga pintuang-daan.”
O “pumuwesto.”
Lit., “humigang kasama ng iyong mga ama.”
O “magsasagawa ng espirituwal na prostitusyon.”
Lit., “at itatago ko ang aking mukha mula sa kanila.”
Lit., “itatago ko pa rin ang aking mukha.”
Lit., “Ilagay mo ito sa bibig nila.”
O “para maipaalaala nito ang mga babala ko.”
Lit., “at tumaba.”
Lumilitaw na tumutukoy sa Diyos.
Lit., “leeg.”
Lit., “ng mga kamay ninyo.”
O posibleng “ang lahi ng tao.”
Si Jacob.
O “batong pingkian.”
Lit., “taba ng.”
Lit., “ng taba ng bato.”
Lit., “dugo.”
Ibig sabihin, “Isa na Matuwid,” isang marangal na titulo para sa Israel.
Lit., “Itatago ko ang aking mukha mula sa kanila.”
O “Pinagselos.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O posibleng “ayaw makinig sa payo.”
O “hagdan-hagdang lupain.”
O “ng pinakamabubuti sa.”
O “At lilinisin niya ang.”
Ang unang pangalan ni Josue. Hosea ang pinaikling anyo ng Hosaias na ang ibig sabihin ay “Iniligtas ni Jah; Si Jah ay Nagligtas.”
Lit., “at matitipon ka sa bayan mo.” Makatang pananalita para sa kamatayan.
Lit., “at natipon sa bayan niya.”
O “laksa-laksang; sampu-sampung libong.”
Ibig sabihin, “Isa na Matuwid,” isang marangal na titulo para sa Israel.
O “Ipinagsanggalang.”
Lit., “ng kaniyang mga bisig.”
Tumutukoy sa Diyos ang “iyo,” “mo,” at “ka” sa talatang ito.
Lit., “sa ilong mo.”
O “balakang.”
O posibleng “mula sa mga bundok sa silangan.”
O “susuwagin.”
Lit., “sisipsipin.”
O “hugasan.”
Lit., “At ang iyong lakas ay magiging gaya ng mga araw mo.”
Lit., “Nasa ilalim mo.”
O posibleng “ang matataas na lugar.”
Malaking Dagat, ang Mediteraneo.
Lit., “sa binhi.”
Lit., “napuno ng espiritu ng karunungan.”