4. Talaga Bang Ginawa Tayo Para Magdusa?
Bakit Dapat Itong Pag-isipan?
Ang sagot sa tanong na iyan ay makakaapekto sa pananaw natin sa buhay.
Pag-isipan Ito
Para saan pa na gumawa ang Diyos ng magagandang bagay kung ang buhay naman ng tao ay punô ng pagdurusa?
Ginagamit ng mga taong di-relihiyoso ang pagdurusa para kuwestiyunin ang motibo ng Diyos o ang pag-iral niya. Kaya raw tayo nagdurusa kasi (1) walang kapangyarihan ang Diyos na alisin ito, (2) walang pakialam ang Diyos kung magdusa man tayo, o (3) wala talagang Diyos.
Iyan lang ba ang mga posibleng dahilan ng pagdurusa?
PARA SA IBA PANG IMPORMASYON
Panoorin sa jw.org ang video na Paano Tayo Nakakasiguro na Totoo ang Sinasabi ng Bibliya?
Ang Sinasabi ng Bibliya
Hindi tayo ginawa ng Diyos para magdusa.
Gusto niyang ma-enjoy natin ang buhay.
“Wala nang mas mabuti para sa [mga tao] kundi ang magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay sila, at na ang bawat isa ay dapat kumain, uminom, at masiyahan sa lahat ng pinaghirapan niya. Regalo iyan ng Diyos.”—ECLESIASTES 3:12, 13.
Maganda ang layunin ng Diyos para sa unang mag-asawa.
Hindi niya gustong magdusa sila—o ang mga anak nila.
“Pinagpala sila ng Diyos at sinabi: ‘Magpalaanakin kayo at magpakarami, punuin ninyo ang lupa at pangasiwaan iyon.’”—GENESIS 1:28.
Pinili ng unang mag-asawa na humiwalay sa Diyos.
Bilang resulta, nagdusa sila at ang lahat ng anak nila.
“Sa pamamagitan ng isang tao, ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ang kamatayan, kaya naman ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao, dahil silang lahat ay nagkasala.”—ROMA 5:12.a
Hindi tayo ginawa ng Diyos para mabuhay nang wala ang patnubay niya.
Kung paanong hindi tayo nilikha para mabuhay sa ilalim ng dagat, hindi rin naman tayo nilikha para pamahalaan ang ating sarili.
“Hindi para sa taong lumalakad ang ituwid man lang ang sarili niyang hakbang.”—JEREMIAS 10:23.
Hindi gusto ng Diyos na magdusa tayo.
Gusto ng Diyos na mabuhay tayo nang walang problema hangga’t posible.
“Kung magbibigay-pansin ka lang sa mga utos ko, ang kapayapaan mo ay magiging gaya ng ilog.”—ISAIAS 48:18.
a Sa Bibliya, ang salitang “kasalanan” ay hindi lang tumutukoy sa maling gawain kundi pati na sa kalagayan na namana ng lahat ng tao.