Talaan ng mga Nilalaman
LINGGO NG OKTUBRE 29, 2018–NOBYEMBRE 4, 2018
3 “Kung Alam Ninyo ang mga Bagay na Ito, Maligaya Kayo Kung Gagawin Ninyo ang mga Iyon”
Walang gaanong halaga ang kaalaman kung hindi ito gagamitin. Pero kailangan ang kapakumbabaan para maikapit ang mga natututuhan natin. Pasisiglahin tayo ng artikulong ito na mapanatili ang kapakumbabaan sa pamamagitan ng pagtulad sa mga halimbawa sa Bibliya ng mga nangaral sa lahat ng uri ng tao, nanalangin para sa iba, at naghintay sa pagkilos ni Jehova.
8 Mga May-edad Nang Brother—Pinahahalagahan ni Jehova ang Inyong Katapatan
LINGGO NG NOBYEMBRE 5-11, 2018
12 Patuloy na Magpakita ng Pag-ibig—Nagpapatibay Ito
Sa mahirap na panahong ito, napakadaling panghinaan ng loob o mapabigatan ng mga hamon sa buhay. Tinutulungan tayo ni Jehova at ni Jesus na maharap ito. Pero pananagutan nating lahat na aliwin at patibayin ang isa’t isa. Makikita sa artikulong ito kung paano natin patitibayin ang isa’t isa sa pag-ibig.
LINGGO NG NOBYEMBRE 12-18, 2018
17 Maligaya ang mga Naglilingkod sa “Maligayang Diyos”
Si Jehova ay maligayang Diyos at gusto niyang maging maligaya ang kaniyang mga lingkod. Pero paano tayo magiging maligaya kahit may mga pagsubok at problema sa sanlibutan ni Satanas? Sa Sermon sa Bundok, nagbigay si Jesus ng napakapraktikal na payo na tutulong sa ating magkaroon ng namamalaging kaligayahan.
22 Alam Mo Ba Kung Anong Oras Na?
LINGGO NG NOBYEMBRE 19-25, 2018
23 Makapangyarihan-sa-Lahat Pero Makonsiderasyon
LINGGO NG NOBYEMBRE 26, 2018–DISYEMBRE 2, 2018
28 Maging Makonsiderasyon at Mabait Gaya ni Jehova
Sa mundong ito na lalong nagiging makasarili ang mga tao, kitang-kita ang pag-ibig sa kongregasyong Kristiyano. Isang aspekto ng pag-ibig na iyan ang pagiging makonsiderasyon sa iba, na siyang paksa ng dalawang artikulong ito. Una, aalamin natin kung paano nagpakita si Jehova ng magandang halimbawa sa pagiging makonsiderasyon. Pagkatapos, rerepasuhin natin ang ilang paraan kung paano natin siya matutularan.