-
Lucas 3:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 na anak ni Joanan,
na anak ni Resa,
na anak ni Zerubabel,+
na anak ni Sealtiel,+
na anak ni Neri,
-
Lucas 3:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 na anak ni Joanan,
na anak ni Resa,
na anak ni Zerubabel,+
na anak ni Sealtiel,+
na anak ni Neri,
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Zerubabel, na anak ni Sealtiel: Maraming beses na tinukoy si Zerubabel na “anak ni Sealtiel” (Ezr 3:2, 8; 5:2; Ne 12:1; Hag 1:1, 12, 14; 2:2, 23; Mat 1:12), pero minsan siyang tinukoy na isa sa “mga anak ni Pedaias,” na kapatid ni Sealtiel. (1Cr 3:17-19) Malamang na anak talaga ni Pedaias si Zerubabel, pero ang kinikilalang legal na ama niya ay si Sealtiel. Kung namatay si Pedaias noong bata pa ang anak niyang si Zerubabel, posibleng ang bata ay pinalaki ng panganay na kapatid na lalaki ni Pedaias na si Sealtiel bilang sarili niyang anak. Kung namatay naman si Sealtiel nang walang anak at kinuha ni Pedaias ang naiwan niyang biyuda bilang asawa (pag-aasawa bilang bayaw), ang anak ni Pedaias sa asawa ni Sealtiel ay ituturing na legal na tagapagmana ni Sealtiel.
Sealtiel, na anak ni Neri: Ayon sa 1Cr 3:17 at Mat 1:12, si Sealtiel ay anak ni Jeconias, hindi ni Neri. Posibleng naging asawa ni Sealtiel ang anak na babae ni Neri. Kaya matatawag siyang “anak ni Neri” dahil manugang siya nito. Karaniwan sa talaangkanan ng mga Hebreo na itala ang isang manugang na lalaki bilang isang anak. Ganiyan din ang kaso nang tawagin ni Lucas si Jose na “anak ni Heli,” ang ama ni Maria.—Tingnan ang study note sa Luc 3:23.
-
-
-