-
Lucas 10:34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
34 Kaya nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito, at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ito sa kaniyang hayop, dinala sa isang bahay-tuluyan, at inalagaan.
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito, at binendahan: Detalyadong iniulat ng doktor na si Lucas ang ilustrasyon ni Jesus. Inilarawan niya ang paraan ng paggamot sa sugat na karaniwan noong panahong iyon. Karaniwang ginagamit sa mga bahay noon ang langis at alak para gamutin ang mga sugat. Ginagamit ang langis kung minsan para palambutin ang sugat. (Ihambing ang Isa 1:6.) Ginagamit naman ang alak na panlinis ng sugat at pamatay ng baktirya. Sinabi rin ni Lucas na ang sugat ay binendahan, o tinalian, para hindi ito lumala.
bahay-tuluyan: Ang salitang Griego ay literal na nangangahulugang “isang lugar kung saan ang lahat ay tinatanggap o pinapatuloy.” Sa ganitong mga lugar tumutuloy ang mga naglalakbay kasama ang mga alaga nilang hayop. Inilalaan ng may-ari ng bahay-tuluyan ang pangunahing pangangailangan ng mga naglalakbay, at puwede siyang bayaran para alagaan ang sinuman o anumang ihahabilin sa kaniya.
-