-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tanda ni Jonas: Sa isang naunang pagkakataon, ginamit ni Jesus ang ekspresyong “tanda ng propetang si Jonas” at ipinaliwanag na tumutukoy ito sa kaniyang kamatayan at pagkabuhay-muli. (Mat 12:39, 40) Ikinumpara ni Jonas sa pagbangon mula sa Libingan ang pagliligtas sa kaniya mula sa tiyan ng isda pagkatapos ng “tatlong araw at tatlong gabi.” (Jon 1:17–2:2) Ang pagkabuhay-muli ni Jesus mula sa literal na libingan ay tiyak na mangyayari, gaya ng pagliligtas kay Jonas mula sa tiyan ng isda. Pero kahit nabuhay-muli si Jesus pagkatapos maging patay sa loob ng tatlong araw, ayaw pa ring manampalataya sa kaniya ng mga kritikong may matitigas na puso. Nagsilbi ring tanda si Jonas sa pamamagitan ng kaniyang lakas-loob na pangangaral, na nagpakilos sa mga Ninevita na magsisi.—Mat 12:41; Luc 11:32.
-