BAAL-HERMON
[May-ari ng Hermon].
Lumilitaw ang pangalang ito sa Hukom 3:3 at sa 1 Cronica 5:23. Sa unang teksto, tinutukoy nito ang isang lugar sa rehiyong tinahanan ng mga Sidonio at mga Hivita na hindi nalupig ng mga Israelita, anupat tinatawag itong “Bundok Baal-hermon.” Ito ay kadalasang iniuugnay sa Bundok Hermon mismo ngunit maaari rin itong tumukoy sa buong Kabundukan ng Anti-Lebanon o sa isang bahagi niyaon. Sa 1 Cronica 5:23, ginagamit naman ang “Baal-hermon” kasama ng Senir at Bundok Hermon at ng pook ng Basan upang tumukoy sa teritoryong pinanirahan ng kalahati ng tribo ni Manases. Bagaman maaaring tumutukoy ito sa isang bayan o lugar na malapit sa Bundok Hermon, maaari rin na isa itong katawagan para sa bulubunduking pook ng Hermon.—Tingnan ang HERMON.