FEATURE
Mga Kaaway na Bansang Sumalakay sa Israel
NASA palibot ng Israel ang mga kaaway na bansa na determinadong kunin ang mana nito. Matatalo kaya ang Israel? Hangga’t nananatiling tapat sa Diyos ang Israel, tiyak na magtatagumpay ito. “Si Jehova ang nakipaglaban para sa Israel.”—Jos 10:14.
Malinaw itong ipinakita noong panahon ng pamamahala ni Haring Jehosapat (936-mga 911 B.C.E.). Ang pinagsama-samang mga hukbo ng Ammon, Moab, at Bundok Seir ay pumaroon laban sa Juda. Namanhik si Jehosapat kay Jehova: ‘Narito . . . pumaparito sila upang palayasin kami mula sa iyong pag-aari na pinangyari mong ariin namin. O aming Diyos, hindi ka ba maglalapat ng kahatulan sa kanila?’ Tiyak na maglalapat Siya! Binigyang-katiyakan ang Juda: “Ang pagbabaka ay hindi inyo, kundi sa Diyos.” Nilito ni Jehova ang kaaway anupat nagpatayan sila sa isa’t isa.—2Cr 20:1-23.
Nang dakong huli, pagkatapos ng maraming siglo ng pakikipaglaban para sa Israel, pinahintulutan ni Jehova ang mga kaaway na bansa na lupigin ito. Noong 740 B.C.E., winakasan ng mga Asiryano ang sampung-tribong kaharian “sapagkat ang mga anak ni Israel ay nagkasala laban kay Jehova.” (2Ha 17:7-18) Pagkatapos, noong 607 B.C.E., dahil sa pagkamasuwayin nito, ang dalawang-tribong kaharian ay winasak ng mga Babilonyo. (2Ha 21:10-15; 22:16, 17) Idiniriin ng yugtong ito ng kasaysayan ng Israel ang kahalagahan ng pagsunod kay Jehova.