AWIT 22
Dumating Nawa ang Kaharian!
1. Ikaw ay magpakailanman,
Diyos naming Jehova.
Naghahari ang ’yong Anak;
Iniluklok mo siya.
Kaharia’y ’sinilang na;
Mamamahala sa lupa.
(KORO)
Kaharian ng Diyos
Ay naitatag na ngayon.
Ang aming dalangin:
“Nawa’y dumating na ito!”
2. Araw ng Diyablo’y may wakas;
Ito’y malapit na.
May pagdurusa man ngayon,
Tayo’y may pag-asa.
Kaharia’y ’sinilang na;
Mamamahala sa lupa.
(KORO)
Kaharian ng Diyos
Ay naitatag na ngayon.
Ang aming dalangin:
“Nawa’y dumating na ito!”
3. Mga anghel ay nagsaya.
Ngayo’y may ginhawa.
Ang langit ay nagbubunyi,
Diyablo’y hinagis na.
Kaharia’y ’sinilang na;
Mamamahala sa lupa.
(KORO)
Kaharian ng Diyos
Ay naitatag na ngayon.
Ang aming dalangin:
“Nawa’y dumating na ito!”
(Tingnan din ang Dan. 2:34, 35; 2 Cor. 4:18.)