PAGGAWA NG MGA ALAGAD
ARALIN 11
Simple
Prinsipyo: “Kung kayo ay gagamit ng mga salitang mahirap maintindihan, paano malalaman ng iba kung ano ang sinasabi ninyo?”—1 Cor. 14:9.
Ang Ginawa ni Jesus
1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Mateo 6:25-27. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:
Paano inilarawan ni Jesus na mahalaga tayo kay Jehova?
Kahit maraming alam si Jesus tungkol sa mga ibon, sa anong simpleng detalye siya nagpokus? Bakit epektibo ang paraang iyon?
Ang Matututuhan Natin kay Jesus
2. Kapag simple tayo magturo, maaalala ng mga tao ang itinuturo natin at maaabot natin ang puso nila.
Tularan si Jesus
3. Huwag magsalita nang magsalita. Imbes na sabihin ang lahat ng alam mo tungkol sa paksa, magpokus lang sa impormasyong nasa publikasyon. Kapag nagtanong ka, hintaying makasagot ang study mo. Kung hindi niya alam ang sagot o kung hindi ito kaayon ng Bibliya, gumamit ng ibang tanong para akayin siya sa tamang sagot. Kapag naintindihan na niya ang pangunahing punto, lumipat na sa susunod na punto.
4. Tulungan siyang makita ang koneksiyon ng pag-aaralan ninyo at ng mga bagay na alam na niya. Halimbawa, bago simulan ang aralin tungkol sa pagkabuhay-muli, puwede mong banggitin ang alam na niya tungkol sa kalagayan ng mga patay.
5. Piliin ang mga ilustrasyong gagamitin mo. Bago gumamit ng ilustrasyon, pag-isipan:
‘Simple ba ang ilustrasyon?’
‘Maiintindihan ba ito agad ng study ko?’
‘Maaalala kaya niya ang pangunahing punto—hindi lang ang ilustrasyon?’