Awit
Maskil. Ni Etan na Ezrahita.+
89 Aawitin ko ang tungkol sa mga maibiging-kabaitan ni Jehova hanggang sa panahong walang takda.+
Sa sali’t salinlahi ay ihahayag ko ang iyong katapatan sa pamamagitan ng aking bibig.+
2 Sapagkat sinabi ko: “Ang maibiging-kabaitan ay mananatiling nakatayo maging hanggang sa panahong walang takda;+
Kung tungkol sa langit, pinananatili mong matibay na nakatatag doon ang iyong katapatan.”+
3 “Ako ay nagtibay ng isang tipan sa aking pinili;+
Ako ay sumumpa kay David na aking lingkod,+
4 ‘Hanggang sa panahong walang takda ay itatatag ko nang matibay ang iyong binhi,+
At itatayo ko ang iyong trono+ sa sali’t salinlahi.’ ” Selah.
5 At pupurihin ng langit ang iyong kamangha-manghang gawa, O Jehova,+
Oo, ang iyong katapatan sa kongregasyon ng mga banal.
6 Sapagkat sino sa kalangitan ang maihahambing kay Jehova?+
Sino ang makatutulad kay Jehova sa gitna ng mga anak ng Diyos?+
7 Ang Diyos ay dapat kasindakan sa gitna ng matalik na kapisanan ng mga banal;+
Siya ay dakila at kakila-kilabot sa lahat ng nasa palibot niya.+
8 O Jehova na Diyos ng mga hukbo,+
Sino ang malakas na tulad mo, O Jah?+
At ang iyong katapatan ay nasa buong palibot mo.+
9 Pinamamahalaan mo ang paglaki ng dagat;+
Kapag pinatataas nito ang kaniyang mga alon ay pinahuhupa mo ang mga iyon.+
10 Dinurog mo ang Rahab,+ na parang isang napatay.+
Sa pamamagitan ng bisig ng iyong lakas ay pinangalat mo ang iyong mga kaaway.+
11 Ang langit ay sa iyo,+ ang lupa rin ay sa iyo;+
Ang mabungang lupain at ang lahat ng naroroon+—ikaw ang nagtatag ng mga iyon.+
12 Ang hilaga at ang timog—ikaw ang lumalang ng mga iyon;+
Ang Tabor+ at ang Hermon+—sa iyong pangalan ay humihiyaw sila nang may kagalakan.+
13 Ang bisig na may kalakasan ay sa iyo,+
Ang iyong kamay ay malakas,+
Ang iyong kanang kamay ay dinadakila.+
14 Ang katuwiran at ang kahatulan ang siyang tatag na dako ng iyong trono;+
Ang maibiging-kabaitan at ang katapatan ay dumarating sa harap ng iyong mukha.+
15 Maligaya ang bayan na nakaaalam ng mga sigaw ng kagalakan.+
O Jehova, sa liwanag ng iyong mukha ay patuloy silang lumalakad.+
17 Sapagkat ikaw ang kagandahan ng kanilang lakas;+
At sa pamamagitan ng iyong kabutihang-loob ay natataas ang aming sungay.+
19 Nang panahong iyon ay nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga matapat,+
At sinabi mo:
“Naglaan ako ng tulong sa isang makapangyarihan;+
Dinakila ko ang isang pinili mula sa bayan.+
22 Walang kaaway ang hihingi ng kaltas sa kaniya,+
Ni pipighatiin man siya ng sinumang anak ng kalikuan.+
23 At mula sa harap niya ay pinagdurug-durog ko ang kaniyang mga kalaban,+
At sinaktan ko yaong mga masidhing napopoot sa kaniya.+
24 At ang aking katapatan at ang aking maibiging-kabaitan ay sumasakaniya,+
At sa aking pangalan ay natataas ang kaniyang sungay.+
27 Gayundin, ako mismo ang maglalagay sa kaniya bilang panganay,+
Ang kataas-taasan sa mga hari sa lupa.+
28 Hanggang sa panahong walang takda ay iingatan ko ang aking maibiging-kabaitan sa kaniya,+
At ang aking tipan ay magiging tapat sa kaniya.+
29 At pananatilihin ko nga ang kaniyang binhi magpakailanman+
At ang kaniyang trono na gaya ng mga araw ng langit.+
30 Kung iiwanan ng kaniyang mga anak ang aking kautusan+
At sa aking mga hudisyal na pasiya ay hindi sila lalakad,+
31 Kung lalapastanganin nila ang aking mga batas
At hindi nila tutuparin ang aking mga utos,
32 Ibabaling ko rin naman ang aking pansin sa kanilang pagsalansang taglay ang isang pamalo+
At sa kanilang kamalian taglay ang mga hampas.+
33 Ngunit ang aking maibiging-kabaitan ay hindi ko aalisin sa kaniya,+
Ni magbubulaan man ako may kinalaman sa aking katapatan.+
34 Hindi ko lalapastanganin ang aking tipan,+
At ang pananalita mula sa aking mga labi ay hindi ko babaguhin.+
36 Ang kaniyang binhi ay magiging hanggang sa panahong walang takda,+
At ang kaniyang trono ay magiging gaya ng araw sa harap ko.+
37 Gaya ng buwan ay matibay na matatatag iyon hanggang sa panahong walang takda,
At bilang tapat na saksi sa kalangitan.” Selah.
39 Iwinaksi mo ang tipan ng iyong lingkod;
Nilapastangan mo ang kaniyang diadema hanggang sa mismong lupa.+
42 Itinaas mo ang kanang kamay ng kaniyang mga kalaban;+
Pinagsaya mo ang lahat ng kaniyang mga kaaway.+
43 Higit pa riyan, muli mong itinuring na isang kagalit ang kaniyang tabak,+
At pinangyari mong huwag siyang manaig sa pagbabaka.+
46 O Jehova, hanggang kailan ka mananatiling nakakubli? Habang panahon ba?+
Patuloy bang magniningas ang iyong pagngangalit na parang apoy?+
47 Alalahanin mo kung gaano ang lawig ng aking buhay.+
Sa walang kabuluhan mo ba nilalang ang lahat ng mga anak ng mga tao?+
48 Sinong matipunong lalaki ang buháy na hindi makakakita ng kamatayan?+
Makapaglalaan ba siya ng pagtakas para sa kaniyang kaluluwa mula sa kamay ng Sheol?+ Selah.
49 Nasaan ang dati mong mga gawa ng maibiging-kabaitan, O Jehova,
Na isinumpa mo kay David sa iyong katapatan?+
50 Alalahanin mo, O Jehova, ang pandurusta sa iyong mga lingkod,+
Ang pagdadala ko sa aking dibdib ng pandurusta ng lahat ng maraming bayan,+
51 Kung paanong nandusta ang mga kaaway mo, O Jehova,+
Kung paanong dinusta nila ang mga bakas ng mga paa ng iyong pinahiran.+
52 Pagpalain nawa si Jehova hanggang sa panahong walang takda. Amen at Amen.+