Isaias
45 Ito ang sinabi ni Jehova sa kaniyang pinahiran,+ kay Ciro, na ang kanang kamay ay hinawakan ko,+ upang manupil ng mga bansa sa harap niya,+ nang sa gayon ay maalisan ko ng bigkis ang mga balakang ng mga hari; upang buksan sa harap niya ang mga pinto na may dalawang pohas, nang sa gayon ay hindi maisara ang mga pintuang-daan: 2 “Sa unahan mo ay yayaon ako,+ at ang mga umbok ng lupa ay papatagin ko.+ Ang mga pintong tanso ay pagdudurug-durugin ko, at ang mga halang na bakal ay puputulin ko.+ 3 At ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanan+ na nasa kadiliman at ang mga nakatagong kayamanan na nasa mga kublihang dako, upang makilala mo na ako ay si Jehova, ang Isa na tumatawag sa iyo sa iyong pangalan,+ ang Diyos ng Israel. 4 Alang-alang sa Jacob na aking lingkod at sa Israel na aking pinili,+ tinawag nga kita sa iyong pangalan; binigyan kita ng pangalang may karangalan, bagaman hindi mo ako kilala.+ 5 Ako ay si Jehova, at wala nang iba pa.+ Maliban sa akin ay walang Diyos.+ Bibigkisan kita nang mahigpit, bagaman hindi mo ako nakikilala, 6 upang malaman ng mga tao mula sa sikatan ng araw at mula sa lubugan nito na wala nang iba maliban sa akin.+ Ako ay si Jehova, at wala nang iba pa.+ 7 Nag-aanyo ng liwanag+ at lumalalang ng kadiliman,+ gumagawa ng kapayapaan+ at lumalalang ng kapahamakan,+ ako, si Jehova, ang gumagawa ng lahat ng mga bagay na ito.+
8 “O kayong mga langit, magpaulan kayo mula sa itaas;+ at magpatak ng katuwiran ang maulap na kalangitan.+ Bumuka ang lupa, at magbunga iyon ng kaligtasan, at magpasibol iyon ng katuwiran+ kasabay nito. Ako mismo, si Jehova, ang lumalang nito.”+
9 Sa aba niyaong lumalaban sa kaniyang Tagapag-anyo,+ gaya ng isang bibingang luwad sa iba pang mga bibingang luwad sa lupa! Dapat bang sabihin ng luwad+ sa tagapag-anyo nito: “Ano ang ginagawa mo?” At ang iyong ginawa ay magsasabi: “Wala siyang mga kamay”? 10 Sa aba niyaong nagsasabi sa ama: “Ano ang ipinanganganak sa iyo?” at sa asawang babae: “Ano ang ipinaghihirap mong maipanganak?”+
11 Ito ang sinabi ni Jehova, ang Banal ng Israel+ at ang Tagapag-anyo+ sa kaniya: “Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na dumarating+ may kinalaman sa aking mga anak;+ at may kinalaman sa gawa+ ng aking mga kamay ay mag-utos kayo sa akin. 12 Ako mismo ang gumawa ng lupa+ at lumalang ng tao sa ibabaw nito.+ Ako—ang aking sariling mga kamay ang nag-unat ng mga langit,+ at sa buong hukbo nila ay nag-utos ako.”+
13 “Ako ay may isang pinukaw sa katuwiran,+ at ang lahat ng kaniyang lakad ay tutuwirin ko.+ Siya ang magtatayo ng aking lunsod,+ at yaong aking mga pag-aari na nasa pagkatapon ay payayaunin niya,+ hindi kapalit ng isang halaga+ ni dahil man sa panunuhol,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
14 Ito ang sinabi ni Jehova: “Ang mga di-binabayarang trabahador ng Ehipto+ at ang mga mangangalakal ng Etiopia at ang mga Sabeano,+ matatangkad na lalaki,+ ay paririyan nga sa iyo, at sila ay magiging iyo.+ Sa likuran mo ay lalakad sila; paririyan silang may mga pangaw,+ at sa iyo ay yuyukod sila.+ Sa iyo ay mananalangin sila, na sinasabi, ‘Tunay nga na ang Diyos ay kaisa mo,+ at wala nang iba pa; wala nang iba pang Diyos.’ ”+
15 Tunay na ikaw ay Diyos na nagkukubli ng iyong sarili,+ ang Diyos ng Israel, isang Tagapagligtas.+ 16 Sila ay tiyak na mapapahiya at maaaba, silang lahat. Ang mga manggagawa ng mga anyong idolo ay sama-samang lalakad sa kahihiyan.+ 17 Kung tungkol sa Israel, siya ay tiyak na ililigtas na kaisa ni Jehova+ sa kaligtasang hanggang sa mga panahong walang takda.+ Hindi kayo mapapahiya,+ ni maaaba+ man kayo hanggang sa walang-takdang mga panahon na walang hanggan.
18 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, na Maylalang ng langit,+ Siya na tunay na Diyos,+ na Tagapag-anyo ng lupa at Maylikha nito,+ Siya na nagtatag nito nang matibay,+ na hindi niya nilalang na walang kabuluhan, na nag-anyo nito upang tahanan:+ “Ako ay si Jehova, at wala nang iba pa.+ 19 Hindi ako nagsalita sa isang dakong kublihan,+ sa isang madilim na dako sa lupa; ni sinabi ko man sa binhi ni Jacob, ‘Hanapin ninyo ako nang walang kabuluhan.’+ Ako ay si Jehova, na nagsasalita ng bagay na matuwid, nagsasabi ng bagay na matapat.+
20 “Magtipon kayo at pumarito.+ Magpisan-pisan kayo, kayong mga takas mula sa mga bansa.+ Yaong mga nagdadala ng kahoy ng kanilang inukit na imahen ay hindi sumapit sa anumang kaalaman, ni yaon mang mga nananalangin sa isang diyos na hindi makapagligtas.+ 21 Isaysay ninyo ang inyong ulat at ang inyong paglalahad.+ Oo, magsanggunian sila nang may pagkakaisa. Sino ang nagparinig nito mula noong sinaunang panahon?+ Sino ang nag-ulat nito mula nang mismong panahong iyon?+ Hindi ba ako, si Jehova, na bukod sa akin ay wala nang iba pang Diyos;+ isang matuwid na Diyos at isang Tagapagligtas,+ na walang iba maliban sa akin?+
22 “Bumaling kayo sa akin at maligtas,+ lahat kayong nasa mga dulo ng lupa; sapagkat ako ang Diyos, at wala nang iba pa.+ 23 Sa pamamagitan ng aking sarili ay sumumpa ako+—mula sa sarili kong bibig ay lumabas ang salita sa katuwiran,+ anupat hindi iyon babalik+—na sa akin ay luluhod ang bawat tuhod,+ ang bawat dila ay susumpa,+ 24 na nagsasabi, ‘Tiyak na kay Jehova ang buong katuwiran at lakas.+ Lahat niyaong mga nag-iinit laban sa kaniya ay tuwirang paroroon sa kaniya at mapapahiya.+ 25 Kay Jehova ang buong binhi+ ng Israel ay mapatutunayang tama+ at maghahambog tungkol sa kanilang sarili.’ ”+