Jeremias
2 At ang salita ni Jehova ay dumating sa akin,+ na nagsasabi: 2 “Yumaon ka, at tumawag ka sa pandinig ng Jerusalem, na sinasabi, ‘Ito ang sinabi ni Jehova:+ “Naaalaala kong lubos, sa ganang iyo, ang maibiging-kabaitan ng iyong kabataan,+ ang pag-ibig noong ikaw ay nakatipang magpakasal,+ ang pagsunod mo sa akin sa ilang, sa isang lupaing hindi hinahasikan ng binhi.+ 3 Ang Israel ay banal kay Jehova,+ ang unang ani para sa Kaniya.” ’+ ‘Ang sinumang tao na lalamon sa kaniya ay magkakasala.+ Kapahamakan ang darating sa kanila,’ ang sabi ni Jehova.”+
4 Dinggin mo ang salita ni Jehova, O sambahayan ni Jacob,+ at lahat kayong mga pamilya sa sambahayan ng Israel.+ 5 Ito ang sinabi ni Jehova: “Anong bagay na di-makatarungan ang nasumpungan sa akin ng inyong mga ama,+ anupat lumayo sila sa akin,+ at sila ay patuloy na sumunod sa walang-kabuluhang idolo+ at naging walang kabuluhan din?+ 6 At hindi nila sinabi, ‘Nasaan si Jehova, ang Isa na nag-ahon sa atin mula sa lupain ng Ehipto,+ ang Isa na pumatnubay sa atin sa ilang, sa lupain ng disyertong kapatagan+ at hukay, sa lupain na walang tubig+ at may matinding karimlan,+ sa lupain na hindi dinaraanan ng tao at hindi tinatahanan ng makalupang tao?’
7 “At sa kalaunan ay dinala ko kayo sa isang lupain ng taniman, upang kainin ang mga bunga nito at ang mabubuting bagay nito.+ Ngunit pumasok kayo at dinungisan ang aking lupain; at ang aking mana ay ginawa ninyong karima-rimarim.+ 8 Ang mga saserdote ay hindi nagsabi, ‘Nasaan si Jehova?’+ At sila mismo na humahawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin;+ at ang mga pastol ay sumalansang laban sa akin,+ at maging ang mga propeta ay nanghula sa pamamagitan ni Baal,+ at yaong mga hindi makapagdudulot ng pakinabang ay sinundan nila.+
9 “ ‘Kaya ako ay makikipaglaban pa sa inyo,’+ ang sabi ni Jehova, ‘at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipaglaban ako.’+
10 “ ‘Ngunit dumaan kayo sa mga baybaying lupain ng mga Kitim+ at tingnan ninyo. Oo, magsugo kayo sa Kedar+ at pag-isipan ninyong mabuti, at tingnan ninyo kung nangyari na ang anumang tulad nito.+ 11 Nakipagpalit ba ng mga diyos ang isang bansa,+ para nga roon sa hindi mga diyos?+ Ngunit ipinagpalit ng aking sariling bayan ang kaluwalhatian ko para roon sa hindi makapagdudulot ng pakinabang.+ 12 Titigan ninyo ito sa pagkamangha, O kayong mga langit; at mangilabot kayo dahil sa napakatinding pagkagimbal,’ ang sabi ni Jehova,+ 13 ‘sapagkat dalawang masasamang bagay ang ginawa ng aking bayan: Iniwan nila ako,+ ang bukal ng tubig na buháy,+ upang humukay para sa kanilang sarili ng mga imbakang-tubig, mga imbakang-tubig na sira, na hindi makapaglalaman ng tubig.’
14 “ ‘Ang Israel ba ay isang lingkod,+ o isang aliping ipinanganak sa sambahayan? Bakit siya naukol sa pandarambong? 15 Laban sa kaniya ay umuungal ang mga may-kilíng na batang leon;+ inilakas nila ang kanilang tinig.+ At ang kaniyang lupain ay ginawa nilang bagay na panggigilalasan. Ang kaniyang mga lunsod ay sinunog, anupat walang tumatahan.+ 16 Maging ang mga anak ng Nop+ at ng Tapanes+ ay patuloy na nanginginain sa iyo sa tuktok ng ulo.+ 17 Hindi ba ito ang ginawa mo sa iyong sarili nang iwan mo si Jehova na iyong Diyos+ noong panahon na pinapatnubayan ka niya sa daan?+ 18 At ngayon ay bakit mo ikababahala ang daan ng Ehipto+ upang inumin ang tubig ng Sihor?+ At bakit mo ikababahala ang daan ng Asirya+ upang inumin ang tubig ng Ilog? 19 Dapat kang ituwid ng iyong kasamaan,+ at dapat kang sawayin ng iyong mga gawa ng kawalang-katapatan.+ Alamin mo nga at tingnan na ang pag-iwan mo kay Jehova na iyong Diyos ay isang bagay na masama at mapait,+ at hindi ito nagbunga sa iyo ng panghihilakbot sa akin,’+ ang sabi ng Soberanong+ Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.
20 “ ‘Sapagkat noong sinaunang panahon ay pinagdurug-durog ko ang iyong pamatok;+ nilagot ko ang iyong mga panali. Ngunit sinabi mo: “Hindi ako maglilingkod,” sapagkat sa ibabaw ng bawat mataas na burol at sa ilalim ng bawat mayabong na punungkahoy+ ay humihiga kang nakahilata,+ na nagpapatutot.+ 21 At sa ganang akin, itinanim kita bilang piling punong ubas na pula,+ na ang kabuuan nito ay tunay na binhi. Kaya paano ka nagbago sa akin at naging mababang-uring mga supang ng banyagang punong ubas?’+
22 “ ‘Ngunit kahit hugasan mo ng sosa at kumuha ka man ng maraming lihiya,+ ang iyong kamalian ay tiyak na magiging mantsa sa harap ko,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova. 23 Paano mo masasabi, ‘Hindi ako nagpakarungis.+ Sa mga Baal ay hindi ako sumunod’?+ Tingnan mo ang iyong daan sa libis.+ Pansinin mo kung ano ang iyong ginawa. Isang matuling batang kamelyong babae na tumatakbong paroo’t parito nang walang patutunguhan sa kaniyang mga lakad; 24 isang sebra+ na sanay sa ilang, sa paghahangad ng kaniyang kaluluwa, sinisinghot ang hangin;+ sa kaniyang panahon ng pakikipagtalik, sino ang makapipigil sa kaniya? Silang lahat na naghahanap sa kaniya ay hindi magpapakapagod. Sa kaniyang kabuwanan ay masusumpungan nila siya. 25 Ingatan mong ang iyong paa ay huwag magtapak, at ang iyong lalamunan ay hindi mauhaw.+ Ngunit sinabi mo, ‘Wala nang pag-asa!+ Hindi, kundi umibig nga ako sa mga taga-ibang bayan,+ at sa kanila ay susunod ako.’+
26 “Gaya ng kahihiyan ng magnanakaw kapag siya ay nahuli, gayon nakadama ng kahihiyan yaong mga nasa sambahayan ng Israel,+ sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga prinsipe at ang kanilang mga saserdote at ang kanilang mga propeta.+ 27 Sinasabi nila sa isang punungkahoy, ‘Ikaw ang aking ama,’+ at sa bato, ‘Ikaw ang nanganak sa akin.’ Ngunit sa akin ay iniharap nila ang batok at hindi ang mukha.+ At sa panahon ng kanilang kapahamakan ay sasabihin nila, ‘Bumangon ka at iligtas mo kami!’+
28 “Ngunit nasaan ang iyong mga diyos na ginawa mo para sa iyong sarili?+ Bumangon sila kung maililigtas ka nila sa panahon ng iyong kapahamakan.+ Sapagkat ayon sa bilang ng iyong mga lunsod ay naging gayon ang iyong mga diyos, O Juda.+
29 “ ‘Bakit kayo patuloy na nakikipaglaban sa akin?+ Bakit kayo sumalansang, kayong lahat, laban sa akin?’+ ang sabi ni Jehova. 30 Walang kabuluhan ang pananakit ko sa iyong mga anak.+ Hindi sila tumanggap ng disiplina.+ Nilamon ng inyong tabak ang inyong mga propeta, na parang isang leon na nagpapahamak.+ 31 O salinlahi, tingnan ninyo sa ganang inyo ang salita ni Jehova.+
“Ako ba ay naging isa na lamang ilang para sa Israel+ o isang lupain ng matinding kadiliman? Bakit nga ang mga ito, ang aking bayan, ay nagsasabi, ‘Gumala-gala na kami. Hindi na kami paroroon sa iyo’?+ 32 Malilimutan ba ng dalaga ang kaniyang mga palamuti, ng kasintahang babae ang kaniyang mga pamigkis sa dibdib? Gayunma’y ang aking sariling bayan—nilimot nila ako sa mga araw na walang bilang.+
33 “O babae, bakit mo pinabubuti ang iyong lakad upang humanap ng pag-ibig? Kaya sa masasamang bagay rin ay tinuruan mo ang iyong mga lakad.+ 34 Gayundin, sa iyong laylayan ay nasumpungan ang mga bahid ng dugo ng mga kaluluwa+ ng mga dukhang walang-sala.+ Hindi ko nasumpungan ang mga iyon sa akto ng panloloob, kundi nasa lahat ng mga ito.+
35 “Ngunit sinasabi mo, ‘Ako ay nananatiling walang-sala. Tiyak na ang kaniyang galit ay napawi na mula sa akin.’+
“Narito, papasok ako sa pakikipagtalo sa iyo dahil sa pagsasabi mo, ‘Hindi ako nagkasala.’+ 36 Bakit mo itinuturing na napakawalang-halaga ng pagbabago ng iyong lakad?+ Ang Ehipto rin ay ikahihiya mo,+ kung paanong ikinahiya mo ang Asirya.+ 37 Sa dahilang ito rin ay lalabas kang nakapatong sa iyong ulo ang iyong mga kamay,+ sapagkat itinakwil ni Jehova ang iyong mga pinagtitiwalaan, at hindi ka magtatagumpay sa kanila.”