Mikas
7 Sa aba ko,+ sapagkat ako ay naging gaya ng mga tinipong bungang pantag-araw, gaya ng himalay ng pamimitas ng ubas!+ Walang kumpol ng ubas na makakain, walang unang igos, na nanasain ng aking kaluluwa!+ 2 Ang matapat ay pumanaw mula sa lupa, at sa gitna ng mga tao ay walang sinumang matuwid.+ Silang lahat ay nag-aabang upang magbubo ng dugo.+ Hinuhuli ng bawat isa ang kaniyang sariling kapatid sa pamamagitan ng pangubkob na lambat.+ 3 Ang kanilang mga kamay ay nasa kasamaan, upang gawin iyon nang may kahusayan;+ ang prinsipe ay may hinihingi, at ang humahatol ay gumagawa nito dahil sa gantimpala,+ at sinasalita ng dakila ang paghahangad ng kaniyang kaluluwa, ng kaniya mismo;+ at pinaghahabi-habi nila ito. 4 Ang pinakamabuti sa kanila ay gaya ng matinik na palumpong, ang pinakamatapat sa kanila ay masahol pa sa bakod na tinik.+ Ang araw ng iyong mga bantay, ng pagtutuon ng pansin sa iyo, ay darating.+ Ngayon mangyayari ang panlilito sa kanila.+
5 Huwag kayong manampalataya sa isang kasamahan. Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa isang matalik na kaibigan.+ Sa kaniya na nakahiga sa iyong dibdib ay bantayan mo ang mga pagbuka ng iyong bibig.+ 6 Sapagkat hinahamak ng anak na lalaki ang ama; ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina;+ ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenang babae;+ ang mga kaaway ng isang tao ay ang mga tao sa kaniyang sambahayan.+
7 Ngunit sa ganang akin, si Jehova ang patuloy kong hihintayin.+ Ako ay magpapakita ng mapaghintay na saloobin sa Diyos ng aking kaligtasan.+ Diringgin ako ng aking Diyos.+
8 Huwag kang magsaya dahil sa akin, O ikaw na babaing kaaway ko.+ Bagaman nabuwal ako, ako ay tiyak na babangon;+ bagaman tumatahan ako sa kadiliman,+ si Jehova ay magiging liwanag sa akin.+ 9 Ang pagngangalit ni Jehova ay titiisin ko—sapagkat ako ay nagkasala laban sa kaniya+—hanggang sa ipakipaglaban niya ang aking usapin sa batas at ilapat nga ang katarungan para sa akin.+ Ilalabas niya ako sa liwanag; titingin ako sa kaniyang katuwiran.+ 10 At makikita ng aking kaaway, at kahihiyan ang tatakip sa kaniya,+ na nagsasabi sa akin: “Nasaan siya, si Jehova na iyong Diyos?”+ Ang aking mga mata ay titingin sa kaniya.+ Siya ngayon ay magiging isang dakong niyuyurakan, gaya ng lusak sa mga lansangan.+
11 Ang araw ng pagtatayo ng iyong mga batong pader, sa araw na iyon ay magiging malayo ang batas.+ 12 Sa araw na iyon ay paroroon sila hanggang sa iyo mula sa Asirya at sa mga lunsod ng Ehipto, at mula sa Ehipto hanggang sa Ilog;+ at mula sa dagat at dagat, at mula sa bundok at bundok.+ 13 At ang lupain ay magiging tiwangwang na kaguhuan dahil sa mga tumatahan dito, dahilan sa bunga ng kanilang mga pakikitungo.+
14 Pastulan mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong baston,+ ang kawan na iyong mana, ang isa na tumatahang mag-isa sa kagubatan—sa gitna ng isang taniman.+ Pakainin mo sila sa Basan at sa Gilead+ gaya ng mga araw noong sinaunang panahon.+
15 “Gaya ng mga araw ng iyong paglabas mula sa lupain ng Ehipto ay magpapakita ako sa kaniya ng mga kamangha-manghang bagay.+ 16 Makikita ng mga bansa at ikahihiya nila ang kanilang buong kalakasan.+ Itatakip nila ang kanilang kamay sa kanilang bibig;+ ang kanila mismong mga tainga ay mabibingi. 17 Hihimod sila ng alabok na gaya ng mga serpiyente;+ gaya ng mga reptilya sa lupa ay lalabas silang naliligalig mula sa kanilang mga balwarte.+ Kay Jehova na aming Diyos ay paroroon silang nanginginig, at matatakot sila sa iyo.”+
18 Sino ang Diyos na tulad mo,+ na nagpapaumanhin sa kamalian at nagpapalampas ng pagsalansang+ ng nalabi sa kaniyang mana?+ Hindi nga niya pananatilihin ang kaniyang galit magpakailanman, sapagkat nalulugod siya sa maibiging-kabaitan.+ 19 Muli niya tayong pagpapakitaan ng awa;+ lulupigin niya ang ating mga kamalian.+ At ihahagis mo sa mga kalaliman ng dagat ang lahat ng kanilang mga kasalanan.+ 20 Ibibigay mo ang katapatan na ibinigay kay Jacob, ang maibiging-kabaitan na ibinigay kay Abraham, na isinumpa mo sa aming mga ninuno mula nang mga araw noong sinaunang panahon.+