Mikas
6 Dinggin ninyo, pakisuyo, kung ano ang sinasabi ni Jehova.+ Bumangon ka, magharap ka sa mga bundok ng isang usapin sa batas, at dinggin nawa ng mga burol ang iyong tinig.+ 2 Dinggin ninyo, O kayong mga bundok, ang usapin ni Jehova sa batas, kayo ring mga bagay na matibay, kayong mga pundasyon ng lupa;+ sapagkat si Jehova ay may usapin sa batas laban sa kaniyang bayan, at sa Israel siya makikipagtalo:+
3 “O bayan ko,+ ano ba ang ginawa ko sa iyo? At sa anong paraan kita pinagod?+ Magpatotoo ka laban sa akin.+ 4 Sapagkat iniahon kita mula sa lupain ng Ehipto,+ at mula sa bahay ng mga alipin ay tinubos kita;+ at isinugo ko sa unahan mo si Moises, si Aaron at si Miriam.+ 5 O bayan ko, alalahanin mo,+ pakisuyo, kung ano ang ipinayo ni Balak na hari ng Moab,+ at kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor.+ Mula iyon sa Sitim,+ hanggang sa Gilgal,+ sa layon na malaman ang matuwid na mga gawa ni Jehova.”+
6 Ano ang ihaharap+ ko kay Jehova? Ano ang dadalhin ko sa aking pagyukod sa harap ng Diyos na nasa kaitaasan?+ Ako ba ay maghaharap sa kaniya ng mga buong handog na sinusunog,+ ng mga guya na isang taóng gulang? 7 Malulugod ba si Jehova sa libu-libong barakong tupa, sa sampu-sampung libong ilog ng langis?+ Ibibigay ko ba ang panganay kong anak na lalaki dahil sa aking pagsalansang, ang bunga ng aking tiyan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?+ 8 Sinabi niya sa iyo, O makalupang tao, kung ano ang mabuti.+ At ano ang hinihingi sa iyo ni Jehova kundi ang magsagawa ng katarungan+ at ibigin ang kabaitan+ at maging mahinhin+ sa paglakad na kasama ng iyong Diyos?+
9 Sa lunsod ay tumatawag ang mismong tinig ni Jehova,+ at ang taong may praktikal na karunungan ay matatakot sa iyong pangalan.+ Dinggin ninyo ang tungkod at kung sino ang nagtakda nito.+ 10 Naroon pa ba sa bahay ng balakyot ang mga kayamanan ng kabalakyutan,+ at ang kulang na takal ng epa na tinutuligsa? 11 Maaari ba akong maging malinis sa moral taglay ang balakyot na timbangan at taglay ang supot ng mga batong panimbang na may daya?+ 12 Sapagkat ang kaniyang mga taong mayaman ay punô ng karahasan, at ang mga tumatahan sa kaniya ay nagsasalita ng kabulaanan,+ at ang kanilang dila ay mapandaya sa kanilang bibig.+
13 “At sa ganang akin ay pagkakasakitin din kita sa pamamagitan ng pananakit sa iyo;+ gagawin kang kaaba-aba, dahil sa iyong mga kasalanan.+ 14 Ikaw, sa ganang iyo, ay kakain at hindi mabubusog, at ang iyong pagkagutom ay mapapasagitna mo.+ At aalisin mo ang mga bagay-bagay, ngunit hindi mo madadalang ligtas ang mga iyon; at anumang madala mong ligtas ay ibibigay ko sa tabak.+ 15 Ikaw, sa ganang iyo, ay maghahasik ng binhi, ngunit hindi ka gagapas. Ikaw, sa ganang iyo, ay magpipisa ng mga olibo, ngunit hindi ka magpapahid ng langis sa iyong sarili; gayundin ng matamis na alak, ngunit hindi ka iinom ng alak.+ 16 At ang mga batas ni Omri+ at ang lahat ng gawa ng sambahayan ni Ahab ay iniingatan,+ at lumalakad kayo sa kanilang mga payo;+ upang gawin kitang bagay na panggigilalasan at ang mga tumatahan naman sa kaniya ay bagay na sisipulan;+ at ang pandurusta ng mga bayan ay inyong papasanin.”+