Zacarias
“Ang salita ni Jehova ay laban sa lupain ng Hadrac, at ang Damasco + ang pahingahan nito; sapagkat si Jehova ay nakatingin sa makalupang tao + at sa lahat ng tribo ng Israel. 2 At ang Hamat + ay magiging kaniya ring hangganan; ang Tiro + at ang Sidon, + sapagkat napakarunong niya. + 3 At ang Tiro ay nagtayo ng muralya para sa kaniyang sarili, at nag-imbak ng pilak na gaya ng alabok at ng ginto na gaya ng lusak sa mga lansangan. + 4 Narito! Si Jehova ang magtataboy sa kaniya, at pababagsakin niya sa dagat ang kaniyang hukbong militar; + at lalamunin siya ng apoy. + 5 Makikita ng Askelon at matatakot; at kung tungkol sa Gaza, makadarama rin siya ng napakatitinding kirot; ang Ekron + din, sapagkat ang kaniyang pinananaligang pag-asa + ay daranas ng kahihiyan. At isang hari ang mamamatay mula sa Gaza, at ang Askelon man ay hindi tatahanan. + 6 At isang anak sa ligaw + ang uupo sa Asdod, + at tiyak na puputulin ko ang pagmamapuri ng Filisteo. + 7 At aalisin ko ang kaniyang mga bagay na may bahid ng dugo mula sa kaniyang bibig at ang kaniyang mga kasuklam-suklam na bagay mula sa pagitan ng kaniyang mga ngipin, + at siya rin mismo ay maiiwan para sa ating Diyos; at siya ay magiging gaya ng isang shik + sa Juda, + at ang Ekron ay gaya ng Jebusita. + 8 At ako ay magkakampong gaya ng isang himpilan para sa aking bahay, + upang walang sinumang makaraan at walang sinumang makabalik; at wala nang tagapag-utos na daraan sa kanila, + sapagkat ngayon ay tiningnan ko iyon ng aking mga mata. +
9 “Magalak kang lubos, O anak na babae ng Sion. + Sumigaw ka nang may pagbubunyi, + O anak na babae ng Jerusalem. Narito! Ang iyong hari + ay dumarating sa iyo. + Siya ay matuwid, oo, ligtas; + mapagpakumbaba, + at nakasakay sa asno, isa ngang hustong-gulang na hayop na anak ng asnong babae. + 10 At tiyak na lilipulin ko ang karong pandigma mula sa Efraim at ang kabayo mula sa Jerusalem. + At ang busog para sa pagbabaka + ay puputulin. At siya ay magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa; + at ang kaniyang pamamahala ay magiging sa dagat at dagat at mula sa Ilog hanggang sa mga dulo ng lupa. +
11 “Gayundin, ikaw, O babae, sa pamamagitan ng dugo ng iyong tipan + ay palalabasin ko ang iyong mga bilanggo + mula sa hukay na walang tubig.
12 “Bumalik kayo sa moog, + kayong mga bilanggo ng pag-asa. +
“Gayundin, ngayon ay sinasabi ko sa iyo, ‘Ikaw, O babae, ay gagantihan ko ng dobleng bahagi. + 13 Sapagkat yayapakan ko ang Juda bilang aking busog. Ang busog ay pupunuin ko ng Efraim, at gigisingin ko ang iyong mga anak, + O Sion, laban sa iyong mga anak, O Gresya, + at ikaw ay gagawin kong tabak ng makapangyarihang lalaki.’ + 14 At si Jehova ay makikita sa itaas nila, + at ang kaniyang palaso ay lalabas na parang kidlat. + At sa tambuli ay hihihip + ang Soberanong Panginoong Jehova, at tiyak na yayaon siyang kasama ng mga buhawi ng timog. + 15 Ipagtatanggol sila ni Jehova ng mga hukbo, at lalamunin + nila at susupilin ang mga batong panghilagpos. At sila ay tiyak na iinom +—magiging maingay—na para bang may alak; at sila ay mapupunong gaya ng mangkok, gaya ng mga panulukan ng altar. +
16 “At tiyak na ililigtas sila ni Jehova na kanilang Diyos + sa araw na iyon gaya ng kawan ng kaniyang bayan; + sapagkat sila ay magiging gaya ng mga bato ng isang diadema na kumikinang sa ibabaw ng kaniyang lupa. + 17 Sapagkat O pagkalaki ng kaniyang kabutihan, + at pagkatindi ng kaniyang kakisigan! + Butil ang magpapalusog sa mga binata, at sa mga dalaga ay bagong alak.” +