Lucas
9 Nang magkagayon ay tinipon niya ang labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihan at awtoridad sa lahat ng mga demonyo at upang magpagaling ng mga sakit.+ 2 At sa gayon ay isinugo niya sila upang ipangaral ang kaharian ng Diyos at upang magpagaling, 3 at sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong magdala ng anuman para sa paglalakbay, kahit baston ni supot ng pagkain, ni tinapay ni salaping pilak; ni magkaroon man ng dalawang pang-ilalim na kasuutan.+ 4 Kundi saanman kayo pumasok sa isang tahanan, manatili kayo roon at umalis mula roon.+ 5 At saanman kayo hindi tanggapin ng mga tao, sa paglabas sa lunsod+ na iyon ay ipagpag ninyo ang alabok mula sa inyong mga paa bilang patotoo laban sa kanila.”+ 6 Kaya sa paghayo ay dumaan sila sa teritoryo sa bawat nayon, na ipinahahayag ang mabuting balita at nagsasagawa ng pagpapagaling sa lahat ng dako.+
7 At narinig ni Herodes na tagapamahala ng distrito ang tungkol sa lahat ng bagay na nangyayari, at lubha siyang naguguluhan dahil sa pagsasabi ng ilan na ibinangon si Juan mula sa mga patay,+ 8 ngunit ng iba, na nagpakita si Elias, ngunit ng iba pa, na bumangon ang isa sa mga sinaunang propeta. 9 Sinabi ni Herodes: “Si Juan ay pinugutan ko ng ulo.+ Kung gayon, sino ito na tungkol sa kaniya ay naririnig ko ang gayong mga bagay?” Kaya hinahangad+ niyang makita siya.
10 At nang bumalik ang mga apostol ay isinalaysay nila sa kaniya kung anong mga bagay ang kanilang ginawa.+ Sa gayon ay isinama niya sila at umalis upang bumukod+ patungo sa isang lunsod na tinatawag na Betsaida. 11 Ngunit nang malaman ito, ang mga pulutong ay sumunod sa kaniya. At tinanggap niya sila nang may kabaitan at nagsimulang magsalita sa kanila tungkol sa kaharian ng Diyos,+ at pinagaling niya yaong mga nangangailangan ng pagpapagaling.+ 12 Nang magkagayon ay nagsimulang matapos ang araw. Ang labindalawa ngayon ay lumapit at nagsabi sa kaniya: “Paalisin mo ang pulutong, upang sila ay makaparoon sa mga nayon at mga karatig na lupain sa palibot at makahanap ng matutuluyan at makasumpong ng mga panustos, sapagkat dito ay nasa isang liblib na dako tayo.”+ 13 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Bigyan ninyo sila ng makakain.”+ Sinabi nila: “Wala tayo kundi limang tinapay at dalawang isda,+ maliban na kung kami mismo ay hahayo at bibili ng mga pagkain para sa lahat ng mga taong ito.”+ 14 Sila, sa katunayan, ay mga limang libong lalaki.+ Ngunit sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Pahiligin ninyo sila na gaya ng sa kainan, sa mga pangkat na mga limampu bawat isa.”+ 15 At gayon ang ginawa nila at pinahilig silang lahat. 16 Sa gayon, pagkakuha sa limang tinapay at sa dalawang isda, tumingala siya sa langit, pinagpala ang mga ito at pinagputul-putol at pinasimulang ibigay sa mga alagad upang ihain sa pulutong.+ 17 Kaya silang lahat ay kumain at nabusog, at ang lumabis sa kanila ay tinipon, labindalawang basket ng mga pira-piraso.+
18 Nang maglaon, samantalang nananalangin siyang mag-isa, ang mga alagad ay sama-samang pumaroon sa kaniya, at tinanong niya sila, na sinasabi: “Sino ako ayon sa sinasabi ng mga pulutong?”+ 19 Bilang tugon ay sinabi nila: “Si Juan Bautista; ngunit ng iba, si Elias, at ng iba pa, na isa sa mga sinaunang propeta ang bumangon.”+ 20 Nang magkagayon ay sinabi niya sa kanila: “Kayo naman, sino ako ayon sa sinasabi ninyo?” Sinabi ni Pedro bilang tugon:+ “Ang Kristo+ ng Diyos.” 21 Kaya sa isang mahigpit na pakikipag-usap sa kanila ay tinagubilinan niya sila na huwag itong sabihin kaninuman,+ 22 kundi sinabi: “Ang Anak ng tao ay kailangang dumanas ng maraming pagdurusa at itakwil ng matatandang lalaki at mga punong saserdote at mga eskriba, at patayin,+ at sa ikatlong araw ay ibangon.”+
23 Sa gayon ay patuloy niyang sinabi sa lahat: “Kung ang sinuman ay nagnanais na sumunod sa akin, itatwa niya ang kaniyang sarili+ at buhatin ang kaniyang pahirapang tulos sa araw-araw at sundan ako nang patuluyan.+ 24 Sapagkat ang sinumang nagnanais magligtas ng kaniyang kaluluwa ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kaniyang kaluluwa alang-alang sa akin ang siyang magliligtas nito.+ 25 Tunay nga, ano ang pakikinabangin ng isang tao para sa kaniyang sarili kung matamo niya ang buong sanlibutan ngunit maiwala naman ang kaniyang sarili o dumanas ng pinsala?+ 26 Sapagkat ang sinumang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita, ikahihiya ng Anak ng tao ang isang ito kapag siya ay dumating na nasa kaniyang kaluwalhatian at niyaong sa Ama at sa mga banal na anghel.+ 27 Ngunit sinasabi ko sa inyo ang totoo, May ilan sa mga nakatayo rito na hindi nga makatitikim ng kamatayan hanggang sa makita muna nila ang kaharian ng Diyos.”+
28 Sa katunayan nga, mga walong araw pagkatapos ng mga salitang ito, isinama niya si Pedro at si Juan at si Santiago at umakyat sa bundok upang manalangin.+ 29 At habang nananalangin siya ay nag-iba ang kaanyuan+ ng kaniyang mukha at ang kaniyang kasuutan ay kuminang sa kaputian.+ 30 Gayundin, narito! dalawang lalaki ang nakikipag-usap sa kaniya, na sina Moises at Elias.+ 31 Ang mga ito ay nagpakita nang may kaluwalhatian at nagsimulang magsalita tungkol sa kaniyang pag-alis na itinalagang tuparin niya sa Jerusalem.+ 32 Si Pedro nga at yaong mga kasama niya ay nag-aagaw-tulog; ngunit nang lubos na silang magising ay nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian+ at ang dalawang lalaki na nakatayong kasama niya. 33 At habang ang mga ito ay inihihiwalay sa kaniya, sinabi ni Pedro kay Jesus: “Tagapagturo, mabuti para sa atin ang dumito, kaya magtayo tayo ng tatlong tolda, isa para sa iyo at isa para kay Moises at isa para kay Elias,” at hindi niya natatanto kung ano ang kaniyang sinasabi.+ 34 Ngunit habang sinasabi niya ang mga bagay na ito isang ulap ang namuo at nagsimulang lumilim sa kanila. Nang mapasok sila sa ulap, sila ay natakot.+ 35 At isang tinig+ ang nanggaling sa ulap, na nagsasabi: “Ito ang aking Anak, ang isa na pinili.+ Makinig kayo sa kaniya.”+ 36 At nang maganap ang tinig, si Jesus ay nasumpungang nag-iisa.+ Ngunit nanatili silang tahimik at hindi iniulat kaninuman nang mga araw na iyon ang alinman sa mga bagay na nakita nila.+
37 Nang sumunod na araw, nang bumaba sila mula sa bundok, isang malaking pulutong ang sumalubong sa kaniya.+ 38 At, narito! isang lalaki ang sumigaw mula sa pulutong, na sinasabi: “Guro, nagsusumamo ako sa iyo na tingnan ang aking anak na lalaki, sapagkat siya ang aking bugtong+ na anak,+ 39 at, narito! isang espiritu+ ang kumukuha sa kaniya, at bigla siyang sumisigaw, at pinangingisay siya nito na may kasamang pagbula ng bibig, at halos hindi ito umaalis sa kaniya pagkatapos na sugatan siya. 40 At nagsumamo ako sa iyong mga alagad na palayasin ito, ngunit hindi nila magawa.”+ 41 Bilang tugon ay sinabi ni Jesus: “O salinlahing walang pananampalataya at pilipit,+ hanggang kailan ko kayo pakikisamahan at pagtitiisan? Akayin mo rito ang iyong anak.”+ 42 Ngunit nang papalapit pa lamang siya, isinubsob siya ng demonyo sa lupa at pinangisay siya nang matindi. Gayunman, sinaway ni Jesus ang maruming espiritu at pinagaling ang batang lalaki at dinala siya sa kaniyang ama.+ 43 Buweno, silang lahat ay nagsimulang mamangha nang lubha sa maringal na kapangyarihan+ ng Diyos.
At habang silang lahat ay namamangha sa lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: 44 “Bigyan ninyo ng dako sa inyong mga tainga ang mga salitang ito, sapagkat ang Anak ng tao ay itinalagang ibigay sa mga kamay ng mga tao.”+ 45 Ngunit nanatili silang walang unawa sa pananalitang ito. Sa katunayan, ito ay ikinubli mula sa kanila upang hindi nila ito makita, at natatakot silang magtanong sa kaniya tungkol sa pananalitang ito.+
46 Nang magkagayon ay isang pagkakatuwiranan ang pumasok sa gitna nila may kinalaman sa kung sino ang magiging pinakadakila sa kanila.+ 47 Si Jesus, sa pagkaalam sa pangangatuwiran ng kanilang mga puso, ay kumuha ng isang bata, inilagay ito sa tabi niya+ 48 at sinabi sa kanila: “Ang sinumang tumatanggap sa batang ito salig sa aking pangalan ay tumatanggap din sa akin, at ang sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa kaniya na nagsugo sa akin.+ Sapagkat siya na gumagawing gaya ng isang nakabababa+ sa gitna ninyong lahat ang siyang dakila.”+
49 Bilang tugon ay sinabi ni Juan: “Tagapagturo, nakita namin ang isang tao na nagpapalayas ng mga demonyo+ sa pamamagitan ng paggamit ng iyong pangalan at sinikap naming pigilan+ siya, sapagkat hindi siya sumusunod na kasama namin.”+ 50 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: “Huwag ninyo siyang tangkaing pigilan, sapagkat siya na hindi laban sa inyo ay panig sa inyo.”+
51 Habang ang mga araw ay dumarating na ngayon sa kalubusan upang tanggapin siya sa itaas,+ matatag niyang itinuon ang kaniyang mukha na pumaroon sa Jerusalem. 52 Kaya nagsugo siya ng mga mensahero sa unahan niya. At sila ay humayo at pumasok sa isang nayon ng mga Samaritano,+ upang maghanda para sa kaniya; 53 ngunit hindi nila siya tinanggap, sapagkat ang kaniyang mukha ay nakatuon sa pagparoon sa Jerusalem.+ 54 Nang makita ito ng mga alagad na sina Santiago at Juan+ ay sinabi nila: “Panginoon, ibig mo bang sabihin namin sa apoy+ na bumaba mula sa langit at lipulin sila?” 55 Ngunit bumaling siya at sinaway sila. 56 Nang magkagayon ay pumaroon sila sa ibang nayon.
57 Habang humahayo nga sila sa daan, may nagsabi sa kaniya: “Susundan kita saan ka man pumaroon.”+ 58 At sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ang mga sorra ay may mga lungga at ang mga ibon sa langit ay may mga dapuan, ngunit ang Anak ng tao ay walang dakong mahihigan ng kaniyang ulo.”+ 59 Sa gayon ay sinabi niya sa isa pa: “Maging tagasunod kita.” Sinabi ng lalaki: “Pahintulutan mo muna akong umalis at ilibing ang aking ama.”+ 60 Ngunit sinabi niya sa kaniya: “Hayaan mong ilibing ng mga patay+ ang kanilang mga patay, ngunit humayo ka at ipahayag nang malawakan ang kaharian ng Diyos.”+ 61 At may isa pang nagsabi: “Susundan kita, Panginoon; ngunit pahintulutan mo muna akong magpaalam+ sa aking mga kasambahay.” 62 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Walang taong naglagay ng kaniyang kamay sa araro+ at tumitingin sa mga bagay na nasa likuran+ ang karapat-dapat sa kaharian ng Diyos.”