Juan
15 “Ako ang tunay na punong ubas,+ at ang aking Ama ang tagapagsaka.+ 2 Ang bawat sanga sa akin na hindi namumunga ay inaalis niya,+ at ang bawat isa na namumunga ay nililinis niya,+ upang mamunga iyon nang higit pa.+ 3 Kayo ay malinis na dahil sa salita na sinalita ko sa inyo.+ 4 Manatili kayong kaisa ko, at ako na kaisa ninyo.+ Kung paanong ang sanga ay hindi makapamumunga sa ganang sarili malibang manatili ito sa punong ubas, sa gayunding paraan ay hindi rin naman kayo makapamumunga, malibang manatili kayong kaisa ko.+ 5 Ako ang punong ubas, kayo ang mga sanga. Siya na nananatiling kaisa ko, at ako na kaisa niya, ang isang ito ay namumunga ng marami;+ sapagkat kung hiwalay sa akin ay wala kayong magagawang anuman. 6 Kung ang sinuman ay hindi nananatiling kaisa ko, siya ay itinatapong gaya ng isang sanga at natutuyo; at tinitipon ng mga tao ang mga sangang iyon at inihahagis sa apoy at ang mga iyon ay sinusunog.+ 7 Kung mananatili kayong kaisa ko at ang aking mga pananalita ay mananatili sa inyo, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at magaganap ito sa inyo.+ 8 Ang aking Ama ay naluluwalhati rito, na patuloy kayong namumunga ng marami at pinatutunayan ninyong kayo ay aking mga alagad.+ 9 Kung paanong inibig ako ng Ama+ at inibig ko kayo, manatili kayo sa aking pag-ibig. 10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos,+ kayo ay mananatili sa aking pag-ibig, kung paanong tinupad ko ang mga utos ng Ama+ at nananatili sa kaniyang pag-ibig.
11 “Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang mapasainyo ang aking kagalakan at ang inyong kagalakan ay malubos.+ 12 Ito ang aking utos, na ibigin ninyo ang isa’t isa kung paanong inibig ko kayo.+ 13 Walang sinuman ang may pag-ibig na mas dakila kaysa rito, na ibigay ng isa ang kaniyang kaluluwa alang-alang sa kaniyang mga kaibigan.+ 14 Kayo ay mga kaibigan ko kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo.+ 15 Hindi ko na kayo tinatawag na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon. Ngunit tinawag ko na kayong mga kaibigan,+ sapagkat ang lahat ng bagay na narinig ko sa aking Ama ay ipinaalam ko na sa inyo.+ 16 Hindi ninyo ako pinili, ngunit pinili ko kayo, at inatasan ko kayo na humayo at patuloy na mamunga+ at na manatili ang inyong bunga; upang anuman ang hingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ibigay niya sa inyo.+
17 “Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo, na ibigin ninyo ang isa’t isa.+ 18 Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, alam ninyo na napoot ito sa akin bago ito napoot sa inyo.+ 19 Kung kayo ay bahagi ng sanlibutan, kagigiliwan ng sanlibutan ang sa kaniya.+ Ngunit sapagkat hindi kayo bahagi ng sanlibutan,+ kundi pinili ko kayo mula sa sanlibutan, dahil dito ay napopoot sa inyo ang sanlibutan.+ 20 Isaisip ninyo ang salitang sinabi ko sa inyo, Ang isang alipin ay hindi mas dakila kaysa sa kaniyang panginoon. Kung pinag-usig nila ako, pag-uusigin din nila kayo;+ kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang sa inyo. 21 Ngunit gagawin nila ang lahat ng bagay na ito laban sa inyo dahil sa aking pangalan, sapagkat hindi nila kilala siya na nagsugo sa akin.+ 22 Kung hindi ako dumating at nagsalita sa kanila, wala sana silang kasalanan;+ ngunit ngayon ay wala silang maidadahilan para sa kanilang kasalanan.+ 23 Siya na napopoot sa akin ay napopoot din sa aking Ama.+ 24 Kung hindi ko ginawa sa gitna nila ang mga gawang hindi pa nagawa ng sinuman,+ wala sana silang kasalanan;+ ngunit ngayon ay kapuwa nila nakita at kinapootan ako at gayundin ang aking Ama.+ 25 Ngunit ito ay upang matupad ang salita na nakasulat sa kanilang Kautusan, ‘Kinapootan nila ako nang walang dahilan.’+ 26 Kapag dumating ang katulong na ipadadala ko sa inyo mula sa Ama,+ ang espiritu ng katotohanan, na nanggagaling sa Ama, ang isang iyon ang magpapatotoo tungkol sa akin;+ 27 at kayo naman ay magpapatotoo,+ sapagkat nakasama ko kayo mula nang ako ay magsimula.