Deuteronomio
33 At ito ang pagpapala+ na ipinagpala ni Moises na lalaki ng tunay na Diyos+ sa mga anak ni Israel bago siya mamatay. 2 At sinabi niya:
“Si Jehova—mula sa Sinai ay nanggaling siya,+
At suminag siya sa kanila mula sa Seir.+
Lumiwanag siya mula sa bulubunduking pook ng Paran,+
At ang kasama niya ay laksa-laksang banal,+
Sa kaniyang kanan ay mga mandirigma nila.+
3 Inaaruga rin niya ang kaniyang bayan;+
Ang lahat ng kanilang mga banal ay nasa iyong kamay.+
At sila—sila ay humilig sa iyong paanan;+
Pinasimulan nilang tanggapin ang ilan sa iyong mga salita.+
5 At siya ay naging hari sa Jesurun,+
Nang magtipon ang mga ulo ng bayan,+
Ang buong bilang ng mga tribo ng Israel.+
7 At ito ang pagpapala ni Juda,+ nang sabihin pa niya:
“Pakinggan mo, O Jehova, ang tinig ni Juda,+
At dalhin mo nawa siya sa kaniyang bayan.
Ipinaglaban ng kaniyang mga bisig yaong kaniya;
At maging katulong ka nawa laban sa kaniyang mga kalaban.”+
8 At tungkol kay Levi ay sinabi niya:+
“Ang iyong Tumim at ang iyong Urim+ ay nauukol sa taong matapat sa iyo,+
Na inilagay mo sa pagsubok sa Masah.+
Nagsimula kang makipaglaban sa kaniya sa tabi ng tubig ng Meriba,+
9 Ang taong nagsabi sa kaniyang ama at sa kaniyang ina, ‘Hindi ko siya nakita.’
Maging ang kaniyang mga kapatid ay hindi niya kinilala,+
At ang kaniyang mga anak ay hindi niya kilala.
Sapagkat iningatan nila ang iyong pananalita,+
At ang iyong tipan ay patuloy nilang tinupad.+
10 Turuan nila si Jacob ng iyong mga hudisyal na pasiya+
At si Israel ng iyong kautusan.+
Maghandog sila ng insenso sa harap ng mga butas ng iyong ilong+
At ng isang buong handog sa ibabaw ng iyong altar.+
11 Pagpalain mo, O Jehova, ang kaniyang kalakasan,+
At malugod ka nawa sa gawain ng kaniyang mga kamay.+
Sugatan mo nang malubha sa kanilang mga balakang yaong mga bumabangon laban sa kaniya,+
At yaong mga masidhing napopoot sa kaniya, upang hindi sila makabangon.”+
12 Tungkol kay Benjamin ay sinabi niya:+
“Ang minamahal+ ni Jehova ay tumahan nawa nang tiwasay sa tabi niya,+
Samantalang kinakanlungan niya siya buong araw,+
At tatahan siya sa pagitan ng kaniyang mga balikat.”+
13 At tungkol kay Jose ay sinabi niya:+
“Ang kaniyang lupain ay patuloy nawang pagpalain ni Jehova+
Ng mga piling bagay sa langit, ng hamog,+
At ng matubig na kalaliman na naroon sa ibaba,+
14 At ng mga piling bagay, na mga bunga ng araw,+
At ng mga piling bagay, na ani ng mga buwang lunar,+
15 At ng mga pinakapili mula sa mga bundok sa silangan,+
At ng mga piling bagay ng mga burol na namamalagi nang walang takda,
16 At ng mga piling bagay ng lupa at ng kabuuan nito,+
At ng pagsang-ayon Niyaong tumatahan sa tinikang-palumpong.+
Ang mga iyon nawa ay mapasaulo ni Jose+
At mapasatuktok ng ulo niyaong pinili mula sa kaniyang mga kapatid.+
17 Gaya ng panganay ng toro ang kaniyang karilagan,+
At ang kaniyang mga sungay ay mga sungay ng torong gubat.+
Sa pamamagitan ng mga iyon ay itutulak niya ang mga bayan+
Nang sama-sama hanggang sa mga dulo ng lupa,
At sila ang sampu-sampung libo ni Efraim,+
At sila ang libu-libo ni Manases.”
18 At tungkol kay Zebulon ay sinabi niya:+
“Magsaya ka, O Zebulon, sa iyong paglabas,+
At, Isacar, sa iyong mga tolda.+
19 Ang mga bayan ay tatawagin nila patungo sa bundok.
Doon ay ihahain nila ang mga hain ng katuwiran.+
Sapagkat sisipsipin nila ang napakasaganang yaman ng mga dagat+
At ang mga nakatagong imbak sa buhanginan.”
20 At tungkol kay Gad ay sinabi niya:+
“Pinagpala ang nagpapalawak ng mga hangganan ni Gad.+
Gaya ng leon ay tatahan siya,+
At lalapain niya ang bisig, oo, ang tuktok ng ulo.+
21 At kukunin niya ang unang bahagi para sa kaniyang sarili,+
Sapagkat doon nakalaan ang takdang bahagi ng isang tagapagbigay-batas.+
At ang mga ulo ng bayan ay magpipisan.
Ang katuwiran ni Jehova ay tiyak na ilalapat niya
At ang kaniyang mga hudisyal na pasiya tungkol sa Israel.”
23 At tungkol kay Neptali ay sinabi niya:+
“Si Neptali ay busóg sa pagsang-ayon
At punô ng pagpapala ni Jehova.
Ariin mo ang kanluran at timog.”+
24 At tungkol kay Aser ay sinabi niya:+
“Pagpalain ng mga anak si Aser.+
Siya nawa ay maging isa na sinang-ayunan ng kaniyang mga kapatid,+
At isa na naglulubog ng kaniyang paa sa langis.+
25 Bakal at tanso ang mga trangka ng iyong pintuang-daan,+
At katumbas ng iyong mga araw ang iyong banayad na lakad.
26 Walang sinuman ang gaya ng tunay na Diyos+ ni Jesurun,+
Na sumasakay sa langit sa pagtulong sa iyo+
At sa maulap na kalangitan sa kaniyang karilagan.+
27 Isang taguang dako ang Diyos ng sinaunang panahon,+
At sa ilalim ay ang mga bisig na namamalagi nang walang takda.+
At palalayasin niya mula sa harap mo ang kaaway,+
At sasabihin niya, ‘Lipulin sila!’+