Deuteronomio
32 “Makinig kayo, O mga langit, at magsasalita ako;
At pakinggan ng lupa ang mga pananalita ng aking bibig.+
2 Ang aking turo ay papatak na gaya ng ulan,+
Ang aking pananalita ay tutulo na gaya ng hamog,+
Gaya ng ambon sa damo+
At gaya ng saganang ulan sa pananim.+
4 Ang Bato, sakdal ang kaniyang gawa,+
Sapagkat ang lahat ng kaniyang mga daan ay katarungan.+
Isang Diyos ng katapatan,+ na sa kaniya ay walang masusumpungang kawalang-katarungan;+
Matuwid at matapat siya.+
5 Sila ay gumawi nang kapaha-pahamak sa ganang kanila;+
Sila ay hindi niya mga anak, ang kapintasan ay kanila.+
Isang salinlahing liko at pilipit!+
6 Kay Jehova ba kayo patuloy na gumagawa ng ganito,+
O bayan na hangal at hindi marunong?+
Hindi ba siya ang iyong Ama na lumikha sa iyo,+
Siya na lumalang sa iyo at nagtatag sa iyo?+
7 Alalahanin mo ang mga araw noong sinauna,+
Pag-isipan ninyo ang mga taon ng nagdaang sali’t salinlahi;
Tanungin mo ang iyong ama, at maisasaysay niya sa iyo;+
Ang iyong matatandang lalaki, at masasabi nila iyon sa iyo.+
8 Nang ang Kataas-taasan ay magbigay ng mana sa mga bansa,+
Nang paghiwa-hiwalayin niya ang mga anak ni Adan,+
Itinatag niya ang hangganan ng mga bayan+
Na isinasaalang-alang ang bilang ng mga anak ni Israel.+
9 Sapagkat ang bahagi ni Jehova ay ang kaniyang bayan;+
Si Jacob ang takdang bahagi na kaniyang mana.+
10 Nasumpungan niya siya sa isang lupaing ilang,+
At sa isang tiwangwang at umaalulong na disyerto.+
Pinasimulan niya siyang palibutan,+ upang alagaan siya,+
Upang ingatan siya na gaya ng balintataw ng kaniyang mata.+
11 Gaya ng isang agila na gumagalaw ng kaniyang pugad,
Umaali-aligid sa kaniyang mga inakáy,+
Nag-uunat ng kaniyang mga pakpak, kumukuha sa kanila,
Nagdadala sa kanila sa kaniyang mga bagwis,+
12 Si Jehova lamang ang pumatnubay sa kaniya,+
At wala siyang kasamang banyagang diyos.+
13 Pinasakay niya siya sa matataas na dako sa lupa,+
Anupat kinain niya ang bunga ng parang.+
At pinasisipsip niya siya ng pulot-pukyutan mula sa malaking bato,+
At ng langis mula sa batong pingkian;+
14 Mantikilya ng bakahan at gatas ng kawan+
Kasama ang taba ng mga barakong tupa,
At mga lalaking tupa, ang lahi ng Basan, at mga kambing na lalaki+
Kasama ang taba ng bato ng trigo;+
At ang dugo ng ubas ay ininom mo bilang alak.+
15 Nang si Jesurun+ ay magsimulang tumaba, nang magkagayon ay sumipa siya.+
Ikaw ay tumaba, ikaw ay lumapad, ikaw ay nabundat.+
Sa gayon ay iniwan niya ang Diyos, na lumalang sa kaniya,+
At hinamak ang Bato+ ng kaniyang kaligtasan.
16 Pinasimulan nilang pukawin siya sa paninibugho+ sa pamamagitan ng kakaibang mga diyos;+
Sa pamamagitan ng mga karima-rimarim na bagay ay patuloy nila siyang ginalit.+
17 Naghain sila sa mga demonyo, hindi sa Diyos,+
Mga diyos na hindi nila kilala,+
Mga bago na kamakailan lamang dumating,+
Na sa mga iyon ay walang kabatiran ang inyong mga ninuno.
18 Ang Bato na naging iyong ama ay nilimot mo,+
At pinasimulan mong alisin sa alaala ang Diyos, ang Isa na nagluluwal sa iyo nang may mga kirot ng panganganak.+
19 Nang makita iyon ni Jehova, nang magkagayon ay winalang-galang niya sila,+
Dahil sa pagkayamot na idinulot ng kaniyang mga anak na lalaki at ng kaniyang mga anak na babae.
20 Kaya sinabi niya, ‘Ikukubli ko ang aking mukha mula sa kanila,+
Titingnan ko kung ano ang magiging huling wakas nila.
Sapagkat sila ay isang salinlahi ng katiwalian,+
Mga anak na walang katapatan.+
21 Sila, sa ganang kanila, ay pumukaw sa akin sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi naman diyos;+
Niligalig nila ako sa pamamagitan ng kanilang mga walang-kabuluhang idolo;+
At ako, sa ganang akin, ay pupukaw sa kanila sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi bayan;+
Sa pamamagitan ng isang hangal na bansa ay gagalitin ko sila.+
22 Sapagkat isang apoy ang nagliyab sa aking galit+
At magniningas ito hanggang sa Sheol, na pinakamababang dako,+
At tutupukin nito ang lupa at ang bunga nito+
At palalagablabin ang mga pundasyon ng mga bundok.+
24 Manlulupaypay sila sa gutom+ at lalamunin ng nag-aapoy na lagnat+
At ng mapait na pagkapuksa.+
At ang mga ngipin ng mga hayop ay isusugo ko sa kanila,+
Kasama ang kamandag ng mga reptilya sa alabok.+
25 Sa labas ay uulilahin sila ng isang tabak,+
At sa loob ng bahay ay pagkatakot,+
Ng kapuwa binata at dalaga,+
Ng pasusuhin pati ng lalaking may uban.+
26 Sinabi ko sana: “Pangangalatin ko sila,+
Patitigilin ko ang pagbanggit sa kanila mula sa mga taong mortal,”+
27 Kung hindi lamang ako natatakot sa kaligaligan mula sa kaaway,+
Na baka mapagkamalian iyon ng kanilang mga kalaban,+
Na baka sabihin nila: “Ang ating kamay ay nanaig,+
At hindi si Jehova ang nagsagawa ng lahat ng ito.”+
28 Sapagkat sila ay isang bansa na sa kanila ay naglalaho ang payo,+
At sa gitna nila ay walang unawa.+
29 O kung sana ay marunong sila!+ Kung gayon ay magmumuni-muni sila tungkol dito.+
Pag-iisipan nila ang kanilang huling wakas.+
30 Paano matutugis ng isa ang isang libo,
At maitataboy ng dalawa ang sampung libo?+
Malibang ipinagbili sila ng kanilang Bato+
At isinuko sila ni Jehova.
31 Sapagkat ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato,+
Kahit ang ating mga kaaway man ang magpasiya.+
32 Sapagkat ang kanilang punong ubas ay mula sa punong ubas ng Sodoma
At mula sa hagdan-hagdang lupain ng Gomorra.+
Ang kanilang mga ubas ay mga ubas na lason,
Ang kanilang mga kumpol ay mapapait.+
35 Akin ang paghihiganti, at ang kagantihan.+
Sa takdang panahon ay susuray-suray ang kanilang paa,+
Sapagkat ang araw ng kanilang kasakunaan ay malapit na,+
At ang mga kaganapang nakahanda para sa kanila ay nagmamadali nga.’+
36 Sapagkat hahatulan ni Jehova ang kaniyang bayan+
At ikalulungkot niya ang tungkol sa kaniyang mga lingkod,+
Sapagkat makikita niya na ang suhay ay nawala
At ang naroon lamang ay yaong mahina at walang-kabuluhan.
37 At tiyak na sasabihin niya, ‘Nasaan ang kanilang mga diyos,+
Ang bato na kanilang pinanganlungan,+
38 Na noon ay kumakain ng taba ng kanilang mga hain,+
Umiinom ng alak ng kanilang mga handog na inumin?+
Tumindig sila at tulungan nila kayo.+
Maging kublihang dako sila para sa inyo.+
39 Tingnan ninyo ngayon na ako—ako nga siya+
At walang mga diyos na kasama ko.+
Ako ay pumapatay, at ako ay bumubuhay.+
Ako ay nanunugat nang malubha,+ at ako—ako ay magpapagaling,+
At walang sinuman ang makaaagaw mula sa aking kamay.+
40 Sapagkat itinataas ko ang aking kamay sa langit sa panunumpa,+
At sinasabi ko: “Buháy ako hanggang sa panahong walang takda,”+
41 Kung patatalasin ko nga ang aking kumikinang na tabak,+
At ang aking kamay ay hahawak sa kahatulan,+
Ako ay magsasagawa ng paghihiganti sa aking mga kalaban+
At maglalapat ng kagantihan doon sa mga masidhing napopoot sa akin.+
42 Lalanguin ko sa dugo ang aking mga palaso,+
Samantalang kakain ng laman ang aking tabak,+
Sa dugo ng napatay at ng mga bihag,
Sa mga ulo ng mga lider ng kaaway.’+
43 Matuwa kayo, kayong mga bansa, kasama ng kaniyang bayan,+
Sapagkat ipaghihiganti niya ang dugo ng kaniyang mga lingkod,+
At siya ay magsasagawa ng paghihiganti sa kaniyang mga kalaban+
At magbabayad-sala nga para sa lupa ng kaniyang bayan.”
44 Sa gayon ay pumaroon si Moises at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pandinig ng bayan,+ siya at si Hosea na anak ni Nun.+ 45 Pagkatapos na salitain ni Moises ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel, 46 sinabi niya sa kanila: “Ituon ninyo ang inyong mga puso sa lahat ng mga salita na sinasalita ko bilang babala sa inyo ngayon,+ upang mautusan ninyo ang inyong mga anak na maingat na isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.+ 47 Sapagkat hindi ito walang-kabuluhang salita para sa inyo,+ kundi nangangahulugan ito ng inyong buhay,+ at sa pamamagitan ng salitang ito ay mapahahaba ninyo ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupa na tatawirin ninyo sa Jordan upang ariin.”+
48 At nagsalita si Jehova kay Moises nang araw ring ito, na sinasabi: 49 “Umahon ka sa bundok na ito ng Abarim,+ sa Bundok Nebo,+ na nasa lupain ng Moab, na nakaharap sa Jerico, at tingnan mo ang lupain ng Canaan, na ibinibigay ko sa mga anak ni Israel bilang pag-aari.+ 50 Pagkatapos ay mamatay ka roon sa bundok na aahunin mo, at mapisan ka sa iyong bayan,+ gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa Bundok Hor+ at napisan sa kaniyang bayan; 51 sa dahilang naging masuwayin kayo sa akin+ sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng Meriba+ ng Kades sa ilang ng Zin; sa dahilang hindi ninyo ako pinabanal sa gitna ng mga anak ni Israel.+ 52 Sapagkat mula sa malayo ay makikita mo ang lupain, ngunit hindi ka makapapasok doon sa lupain na ibinibigay ko sa mga anak ni Israel.”+