Job
19 Sumagot si Job:
3 Sampung beses na ninyo akong sinasaway;*
Hindi kayo nahihiyang pakitunguhan ako nang walang pakundangan.+
4 At kung talagang nakagawa ako ng mali,
Ako ang mananagot dito.
5 Kung ipagpipilitan ninyong nakatataas kayo sa akin
At tama ang bintang ninyo sa akin,
6 Dapat ninyong malaman na ang Diyos ang nagligaw sa akin,
At hinuli niya ako gamit ang lambat niya sa pangangaso.
7 Tingnan ninyo! Patuloy akong sumisigaw, ‘Kalupitan!’ pero walang sumasagot;+
Patuloy akong humihingi ng tulong, pero walang katarungan.+
8 Hinarangan niya ng batong pader ang landas ko kaya hindi ako makadaan;
Binalot niya ng kadiliman ang mga daan ko.+
9 Inalis niya ang kaluwalhatian ko
At tinanggal ang korona sa ulo ko.
10 Sinisira niya ang buhay ko hanggang sa mamatay ako;
Ang pag-asa ko ay binubunot niyang gaya ng puno.
12 Nagtitipon ang hukbo niya para salakayin ako,
At nagkakampo sila sa palibot ng tolda ko.
13 Inilayo niya sa akin ang sarili kong mga kapatid,
At tinalikuran ako ng mga nakakakilala sa akin.+
15 Itinuturing akong estranghero ng aking mga bisita+ at aliping babae;
Dayuhan ako sa paningin nila.
16 Tinatawag ko ang lingkod ko pero hindi siya sumasagot,
Kahit na nagmamakaawa ako sa kaniya.
17 Pati ang hininga* ko ay naging kasuklam-suklam sa asawa ko,+
At naging mabaho ako sa sarili kong mga kapatid.
18 Ayaw sa akin kahit ng mga bata;
Kapag tumatayo ako, nilalait nila ako.
21 Maawa kayo sa akin, mga kasamahan ko, maawa kayo sa akin,
Dahil kamay mismo ng Diyos ang humampas sa akin.+
23 Kung maisusulat lang sana ang mga salita ko,
Kung mailalagay lang sana sa aklat ang mga iyon!
24 Kung maiuukit lang sana ang mga iyon sa bato magpakailanman
Gamit ang panulat na bakal at tingga!
26 Pagkatapos na mapinsala nang ganito ang balat ko,
Habang buháy pa ako, makikita ko ang Diyos,
27 Ako mismo ang makakakita sa kaniya,
Sarili kong mga mata ang makakakita sa kaniya, hindi ang sa iba.+
Pero ang totoo, nanlulupaypay ako!*
28 Dahil sinasabi ninyo, ‘Paano ba namin siya pinahihirapan?’+
Na para bang ako ang ugat ng problema.