Isaias
57 Ang matuwid ay namatay,
Pero walang nagsasapuso nito.
2 Nagiging payapa siya.
Nagpapahinga sila sa mga higaan* nila, lahat sila na lumalakad nang matuwid.
3 “Pero kayo, lumapit kayo,
Kayong mga anak ng mangkukulam,*
Kayong mga anak ng mangangalunya at babaeng bayaran:
4 Sino ang pinagtatawanan ninyo?
Sino ang hinahamak ninyo at dinidilaan?
Hindi ba kayo ang mga anak ng kasalanan,
Mga anak ng kasinungalingan,+
5 Ang mga nag-aalab ang damdamin sa gitna ng malalaking puno,+
Sa ilalim ng bawat mayabong na puno,+
Na pumapatay ng mga anak sa mga lambak,*+
Sa ilalim ng mga bitak ng malalaking bato?
6 Pinili mo ang makikinis na bato sa lambak.*+
Oo, ang mga ito ang parte mo.
Kahit sa kanila ay ibinubuhos mo ang iyong handog na inumin at naghahandog ka ng mga kaloob.+
Dapat ba akong masiyahan* sa mga bagay na ito?
7 Sa mataas at matayog na bundok ay inihanda mo ang iyong higaan,+
At umakyat ka roon para maghandog.+
8 Sa likod ng pinto at ng poste ng pinto ay inilagay mo ang iyong imahen.
Iniwan mo ako at naghubad ka;
Umakyat ka at pinaluwang mo ang iyong kama.
At nakipagtipan ka sa kanila.
Ipinadala mo sa malayo ang iyong mga sugo,
Kaya bumaba ka sa Libingan.*
10 Nagpakapagod ka sa marami mong ginagawa,
Pero hindi mo sinabi, ‘Wala nang pag-asa!’
Muli kang lumakas.
Kaya hindi ka humihinto.*
Hindi mo ako inalaala.+
Wala kang isinapusong anuman.+
Nanahimik ako at nagsawalang-kibo,*+
Kaya hindi ka natakot sa akin.
Lahat ng iyon ay tatangayin ng hangin,
Isang hihip lang ay matatangay na ang mga iyon,
Pero ang nanganganlong sa akin ay magmamana ng lupain
At magmamay-ari ng aking banal na bundok.+
14 May magsasabi, ‘Gumawa kayo ng landas! Ihanda ninyo ang daan!+
Alisin ninyo ang anumang hadlang sa daan ng aking bayan.’”
15 Dahil ito ang sinabi ng Mataas at Matayog na Diyos,
Na nabubuhay* nang walang hanggan+ at may banal na pangalan:+
“Nakatira ako sa mataas at banal na lugar,+
Pero kasama rin ako ng mga nagdurusa at mga mapagpakumbaba,
Para pasiglahin ang mga hamak
At palakasin ang puso ng mga nagdurusa.+
16 Hindi ako makikipaglaban sa kanila magpakailanman
O mananatiling galit;+
Dahil manghihina ang tao dahil sa akin,+
Oo, maging ang mga humihingang nilalang na ginawa ko.
17 Nagalit ako sa kasalanan niya, sa pandaraya niya para makinabang,+
Kaya pinarusahan ko siya, at itinago ko ang aking mukha dahil sa galit.
Pero patuloy siya sa pagrerebelde,+ sa pagsunod sa puso niya.
18 Nakita ko ang mga ginagawa niya,
Pero pagagalingin ko siya+ at papatnubayan,+
At muli ko siyang aaliwin,+ pati ang mga nagdadalamhating kasama niya.”+
19 “Nililikha ko ang bunga ng mga labi.
Bibigyan ng walang-hanggang kapayapaan ang nasa malayo at ang nasa malapit,”+ ang sabi ni Jehova,
“At pagagalingin ko siya.”
20 “Pero ang masasama ay gaya ng maligalig na dagat na hindi kumakalma,
At ang mga alon nito ay may tangay na damong-dagat at lusak.
21 Walang kapayapaan para sa masasama,”+ ang sabi ng aking Diyos.