-
Deuteronomio 4:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 At ingatan ninyo at gawin ninyo ang mga iyon, sapagkat ito ay karunungan+ sa ganang inyo at pagkaunawa+ sa ganang inyo sa paningin ng mga bayan na makaririnig ng lahat ng tuntuning ito, at tiyak na sasabihin nila, ‘Ang dakilang bansang ito ay walang alinlangang isang bayan na marunong at may unawa.’+
-
-
1 Hari 2:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 At tuparin mo ang katungkulan kay Jehova na iyong Diyos sa pamamagitan ng paglakad sa kaniyang mga daan,+ sa pamamagitan ng pagtupad sa kaniyang mga batas, sa kaniyang mga utos at sa kaniyang mga hudisyal na pasiya+ at sa kaniyang mga patotoo, ayon sa nakasulat sa kautusan ni Moises,+ upang kumilos ka nang may kapantasan sa lahat ng bagay na iyong gawin at saan ka man bumaling;
-