2 Timoteo
3 Ngunit alamin mo ito, na sa mga huling araw+ ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.+ 2 Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, mga mapagmapuri sa sarili, mga palalo, mga mamumusong, mga masuwayin sa mga magulang,+ mga walang utang-na-loob, mga di-matapat,+ 3 mga walang likas na pagmamahal,+ mga hindi bukás sa anumang kasunduan,+ mga maninirang-puri,+ mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis,+ mga walang pag-ibig sa kabutihan,+ 4 mga mapagkanulo,+ mga matigas ang ulo, mga mapagmalaki,+ mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos,+ 5 na may anyo ng makadiyos na debosyon+ ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito;+ at layuan mo ang mga ito.+ 6 Sapagkat mula sa mga ito ay bumabangon yaong mga tao na may-katusuhang pumapasok sa mga sambahayan+ at dinadala bilang kanilang mga bihag ang mahihinang babae na lipos ng mga kasalanan, naakay ng iba’t ibang pagnanasa,+ 7 laging nag-aaral gayunma’y hindi kailanman sumasapit sa tumpak na kaalaman sa katotohanan.+
8 Ngayon kung paanong sinalansang nina Janes at Jambres+ si Moises, patuloy ring sinasalansang ng mga ito ang katotohanan,+ mga taong lubusang napasamâ ang pag-iisip,+ itinakwil kung tungkol sa pananampalataya.+ 9 Gayunpaman, hindi na sila susulong pa, sapagkat ang kanilang kabaliwan ay magiging napakalinaw sa lahat, gaya nga ng kabaliwan ng dalawang lalaking iyon.+ 10 Ngunit maingat mong sinundan ang aking turo, ang aking landasin sa buhay,+ ang aking layunin, ang aking pananampalataya, ang aking mahabang pagtitiis, ang aking pag-ibig, ang aking pagbabata, 11 ang mga pag-uusig sa akin, ang aking mga pagdurusa, ang uri ng mga bagay na nangyari sa akin sa Antioquia,+ sa Iconio,+ sa Listra,+ ang uri ng mga pag-uusig na tiniis ko; gayunma’y mula sa lahat ng mga ito ay iniligtas ako ng Panginoon.+ 12 Sa katunayan, lahat niyaong mga nagnanasang mabuhay na may makadiyos na debosyon may kaugnayan kay Kristo Jesus ay pag-uusigin din.+ 13 Ngunit ang mga taong balakyot at mga impostor ay magpapatuloy mula sa masama tungo sa lalong masama, nanlíligaw at naililigaw.+
14 Gayunman, magpatuloy ka sa mga bagay na iyong natutuhan at nahikayat na sampalatayanan,+ yamang nalalaman mo kung kaninong mga tao natutuhan mo ang mga ito+ 15 at na mula sa pagkasanggol+ ay alam mo na ang banal na mga kasulatan, na makapagpaparunong sa iyo ukol sa kaligtasan+ sa pamamagitan ng pananampalataya may kaugnayan kay Kristo Jesus.+ 16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos+ at kapaki-pakinabang sa pagtuturo,+ sa pagsaway,+ sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay,+ sa pagdidisiplina+ sa katuwiran, 17 upang ang tao ng Diyos ay maging lubos na may kakayahan,+ lubusang nasangkapan ukol sa bawat mabuting gawa.+