32 Nang dakong huli ay sinabi niya: “Pakisuyo, huwag nawang mag-init sa galit+ si Jehova, kundi hayaan akong magsalita nang minsan na lamang:+ Ipagpalagay nang sampu ang masumpungan doon.” Sinabi naman niya: “Hindi ko iyon wawasakin dahil sa sampu.”+
29 Maging ang bayan ng lupain ay nagsasagawa ng pakanang pandaraya+ at nang-aagaw upang magnakaw,+ at ang napipighati at ang dukha ay pinagmamalupitan+ nila, at ang naninirahang dayuhan ay dinadaya nila nang walang katarungan.’+
2 Ang matapat ay pumanaw mula sa lupa, at sa gitna ng mga tao ay walang sinumang matuwid.+ Silang lahat ay nag-aabang upang magbubo ng dugo.+ Hinuhuli ng bawat isa ang kaniyang sariling kapatid sa pamamagitan ng pangubkob na lambat.+