Isaias
22 Mensahe tungkol sa Lambak ng Pangitain:*+
Ano ba ang nangyayari sa inyo at umakyat kayong lahat sa mga bubong?
2 Punô ka ng kaguluhan,
Isang maingay na lunsod, isang nagsasayang bayan.
Ang mga namatay sa iyo ay hindi namatay sa espada
O sa digmaan.+
3 Lahat ng diktador mo ay sama-samang tumakas.+
Hindi na kinailangan ng pana para mabihag sila.
Lahat ng naabutan ay binihag;+
Nahuli sila kahit tumakas sila sa malayo.
5 Dahil iyon ay araw ng kalituhan at pagkatalo at pagkataranta,+
Mula sa Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,
Sa Lambak ng Pangitain.
Winawasak ang pader+
At humihiyaw ang mga tao sa bundok.
7 Ang pinakamagaganda mong lambak*
Ay mapupuno ng mga karwaheng pandigma,
At pupuwesto ang mga kabayo* sa pintuang-daan,
“Sa araw na iyon ay titingin ka sa taguan ng mga sandata sa Bahay ng Kagubatan,+ 9 at makikita ninyo ang maraming sira sa Lunsod ni David.+ At titipunin ninyo ang tubig ng mababang tipunan ng tubig.+ 10 Bibilangin ninyo ang mga bahay sa Jerusalem, at gigibain ninyo ang mga bahay para patibayin ang pader. 11 At gagawa ka ng imbakan sa pagitan ng dalawang pader para sa tubig ng lumang tipunan ng tubig, pero hindi kayo titingin sa Dakilang Maylikha nito, at hindi ninyo makikita ang gumawa nito noong una pa.
12 Sa araw na iyon, ipag-uutos ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,
Ang pag-iyak at pagdadalamhati,+
Pag-aahit ng ulo at pagsusuot ng telang-sako.
13 Pero sa halip, may pagdiriwang at pagsasaya,
Pagpatay ng mga baka at pagkatay ng mga tupa,
Pagkain ng karne at pag-inom ng alak.+
‘Kumain tayo at uminom, dahil bukas ay mamamatay tayo.’”+
14 At isiniwalat sa akin ni Jehova ng mga hukbo: “‘Ang kasalanan ninyo ay hindi patatawarin hanggang sa mamatay kayo,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.”
15 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo: “Puntahan mo ang katiwalang si Sebna,+ na namamahala sa bahay,* at sabihin mo, 16 ‘Ano ang karapatan mo rito, at sino ang nagpahintulot sa iyo na umuka rito ng libingan mo?’ Umuuka siya ng libingan niya sa mataas na lugar; umuukit siya ng himlayan* niya sa malaking bato. 17 ‘Ibabagsak ka ni Jehova, O lalaki, at susunggaban. 18 Ibabalot ka niya nang mahigpit at ihahagis na parang bola sa maluwang na lupain. Doon ka mamamatay, kasama ang magagara mong karwahe, isang kahihiyan sa sambahayan ng iyong panginoon. 19 At aalisin kita sa puwesto mo at tatanggalin sa katungkulan mo.
20 “‘Sa araw na iyon ay tatawagin ko ang lingkod kong si Eliakim+ na anak ni Hilkias, 21 at isusuot ko sa kaniya ang iyong mahabang damit at ibibigkis sa kaniya ang iyong paha,+ at ibibigay ko sa kaniya ang iyong awtoridad.* At siya ay magiging ama ng mga nakatira sa Jerusalem at ng sambahayan ng Juda. 22 At ilalagay ko ang susi ng sambahayan ni David+ sa balikat niya. Magbubukas siya at hindi iyon isasara ninuman; at magsasara siya at hindi iyon bubuksan ninuman. 23 Ibabaon ko siyang gaya ng pako* sa isang matibay na pader,* at siya ay magiging gaya ng trono ng kaluwalhatian sa sambahayan ng kaniyang ama. 24 At isasabit nila sa kaniya ang lahat ng kaluwalhatian* ng sambahayan ng kaniyang ama, ang mga inapo at ang mga supling,* ang lahat ng maliliit na sisidlan, mga sisidlang hugis-mangkok, pati ang lahat ng malalaking banga.
25 “‘Sa araw na iyon,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘ang pako* na nakabaon sa matibay na pader* ay aalisin,+ at ito ay puputulin at malalaglag, at ang mga nakasabit dito ay babagsak at mawawasak, dahil si Jehova mismo ang nagsabi nito.’”