Mga Kawikaan
2 Anak ko, kung tatanggapin mo ang pananalita ko
At pahahalagahan* ang mga utos ko+
2 —Kung makikinig kang mabuti sa karunungan+
At bubuksan mo ang puso mo para sa kaunawaan+—
3 At kung tatawag ka para humingi ng unawa+
At hihiyaw para humiling ng kaunawaan;+
4 Kung patuloy mong hahanapin ang mga ito na gaya ng pilak+
At huhukayin na gaya ng nakatagong kayamanan;+
5 Kung gayon, mauunawaan mo ang ibig sabihin ng pagkatakot kay Jehova+
At matatagpuan mo ang kaalaman tungkol sa Diyos.+
6 Dahil si Jehova mismo ang nagbibigay ng karunungan;+
Sa bibig niya nagmumula ang kaalaman at kaunawaan.
8 Sinusubaybayan niya ang mga daan ng katarungan,
At babantayan niya ang lakad ng mga tapat sa kaniya.+
10 Kapag ang karunungan ay pumasok sa puso mo+
At ang kaalaman ay naging kasiya-siya para sa iyo,+
11 Babantayan ka ng iyong kakayahang mag-isip,+
At iingatan ka ng kaunawaan;
12 Maililigtas ka mula sa masamang landas,
Mula sa nagsasalita ng pilipit na mga bagay,+
13 Mula sa mga lumilihis sa matuwid na daan
Para lumakad sa landas ng kadiliman,+
14 Mula sa mga nagsasaya sa paggawa ng masama
At natutuwa sa masama at pilipit na mga bagay,
15 Mula sa mga liko ang daan
At nanlilinlang sa buong buhay nila.
16 Ililigtas ka nito mula sa masamang* babae,
Mula sa mapang-akit* na pananalita ng imoral na* babae,+
17 Na humiwalay sa matalik niyang kaibigan* noong kabataan niya+
At lumimot sa pakikipagtipan niya sa Diyos;
19 Hindi na makababalik ang lahat ng sumisiping* sa kaniya;
Hindi na sila muling makalalakad sa landas ng buhay.+