Mga Kawikaan
8 Hindi ba’t tumatawag ang karunungan?
Hindi ba’t humihiyaw ang kaunawaan?+
5 Kayong mga walang karanasan, sikapin ninyong maging matalino;+
Kayong mga mangmang, sikapin ninyong magkaroon ng pusong may unawa.*
6 Makinig kayo dahil mahalaga ang sasabihin ko,
Sinasabi ng mga labi ko kung ano ang tama;
7 Dahil mahinahong binibigkas ng bibig ko ang katotohanan,
At kinasusuklaman ng mga labi ko ang kasamaan.
8 Ang lahat ng lumalabas sa bibig ko ay matuwid,
Walang anumang pilipit o liko.
9 Ang lahat ng iyon ay tuwid para sa mga may unawa
At tama para sa mga nakatagpo ng kaalaman.
10 Piliin mo ang disiplina ko sa halip na pilak
At ang kaalaman sa halip na pinakamagandang klase ng ginto,+
11 Dahil ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa mga korales;*
Hindi maipapantay rito ang anumang kanais-nais na bagay.
12 Ako, ang karunungan, ay naninirahang kasama ng katalinuhan;
Natagpuan ko ang kaalaman at kakayahang mag-isip.+
13 Ang pagkatakot kay Jehova ay pagkapoot sa masama.+
Napopoot ako sa pagtataas ng sarili, pagmamapuri,+ masamang paggawi, at di-tapat na pananalita.+
15 Dahil sa akin, patuloy na namamahala ang mga hari
At gumagawa ng makatarungang mga batas ang matataas na opisyal.+
16 Dahil sa akin, patuloy na namamahala ang mga prinsipe
At humahatol nang matuwid ang mga prominenteng tao.
19 Ang bunga ko ay mas mabuti kaysa sa ginto, kahit sa dinalisay na ginto,
At ang naibibigay ko ay mas mabuti kaysa sa pinakamagandang klase ng pilak.+
20 Lumalakad ako sa landas ng katuwiran,
Sa gitna ng mga daan ng katarungan;
21 Binibigyan ko ng malaking mana ang mga nagmamahal sa akin,
At pinupuno ko ang mga imbakan nila.
22 Si Jehova ang gumawa sa akin bilang pasimula ng paglikha niya,+
Ang pinakauna sa lahat ng nagawa niya noong sinaunang panahon.+
23 Itinalaga na ako mula pa noong unang panahon,*+
Mula nang pasimula, mula nang mga panahong nauna pa sa lupa.+
24 Noong wala pang malalim na katubigan,+ ipinanganak na ako,*
Noong wala pang mga bukal na nag-uumapaw sa tubig.
25 Bago pa maitatag ang mga bundok,
Bago pa magkaroon ng mga burol, ipinanganak na ako,
26 Noong hindi pa niya ginagawa ang lupa at mga parang nito
O ang unang mga limpak ng lupa.
27 Nang ihanda niya ang langit,+ naroon ako;
Nang markahan niya ang hangganan sa pagitan ng langit at tubig,*+
28 Nang ilatag* niya ang mga ulap sa itaas,
Nang punuin niya ang mga bukal ng malalim na katubigan,
29 Nang bigyan niya ng batas ang dagat,
Na hindi dapat lumampas ang tubig nito sa itinakda niyang hangganan,*+
Nang ilagay niya ang mga pundasyon ng lupa,
30 Nasa tabi niya ako noon bilang isang dalubhasang manggagawa.+
Gustong-gusto niya akong kasama+ sa araw-araw;
Masayang-masaya ako sa piling niya sa lahat ng panahon;+
31 Masayang-masaya ako nang makita ko ang lupang titirhan ng tao,
32 Kaya ngayon, mga anak ko, makinig kayo sa akin;
Oo, maligaya ang mga lumalakad sa mga daan ko.