Isaias
2 Ito ang sinabi ni Jehova,
Ang iyong Maylikha at ang humubog sa iyo,+
Ang tumulong sa iyo mula noong nasa sinapupunan ka:*
5 Sasabihin ng isa: “Kay Jehova ako.”+
Tatawagin naman ng isa ang sarili niya sa pangalan ni Jacob,
At isusulat ng isa sa kamay niya: “Kay Jehova.”
At papangalanan niya ang sarili niya na Israel.’
‘Ako ang una at ako ang huli.+
Walang ibang Diyos bukod sa akin.+
Sumagot siya at sabihin niya iyon at patunayan sa akin!+
Gaya ng ginagawa ko mula nang itatag ko ang bayan noong sinauna,
Sabihin nila ang mga bagay na darating
At ang mga bagay na mangyayari.
Hindi ba sinabi ko na sa bawat isa sa inyo noon pa at inihayag ko na?
Kayo ang mga saksi ko.+
May iba pa bang Diyos bukod sa akin?
Wala, walang ibang Bato;+ wala akong kilala.’”
9 Ang lahat ng umuukit ng mga imahen ay walang silbi,
At ang minamahal nilang mga bagay ay walang pakinabang.+
Bilang mga saksi, wala silang* nakikita at wala silang alam,+
Kaya ang mga gumawa sa kanila ay mapapahiya.+
11 Lahat ng kasamahan niya ay mapapahiya!+
Ang mga bihasang manggagawa ay mga tao lang.
Lahat sila ay magtipon at tumayo.
Matatakot sila at sama-samang mapapahiya.
12 Pinaiinit ng platero ang bakal sa ibabaw ng mga baga gamit ang kasangkapan niya.
Para magkahugis, minamartilyo niya iyon
Sa pamamagitan ng kaniyang malakas na bisig.+
Pagkatapos, nagugutom siya at nanghihina;
Hindi siya umiinom ng tubig at napapagod siya.
13 Iniuunat ng mang-uukit ang pising panukat at minamarkahan niya ang kahoy gamit ang pulang yeso.*
Inuukit niya iyon gamit ang pait at minamarkahan gamit ang kompas.
14 Ang gawain naman ng isa ay pumutol ng mga sedro.
Pumipili siya ng isang uri ng puno, ang ensina,
At inaalagaan niya iyon kasama ng mga puno sa kagubatan.+
Nagtatanim siya ng puno ng laurel, at pinalalago iyon ng ulan.
15 At ginagamit iyon ng tao para magpaningas ng apoy.
Kukunin niya ang isang bahagi nito para makapagpainit;
Nagpapaapoy siya at nagluluto ng tinapay.
Pero gumagawa rin siya ng isang diyos at sinasamba iyon.
Ginagawa niya itong isang inukit na imahen, at niyuyukuran niya iyon.+
16 Ang kalahati nito ay sinusunog niya sa apoy;
Ginagamit niya iyon para mag-ihaw ng karneng kakainin niya, at nabubusog siya.
Nagpapainit din siya at sinasabi niya:
“Ang sarap ng init ng apoy!”
17 Pero ang natira doon ay ginagawa niyang isang diyos, isang inukit na imahen.
Niyuyukuran niya iyon at sinasamba.
Nananalangin siya roon:
“Iligtas mo ako, dahil ikaw ang diyos ko.”+
18 Wala silang alam, wala silang naiintindihan,+
Dahil nakasara ang mga mata nila at wala silang nakikita,
At hindi nakauunawa ang puso nila.
19 Walang napapaisip,
Walang may kaalaman o unawa para sabihin:
“Ang kalahati nito ay sinunog ko sa apoy,
At sa ibabaw ng mga baga nito ay nagluto ako ng tinapay at nag-ihaw ng karne para kainin.
Ang natira dito ay dapat ko bang gawing kasuklam-suklam na bagay?+
Dapat ko bang sambahin ang isang piraso* ng kahoy mula sa puno?”
20 Para siyang kumakain ng abo.
Nadaya ang puso niya, at inililigaw siya nito.
Hindi niya mailigtas ang sarili niya, at hindi niya sinasabi:
“Hindi ba walang silbi ang nasa kanang kamay ko?”
21 “Tandaan mo ang mga bagay na ito, O Jacob, at ikaw, O Israel,
Dahil lingkod kita.
Hinubog kita, at lingkod kita.+
O Israel, hindi kita kalilimutan.+
22 Tatakpan ko ang mga pagkakamali mo na parang nasa likod ng ulap+
At ang mga kasalanan mo na parang nasa likod ng makapal na ulap.
Manumbalik ka sa akin, dahil tutubusin kita.+
23 Humiyaw kayo sa kagalakan, kayong mga langit,
Dahil kumilos na si Jehova!
Sumigaw ka sa tagumpay, kailaliman ng lupa!
Humiyaw kayo sa kagalakan, kayong mga bundok,+
Ikaw na kagubatan, at ang lahat ng iyong puno!
Dahil tinubos ni Jehova ang Jacob,
At ipinakita niya sa Israel ang kaluwalhatian niya.”+
24 Ito ang sinabi ni Jehova, ang iyong Manunubos,+
Ang humubog sa iyo mula noong nasa sinapupunan ka:
“Ako si Jehova, ang gumawa ng lahat ng bagay.
Sino ang kasama ko noon?
25 Binibigo ko ang mga tanda ng mga nagsasalita ng walang katuturan,*
At ginagawa kong parang baliw ang mga manghuhula;+
Nililito ko ang matatalino,
At ginagawa kong kamangmangan ang kaalaman nila;+
26 Pinangyayari kong magkatotoo ang salita ng lingkod ko,
At lubusan kong tinutupad ang mga hula ng mga mensahero ko;+
Sinasabi ko tungkol sa Jerusalem, ‘Titirhan siya,’+
At tungkol sa mga lunsod ng Juda, ‘Muli silang itatayo,+
At aayusin ko ang mga guho niya’;+
27 Sinasabi ko sa malalim na katubigan, ‘Sumingaw ka,
At tutuyuin ko ang lahat ng iyong ilog’;+
28 Sinasabi ko tungkol kay Ciro,+ ‘Pastol ko siya,
At lubusan niyang tutuparin ang lahat ng kalooban ko’;+
Sinasabi ko tungkol sa Jerusalem, ‘Muli siyang itatayo,’
At tungkol sa templo, ‘Ang pundasyon mo ay gagawin.’”+