Jeremias
48 Para sa Moab,+ ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel:
“Kaawa-awa ang Nebo,+ dahil siya ay nawasak!
Ang Kiriataim+ ay napahiya at nabihag.
Ang ligtas na kanlungan* ay napahiya at nawasak.+
2 Hindi na nila pinupuri ang Moab.
Sa Hesbon+ ay pinagplanuhan nila ang kapahamakan niya:
‘Halikayo, pabagsakin natin siya para hindi na siya maging isang bansa.’
Ikaw rin, O Madmen, dapat kang manahimik,
Dahil sinusundan ka ng espada.
4 Ang Moab ay nawasak.
Umiiyak ang kaniyang maliliit na bata.
5 Iyak sila nang iyak habang umaakyat papuntang Luhit.
At habang bumababa mula sa Horonaim ay maririnig ang mga pagdaing dahil sa kapahamakan.+
6 Tumakas kayo, iligtas ninyo ang sarili ninyo!
Maging gaya kayo ng puno ng enebro sa ilang.
7 Dahil nagtitiwala ka sa iyong mga gawa at kayamanan,
Bibihagin ka rin.
At si Kemos+ ay ipatatapon,
Kasama ang kaniyang mga saserdote at matataas na opisyal.
9 Maglagay kayo ng palatandaan para sa Moab,
Dahil sa pagbagsak niya ay tatakas siya,
At ang mga lunsod niya ay magiging nakapangingilabot,
Na walang sinumang nakatira.+
10 Sumpain ang nagpapabaya sa paggawa ng atas mula kay Jehova!
Sumpain ang nagpipigil sa paggamit ng espada para pumuksa!
11 Ang mga Moabita ay panatag mula pagkabata,
Gaya ng alak na tumining.
Hindi pa sila naisalin-salin sa iba’t ibang sisidlan,
At hindi pa sila ipinatapon.
Kaya ganoon pa rin ang lasa nila,
At walang pagbabago sa amoy nila.
12 “‘Kaya darating ang panahon,’ ang sabi ni Jehova, ‘na magpapadala ako ng mga lalaking magpapataob sa kanila. Itataob sila ng mga ito hanggang sa maubos ang laman ng sisidlan nila, at dudurugin ng mga ito ang malalaking banga nila. 13 At ikahihiya ng mga Moabita si Kemos, kung paanong ikinahiya ng sambahayan ng Israel ang Bethel, na pinagtitiwalaan nila noon.+
14 Ang lakas ng loob ninyong sabihing “Kami ay malalakas na mandirigmang handa sa labanan”!’+
15 ‘Ang Moab ay nawasak,
Ang mga lunsod niya ay napasok,+
At ang kanilang pinakamagigiting na lalaki ay napatay,’+
Ang sabi ng Hari, na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo.+
17 Ang lahat ng nasa palibot nila ay makikiramay sa kanila,
Ang lahat ng nakaaalam ng pangalan nila.
Sabihin ninyo sa kanila: ‘Nabali ang matibay na tungkod, ang baston ng kagandahan!’
18 Bumaba ka mula sa kaluwalhatian mo,
At umupo kang uhaw,* O anak na babae na naninirahan sa Dibon,+
Dahil sasalakayin ka ng tagapuksa ng Moab,
At wawasakin niya ang mga tanggulan mo.+
19 Tumayo ka sa tabi ng daan at mag-abang ka, ikaw na naninirahan sa Aroer.+
Tanungin mo ang lalaking tumatakbo at ang babaeng tumatakas, ‘Ano ang nangyari?’
20 Ang Moab ay napahiya at nangilabot.
Humagulgol ka at humiyaw.
Ipahayag ninyo sa Arnon+ na ang Moab ay nawasak.
21 “Dumating ang hatol sa patag na lupain,*+ laban sa Holon, Jahaz,+ at Mepaat;+ 22 laban sa Dibon,+ Nebo,+ at Bet-diblataim; 23 laban sa Kiriataim,+ Bet-gamul, at Bet-meon;+ 24 laban sa Keriot+ at Bozra; at laban sa lahat ng lunsod ng lupain ng Moab, ang malalayo at ang malalapit.
26 ‘Lasingin ninyo siya,+ dahil nagmataas siya laban kay Jehova.+
Ang Moab ay nagpagulong-gulong sa kaniyang suka,
At hinamak siya.
27 Hindi ba hinamak mo ang Israel?+
Nahuli ba siyang kasama ng mga magnanakaw
Kaya umiiling ka at nagsasalita laban sa kaniya?
28 Umalis kayo sa mga lunsod at manirahan kayo sa malaking bato, kayong mga nakatira sa Moab,
At maging gaya kayo ng kalapati na namumugad sa gilid ng bangin.’”
29 “Narinig namin ang tungkol sa pagmamataas ng Moab—napakayabang niya—
Ang tungkol sa kaniyang kahambugan, pagmamataas, pagmamayabang, at sa pagmamalaki ng puso niya.”+
30 “‘Alam kong galit siya,’ ang sabi ni Jehova,
‘Pero ang mga sinasabi niyang walang saysay ay mauuwi sa wala.
Walang magagawa ang mga iyon.
31 Kaya hahagulgulan ko ang Moab,
Iiyakan ko ang buong Moab
At magdadalamhati ako para sa mga nakatira sa Kir-heres.+
Ang iyong lumalagong mga supang ay tumawid ng dagat.
Hanggang sa dagat, hanggang sa Jazer, nakaabot ang mga iyon.
Sa iyong mga prutas na pantag-araw at mga aning ubas
Ay sumalakay ang tagapuksa.+
Pinahinto ko ang pagdaloy ng alak sa pisaan ng ubas.
Wala nang pipisa* ng ubas nang may hiyaw ng kagalakan.
Ang hiyawan ay hindi na dahil sa kagalakan.’”+
34 “‘May sigaw sa Hesbon+ na maririnig hanggang sa Eleale.+
Maririnig ang sigaw nila hanggang sa Jahaz,+
Mula sa Zoar hanggang sa Horonaim+ hanggang sa Eglat-selisiya.
Kahit ang tubig ng Nimrim ay matutuyo.+
35 Paglalahuin ko mula sa Moab,’ ang sabi ni Jehova,
‘Ang nagdadala ng handog sa mataas na lugar
At ang naghahandog sa diyos niya.
36 Kaya naman daraing* ang puso ko para sa Moab gaya ng plawta,*+
At daraing* ang puso ko para sa mga nakatira sa Kir-heres gaya ng plawta.*
Dahil ang kayamanang naipon niya ay maglalaho.
Dahil binasag ko ang Moab
Gaya ng isang walang-silbing banga,’ ang sabi ni Jehova.
39 ‘Takot na takot siya! Humagulgol kayo!
Tumalikod ang Moab dahil sa kahihiyan!
Ang Moab ay hinahamak,
Isang bagay na nakapangingilabot para sa lahat ng nasa palibot niya.’”
40 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova:
41 Ang mga bayan ay sasakupin,
At ang mga tanggulan niya ay bibihagin.
Sa araw na iyon, ang puso ng mga mandirigma ng Moab
Ay magiging gaya ng puso ng babaeng nanganganak.’”
42 “‘At ang Moab ay lilipulin at hindi na magiging isang bansa,+
Dahil laban kay Jehova siya nagmataas.+
43 Ang takot at ang hukay at ang bitag ay nasa harap mo,
Ikaw na nakatira sa Moab,’ ang sabi ni Jehova.
44 ‘Ang sinumang tumatakas dahil sa takot ay mahuhulog sa hukay,
At ang sinumang umaahon mula sa hukay ay mahuhuli sa bitag.’
‘Dahil pasasapitin ko sa Moab ang taon ng pagpaparusa sa kanila,’ ang sabi ni Jehova.
45 ‘Sa lilim ng Hesbon, ang mga tumatakas ay nakatayong walang lakas.
Dahil isang apoy ang lalabas mula sa Hesbon
At isang liyab mula sa Sihon.+
Tutupukin nito ang noo ng Moab
At ang bungo ng mga anak ng kaguluhan.’+
46 ‘Kaawa-awa ka, O Moab!
Ang bayan ni Kemos+ ay nalipol.
Dahil ang mga anak mong lalaki ay binihag,
At ang mga anak mong babae ay ipinatapon.+
47 Pero titipunin ko ang mga binihag mula sa Moab sa huling bahagi ng mga araw,’ ang sabi ni Jehova.
‘Dito natatapos ang kahatulan sa Moab.’”+