Ikalawang Samuel
21 Nagkaroon ng taggutom+ noong panahon ni David sa loob ng tatlong sunod-sunod na taon; kaya sumangguni si David kay Jehova, at sinabi ni Jehova: “Si Saul at ang sambahayan niya ay may pagkakasala sa dugo, dahil pinatay niya ang mga Gibeonita.”+ 2 Kaya tinawag ng hari ang mga Gibeonita+ at nakipag-usap sa kanila. (Ang mga Gibeonita ay hindi mga Israelita, kundi natirang mga Amorita.+ Sumumpa sa kanila ang mga Israelita na hindi sila papatayin,+ pero tinangka ni Saul na lipulin sila dahil sa sigasig niya para sa bayan ng Israel at Juda.) 3 Sinabi ni David sa mga Gibeonita: “Ano ang gagawin ko para sa inyo, at paano ako makapagbabayad-sala, para pagpalain ninyo ang mana ni Jehova?” 4 Sinabi sa kaniya ng mga Gibeonita: “Hindi kami humihingi ng pilak o ginto+ bilang kabayaran sa ginawa ni Saul at ng sambahayan niya; at hindi rin kami makapapatay ng sinuman sa Israel.” Kaya sinabi niya: “Anuman ang sabihin ninyo ay gagawin ko para sa inyo.” 5 Sinabi nila sa hari: “Nilipol kami ng lalaking iyon at tinangka niya kaming ubusin sa buong teritoryo ng Israel,+ 6 kaya ibigay mo sa amin ang pitong anak niyang lalaki. Ibibitin namin ang bangkay nila*+ sa harap ni Jehova sa Gibeah+ na lunsod ni Saul,* ang pinili ni Jehova.”+ Sumagot ang hari: “Ibibigay ko sila sa inyo.”
7 Pero naawa ang hari kay Mepiboset,+ ang anak ni Jonatan na anak ni Saul, dahil sa sumpaan nina David at Jonatan+ na anak ni Saul sa harap ni Jehova. 8 Kaya kinuha ng hari sina Armoni at Mepiboset, ang dalawang anak ni Saul kay Rizpa+ na anak ni Aias, at ang limang apo ni Saul sa anak niyang si Mical*+ at sa asawa nitong si Adriel+ na anak ni Barzilai na Meholatita. 9 Pagkatapos, ibinigay niya ang mga ito sa mga Gibeonita, at ibinitin nila ang bangkay ng mga ito sa bundok sa harap ni Jehova.+ Sama-samang namatay ang pitong ito; pinatay sila noong mga unang araw ng pag-aani, sa pasimula ng pag-aani ng sebada. 10 Pagkatapos, si Rizpa+ na anak ni Aias ay kumuha ng telang-sako at inilatag iyon sa ibabaw ng bato mula sa pasimula ng pag-aani hanggang sa bumuhos ang ulan sa mga bangkay; hindi niya hinayaang dapuan ang mga ito ng mga ibon sa himpapawid kung araw o lapitan ng mga hayop sa parang kung gabi.
11 Iniulat kay David ang ginawa ni Rizpa, na pangalawahing asawa ni Saul at anak ni Aias. 12 Kaya kinuha ni David ang mga buto ni Saul at ang mga buto ng anak nitong si Jonatan sa mga pinuno* ng Jabes-gilead,+ na nagnakaw ng mga iyon mula sa liwasan* ng Bet-san, kung saan sila ibinitin ng mga Filisteo nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa.+ 13 Dinala niya ang mga buto ni Saul at ang mga buto ng anak nitong si Jonatan, at tinipon din nila ang mga buto ng mga lalaking pinatay.*+ 14 Pagkatapos, inilibing nila ang mga buto ni Saul at ng anak nitong si Jonatan sa lupain ng Benjamin sa Zela,+ sa libingan ng ama ni Saul na si Kis.+ Matapos nilang gawin ang lahat ng iniutos ng hari, dininig ng Diyos ang mga panalangin nila para sa lupain.+
15 Nagkaroon muli ng digmaan sa pagitan ng mga Filisteo at ng Israel.+ Kaya lumabas si David at ang mga lingkod niya at nakipaglaban sa mga Filisteo, pero napagod si David. 16 Isang lalaki mula sa lahi ng mga Repaim+ na nagngangalang Isbi-benob, na may tansong sibat na 300 siklo*+ ang bigat at may bagong espada, ang nagtangkang pumatay kay David. 17 Pero sumaklolo+ agad si Abisai+ na anak ni Zeruias at pinatay ang Filisteo. Sa pagkakataong iyon, iginiit ng* mga tauhan ni David sa kaniya: “Huwag ka nang sumama sa amin sa pakikipaglaban!+ Huwag mong patayin ang lampara ng Israel!”+
18 Pagkatapos nito, muli silang nakipagdigma sa mga Filisteo+ sa Gob. Sa labanang iyon, napatay ni Sibecai+ na Husatita si Sap, na mula sa lahi ng mga Repaim.+
19 At muli silang nakipagdigma sa mga Filisteo+ sa Gob, at napatay ni Elhanan na anak ni Jaare-oregim na Betlehemita si Goliat na Giteo, na ang hawakan ng sibat ay kasinlaki ng baras ng habihan.+
20 Muling nagkaroon ng digmaan sa Gat, kung saan may isang lalaki na pambihira ang laki at may 6 na daliri sa bawat kamay at 6 na daliri sa bawat paa, 24 lahat; at mula rin siya sa lahi ng mga Repaim.+ 21 Wala siyang tigil sa pang-iinsulto sa Israel.+ Kaya pinatay siya ni Jonatan na anak ni Simei,+ na kapatid ni David.
22 Ang apat na ito ay mula sa lahi ng mga Repaim sa Gat, at namatay sila sa kamay ni David at ng mga lingkod niya.+