Isaias
50 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Binigyan ko ba ng kasulatan ng diborsiyo+ ang inyong ina noong paalisin ko siya?
Ipinagbili ko ba kayo dahil sa utang?
Ipinagbili kayo dahil sa sarili ninyong mga pagkakamali,+
At pinaalis ang inyong ina dahil sa sarili ninyong mga pagkakasala.+
2 Kaya bakit walang sinumang nandito nang dumating ako?
Bakit walang sumagot nang tumawag ako?+
Napakaikli ba ng kamay ko para tumubos,
O wala ba akong kapangyarihan para magligtas?+
Dahil walang tubig, nabubulok ang mga isda nito
At namamatay sa uhaw.
4 Binigyan ako ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova ng dila ng mga naturuan,*+
Para malaman ko kung paano sasagutin* ang taong pagod ng tamang* salita.+
Ginigising niya ako tuwing umaga;
Ginigising niya ako para makinig na gaya ng mga naturuan.+
Hindi ako tumalikod sa kaniya.+
6 Iniharap ko ang likod ko sa mga nananakit sa akin
At ang mga pisngi ko sa mga bumubunot ng balbas.
Hindi ko iniwas ang mukha ko sa kahiya-hiyang mga bagay at sa dura.+
7 Pero tutulungan ako ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.+
Kaya hindi ako mapapahiya.
Kaya ginawa kong sintigas ng bato ang aking mukha,+
At alam kong hindi ako malalagay sa kahihiyan.
8 Ang Isa na nagsasabi* na matuwid ako ay malapit.
Sino ang makapag-aakusa* sa akin?+
Magharap kami.
Sino ang may kaso laban sa akin?
Lumapit siya sa akin.
9 Tutulungan ako ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
Sino ang hahatol na may-sala ako?
Lahat sila ay malulumang gaya ng damit.
Uubusin sila ng insekto.*
Sino ang naglalakad sa matinding kadiliman, na walang kahit kaunting liwanag?
Magtiwala siya sa pangalan ni Jehova at sumandig* sa kaniyang Diyos.
11 “Lahat kayo na nagpapaliyab ng apoy
At nagpapaningas nito,
Lumakad kayo sa liwanag ng inyong apoy,
Sa gitna ng apoy na pinalagablab ninyo.
Ito ang tatanggapin ninyo mula sa kamay ko:
Mapapahiga kayo sa matinding kirot.