Job
26 Sinabi ni Job:
2 “Ang laki ng naitulong mo sa nanghihina!
Talagang iniligtas mo ang may mahihinang bisig!+
3 Napakaganda naman ng payo mo para sa walang karunungan!+
Talagang ipinakita mo* ang praktikal na karunungan* mo!
4 Kanino ka ba nakikipag-usap,
At kanino ba galing ang mga sinasabi mo?
5 Ang mga patay ay nanginginig;
Mas mababa pa sila kaysa sa katubigan at sa mga naninirahan doon.
7 Inilalatag niya ang himpapawid* sa dakong walang laman*+
At ibinibitin ang mundo sa kawalan.
8 Ibinabalot niya ang tubig sa kaniyang mga ulap,+
Kaya hindi sumasabog ang ulap kahit mabigat ito.
9 Hinaharangan niya ang kaniyang trono;
Tinatakpan niya ito ng kaniyang ulap.+
10 Minarkahan niya ang hangganan sa pagitan ng langit at tubig;*+
Naglagay siya ng hangganan sa pagitan ng liwanag at dilim.
11 Nayayanig ang mismong mga haligi ng langit;
Natitigilan sila dahil sa kaniyang pagsaway.
12 Pinagngangalit niya ang dagat gamit ang kapangyarihan niya,+
At dinudurog niya ang malaking hayop sa dagat*+ gamit ang kaniyang unawa.
13 Ginagawa niyang maaliwalas ang langit sa pamamagitan ng hininga* niya;
Pinapatay niya ang mailap* na ahas gamit ang kamay niya.
14 Tingnan mo! Mga gilid lang ito ng kaniyang mga daan;+
Mahinang bulong pa lang ang narinig tungkol sa kaniya!
Kaya sino ang makauunawa sa malakas na kulog niya?”+