Mikas
5 “Ngayon ay hinihiwa mo ang iyong sarili,
O anak na babae na sinasalakay;
Pinapalibutan tayo ng kaaway.+
Hinampas nila ng tungkod ang pisngi ng hukom ng Israel.+
2 At ikaw, O Betlehem Eprata,+
Na napakaliit para mapabilang sa mga angkan* ng Juda,
Sa iyo magmumula ang magiging tagapamahala sa Israel,+
Na ang pinanggalingan ay mula noong unang panahon, mula noong napakatagal nang panahon.
3 Kaya pababayaan niya sila
Hanggang sa panahon na ang manganganak ay makapanganak na.
At ang iba pang mga kapatid niya ay babalik sa bayang Israel.
4 Siya ay tatayo at magpapastol sa tulong ng lakas ni Jehova,+
Sa kadakilaan ng pangalan ni Jehova na kaniyang Diyos.
5 At magdadala siya ng kapayapaan.+
Kapag sinalakay ng Asiryano ang ating lupain at winasak ang ating matitibay na tore,+
Mag-aatas tayo laban dito ng pitong pastol, oo, walong lider mula sa mga tao.
6 Papastulan nila ang lupain ng Asirya gamit ang espada,+
At ang lupain ni Nimrod+ sa mga pasukan nito.
At ililigtas niya tayo mula sa Asiryano,+
Kapag sinalakay nito ang ating lupain at winasak ang ating teritoryo.
7 Ang mga natitira sa sambahayan ni Jacob ay mapapasagitna ng maraming bayan
Gaya ng hamog mula kay Jehova,
Gaya ng ulan sa mga pananim
Na hindi umaasa sa tao
O naghihintay sa mga anak ng tao.
8 Ang mga natitira sa sambahayan ni Jacob ay mapapasagitna ng mga bansa,
Sa gitna ng maraming bayan,
Gaya ng isang leon sa gitna ng mga hayop sa gubat,
Gaya ng isang leon sa gitna ng mga kawan ng tupa,
Na dumadaan at umaatake at nanluluray;
At walang magliligtas sa kanila.
9 Ang iyong kamay ay itataas dahil nagtagumpay ka laban sa mga kaaway mo,
At ang lahat ng kalaban mo ay mapupuksa.”
10 “Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova,
“Lilipulin ko ang iyong mga kabayo at wawasakin ko ang iyong mga karwahe.
11 Wawasakin ko ang mga lunsod sa iyong lupain
At gigibain ko ang lahat ng iyong tanggulan.
13 Wawasakin ko ang iyong mga inukit na imahen at ang iyong mga haligi,
At hindi ka na yuyukod sa gawa ng iyong mga kamay.+
15 Sa galit at poot ko, maghihiganti ako
Sa mga bansang hindi sumusunod.”