Mga Awit
Sa direktor. Awit ni David.
40 May pananabik akong umasa* kay Jehova,
At pinakinggan niya ako* at dininig ang paghingi ko ng tulong.+
2 Iniahon niya ako mula sa umuugong na hukay,
Mula sa lusak.
At pinatuntong niya ako sa malaking bato;
Pinatatag niya ang pagkakatayo ko.
Marami ang makakakita nito at mamamangha,
At magtitiwala sila kay Jehova.
4 Maligaya ang taong nagtitiwala kay Jehova
At hindi umaasa sa mga mapaghimagsik o sinungaling.
5 Napakarami mong ginawa,
O Jehova na aking Diyos,
Ang iyong kamangha-manghang mga gawa at ang mga iniisip mo para sa amin.+
Walang maikukumpara sa iyo;+
Subukan ko mang sabihin ang tungkol sa mga iyon,
Hindi ko mababanggit ang lahat ng iyon dahil sa dami!+
Hindi ka humingi ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa kasalanan.+
7 Pagkatapos ay sinabi ko: “Narito* ako.
Iyon ang nakasulat sa balumbon* tungkol sa akin.+
9 Inihahayag ko ang magandang balita ng katuwiran sa malaking kongregasyon.+
Hindi ko pinipigilan ang mga labi ko,+
Gaya ng alam mo, O Jehova.
10 Hindi ko tinatakpan sa puso ko ang katuwiran mo.
Inihahayag ko ang tungkol sa katapatan at pagliligtas mo.
Hindi ko itinatago ang iyong tapat na pag-ibig at ang iyong katotohanan sa malaking kongregasyon.”+
11 O Jehova, huwag mo akong pagkaitan ng awa.
Palagi nawa akong ingatan ng iyong tapat na pag-ibig at ng iyong katotohanan.+
12 Hindi mabilang ang mga kapahamakang nakapalibot sa akin.+
Natabunan na ako ng mga pagkakamali ko at hindi ko na makita ang dadaanan ko;+
Mas marami pa ang mga iyon kaysa sa mga buhok sa ulo ko,
At pinanghinaan na ako ng loob.
13 O Jehova, kalugdan mo nawang iligtas ako.+
O Jehova, magmadali ka at tulungan mo ako.+
14 Mapahiya nawa at mawalan ng dangal
Ang lahat ng nagtatangka sa buhay ko.
Umurong nawa sa kahihiyan
Ang mga gustong mapahamak ako.
15 Mangilabot nawa sa sarili nilang kahihiyan
Ang mga nagsasabi sa akin: “Buti nga sa iyo!”
Lagi nawang sabihin ng mga nananabik sa pagliligtas mo:
“Dakilain nawa si Jehova.”+
17 Pero ako ay walang kalaban-laban at dukha;
Bigyang-pansin nawa ako ni Jehova.