Isaias
11 Isang maliit na sanga+ ang tutubo mula sa tuod ni Jesse,+
At isang sibol+ mula sa mga ugat niya ang mamumunga.
2 At sasakaniya ang espiritu ni Jehova,+
Ang espiritu ng karunungan+ at ng kaunawaan,
Ang espiritu ng payo at ng kalakasan,+
Ang espiritu ng kaalaman at ng pagkatakot kay Jehova.
3 At makadarama siya ng kasiyahan sa pagkatakot kay Jehova.+
Hindi siya hahatol ayon sa nakita ng mga mata niya,
At hindi siya sasaway ayon lang sa narinig ng mga tainga niya.+
4 Hahatulan niya nang patas* ang mga dukha,
At sasaway siya nang makatarungan alang-alang sa maaamo sa lupa.
Hahampasin niya ang lupa sa pamamagitan ng tungkod na galing sa bibig niya,+
At papatayin niya ang masasama sa hininga* ng mga labi niya.+
6 Ang lobo* ay magpapahingang kasama ng kordero,*+
Ang leopardo ay hihigang kasama ng batang kambing,
At ang guya* at ang leon at ang pinatabang hayop ay magsasama-sama;*+
At isang munting bata ang aakay sa kanila.
7 Ang baka at ang oso ay magkasamang manginginain;
At ang mga anak ng mga ito ay hihigang magkakasama.
Ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro.+
8 Ang batang pasusuhin ay maglalaro sa may lungga ng kobra;
At ang batang inawat sa pagsuso ay maglalagay ng kamay niya sa lungga ng makamandag na ahas.
O maninira sa aking buong banal na bundok,+
Dahil ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman tungkol kay Jehova
Gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.+
10 Sa araw na iyon, ang ugat ni Jesse+ ay magiging palatandaan* para sa mga bayan.+
11 Sa araw na iyon, muling iaabot ni Jehova ang kamay niya, sa ikalawang pagkakataon, para kunin ang mga natira sa bayan niya na nasa Asirya,+ Ehipto,+ Patros,+ Cus,+ Elam,+ Sinar,* Hamat, at mga isla sa dagat.+ 12 Maglalagay siya ng isang palatandaan* para sa mga bansa at titipunin niya ang mga nangalat mula sa Israel,+ at titipunin niya mula sa apat na sulok ng mundo ang mga nangalat na taga-Juda.+
Hindi na maiinggit ang Efraim sa Juda,
At hindi na mapopoot ang Juda sa Efraim.+
14 At lulusob sila sa mga dalisdis* ng mga Filisteo sa kanluran;
Magkasama nilang sasamsaman ang mga taga-Silangan.