Mga Kawikaan
30 Ang mahalagang mensahe ni Agur, na anak ni Jakeh, na sinabi niya kay Itiel, kina Itiel at Ucal.
3 Wala akong karunungan,
At wala sa akin ang kaalaman ng Kabanal-banalan.
4 Sino ang umakyat sa langit at bumaba?+
Sino ang nagtipon ng hangin sa mga palad niya?
Sino ang nagbalot ng tubig sa damit niya?+
Sino ang nagtakda ng* lahat ng hangganan ng lupa?+
Ano ang pangalan niya at ng anak niya—kung alam mo?
5 Ang bawat pananalita ng Diyos ay dalisay.+
Siya ay kalasag sa mga nanganganlong sa kaniya.+
7 Dalawang bagay ang hinihiling ko sa iyo.
Huwag mong ipagkait sa akin ang mga iyon bago ako mamatay.
8 Ilayo mo sa akin ang mga bagay na di-totoo at mga kasinungalingan.+
Huwag mo akong gawing mahirap o mayaman.
Hayaan mo lang akong ubusin ang pagkaing para sa akin+
9 Para hindi ako mabusog at ikaila ka at sabihin, “Sino si Jehova?”+
Huwag mo rin akong hayaang maghirap at magnakaw at malapastangan ang pangalan ng aking Diyos.
10 Huwag mong siraang-puri ang isang lingkod sa panginoon niya
Para hindi ka niya sumpain, at mapatutunayang mali ka.+
12 May henerasyong malinis ang tingin sa sarili+
Pero hindi pa nalilinis mula sa kanilang karumihan.*
14 May henerasyong parang espada ang mga ngipin
At parang mga kutsilyong pangkatay ang mga panga;
Nilalamon nila ang mahihirap sa lupa
At ang mga dukha sa sangkatauhan.+
15 Ang mga linta ay may dalawang anak na babae na sumisigaw, “Magbigay ka! Magbigay ka!”
May tatlong bagay na hindi nakokontento,
Apat na hindi nagsasabi, “Sapat na!”
16 —Ang Libingan*+ at baog na sinapupunan,
Isang lupaing uhaw sa tubig,
At apoy na hindi nagsasabi, “Sapat na!”
17 Ang matang umaalipusta sa ama at ayaw sumunod sa ina+
—Tutukain iyon ng mga uwak sa lambak,*
At kakainin iyon ng mga batang agila.+
19 Ang paglipad ng agila sa langit,
Ang pag-usad ng ahas sa bato,
Ang paglalayag ng barko sa dagat,
At ang pamamaraan ng isang lalaki kapag kasama ang isang dalaga.
20 Ganito ang gawain ng isang mapangalunyang babae:
Kumakain siya, pinupunasan ang bibig niya,
At sinasabi, “Wala akong ginawang masama.”+
21 May tatlong bagay na nagpapayanig sa lupa
At apat na bagay na hindi nito matiis:
22 Kapag naging hari ang alipin,+
Kapag tambak ang pagkain ng mangmang,
26 Ang mga kuneho sa batuhan*+ ay hindi malalakas na nilalang,*
Pero tumitira sila sa malalaking bato.+
29 May tatlong nilikha na kahanga-hanga ang paglakad,
Apat na nilikha na kahanga-hangang pagmasdan:
30 Ang leon, ang pinakamalakas na hayop,
Na walang inaatrasan;+
31 Ang asong matulin; ang lalaking kambing;
At ang hari na kasama ang hukbo niya.