Mga Kawikaan
2 Naihanda na niya ang kaniyang karne;*
Natimplahan na niya ang kaniyang alak;
Naayos na rin niya ang kaniyang mesa.
4 “Pumunta rito ang sinumang walang karanasan.”
Sinasabi niya sa kulang sa unawa:*
5 “Halika, kumain ka ng tinapay ko
At uminom ka ng tinimplahan kong alak.
7 Kahihiyan ang naghihintay sa nagtutuwid sa manunuya,+
At masasaktan lang ang sumasaway sa masamang tao.
8 Huwag mong sawayin ang manunuya dahil magagalit lang siya sa iyo.+
Sawayin mo ang marunong, at mamahalin ka niya.+
9 Turuan mo ang marunong, at magiging mas marunong pa siya.+
Turuan mo ang matuwid, at lalago ang kaalaman niya.
10 Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng karunungan,+
At ang kaalaman tungkol sa Kabanal-banalan+ ay nagbibigay ng unawa.
12 Kung magiging marunong ka, ikaw rin ang makikinabang,
Pero kung manunuya ka, ikaw lang ang magdurusa.
13 Ang babaeng mangmang ay maingay.+
Ignorante siya at walang kaalam-alam.
14 Umuupo siya sa pasukan ng bahay niya,
Na nasa mataas na lugar ng lunsod;+
15 Tinatawag niya ang mga dumadaan,
Ang mga may kani-kaniyang pupuntahan:
16 “Pumunta rito ang sinumang walang karanasan.”