Mga Kawikaan
6 Anak ko, kung ginarantiyahan mo ang kapuwa mo,*+
Kung nakipagkamay* ka sa isang estranghero,+
2 Kung nabitag ka ng sarili mong pangako
At nasilo ng pananalita ng iyong bibig,+
3 Gawin mo ito, anak ko, para makalaya ka,
Dahil nahulog ka sa kamay ng iyong kapuwa:
Magpakumbaba ka at magmakaawa agad sa iyong kapuwa.+
4 Huwag mong ipikit ang mga mata mo para matulog,
At huwag mong hayaang sumara ang mga talukap nito.
5 Iligtas mo ang sarili mo na gaya ng gasela* sa kamay ng mangangaso
At gaya ng isang ibon sa kamay ng manghuhuli ng ibon.
6 Matuto ka sa langgam, ikaw na tamad;+
Tingnan mong mabuti ang ginagawa nito at magiging marunong ka.
7 Kahit wala itong kumandante, opisyal, o tagapamahala,
8 Nag-iimbak ito ng pagkain kapag tag-araw,+
At nagtitipon ito ng pagkain sa panahon ng pag-aani.
9 Ikaw na tamad, hanggang kailan ka hihiga riyan?
Kailan ka babangon mula sa pagtulog?
10 Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip,
Kaunti pang paghahalukipkip para magpahinga,+
11 At biglang darating sa iyo ang kahirapan na parang magnanakaw,
At ang kakapusan na parang armadong lalaki.+
12 Di-tapat ang pananalita ng isang taong walang kabuluhan at masama;+
13 Kumikindat siya,+ sumesenyas gamit ang paa, at ipinantuturo ang mga daliri niya.
16 May anim na bagay na kinapopootan si Jehova;
Oo, pitong bagay na kasuklam-suklam sa kaniya:
17 Mapagmataas na mga mata,+ sinungaling na dila,+ at mga kamay na pumapatay ng inosente,+
18 Pusong nagpapakana ng nakapipinsala,+ at mga paang nagmamadali sa paggawa ng masama,
19 Isang testigo na laging nagsisinungaling,+
At sinumang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.+
21 Lagi mong isapuso ang mga iyon;
Itali mo ang mga iyon sa leeg mo.
22 Kapag lumalakad ka, papatnubayan ka nito;
Kapag nakahiga ka, babantayan ka nito;
At kapag gisíng ka na, tuturuan* ka nito.
23 Dahil ang utos ay isang lampara,+
At ang kautusan ay liwanag,+
At ang pagsaway at disiplina ay daan ng buhay.+
25 Huwag mong nasain sa iyong puso ang kagandahan niya,+
At huwag kang magpabihag sa mapang-akit niyang mata,
26 Dahil tinapay lang ang natitira sa isang lalaki kapag sumiping siya sa isang babaeng bayaran,+
Pero mahalagang buhay ang nawawala kapag sumiping siya sa asawa ng ibang lalaki.
27 Makapaglalagay ba ng apoy ang isang tao sa dibdib niya nang hindi nasusunog ang damit niya?+
28 O makalalakad ba ang isang tao sa ibabaw ng mga baga nang hindi napapaso ang mga paa niya?
29 Ganiyan din ang sinumang nakikipagtalik sa asawa ng kapuwa niya;
30 Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw
Kapag nagnakaw siya para masapatan ang gutom niya.
31 Pero kapag nahuli siya, ibabalik niya ito nang pitong ulit;
Ibibigay niya ang lahat ng mahahalagang gamit sa bahay niya.+
32 Ang nangangalunya sa isang babae ay kulang sa unawa;*
Ang gumagawa nito ay nagpapahamak sa sarili niya.+