Jeremias
51 Ito ang sinabi ni Jehova:
2 Magsusugo ako sa Babilonya ng mga mananahip,
At tatahipin nila siya at uubusin ang laman ng lupain niya;
Sasalakayin nila siya sa lahat ng panig sa araw ng kapahamakan.+
3 Huwag ninyong hayaang baluktutin* ng mamamanà ang búsog niya.
At huwag ninyong hayaang tumayo ang sinuman suot ang kutamaya* niya.
Huwag kayong maawa sa kalalakihan niya.+
Lipulin ninyo ang kaniyang buong hukbo.
5 Dahil ang Israel at ang Juda ay hindi nabiyuda sa kanilang Diyos, kay Jehova ng mga hukbo.+
Pero ang lupain* nila ay punô ng kasalanan sa paningin ng Banal ng Israel.
Huwag ninyong hayaang mamatay kayo dahil sa kasalanan niya.
Dahil panahon ito ng paghihiganti ni Jehova.
Pagbabayarin Niya siya sa ginawa niya.+
7 Ang Babilonya ay naging isang gintong kopa sa kamay ni Jehova;
Nilasing niya ang buong lupa.
8 Biglang bumagsak ang Babilonya at nawasak.+
Hagulgulan ninyo siya!+
Kumuha kayo ng balsamo para sa kirot niya; baka sakaling gumaling siya.”
9 “Sinubukan naming pagalingin ang Babilonya, pero hindi siya mapagaling.
Iwan ninyo siya at pumunta na tayo sa sarili nating lupain.+
Dahil ang hatol sa kaniya ay umabot na sa langit;
Kasintaas na ito ng mga ulap.+
10 Binigyan tayo ni Jehova ng katarungan.+
Halikayo, ihayag natin sa Sion ang ginawa ni Jehova na ating Diyos.”+
11 “Pakintabin ninyo ang mga palaso;+ kunin ninyo ang bilog na mga kalasag.*
Inudyukan ni Jehova ang mga hari ng mga Medo,+
Dahil gusto niyang wasakin ang Babilonya.
Dahil ito ang paghihiganti ni Jehova, ang paghihiganti para sa templo niya.
12 Maglagay kayo ng palatandaan*+ laban sa mga pader ng Babilonya.
Higpitan ninyo ang pagbabantay, maglagay kayo ng mga bantay.
Ihanda ninyo ang mga tatambang.
Dahil bumuo si Jehova ng estratehiya,
At tutuparin niya ang ipinangako niya laban sa mga nakatira sa Babilonya.”+
13 “O babaeng nakatira sa maraming tubig,+
Na sagana sa kayamanan,+
Dumating na ang katapusan mo, ang hangganan* ng pagtitipon mo ng pakinabang.+
14 Si Jehova ng mga hukbo ay nanumpa sa ngalan niya,
‘Pupunuin kita ng mga tao, na kasindami ng balang,
At hihiyaw sila sa tagumpay laban sa iyo.’+
15 Siya ang Maylikha ng lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan niya;
Ginawa niyang matatag ang mabungang lupa gamit ang karunungan niya,+
At inilatag niya ang langit gamit ang kaunawaan niya.+
16 Kapag ipinaririnig niya ang kaniyang tinig,
Ang tubig sa langit ay naliligalig,
At nagpapailanlang siya ng mga ulap* mula sa mga dulo ng lupa.
17 Ang bawat tao ay kumikilos nang di-makatuwiran at walang kaalaman.
Ang bawat platero ay mapapahiya dahil sa inukit na imahen;+
Dahil ang kaniyang metal na imahen ay kasinungalingan,
18 Walang kabuluhan ang mga ito,+ isang gawang katawa-tawa.
Pagdating ng araw ng paghatol sa mga ito, maglalaho ang mga ito.
Jehova ng mga hukbo ang pangalan niya.”+
20 “Ikaw ang pamalo ko, ang sandata ko sa pakikipagdigma,
Dahil sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang mga bansa.
Sa pamamagitan mo ay ibabagsak ko ang mga kaharian.
21 Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang kabayo at ang sakay nito.
Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang karwaheng pandigma at ang sakay nito.
22 Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang lalaki at ang babae.
Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang matandang lalaki at ang batang lalaki.
Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang binata at ang dalaga.
23 Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang pastol at ang kawan niya.
Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang magsasaka at ang mga hayop na ginagamit niya sa pagsasaka.
Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang mga gobernador at ang mga kinatawang opisyal.
24 At pagbabayarin ko ang Babilonya at ang lahat ng nakatira sa Caldea
Sa lahat ng kasamaang ginawa nila sa Sion sa inyong paningin,”+ ang sabi ni Jehova.
25 “Ako ay laban sa iyo,+ O bundok na mapangwasak,” ang sabi ni Jehova,
“Ikaw na tagawasak ng buong lupa.+
Iuunat ko ang kamay ko laban sa iyo at pagugulungin kita mula sa malalaking bato,
At gagawin kitang sunóg na bundok.”
26 “Ang mga tao ay hindi kukuha sa iyo ng batong-panulok o ng batong pundasyon,
Dahil magiging tiwangwang ka magpakailanman,”+ ang sabi ni Jehova.
27 “Maglagay kayo ng palatandaan* sa lupain.+
Hipan ninyo ang tambuli sa gitna ng mga bansa.
Atasan* ninyo ang mga bansa laban sa kaniya.
Ipatawag ninyo laban sa kaniya ang mga kaharian ng Ararat,+ Mini, at Askenaz.+
Mag-atas kayo laban sa kaniya ng tagapangalap ng sundalo.
Magsugo kayo ng mga kabayo na gaya ng mabalahibong mga balang.
28 Atasan* ninyo laban sa kaniya ang mga bansa,
Ang mga hari ng Media,+ ang mga gobernador nito at ang lahat ng kinatawang opisyal nito
At ang lahat ng lupaing pinamumunuan nila.
29 At ang lupa ay uuga at yayanig,
Dahil gagawin ni Jehova ang mga iniisip niya laban sa Babilonya
Para ang lupain ng Babilonya ay maging nakapangingilabot at hindi na panirahan.+
30 Ang mga mandirigma ng Babilonya ay tumigil sa pakikipaglaban.
Nakaupo sila sa mga tanggulan nila.
Wala na silang lakas.+
Naging gaya sila ng mga babae.+
Sinilaban ang mga bahay niya.
Winasak ang mga halang niya.+
31 Ang tagapagbalita ay tumatakbo para salubungin ang isa pang tagapagbalita,
At ang mensahero para salubungin ang isa pang mensahero,
Para ibalita sa hari ng Babilonya na ang lunsod niya ay nasakop na sa bawat panig,+
32 Ang mga tawiran ay naagaw,+
Ang mga bangkang papiro ay sinunog,
At ang mga sundalo ay takot na takot.”
33 Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel:
“Ang anak na babae ng Babilonya ay gaya ng isang giikan.
Panahon na para tapakan siya hanggang sa mapikpik.
Malapit nang dumating ang panahon ng pag-aani sa kaniya.”
Ginawa niya akong gaya ng sisidlang walang laman.
Gaya ng malaking ahas ay nilulon niya ako;+
Pinuno niya ang tiyan niya ng magaganda kong pag-aari.
Itinapon niya ako.*
35 ‘Mangyari nawa sa Babilonya ang karahasang ginawa sa akin at sa katawan ko!’ ang sabi ng nakatira sa Sion.+
‘At managot nawa sa dugo ko ang mga nakatira sa Caldea!’ ang sabi ng Jerusalem.”
36 Kaya ito ang sinabi ni Jehova:
Tutuyuin ko ang kaniyang ilog at mga balon.+
37 At ang Babilonya ay magiging mga bunton ng mga bato,+
Tirahan ng mga chakal,+
Isang bagay na nakapangingilabot at sinisipulan,
At walang nakatira.+
38 Magkakasama silang uungal na gaya ng leon.
Uungol silang gaya ng mga anak ng leon.”
39 “Kapag nag-iinit ang damdamin nila, maghahanda ako ng piging para sa kanila at lalasingin ko sila,
Para magsaya sila;+
Pagkatapos, matutulog sila nang walang hanggan
At hindi na magigising,”+ ang sabi ni Jehova.
40 “Pupuksain ko silang gaya ng mga korderong* kakatayin,
Gaya ng mga barakong tupa kasama ng mga kambing.”
Ang Babilonya ay naging nakapangingilabot sa gitna ng mga bansa!
42 Naapawan ng dagat ang Babilonya.
Natakpan siya sa dami ng alon nito.
43 Ang mga lunsod niya ay naging nakapangingilabot, isang lupaing walang tubig at isang disyerto.
Isang lupaing hindi titirhan at hindi dadaanan ninuman.+
Hindi na huhugos sa kaniya ang mga bansa,
At ang pader ng Babilonya ay babagsak.+
45 Lumabas kayo sa kaniya, bayan ko!+
Iligtas ninyo ang buhay ninyo+ mula sa nag-aapoy na galit ni Jehova!+
46 Huwag kayong panghinaan ng loob o matakot dahil sa ulat na maririnig sa lupain.
Sa isang taon ay darating ang ulat,
At sa kasunod na taon ay isa pang ulat,
Tungkol sa karahasan sa lupain at sa tagapamahala na laban sa isa pang tagapamahala.
47 Kaya darating ang panahon
Na babalingan ko ang mga inukit na imahen ng Babilonya.
Ang buong lupain niya ay mapapahiya,
At ang lahat ng napatay sa kaniya ay babagsak sa gitna niya.+
48 Ang langit at ang lupa at ang lahat ng naroon
Ay hihiyaw sa kagalakan dahil sa Babilonya,+
Dahil ang mga tagapuksa mula sa hilaga ay darating sa kaniya,”+ ang sabi ni Jehova.
49 “Hindi lang ang mga Israelita ang pinabagsak ng Babilonya;+
Ang lahat ng tagaibang bansa ay pinabagsak din sa Babilonya.
50 Kayong mga nakatakas sa espada, patuloy kayong tumakas, huwag kayong tumigil!+
Alalahanin ninyo si Jehova mula sa malayo,
At maalaala nawa ninyo ang Jerusalem.”+
51 “Napahiya kami, dahil nakarinig kami ng panunuya.
Napuno ng kahihiyan ang aming mga mukha,
Dahil sinalakay ng mga dayuhan* ang mga banal na lugar sa bahay ni Jehova.”+
52 “Kaya darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova,
“Na babalingan ko ang kaniyang mga inukit na imahen,
At sa buong lupain niya ay daraing ang mga nasugatan.”+
53 “Kahit umakyat pa sa langit ang Babilonya,+
Kahit pa patibayin niya ang matataas niyang tanggulan,
Sasalakayin siya ng mga tagapuksa na galing sa akin,”+ ang sabi ni Jehova.
54 “Makinig kayo! May humihiyaw mula sa Babilonya,+
Ang ingay ng malaking kapahamakan mula sa lupain ng mga Caldeo,+
55 Dahil winawasak ni Jehova ang Babilonya,
Patatahimikin niya ang malakas na tinig nito,
At ang mga alon nila ay huhugong na gaya ng maraming tubig.
Maririnig ang tinig nila.
56 Dahil darating sa Babilonya ang tagapuksa;+
Ang mga mandirigma niya ay mabibihag,+
Masisira ang mga pana nila,
Dahil si Jehova ay Diyos ng paghihiganti.+
Siguradong pagbabayarin niya sila.+
57 Lalasingin ko ang kaniyang matataas na opisyal at marurunong na tao,+
Ang kaniyang mga gobernador at mga kinatawang opisyal at mga mandirigma,
At matutulog sila nang walang hanggan
At hindi na magigising,”+ ang sabi ng Hari, na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo.
58 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:
“Ang pader ng Babilonya, kahit na malapad ito, ay gigibain,+
At ang mga pintuang-daan niya, kahit na matataas, ay susunugin.
Mawawalan ng saysay ang pagsisikap ng mga bayan;
Ang pinagpapaguran ng mga bansa ay mauuwi lang sa apoy.”+
59 Ito ang salita na iniutos ng propetang si Jeremias kay Seraias na anak ni Nerias+ na anak ni Maseias noong pumunta ito sa Babilonya kasama ni Haring Zedekias ng Juda nang ikaapat na taon ng paghahari niya; si Seraias ang pinunong tagapangasiwa. 60 Isinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat ng kapahamakang darating sa Babilonya, ang lahat ng salitang ito laban sa Babilonya. 61 Bukod diyan, sinabi ni Jeremias kay Seraias: “Pagdating mo sa Babilonya at makita mo siya, basahin mo nang malakas ang lahat ng salitang ito. 62 At sabihin mo, ‘O Jehova, sinabi mo laban sa lugar na ito na lilipulin ito at hindi na titirhan ng tao o ng hayop at na magiging tiwangwang siya magpakailanman.’+ 63 At pagkatapos mong basahin ang aklat na ito, magtali ka rito ng isang bato at ihagis mo ito sa gitna ng Eufrates. 64 At sabihin mo, ‘Ganiyan lulubog ang Babilonya at hindi na muling lilitaw+ dahil sa kapahamakang pasasapitin ko sa kaniya; at sila ay mapapagod.’”+
Dito natatapos ang mga salita ni Jeremias.